Chapter 13: The mother of his child
"There's still a chance, Cyan can understand you," giit ko pa sa kanya.
"Not his feelings," kontra na naman niya.
"Gimme a hard drink, Mr. Bartender," sabi ko sa bartender. Napansin ko kasi na tapos na siya sa ginagawa niya at nakamasid na lamang sa amin.
He's guwapo. I can say that. Medyo maangas lang ang dating niya. "Call me, Ark, Ms. Beautiful," malapad na ngiti niyang sambit.
"Queen, bigyan niyo po ako ng task ngayon," singit na saad ni A sa akin.
"By killing someone, you want it?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. Tumaas lang ang sulok ng labi niya.
"Oh, how I love to kill someone lalo na kung may galit ka sa kanya, Xena," nakangising saad niya. Nabasa niya yata na may galit ako sa nais kong ipapatay sa kanya. Tsk. Ang daling bumasa sa facial expression ng isang tao. Kay Cyan lang siya, stup*d.
"Carter Firm, CCTV footage, comfort room, kung may makikita kang isang lalaki at isang babae. 'Yon ang target mo, kill her and make sure na hindi mo masasaktan ang lalaki," mariing saad ko.
"Noted," tumatangong sagot niya at walang paalam na tinalikuran lang ako.
Wala pang ilang minuto ay may umupo na sa tabi ko. Sa presensiya pa amang niya ay alam ko na kung sino 'to.
"Saan pupunta ang reaper mo, Xena?" kaagad na tanong niya sa akin.
"You mean your fiancé?" tila bored na tanong ko naman sa kanya at biglang sumeryoso ang face niya.
"Is that your fiancé, boss?" the bartender asked him at may inilapag na siyang drink sa akin na kaagad ko itong tinanggap at sumimsim.
Napapikit-mata ako ng dumaloy sa lalamuman ko ang may kapaitan na may katamisan din na alak.
Masyado itong matapang pero masarap sa sikmura, eh. Malamig din.
"And what about that, Arkanghel?" seryoso ang tono ni Cyan. Wew, Arkanghel pala. Mala-Santa ang name pero mukhang barumbad* si Mr. bartender.
"Nanghingi ng task, eh. May target ngayong gabi, nagselos 'ata sa babae mo at kailan ka pa nambabae?" takang tanong ko sa kanya.
"When she was around," I heard Ark murmuring.
"Task?"
"Killing," diretsong sagot ko at nagmamadali na siyang tumayo. Tumakbo patungong exit ng club niya. Alam ko na kahit na may galit 'yon kay A ay hindi naman niya hinahayaan na may papatayin si Arvinne kung wala naman itong dahilan o kung hindi naman ito sindikato.
I told you, Cyan is a good guy. A good keeper.
"What's her name?"
"Arvinne," bored na sagot ko kay Ark.
"Oh, what a beautiful name for a beautiful lady," wala sa sariling komento niya. "How about you?"
"Xena," bigkas ko sa pangalan ko.
"Are you in a relationship?" amused na tanong niya. Napaisip naman ako.
"What if I'm not?" sa halip na tanong ko.
"Want to hook w--"
"Try and I'll sue you," pagpuputol ng isang KSP na lalaki na bigla-bigla na lamang sumulpot.
"And who are you?" Ark asked him, coldly.
"None of your business," balewalang sagot nito at hinila na ako sa braso.
"Hindi ko pa nauubos ang wine ko," I uttered. Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Umikot ang eyeballs ko. Ang hilig mangaladkad.
"Are you done f*cking your woman, darling?" I mocked him. He gritted his teeth, I burst out laughing because of his reaction.
"At gumaganti ka naman?" tila tunog ng kulog ang boses niya. Malamig at nakakatakot.
"Huh? What did I do? I'm just talking with Ark," depensa ko.
"At pinagkaila mo pa talaga na wala kang asawa?" panggigisa pa niya sa akin.
"I am not," umiiling na wika ko.
"And look at your foot! Dumurugo na naman!" ngayon pasigaw na ang boses niya. Napahalakhak na lamang ako.
Narating namin ang parking lot nang hindi ko namamalayan.
"Get in," aniya at sabay na binuksan ang pintuan ng kotse niya.
"I have my car, Eson."
"E-Eson? What was that?" tila gulat na tanong niya sa akin at salubong ang kilay.
"Nickname ko for you," ani ko at tinuro ko ang kotse ko. "Convoy tayo, Eson," saad ko at wala siyang nagawa nang tinungo ko ang Ford Ranger ko. Hinaplos ko pa ang hood ng sasakyan ko saka ako sumakay rito.
Sinulyapan ko ang asawa ko na naiwan lang nakakatulala roon. Napangisi ako. Bumusina ako at napaigtad pa siya dahil sa gulat. Binaba ko ang salamin ng bintana ko at bahagyang nilabas ang ulo ko.
"Come on, Eson. We need to go home. May utang ka sa akin. You cheated at dapat mo akong ipaghanda ng dinner!" sigaw ko sa kanya at binuhay ko na ang makena ng sasakyan ko.
Mabagal lang ang pagmamaneho ko at hanggang sa magkatapat ito sa kotse ni Eson. Inayos ko lang ang sunglasses ko saka ko pinaharurot ang kotse ko.
I smirked nang makita kong napapalayo na ako mula sa kanya.
I reached our home in just 15 minutes. Pagdating ko roon ay may maid na. Nasa mid-40s ang isa at 20s naman ang pangalawa. Simple lang ang babae at okay, cute siya.
Napahinto ako nang makita ko ang babae ng asawa ko. Georgina.
"And what are you doing here?" walang bahid na emosyon na tanong ko sa babae. Prenteng nakaupo lang ito sa solo-sofa namin at sumisimsim ng orange juice.
Tumaas ang kilay niya. "Pinapunta ako rito ni Kierson," confident na sagot niya sa akin at sumandal pa siya likod ng sofa.
"Where is he, by the way? Ilang oras na akong naghihintay rito," saad pa niya at linaru-laro pa ang straw ng juice niya.
"Sa 'yo ba ang pulang sasakyan sa labas?" sa halip na 'yon ang tinanong ko sa kanya.
"Yes," kibit-balikat na sagot niya.
Napangisi ako sa naisip. "Get out, I want you to see something. That can make your brain burn into ash," malapad na ngiti na saad ko at tumaas ulit ang kilay niya.
She looks curious, she stood up from her seat at nauna pang lumabas sa akin.
"Ready yourself, b*tch," I murmured.
Sumakay ako sa isang Ferrari na pagmamay-ari ng asawa ko. Black ang kulay nito. Walang susi pero may ways ako kung paano ito mapaandar.
"What is it?" naiiritang tanong niya.
"Excited, eh? Wait a second, darling."
Minamaneho ko nang patalikod ang kotse nang dahan-dahan until nasa tapat na ako ng kotse ni b***h. Alam niyo na kung ano ang nais kong mangyari ngayon.
I made it sure na maayos ang seatbelt ko. She's stupid na hindi man lang naisip ang gagawin ko.
"Here we go, baby," bulong ko at kasabay na pinaderetso ko ang kotse. Sinagasaan ang kawawa niyang sasakyan.
Hindi lang isang beses, paulit-ulit kong ginawa at alam kong malaki ang pagkakayupi nito hindi lang ang kay Georgina. Pati ang minamaneho ko.
Umalingawngaw sa villa ang tunog ng kotse naming dalawa at nakikita ko ang reaction niya. Her jaw dropped on the floor.
Umusok ang kotse at doon na ako huminto saka ako bumaba. Inayos ko pa ang nagulo kong buhok at satisfied na ako ngayon.
"f**k, Xena! What the f**k are you doing?!"
LUMAGAPAK ang tunog nang pagkakasampal ko sa asawa ko. Nagulat siya at bahagyang tumagilid pa ang ulo niya.
Nakaawang ang mga labi nang titigan ako sa mga mata ko. "I told you not to bring your woman inside our home," malamig pa sa yelo ang boses ko nang sabihin ko 'yon sa kanya.
Napakurap-kurap pa siya at humalukipkip pa ako. Naririnig ko ang pag-iyak ng babae dahil sa kawawa niyang kotse.
"I don't do that. May isang salita ako, Xena. I don't have any idea kung bakit siya narito. Believe me, wala akong alam," depensa niya at nababasa ko na sincere naman siya sa sinabi niya. Pero hindi ko lang maiwasan ang masaktan.
Sa malamang may babae ang naghihintay sa kanya at siya pa ang nagpapunta sa bahay namin? How's that? Double kill.
"Maybe, I can't hurt your woman physically. But I can even destroy their property or worst thing I can do, ruined their career, too. Keep in your mind na tahimik akong kumikilos para mabigyan ng leksyon ang p*tang*na mong mga babae," mariing saad ko and I even have a guts to raised my middle finger at him. And after that, I turned my back from him.
I can't endure the pain ng dalawang beses. Hindi ko nga nakayanan ang isa tapos dadagdagan pa niya? F*ck him.
Pabagsak na humiga ako sa malambot na kama at saka ako dumapa. I closed my eyes. Hiningal ako sa ginawa ko kanina pero nabawasan naman kahit papaano ang bigat sa dibdib ko.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at ang pagbuntong-hininga nito.
"I'm sorry for the messed, Xena," dinig kong paghingi niya ng paumanhin. I mentally rolled my eyes. Mens like that, when they hurt a girl. Sorry lang ang sasabihin nila. As if makukuha nila sa isang sorry ang isang taong nasaktan nila? f**k them all.
"Hindi ka ba nasugatan? Delikado ang ginawa mo kanina, Xena," he added, sounds worried. Tumagilid ako nang pagkakahiga ko at nagulat ako nang tumabi siya sa akin. He hug me.
"I'm sorry."
"Maybe, this is the right time to met the mother of your child," I mentally said that.
Baka magtitino siya, 'no? Pero hindi ko naisip na mas worst pa pala 'yon. Na mas masakit pala talaga ang naisip ko. f**k!