CHAPTER 14

1876 Words
Chapter 14: Maria "I DON'T think it's a good idea. Having a baby maker? Xena, are you insane?" my best friend asked with disbelief. Kunot na kunot ang noo niya at umaawang din ang bibig niya. She looks stressed all the sudden. Nasa Better & Bitter restaurant kami. Napahalukipkip lamang siya at umiiling-iling. Habang ako ay inabala ko ang paningin ko sa loob ng resto, lalo na 'yong magpamilya. Doon napapako ang atensyon ko. Minsan na akong nangarap na magkapamilya. Lalo na ang magkaroon ng anak. 'Yong galing sa akin. Pero paano ko 'yon matutupad? Kung inunahan na ako ng tadhana. I can't bare a child at kahit siguro magkakaroon ako ng anak ay hindi rin naman papayag ang asawa ko na anakan ako. Mas nanaisin pa niyang magkaroon ng anak sa iba kaysa sa sarili niyang asawa. Feeling ko malaki ang galit niya sa akin. Tsk. Mapaklang napatawa na lamang ako sa mga naiisip ko. Ang dami kong pagkukulang bilang asawa niya, honestly speaking. "Xena?" tawag niya sa atensyon ko. Napakurap-kurapako saka ako bumuntong-hininga. "Can you find me a fine young lady that can bare my husband's child, Hersey? Gusto ko ngayon na mismo," saad ko at narinig ko pa ang malakas na pagsinghap niya. Dahilan na halos mapalingon sa direksyon namin ang mga tao. But knowing Hersey? Wala siyang pakialam, kahit maging center of attention na siya. Kahit siguro presidente ng bansa kung nasa kanya na ang atensyon ay wala rin siyang pakialam. Except sa magiging senator namin at soon na magiging president of the Philippines. "I am serious, Hersey. Ako naman ang kikilalanin na ina ng bata. Hindi man ako ang biological mother ay sa korte man ay may karapatan ako dahil magiging adaptive ko ang bata. Attorney ako at alam ko ang ganyang paraan. Hindi pera ang igagamit ko, utak lang 'yan at connection," nakangising saad ko at napapailing na naman siya. Nasa tapat ko lang siyang nakaupo at pinaglalaruan lang niya ang pineapple juice niya na gamit ang straw nito. "Magkaibigan nga tayo, Xena. Parehong martyr at bulag sa pag-ibig, o baka bingi rin?" natatawang sabi pa niya at ako naman ang umiling. Pareho kaming napatigil sa pagsasalita nang may estrangherong babae ang sumulpot out of nowhere. Table for two lang ang upuan namin ni Hersey, kung kaya't kumuha pa siya ng isa pang chair at dinala 'yon sa puwesto namin para makaupo siya. "Good morning, ladies," pormal na bati niya sa amin. Malakas ang presensiya na, I mean parang may kilabot at talagang malamig pa sa yelo ang boses niya. Nakaka-intimidate at masyado siyang pormal. Nakasuot siya ng sunglasses na mas malaki pa kaysa sa akin. May black facemask din siya. 'Yong buhok niya ay mataas ang pagkakatali at parang inikut-ikot lang din ang dulo. Kaya visible ang maputi at makinis niyang batok. Red plain dress above the knee ang damit niya at black leather jacket. May black stocking din siya at black high heels na 4 inch ang taas nito. Parang celebrity ang kasama namin, ah. "Who are you?" nakataas na kilay na tanong ko sa babae. Naka-black hand gloves pa siya. Hinawakan niya ang suot-suot niyang sunglasses at ibinaba 'yon sa matangos niyang ilong kahit may facemask pa siya. Halata 'yon, eh. "I'm Miamor Ferarra," nakangiting sambit niya sa pangalan niya. Nagulat ako pero hindi ko 'yon pinahalata sa kanya. Nice, may pagka-weirdo rin pala ang tatakbo bilang senator and so on, magiging president pa. "Nice outfit, Ms. Ferarra," Hersey commented. "Thank you, my dear bodyguard." "I heard your conversation," saad niya at tinaasan ko siya ng kilay. Tinanggal niya ang facemask niya at ang sunglasses nito. Kumuha pa siya ng maliit na salamin at tinapat ito sa mukha niya. My jaw dropped on the floor. "What did you do to your face?" gulat na tanong ko sa kanya. May pasa kasi siya sa left cheek niya at putok ang labi nito. Natuyo na nga ang dugo nito, eh. Pero hindi man lang nabawasan ang ganda niya. Bilugan ang mata niya na kulay abo, matangos ang ilong at manipis ang labi. "Ganito ako mahalin ng lalaking mahal ko, eh," parang balewalang sagot niya at nagkibit-balikat pa. "Don't tell me, may asawa ka na at battered wife ka pa?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Of course not! Naging stalker lang ako ng asawa ng lalaking mahal ko," sagot niya at tipid na ngumiti saka ibinalik ang suot-suot niyang protection sa face niya. "Brokenhearted ka?" Hersey asked her and any moment ay matatawa na siya. "We are destined to meet each other, parehong brokenhearted. Ang pinagkaibahan lang natin, si Xena," turo sa akin ng kaibigan ko bagay na ikinataas ng isa kong kilay. "She's married, sa lalaking mahal niya. Ako," pangbibitin niya at tinuro naman niya ang sarili niya, "kasal nga ako pero hindi naman ako naaalala nito at ikaw naman, Ms. Ferrara, ikaw ang pinaka-hopeless sa ating tatlo dahil kinasal na pala ang mahal mo at talagang wala ka ng pag-asa pa," dagdag nito at tuluyan na siyang natawa pero kaagad na napahinto siya at napatingin sa customer na kakapasok lang din. Napangisi ako at dinig ko pa ang mahihinang tawa ni Miamor Ferrara. Tila masaya siya sa naging reaction ng kaibigan ko. Wala sa sariling napainum siya ng drinks niya. "Hay buhay," sambit ng kasama namin at sumandal sa likod ng upuan niya. "Hopeless man, at least ako may anak na," nakangising saad niya sabay na tiningnan ako. Napaubo naman si Hersey at namimilog ang mga matang tiningnan si Ms. Ferrara. "You've got to kidding me!" "Pero ano ang feelings na makita ang asawa mo kasama ang girlfriend nito? Worst thing is kasama pa ang anak niyo?" ako naman ang gumisa kay Hersey. Napatingala siya at mariin na magkapalat ang labi niya. "Anak ko naman, sa akin nagmula at kahit hindi na ako mag-adapt pa ng bata, akin siya, sa akin siya nagmula," ismid na wika niya. Sa pagkakataon na 'yon ay nagkaisa kami at parang tadhana talaga ang magkakasama-sama kami. In that situation ay lumapit ang loob namin ni Hersey kay Miamor. Parehong sawi sa pag-ibig. Pero nanatiling malakas at matatag. *** "Baby? Who is she?" salubong na tanong sa akin ng asawa ko nang makauwi ako na may kasamang babae. Maganda siya, mukhang mahinhin base na rin sa mga kilos niya. Parang takot makabasag ng mamahaling gamit namin sa loob ng mansion. Nakayuko pa ito pero hindi ko nakitaan na nangangamba. Parang normal lang ito sa kanya. Tauhan siya ni Hersey, siya ang kinuha ng best friend ko. Isa pa na may hitsura ang babae ay mabait daw ito. Magaling lang daw itong mag-alaga ng bata at hindi sa gawaing bahay. Ewan ko sa kaibigan ko kung bakit ito ang kinuha niya. Dati raw itong babysitter ng anak niya. At para maiwasan daw na mahulog ang loob ni Kierson sa babae. 'Yong imperfection nito ay turn off daw kaagad ang mga lalaki. Parang ako lang din. Napabuntong-hininga na lamang ako. Wala pa mang resulta ang ginagawa ko ay parang pinipiga na ang puso ko. "Siya 'yong magiging ina ng anak mo," malamig na sagot ko at tinalikuran sila. Nasa punong hagdan na ako nang maisip kong sumulyap sa baba. Nanatiling nakatayo ang dalawa at hindi man lang gumalaw si Kierson. Pero tuluyan na rin akong tumalikod nang makitang humakbang siya palapit sa babae. Sinara ko ang pintuan at dito sumandal. Napahawak ako sa dibdib ko at may umagos na luha rito. Dumausdos ako pababa at napaupo sa sahig. Nahihirapan akong huminga dahil sa pagsikip ng dibdib ko. Ngayon, ramdam ko ang pagsisisi ko. Mas lalo lang yata ako nasaktan. Tama nga si Hersey, hindi ito magandang ideya. Pero wala akong magagawa. Nangyari na at dapat maging handa ako sa susunod na mangyayari sa buhay namin ng asawa ko, kasama si Maria. TAHIMIK kaming nagsasalu-salong kumain ng dinner namin. Magkatabi kami ni Kierson habang nasa tapat namin nakaupo si Maria. Tanging tunog ng kubyertos at plato lang ang maririnig sa loob ng dining room. Iba ang atmosphere ngayon. Masyadong mabigat at awkward. Maria Conrad, ang pangalan ng babae. Ayon kay Hersey. Gusto ko sanang humanap pa siya ng iba pero hindi na sumang-ayon ang kaibigan ko. Aanakan lang daw ng asawa ko, eh ako pa raw ang choosy. Hindi naman sa ganoon pero 'di ba ang weird naman kung same name kami ng babae? Hindi ko feel, eh. "Maria." "Huh?" napapikit-mata ako nang sabay kami ni Maria na napalingon kay Kierson. This is what I mean. Dimwit, alam kong hindi ako ang tinawag niya! Pero para akong kakapusin nang hininga. Dahilan ng pagsikip na naman ng dibdib ko. "B-bakit?" tanong ni Maria. Napayuko ako at kumain na lang. Hays. "Pumunta ka sa guest room after this at hintayin mo ako roon. Ngayon tayo gagawa ng baby," dinig kong wika niya at humigpit ang pagkakahawak ko sa kubyertos ko. Habang ang kaliwang palad ko ay naikuyom ko ito. Ang sakit pala, ang sakit pala talaga marinig ang mga katagang iyon. Sh*t, feeling ko mamamatay ako. Makita ngang may kahalikan siyang ibang babae at nagwawala na ang buong sestima ko. Tila may arrow pa ang tumama sa puso ko dahil sa sobrang sakit nito. Paano pa kaya kung may bunga na ang ginawa nila? Ewan ko lang kung makakaahon pa ako. Natapos ang dinner time namin at nasa loob na ako ng kuwarto namin. Nakatulalang nakatingin lang ako sa mga papers at report ko para sa bagong kasong hahawakan ko. Hindi ko namalayan na umaagos na naman ang mga luha ko sa aking pisngi. Mahinang tinapik-tapik ko pa ang dibdib ko. "Kaya mo 'yan, Xena. Kaya mo 'yan. Siyam o sampung buwan ka lang magiging pansamantalang manhid, hindi ba? Kaunting panahon lang, please. Heart, makisama ka naman sa akin," pagkakausap ko sa sarili ko. 10 pm, patagilid na nakahiga na ako sa kama namin. Alam ko sa mga oras na ito ay natutulog na ang asawa ko sa tabi ng babaeng iyon. Nakakatawa, right? This is my idea pero ang hirap palang panindigan. Ako ang may gusto p-pero ang sakit pala! Parang napapaso at nasusunog ang puso ko. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Umuga ang kama, senyales na may katabi na ako at unti-unti kong nararamdaman ang mga braso niya sa baiwang ko at ang paghigpit ng yakap nito mula sa likuran ko. Sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. Mas umagos lang ang masagana kong luha. Napatakip ako sa bibig ko para hindi makagawa ng tunog dito. "As I promised, sa 'yo pa rin ako uuwi," mahinang bulong niya. "Good night baby," he whispered before I drifted into oblivion. As what I've expected, nagbago ang pangyayari sa buhay naming mag-asawa. Magigising ako kinaumagahan na wala na sa tabi ko ang asawa ko. Madadatnan ko na lamang siya na ipinagluluto ng agahan si Maria pero hindi naman sila nag-aagahan na hindi ako kasama. At mas inaalagaan pa niya lalo ang babae kaysa sa akin. Parang naging hangin na naman ako sa paningin niya at hindi nag-eexist sa buhay niya. Pero sa tuwing pumapatak ang gabi ay tatabi siya sa akin at may mangyayari sa amin. Pero sa umaga, si Maria lang ang nakikita niya. That hurts is killing me. Pero ginusto ko ito kaya paninindigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD