Chapter 29: Palawan
SABAY-sabay kaming kumain ng dinner nina Reign at Rose Angelica. Madalas kong nahuhuli ang panaka-nakang sulyap ng doktor sa babae. At kung nahuhuli niya rin ang mga mata ko ay kaagad na umiiwas lalo na kung pinagtataasan ko siya ng kilay.
Masarap ang mga luto niya. Bakit masarap magluto ang mga doctor? Halos lahat ng kakilala kong lalaki ay marunong magluto. Parang ako pa ang nahihiya.
"Don't worry about my cloth, Maria. Kapalit naman nito ang masarap na luto. Ngayon lang ako nakakain ng maayos at masarap na dinner," nakangiting wika niya.
Maria, Maria ang tawag niya sa akin nang binanggit ko ang pangalan ko sa kanya.
"What do you do for a living?" I asked her.
"I'm one of the member of Bandang Rosas, the vocalist," sagot niya at kumunot ang noo ko.
Narinig ko na 'yon mula kay Lay. Ah... Ito ang madalas binabanggit ng kaibigan namin at parang iritado pa si Reign. Pero bakit hindi naman mukhang beast mode ang lalaki?
Parang masaya pa nga ito na makita ang ex-girlfriend niya.
"Ah..." sabi ko.
Pagkatapos ng dinner namin ay ako na ang unang nagpaalam at naiwan ko silang dalawa sa dining area.
Kahit kakakain ko pa lang ay humiga na ako sa kama at tuluyang nakatulog.
KINABUKASAN ay nagising ako ng mas maaga. 5AM at si Hersey kaagad ang inabala ko. Nanghiram ako ng phone kay Reign na nagising din dahil sa akin.
Sa halip na ipagpatuloy ang pagtulog niya ay dumiretso na siya sa dirty kitchen at maghahanda na lamang daw siya ng breakfast namin.
Nasa kabilang unit din siya pero natulog siya sa kuwarto ni Lay dahil sa akin. And speaking of Lay ay hindi na ito nakauwi pa kagabi.
I asked Reign kung ano ba talaga ang nangyari pero sinabi niya lang sa akin na si Lay na ang bahala roon at magiging maayos naman daw 'yon. Huwag na raw akong mag-isip ng mga bagay na makaka-stress sa akin.
Ang weird niya.
Nasa living room ako at kinakausap ko na si Hersey. Hindi pa nito sinagot kaagad ang tawag ko dahil unknown number daw. Isa sa pinakaayaw niya ang new number na kung may tumatawag ay hindi nito sinasagot.
"That's it? Ako na ang bahala kay Maria Conrad, Maria Xena. Leave her alone, okay? May meeting pala si Miamor sa Palawan. Sama ka? Isa ka sa bodyguard," kuwento nito sa akin.
"But on the second thought ay huwag na lang. Just take a rest there, Xena. Nasa moving on process ka pa."
"Pagkapanalo pala ni Miamor as a president ay sasama na ako sa 'yo papuntang Switzerland." Napangiti ako sa narinig.
Minsan nang nasabi sa akin ni Hersey. Sa oras na pagod na raw siya at gusto na niyang mag-move on for real ay pupunta na kami sa Switzerland.
"Right, isama natin ang pinsan kong si Marshin," sabi ko.
"Oh, that's a good idea. Para mabaliw na ang magkaibigang doctor."
"Hindi na ako hahanapin no'n. Masaya na siya at may bago ng pamilya," saad ko at mapait pa sa ampalaya ang boses ko.
"Let's see, then. Gusto ko lang talaga na umalis na sa bansa bago pa...maikasal ang asawa ko sa iba. Saka...inaayos ko na ang annulment namin. Bago pa niya malaman na kasal siya sa akin ay gusto ko na wala na ako rito," mahabang wika niya.
"Good for you, Hersey. Compared sa pinagdaanan ko ay mas complicated ang sa 'yo. The forgotten wife," sambit ko at narinig ko lang ang paghalakhak niya mula sa kabilang linya.
Pagkatapos nang pag-uusap namin ay nagpaalam na siya. Kailangan niya raw mag-ayos ng mga damit niya na dadalhin sa Palawan.
"GUSTO kong gumala," pagpaparinig ko sa kasama kong lalaki.
Buong araw akong nakakulong sa loob ng condo ni Lay at hindi ako hinayaan nito na makalabas.
"No. Ang sabi sa akin ni Cyan ay huwag kang palabasin," sabi nito nang hindi nakatingin sa akin at nakatutok lang ito sa hawak niyang tablet at nasa kabilang kamay niya ang phone niya.
"Am I prisoner here, doctor?" malamig na tanong ko at nabitawan niya ang hawak-hawak niyang gadgets.
Ganoon ang boses ko kapag nasa Mafia world ako o nakikipag-negotiate sa mga kalaban namin o sa mga alliance namin.
"Don't give me that tone of authority, Xena. Doctor lang ako at tinatakot mo pa ako. And just call me Reign," sabi nito at pinulot ang nahulog na tablet and phone nito.
"Come on, hahayaan kitang lumabas. Pero ngayon lang po."
Para akong batang excited na mamasyal at sumunod kay Reign.
Gusto ko talagang gumala dahil Padang magkakasakit ako kung nasa condo lang ako.
Hindi naman ako ganito noon. Mas prefer ko ang magkulong sa mansion namin kaysa ang gumala.
But these past few days ay nararamdaman ko na may kakaiba sa katawan ko, I mean parang may nagbago sa akin.
Pagkalabas namin ay naabutan naman namin si Rose Angelica na may bitbit na traveller bag. Naka-shade ito.
"Where are you going?" Reign asked her.
"Ah, sa airport. May tour kasi kami papuntang Palawan."
"Ihahatid na kita," diretsong sabi nito at inagaw na ang luggage ng babae. Napangisi ako. Pasimpleng dumada-moves si kuya.
"Ihatid na muna natin siya, Xena," sabi nito sa akin.
"Okay lang kahit sumama ka pa," nakangising sabi ko at napakamot naman siya sa batok niya.
"Whatever."
***
We reached the airport at nagpaiwan ako sa kotse. Hinatid talaga ni Reign ang babae sa loob. Nakakatuwa, eh. Halatang mahal pa niya si Rose Angelica pero p--
Natanggal ko bigla ang sunglasses ko nang makita ko ang pamilyar na pigura ng isang lalaki. S-Si Kierson.
K-Kasama niya ngayon si Conrad. Napangiti ako ng mapait. Hindi niya ako hinanahap kagabi? Ni hindi niya ako hinabol noong umalis na ako sa mansion namin.
Mas pinili niya talaga si Conrad. Mahal na ba niya ang babaeng ahas na 'yon? Kaya mas pinili niya akong bitawan?
Nakangiti siya. Parang hindi siya umiyak kagabi. Tama...iniyakan niya ako noong pinapili ko siya. Ako ba o ang magiging anak nila?
Ramdam ko talaga na ayaw niya akong pakawalan. Naipit lang siya pero in the end, ang kapakanan pa rin ng mga anak niya ang pinili niya.