CHAPTER 16

1928 Words
Chapter 16: Pain MASAMA PA rin ang loob ko nang magising ako ng 8:45 ng gabi. Hindi pa rin nawawala ang sakit sa dibdib ko. Mas dumoble pa 'ata ang sakit nito nang makita ko si Eson na kasama si Conrad. Inalalayan niya itong makababa mula sa hagdan at ingat na ingat talaga siya. Nasa baiwang nito ang braso niya habang ang isa ay nakahawak sa siko nito. "Be careful," dinig kong saad niya. "May gusto ka bang kainin?" tanong ulit ni Eson kay Conrad, masyadong malambing ang boses niya bagay na nagpapasakit na naman sa damdamin ko. Mahigpit na kumuyom na naman ang kamao ko. Umaagos ang luha ko na hindi ko na naman namamalayan. That should be me. Ako dapat ang inaalalayan niya. Ako dapat ang inaalagaan niya. Ako dapat ang nasa posisyon ng babaeng iyon. Ako dapat ang nagdadalang-tao. Ako dapat 'yon, ako dapat! At ako na sana! Ako na sana. A-ako na lang sana, eh... "Gusto ko 'yong luto mo," dinig kong sagot ng babae at mapait na ngumiti ako. Ilang saglit lang ay hindi ko na sila naririnig na nag-uusap kaya lumabas na ako mula sa kuwarto namin. Hindi ako gumawa ng kahit anong ingay at tahimik na lumabas ako mula sa loob ng mansion namin. Akmang sasakay na ako sa Ford Ranger ko nang may humintong puting sasakyan sa tapat ko. Bumaba ang bintana no'n at sumilip ang nakahalukipkip na si Lay. "Hop in, Xena," walang bahid na emosyon na wika nito at hindi na ako sumagot pa. Sumakay na ako at nakita kong si Hersey ang nagmamaneho. Malamang sa kanya ang sasakyan na ito. Nandito rin si A, si Arvinne na may sariling mundo. Naka-headphone, nakasandal sa likod ng upuan nito at nakapikit mata. "Maglalabas daw ng sama ng loob si Hersey. Bakit hindi sa inidoro?" kunot-noong tanong ni Lay bagay na ikinatawa ni Hersey. "Ibang sama ng loob kasi 'yon," ani Hersey. "Pumunta na lang sana kayo sa club ko at maglaklak ng alak doon. Gusto niyong ubusin pa ninyo at nang marami akong kita ngayong gabi," iritadong saad nito. "Malulugi na ba ang club mo at gusto mong bilhin ko na kaagad ang mga alak mo? Gusto mo bilhin ko pa ang club mo at maging kaluluwa mo?" malamig na tanong ko sa kanya at napalunok siya. Napakamot siya sa batok niya. "I'm just kidding, Xena," anito at nag-peace sign pa. Nagising 'ata si A dahil tahimik na nagmamasid na lamang sa amin. *** "Gusto mong lumaban kay Chingfu? Xena, look at him. Ang laking tao niya, oh! Kamay lang niyan ay mabigat na," hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Hersey. Nasa arena kami, kung saan legal ang pakikilaglaban dito. Mano-mano, matataas din ang pustahan dito. "Gusto kong maglabas ng sama ng loob, eh," balewalang saad ko. Malaki lang ang katawan niya dahil mataba siya. Pero walang-wala naman siya sa galing ko sa Martial Arts. Bihasa ako sa ganitong labanan at noon pa man ay ginagawa ko na ito. "Bugbog sarado ka pa, naku. Ako na lang ang lalaban para sa 'yo!" masiglang saad niya at akmang pupunta na sa ring nang pigilan siya ni Lay. "Hayaan mo si Xena ang makipaglaban at magpustahan na lamang tayo," nakangising sabi niya at hinila niya sa braso si Hersey. "Ipupusta ko ang club ko, Xena for the win!" ani Lay. "Iyong company ko naman para kay Xena," saad naman ni Hersey. Napailing ako habang si A ay napahampas sa noo niya at hinilot pa nito. Mukha siyang na-stressed sa dalawa. "Teka, paano tayo mananalo niyan kung pareho ang manok natin?" nagtatakang tanong ng kaibigan ko at sinamaan ko sila nang tingin dahil sa sinabi niyang manok. Mukha ba ako manok? "Ang lakas ng loob niyong makipusta at ang negosyo niyo pa, tapos ako lang pala ang pipiliin niyo? Mga g*go," sabi ko at sabay na tumakbo sila sa ring at doon makikipusta. "Si Chingfu laban kay X! Nasaan ba si X?" tanong ng lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay siya ang may-ari nito. "Oh! What we have here, guys! Babae pala ang lalaban kay Chingfu!" anito at masayang-masaya pa siya. Hinubad ko ang long sleeve ko at iniwan ang sport sando ko na kulay itim. Narinig ko ang iilan na pagsipol ng mga lalaki at ang malakas na hiyawan nila pero hindi ko na 'yon pinansin. "Ang hot mo, babe!" "Naku, huwag ka na kay Chingfu! Sa akin na lang!" Iilan pang komento ang maririnig ko ba nang lumalapit ako sa ring. Walang saplot pang-itaas ang tinutuloy nilang Chingfu at gumagalaw pa ang dibdib nito. "Ay teka lang X! Hindi mo tatanggalin ang sunglasses mo?" tanong nito sa akin kaya napataas ang kilay ko. "Nasa rule ba 'yon?" tanong ko naman at awkward na tumawa pa siya. "Sabi ko nga, X!" MAGKAHARAP na kami ngayon ni Chingfu at nainis ako sa malapad na ngisi niya. Tumaas ang kilay ko at napasunod ang mga mata ko sa dibdib niyang gumagalaw. May lahing Chinese ang Chingfu na ito dahil maputi siya at singkit ang mga mata nito. Mukha siyang malambot at siya na ang tinaguriang champion dahil walang nakakatalo sa kanya. Ang laki niya at ang taba pa. Pagkatapos sabihin ng lalaki na sisimulan na ay nawindang ang utak ko nang tumakbo palapit sa akin si Chingfu. "YAAAH!" sigaw nito. Napaatras ako at umawang ang labi ko. Parang nayanig ang mundo dahil sa pagtakbo niya. Umalingawngaw ang sigaw ng taong nanonood sa amin. One thing is for sure ay nasa ere na ako. "f**k!" mahinang mura ko. Sa leeg at sa likod ng hita niya ako hinawakan habang buhat-buhat niya ako mula sa noo niya. Ang akala ko ba ay susuntukin niya ako kaagad? Iyon kasi ang inaasahan kong mangyayari. Hindi pa naman ako gumalaw dahil gusto kong pag-aralan ang bawat kilos niya para malaman ko ang kahinaan niya. "HIYAAAH!" sigaw niya sabay hagis sa akin kaya muntik na akong mahilo sa ginawa niya. Hindi naman ako nasaktan sa pagkakahagis niya sa akin dahil malambot nga ang ring pero hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya. Hindi pa man ako nakaka-get over nang umangat na naman ako sa ere. Ganito ba siya makipaglaban? Ganito ba ang ginagawa niya kaya siya nananalo? Ihahagis lang niya ang mga kalaban niya at malamang mahihilo ang mga ito. "Chingfu! Chingfu!" cheer up ng karamihan sa kanya at muli akong hinagis. Nagpapatawa ba siya? Sinilip ko ang mga kasama ko at parang bored na bored silang nanonood sa amin. Umayos ako nang pagkakatayo at hindi ko napaghandaan ang pagtama ng braso niya sa mukha ko. Nandilim kaagad ang paningin ko. s**t! Tama nga si Hersey! Kamay lang nito ay napaka-bigat na! Paano pa kaya-- "Oh my God, Xena!" dinig kong sigaw ni Hersey kasabay na may mabigat na tumapon sa katawan ko. Halos mawalan ako ng ulirat dahil pakiramdam ko buong bahay ang bigat nito. Feeling ko lalabas ang laman ko sa katawan dahil lang sa paglundag ni Chingfu sa katawan ko at hindi pa siya umalis mula sa likuran ko. Sana pala si Hersey na lang ang lumaban. Hindi ako bugbog sarado rito pero lalabas naman ang lamang loob ko. Mula sa peripheral vision ko ay may lalaking umakyat sa ring at lumapit sa puwesto namin. Ni-role lang nito ang sleeves niya hanggang siko at binigyan nang malakas na suntok sa panga si Chingfu. At dahil nakaupo siya sa likod ko ay bumagsak siya pero hindi naman ako nadaganan nito. Bigla huminto ang hiyawan ng mga tao at napatayo pa ang mga ito dahil sa gulat. N-NATALO si Chingfu, dahil lang sa isang suntok ng lalaking 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ng mga ito. Napaubo pa ako dahil hiningal ako sa pagkakadagan ng taba na ito sa akin. May umalalay naman sa akin pagtayo ko at nagsalubong ang kilay ko. "W-what are you doing here, Eson?" gulat na tanong ko. "Dapat ako ang magtatanong niyan sa 'yo. Anong ginagawa mo rito at sa ganitong oras pa? Dapat nasa bahay ka lang at nagpapahinga!" sigaw niya kaya napaatras ako. Malamig at nababalot ng itim ang aura niya. Walang bahid na emosyon. Napatingin ako kay Chingfu. May putok sa labi at wala ng malay. Kung hindi lang niya ako dinaganan ay baka suntok din ang aabutin nito sa akin pero naunahan lang ako ng asawa ko. Panira rin siya. "Ipapasara ko 'to," biglang saad niya at napalapit ang lalaki sa amin. "Eh, sir. B-bakit mo naman po ipapasara 'to?" namumutlang tanong ng lalaki. "Bakit hindi? Muntik nang mamamatay ang asawa ko dahil sa walang kuwentang lalaki na 'yan!" sigaw niya na malamig pa sa yelo ang boses niya. Napahilot ako sa sentido ko dahil ang OA niya. Hindi naman ako mamamatay nang ganoon-ganoon lang, right? OA lang siya. "Eh, sir..." "Shut up! Ipapasara ko talaga ito!" saad pa niya at kinaladkad na ako. Sinipa pa niya ang paa ni Chingfu na hindi man lang nagising. *** Nakarating kami sa mansion nang hindi nagkikibuan. Kumikirot ang panga ko dahil sa pagtama ng braso ni Chingfu kanina. "N-nasaan si Conrad?" takang tanong ko nang mapansin kong wala rito ang babae niya at maging kasambahay nito. "Nasa condo ko siya pansamantala, kasama ang mga kasambahay. Hindi ko mapapalagpas ang ginawa mo kanina, Xena. Alam mong buntis si Maria at nagpaputok ka pa ng b***l kanina! Sinira mo pa ang kusina at ngayon aalis ka nang hindi nagpapaalam at madadatnan kita sa arenang iyon?!" pagalit na bulyaw niya sa akin at napahawak ako sa dibdib ko. Humakbang siya palapit sa akin dahilan nang pag-atras ko pa. "Simula ngayon ilalayo ko na muna si Maria mula sa 'yo. Ayokong mapahamak ang anak namin dahil sa init ng ulo mo," saad pa niya at iniwan akong mag-isa. Natulala ako nang mag-isa na lamang ako sa loob ng mansion namin. "Iniwan niya ako... Iniwan niya ako?" parang baliw na wika ko at napaluhod. Pero nang matauhan ako ay hinabol ko siya. "Wait lang, Eson! Hey! Huwag mo naman akong iwan dito! Bumalik ka!" sigaw ko at hindi man lang niya ako pinansin. Patuloy pa rin siya sa paglakad. "Kierson! You promised na sa akin pa rin naman uuwi! Eson!" Napahinto ako ng may balang tumama sa sunglasses ko dahilan ng pagkasira nito. Nahigit ko ang hininga ko at naramdaman ko ang pagkirot sa gilid ng tainga ko. Nawalan ako ng balanse at parang nabingi ako. Wala akong narinig na kahit ano. Pero nakita ko pa ang papalayong sasakyan ng asawa ko at ang kasabay na may kamay ang tumakip sa bibig ko. Nagawa ako nitong hilahin dahil hindi ako nakakilos. "Eson..." sambit ko sa pangalan ng asawa ko pero hindi ko alam kung nabigkas ko ba 'yon dahil hindi ko naman narinig ang boses ko. Naramdaman kong binuhat ako ng kung sino mang lalaki at tinakbo papalayo. Mamamatay na 'ata ako ngayon ng walang kalaban-laban? Pero bago 'yon bumalik ang pandinig ko nang may lalaking humarang sa tapat namin. Nakatutok ang b***l nito sa amin kaya nagawa akong bitawan ng lalaki. "Pakakawalan mo siya o isasabog ko sa bungo mo ang bala ng b***l ko?" nakakatakot ang boses niya ng sabihin niya iyon. May dumaan namang malamig na metal sa leeg ko at umagos ang dugo ko. Nanlaki ang mga mata ng lalaking kaharap namin at malakas na tinulak ako nito. Nasalo naman ako kaagad pero kumaripas na nang takbo ang lalaki. "What the f**k?!" malutong na mura niya. "B-bakit bumalik ka pa?" sa nanghihinang boses ko. Mabilis na pinangko niya ako. Pinikit ko ang mga mata ko. "Just open your eyes, Xena! Don't sleep!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD