Chapter 54 : Shin "BABY!" Napangiti ako nang marinig ko ang sigaw ng asawa ko. Muntik nang umikot ang mga mata ng mother-in-law ko dahil sa reaksyon ni Kierson. Napahalukipkip ako sa wheelchair ko at hinintay ang pagpasok niya sa loob ng kitchen ng parents niya. "Palagi ka na lang nawawala sa mansion natin," sabi niya at yumakap sa leeg ko pero malakas na tinulak ko siya. "Dr. stranger, distansya po," supladang wika ko at para na naman siyang maiiyak sa akin. Ilang araw na rin ang nakakaraan since na-discharge ako sa hospital at walang araw na hindi ko siya inaasar. Madalas akong umaalis sa mansion namin and of course, nagpapasundo ako kina Lay at nagpapahatid sa mansion ng mga in-laws ko. Isa pang kinakatakot niya ay dinadala ko ang mga anak namin kaya feeling niya naglayas ako kas

