Chapter 15: Kierson's baby
"I TOLD you na hindi 'yon magandang ideya!" asik sa akin ni Hersey.
Nasa loob kami ng Amor Restaurant, kasama namin si Miamor Ferrara na kasalukuyang may kausap na politicians kasama ang ama nito. Nasa private room sila ng resto.
Presidente ng bansa ang daddy niya at talagang susunod siya sa yapak nito. Dalawa lang silang magkakapatid at pareho pang babae. Kung sana may kapatid lang siyang lalaki ay iyon ang ipipilit ng ama niya. But sad to say ay wala.
"Wala na, nangyari na, eh. Kaya paninindigan ko na lamang," sabi ko at napabuntong-hininga siya.
"Young miss! Huwag po kayong malikot!" Napatingin kami sa babaeng tumatakbo palapit sa batang paika-ika pang maglakad.
Batang babae at color black lahat ang suot niya. Siguro 1 or two years old pa lamang ito.
"Young miss!" natatarantang saad ng babae at maging kami ay ganoon din.
Napahakbang kami palapit sa batang babae nang binilisan nito ang paglakad patungo sa amin. Nakakababa kasi nakakatakot kung madadapa siya bigla, hindi pa masyadong maayos ang paglalakad niya.
Napahagikhik ang bata nang makalapit na nga siya sa amin. Napaluhod kami ni Hersey sa floor ng restaurant.
"Ang likot mo, baby girl," natatawang saad ni Hersey.
Napapalakpak pa siya. Ang ganda niyang bata. Medyo kulot ang buhok niya.
"Naku, salamat po! Napalikot lang po ng young miss namin," ani pa niya at binuhat ang bata pero umiyak lang ito. Nakatingin ito sa amin at tila nais niyang magpakuha sa amin.
"What's her name?" Hersey asked the girl.
"Meriah Amor Ferrara po ang pangalan ni young miss," nakangiti niyang sabi. Maski ang pangalan niya ay ang ganda rin.
"Kaanu-ano niya ang presidente?" ako naman ang nagtanong. Ferrara, it means kamag-anak nito ang president.
"Bunso po niyang anak si young miss."
"Ang tanda na ni Miamor bago siya nasundan?" natatawang saad ni Hersey kaya sinagi ko siya.
Ang daldal ng best friend ko ngayon. Tahimik lang kasi siya, eh. Para ngang may sariling mundo. Tss.
"I heard my name, hi, my Amor," singit ni Miamor at biglang tumahan sa pag-iyak si Amor at inabot ang kamay nito. Binuhat naman niya ito at humilig sa balikat niya ang bata.
I can even read her eyes, punung-puno ng amazed at pagmamahal. Iba ang trato niya sa bata base sa observation ko. Hindi pagmamahal bilang kapatid, dahil higit pa ro'n.
"Iwan mo na muna kami," maawtoridad na saad ni Miamor. Napayuko ang mga babae at tumalikod na.
Muli kaming napaupo ni Hersey sa puwesto namin kanina. "She's not your sister," I said out of nowhere. Hindi nabigla ang kasama namin.
"Kamukha mo siya," ani Hersey.
"She's my daughter but it's just a secret. Alam niyo na, tatakbo bilang senator ang mama niya and so on, magiging president na," proud pa niyang saad. Malapad pa ang ngiti niya habang hinahaplos nito ang ulo ng bata.
Sinabi niya ito nang walang pag-aalinlangan. Parang hindi siya nabahala man lang. Dahil ba malaki ang tiwala niya sa amin? Kakilala pa lang niya sa amin, ah.
"Bakit mo sinasabi 'to sa amin?"
"I trusted you, ladies," aniya at hindi pa rin nabubura ang ngiti sa labi.
"Who's the father, then?" Hersey asked her.
"He's now married, kaibigan siya ng asawa mo," sagot niya at napaisip ako.
Sino sa mga kaibigan ni Eson? Pero wala pa man akong nakikilalang kaibigan na lalaki ng asawa ko. Oh! Maliban kay Cervin Raeson Vesalius, may anak na 'yon. Kasal na pero impossible naman na siya ang ama ng bata. Si Dr. Taki kaya? Pero hindi rin, halatang may lahing Chinese 'yon.
Hindi rin si Lervin de Cervantes, na asawa ng kaibigan ng pinsan kong si Marshin. Dahil may kinababaliw-an 'yon na ibang babae. Ang babaeng kasal na sa matalik na kaibigan nito. Wait...
"Don't tell me, it's Dr. Jaickel San Amero?" hindi makapaniwalang saad ko.
"Then, I won't tell you."
Shit!
PAGKARATING ko sa mansion namin ay nadatnan ko sa kusina si Conrad, Maria Conrad. I don't want to call her Maria. Parang sarili ko lang ang tinatawag ko, eh.
Nagpapaturo siya sa pagluluto at mukhang masaya pa siya. Napa-cross arms ako habang lumalapit sa puwesto nila.
Dalawang linggo na rin naman ang nakalipas simula nang nanatili siya sa poder naming mag-asawa. And mind you, guys. Parang miserable ang buhay ko sa loob ng dalawang linggo. Imagine, hindi ako pinapansin ni Eson sa umaga at feeling ko itong babae niya ang tunay niyang asawa. At ako, isang malaking sampig sa buhay nila at kabit dahil sa gabi lang ako may silbi.
"Bakit mo ginagawa ito, hija? Bakit nais mong ipagluto si sir Kierson?" dinig kong tanong ng isa naming kasambahay na may edad na. Namamangha pa siya.
"M-masama po ba?" mahinhin ang boses niya ng itanong niya 'yon.
"Hindi naman, Maria. Natutuwa nga ako dahil nais mong matutong magluto at ipagluluto mo pa si sir Kierson. Eh, ang asawa nga niya ay hindi man lang naisip ang bagay na ito. Tiyak na kung magaling ka nang magluto ay baka ma-in love sa 'yo si sir! Lalo pa na magkakaanak na kayo," daldal pa ng matanda at nawalan ako ng emosyon sa mukha. Tumaas ang isang kilay ko dahil ang lakas ng loob niyang sabihin 'yon.
"You are in the middle of your work, pero nagawa pa niyong maki-tsismis sa isa't-isa?" malamig na tanong ko sa kanila at pareho pa silang nagulat. Nabitawan ng matanda ang hawak-hawak niyang sandok. Napayuko naman si Conrad. Nanginig sa takot.
"Trabaho lang dapat. At sino ka para sabihin 'yon?" tanong ko naman sa matanda. Simula pa lang na makita ko ang pagmumukha ng matandang ito ay hindi ko na gusto ang ugali niya. Mapanglinlang.
"Manang, sa ating dalawa. Ako ang mas may karapatan sa pamamahay na ito at hindi ikaw. Sino ang nagsabi sa 'yo na mahuhulog ang asawa ko sa babaeng ito kung magaling na siyang magluto? Nagpapatawa ka ba? Kung marunong ba ang isang babae na magluto ay madaling mahulog ang mga lalaki?" sarcastic na tanong ko at paulit-ulit siyang humingi ng paumanhin sa akin. Likas na matigas ang puso ko sa ganitong pag-uugali nila kaya wala akong pakialam sa kanila. Kahit umiyak pa sila ng dugo at mamatay habang nakaluhod.
Huminto ako sa tapat ng babae at mariin na hinawakan ko siya sa panga niya upang mapatingala siya at matingnan niya ako sa nag-aapoy kong mga mata. Hindi ko nagustuhan ang ginagawa niya ngayon.
"Maria Conrad, matuto kang lumugar sa pamamahay ko. Aanakan ka lang ng asawa ko at hindi magiging chef. Do you think, gusto ko ang sitwasyon na ito? Importante ka lang dahil ikaw ang magiging ina ng anak ng asawa ko. Pero matapos mong iluwal ang bata ay ibabalik kita sa pinanggalingan mo. Wala ka ng karapatan sa bata dahil ako ang tatayong bilang ina niya," malamig na saad ko at nakita ko pa ang paglandas ng mga luha niya sa kanyang pisngi.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa panga niya kaya halos bumaon na ang kuko ko sa balat niya.
"M-madam... B-bitawan po ninyo si Maria. H-huwag niyo po siyang sasaktan..." pagmamakaawa sa akin ng matanda kaya nandilim ang paningin ko sa kanya.
Marahas na tinulak ko siya kaya nawalan siya ng balanse. Nagmamadaling tumulong sa kanya ang ibang kasambahay. Habang ang babae naman ay tahimik na humihikbi.
Nagawa pa niyang ipagtanggol sa akin ang babae na ito. Hindi naman ako masama. Pinalaki ako nang maayos ng parents ko. Ang mang-api ng kapwa ang una nilang hinabilin sa akin pero mukhang nalabag ko ang pangaral ng parents ko.
"T-tama na, p-pakiusap..." Napangisi ako. Sa puntong ito ay parang ako ang kontrabida at siya ang bidang babae na inaapi sa kuwentong ito.
"Miss, tandaan mo na hindi ka papatulan ng asawa ko."
"Tama n-na... B-buntis ako. B-buntis ako...huwag mo na akong saktan pa, p-pakiusap..." Dahil sa sinabi niya ay roon ako natauhan.
Napatulala ako at unti-unti ko nang nararamdaman ang kirot sa dibdib ko. Para na naman itong natutupok ng apoy. Nakuha niya ako dahil sa katagang iyon.
Parang huminto ang mundo ko at nanghina ang katawan ko. Heto na, h-heto na ang resulta ng ginawa ko. Nasa harapan ko na. Mas masakit pala.
B-buntis siya, buntis siya. M-may anak na ang asawa ko sa kanya. M-may bata na sa sinapupunan ng babae.
"Iwan niyo 'ko ngayon din!" malakas na sigaw ko sa kanila. Dahil sa takot ay nagmamadali silang lumabas. Nakita ko pa ang maingat na pag-alalay nila sa babae.
Napahawak ako sa dibdib ko at parang may buhay ang mga luha ko na umagos lang.
"AAAHHH!" sigaw ko at halos maputol ang ugat sa leeg ko dahil sa lakas ng boses ko.
"AAAHHH!" muling sigaw ko. Ramdam ko ang ugat sa noo at leeg ko. Mahigpit na nakakuyom ang kamao ko at dumiin ang kuko ko rito. Maski ang ugat sa kamay ko ay lumalabas.
Ang sakit sa dibdib at kung hindi ko lang ilalabas ang sakit na ito ay mas bumibigat lalo. Mas sumasakit, ang sikip-sikip at para akong kakapusin nang hininga.
Inilabas ko ang maliit kong pistol sa baiwang ko. Walang pag-aalinlangan na pinutok ko ito sa loob ng kitchen. Umaalingawngaw ang putok ng b***l ko at sinasabayan ko pa nang malakas na hagulgol ko at sigaw.
Ngayon ko mas na-realize na wala akong silbi. Ang dami kong pagkukulang. Wala nga talaga akong kuwenta bilang asawa ni Eson.
Naubos ang bala ng b***l ko kaya mas lalo akong nainis. Sirang-sira ang kagamitan sa loob at may umuusok na rin. Parang any moment ay may sasabog na bagay sa loob.
Marahas na tinapon ko ang b***l sa sahig at kinuha ko ang upuan saka buong puwersa kong tinapon. Tumama ito sa kabinet na pinaglalagyan ng mga baso. Nasagi pa ang baso na ginawa lang decorations. Salamin lang ito kaya nabasag. Pero hindi ako ro'n tumigil. Lahat ng upuan ay hinahagis ko sa pader at sa ibang direction kung saan mas marami ang masisira. Magulo na sa loob, nagkakalat na ang bubog na nabasag.
"I'm hopeless! I am f*cking hopeless! URRGGGH!"
Narinig ko lang ang salitang 'buntis' ay mabilis akong nawala sa sarili. Ang lakas ng impact no'n sa akin.
Nang mapagod ako ay sumalampak ako sa sahig at humikbi nang kay lakas-lakas. Nag-uulap ang mga mata ko dahil walang awat sa pagtulo ang mga luha ko.
Sa ganoong posisyon ako naabutan ng asawa ko.
"F*ck, Xena! What did you do?!"
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko kaya bahagyang umangat ang katawan ko. Nakayuko lang ako at mariin na napapikit-mata ako.
"Baby... What's wrong?" tanong niya sa akin sa malambing na boses. Lumakas pa yata ang paghikbi ko dahil ngayon lang ulit, ngayon lang ulit niya akong napansin nang hindi gumagabi.
Naramdaman ko ang kamay niya sa baiwang ko at dinala niya sa dibdib niya ang ulo ko kaya napasubsob ako roon. Mahigpit na niyakap niya ako at pilit na inaalo pero pabida ako, eh.
Hindi ako tumigil sa kakaiyak ko dahil parang nakahanap pa ako nang kakampi ko ngayon.
"I'm here... Stop crying, now baby..."
"Ang s-sakit..." I uttered.
Sobrang bigat, sobrang sakit sa dibdib. Ang lakas-lakas din ng pagkabog sa dibdib ko at tila naririnig ko ang mga butong nababali sa loob.
"Saan? Saan ang masakit? N-nasaktan ka ba?" nag-aalala niyang tanong sa akin.
Kinuha ko ang kamay niya at dinala ito sa dibdib ko. Kung saan 'saktong nasa tapat nito ang puso kong paulit-ulit na nadudurog at walang katapusan na paghihinagpis.
"A-ang sakit..." hingal na hingal na wika ko bago ako nawalan ng malay.