Chapter 55 : Intimate scenes WARNING: Matured contents. Read at your own risk. *** "Congratulations!" isa-isang bati sa amin ng mga tao na naging saksi ng pag-iisang dibdib namin ni Eson. Finally, pagkatapos nang sakitan naming dalawa ay sa simbahan lang pala kami mauuwi. Hindi ako nagsisisi na bigyan siya ulit ng third chance to prove himself na mahal na mahal niya nga ako. Masaya na ako, masaya na ako dahil tuluy-tuloy na ang takbo ng kuwento ng buhay namin. "I love you, so much, baby," mahinang bulong niya sa tainga ko at marahan na pinisil pa niya ang baiwang ko. Habang patuloy pa ring sumisigaw ng 'congrats' ang mga bisita namin at sinasabayan nang masagabong palakpak. "Congrats, mommy!" salubong sa amin ng tatlong bata at isa-isa namin silang niyakap. Pasimple kong pinuna

