CHAPTER 17

1595 Words
CHAPTER 17 : Jealous One month later... It's been a month since I runaway from the hospital. One month na rin ang nakalipas noong may trahedyang nangyari sa akin. Gumagaling na nga ang sugat ko sa leeg pero hindi ko na nakita ang asawa ko. Ang sabi pa ni Lay ay nag-aalala raw sa akin ang asawa ko noong gabing iyon. Parang takot na takot daw akong mamatay. Dinala pa niya ako sa hospital at nakarating iyon kay papa, kaya napilitan din ako na umalis no'n sa hospital. I'm not safe there. Iyon na sana ang pagkakataon ko na alagaan naman ako ni Eson, pero hindi nangyari, eh. Nasa tapat na ako ngayon ng mansion namin. Excited pa akong makita ang asawa ko. Nag-aalala kaya siya sa akin? Ano ba ang magiging reaction niya kapag nakita niya ako? Yayakapin ba niya ako nang mahigpit? Hahalikan? Nagsimula akong humakbang palapit sa pintuan. Na-missed ko rin ang atmosphere sa mansion namin. Mas lumawak ang ngiti ko nang makita ko ang asawa ko na kalalabas lang sa kusina. Pero nawala ang ngiti ko nang makita ko si Conrad. Nakakapit ito sa braso ng asawa ko at malapad ang ngiti ang nakapaskil sa labi niya. Parang may tumarak na patalim ang bumaon sa dibdib ko. Dahilan na hindi ako makahinga nang maayos. Pero bumalik sa dating expression ang mukha ko. Cold, apathetic and emotionless. "Let me guess, babae ang magiging anak natin," dinig kong sabi ni Eson kay Conrad. Mariin na naipikit ko ang mga mata ko dahil ang sakit sa puso ko ang katagang binigkas niya. "N-no. It's a boy. Panganay na anak natin siya at gusto ko ay lalaki para dala-dala niya ang surname ng pamilya niyo," ani ni Conrad. She looks happy and looks like...parang sila ang totoong mag-asawa at ako? Isa lang akong kontrabida sa buhay nila. Nasaan na ang excitement, Xena? Nasaan na? Nasaan na ang inakala mo na magiging reaction ng asawa mo? Iba ang nadatnan ko. Mukha naman siyang hindi nag-aalala sa akin. Parang pabor pa sa akin ang mawala ako. I'm a worst, then? Napayuko ako at pilit na pinipigilan ang sarili ko na huwag akong lumuha. Ayoko nang ipakita pa sa kanila na mahina ako at lalo na ayokong kaawaan ako ni Conrad. Alam kong may balak siyang agawin sa akin ang asawa ko... "Xena?" dinig kong tawag sa akin ng asawa ko at nag-angat ako nang tingin sa kanya. Wala namang emosyon ang mukha niya kaya mas lalo lang akong nasaktan. "Kailan ka nakabalik?" tanong niya sa akin pero hindi ako nakasagot dahil tila nalunok ko ang dila ko. "Xena," he called my name, again at napatingin ako sa braso niya na nakapulupot sa baiwang ni Conrad. I look at him straight in the eyes. Mapait na ngumiti ako. "Did I missed something? You looks good together," I said in a cold tone. "I started to doubt about this. What am I to you, Eson? I feel like I am a villain here. How's your feeling when I'm gone? Are you worried about me or not? It seems you are happy with her though, should I leave now, then? Parang hindi ako parte ng buhay mo, eh. Nawala lang ako ng isang buwan ay ang dami na ang nagbago. Like, close na kayong dalawa. O baka pabor naman sa inyo ang mawala ako?" mahabang saad ko bagamat walang bahid na emosyon iyon. Binalingan ko nang tingin si Conrad na ngayon ay nakatingin din sa akin pero hindi mukhang guilty sa ginagawa niya. Napayuko siya at hindi kayang matitigan ang nag-aalab kong mga mata. "Conrad, matuto ka ring lumugar. Ang role mo ay maging ina lang ng anak ng asawa mo. We have contract, after you delivered his child. You're out of the picture, so take the money and leave my house," I added with authority in my voice. PAGKATAPOS kong sabihin 'yon sa kanya ay saka ko sila tinalikuran. Alam kong pareho silang nagulat. Dapat lang. Masyado silang masakit sa mata. "Xena..." tawag sa akin ng asawa ko pero hindi ko siya kinibo. Sinundan ako ni Eson sa kuwarto namin pero nanatili pa rin akong walang imik. Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama namin at naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko. "Stay where you are," malamig na usal ko nang maramdaman ko ang paghakbang niya palapit sa akin. Sinunod naman niya 'yon at ang pagbuntong-hininga na lamang ang maririnig ko mula sa kanya. "If I can bare a child, it's a f*cking useless, too. Ayaw mo rin naman na magkaroon ng anak sa akin. I regrets my decision, Eson. My friend is right, having your baby maker wasn't a good idea. But I can't do anything about it, nandiyan na, eh. Nandiyan na ang resulta na ginawa ko..." usal ko sa mahinang boses at nararamdaman ko na ang mainit na likidong naglandas sa pisngi ko. "Maria Conrad is nothing, pero mukhang masaya kang makasama mo siya," saad kong at mapaklang tumawa. "Of course, she's carrying my child. What do you expect?" Nagtagis ang bagang ko nang sabihin niya 'yon. Natigil din sa pagluha ang mga mata ko at mas nawala pa lalo ang ekspresyon sa mukha ko. Nag-angat ako nang tingin sa kanya at sinalubong naman niya 'yon. "I don't need your opinion," malamig na sabi ko. Tumayo ako at humakbang palapit sa kanya. "And I don't need your f*cking permission when it comes to Conrad. Sa anak mo ka lang may karapatan. Sa babaeng 'yon wala. And try to flirt her again at nang may kalalagyan ang babae mo." Kumislot ang puso ko nang hinaplos niya ang pisngi ko. Natigilan ako at parang hinabol ng maraming kabayo ang puso ko. "I see, you're jealous. I'm sorry for that, baby. Since you were here, let's pretend that you are pregnant. Bibilhan na natin ng mga gamit ang anak natin. Sounds great, right, baby?" *** "How about this? Mas maganda ba ang kulay na ito, Maria?" nakangiting sabi ni Eson kay Conrad. Kasalukuyan kaming nasa Mall of Asia para mag-shopping sa baby cloths ng anak niya. Pero isinama pa niya ang babaeng ito na dapat kaming dalawa lang. Nakakapag-init ng ulo na lalo pa na nagmumukha akong katulong na naka-sunglasses naman. Kung may napipili si Eson na mga bagay ay mas mauuna pa niya itong ipapakita kay Conrad at kung magugustuhan man nito ay kaagad na ilalagay sa loob ng cart pero mabilis na tinatanggal ko 'yon. "I don't like the color. Boring," walang bahid na emosyon na saad ko. Ibinalik ko sa pinaglalgyan nito ang pajama set ng baby na color peach. Hindi naman nagrereklamo ang asawa ko pero nahuhuli ko pa rin ang palihim na pag-ismid ni Conrad kaya tinataasan ko siya ng kilay. Masuwerte lang siya dahil naanakan siya ng asawa ko. "Maria, you okay?" my husband asked her, with a worried voice. I raised my eyebrow nang makita kong nakahawak sa tiyan si Conrad. Four weeks na ang batang dinadala niya at wala pa naman siyang baby bumps. I suddenly felt jealous. Ako sana 'yon, eh. Ako sana ang nagdadalang-taopero ang malas ko pa rin. Nahigit ko ang sarili kong hininga nang hinaplos niya ang tiyan ni Conrad. Sa marahan na paraan at tila sinasakal ako no'n sa leeg. Eson, hindi mo lang alam. The way you touched her gently, slowly, I felt a heartaches inside me. Sa ganitong ways lang, Eson. Nagagawa mo na akong saktan. Hindi mo lang namamalayan o kahit hindi mo sinasadya ay nadudurog na ang puso ko. Ang makita ka lang kasama si Conrad at may anak pa kayo ay tila unti-unti na ako nitong pinapatay. But I can't blame you, right? This is my idea at paninindigan ko ang ginawa ko. But I think, pabor naman ito sa asawa ko. "Maria..." Mariin na pinikit ko ang mga mata ko dahil sa malambing na boses niya at ang pangalan na binibigkas niya. Sana tinatawag mo rin akong ganoon. Pangalan ko rin naman 'yon, Eson. Sana tawagin mo rin akong Maria... "O-okay lang ako, biglang sumakit lang ang tiyan ko," sagot niya sa mahinhin na boses. Hanggang saan? Hanggang kailan ka magpapanggap, Conrad? Alam ko na hindi ganyan ang pag-uugali mo. May nakatago pa. Ilang segundo pa ang nakalipas ay tila maduduwal na siya. Mas lalong napataas ang kilay ko. Tumingin sa side ko si Maria na nakakunot-noo. I rolled my eyes. "A-anong amoy 'yon, Xena? May naaamoy ako sa 'yo," aniya at napaseryoso ang mukha ko. Close kami? Tinatawag niya akong Xena, eh? "And what do you think is that? Sinasabi mo bang mabaho ako, huh? Nasa iisang kotse lang tayo kanina tapos ngayon mo lang napansin ang amoy ko?" malamig na tanong ko sa kanya. Uminit bigla ang ulo ko sa kanya. "Xena, stop it. She's pregnant, understand her." Marahas na binalingan ko nang tingin ang asawa ko dahil sa sinabi niya. Hinubad ko ang blazer ko at binato ito kay Conrad. Sapol sa mukha niya, it's too late para humarang si Eson. Napaatras ito dahil sa gulat. "Xena!" asik sa akin ni Eson. Nagtatagis ang mga bagang niya nang tingnan ako. Masyadong madilim ang bakas ng mukha niya. He's mad, because of this f*cking b*tch?! "Go home, I don't want you here. Go home, before I drag you out from here." Kusang humakbang ang mga paa ko paalis do'n because of those words. Parang patalim ang mga kataga niya. Naikuyom ko ang magkabilang kamao ko at naramdaman ko ang pagbaon ng kuko ko sa balat ko. I am f*****g jealous, and a f*****g hurt! Damn it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD