PROLOGUE
NAGTATAKA akong napabaling kay Mang Serafin nang hindi ang highway pauwi sa bahay namin ang tinutumbok niya.
“Saan po tayo pupunta, Mang Fin?” magalang kong tanong sa matandang lalaki na halos lolo na rin ang turing ko. Siya ang itinalaga ng mga lolo’t lola ko na maghatid-sundo sa akin sa school ever since na mag-aral ako kaya naman kami talaga ang halos palaging magkasama.
Hindi umimik si Mang Serafin. Hindi na lang ako namilit pa. Siguro ay hindi lang niya ako narinig at baka nasa pinapakinggan niyang kanta sa radyo ang atensyon niya.
Isinuot ko na lang ulit ang headphone ko at nakinig sa Ipod ko bago ko ipinikit ang mga mata ko. I fell asleep probably for an hour or so. Muli rin akong nagmulat nang maramdaman ko ang pagtigil ng kotse. My brows immediately furrowed when I saw the familiar two-story house right in front of us.
Bumaling ulit ako kay Mang Serafin at nakakunot ang noo ko siyang tinanong. “Ano po bang ginagawa natin dito? Where’s—” Hindi ko pa natapos ang pagtatanong ko nang biglang bumukas ang pinto sa backseat. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang nagbukas ng pinto. “Lolo?” sambit ko pagkakita ko sa abuelo ko. Nagtaka pa ako dahil seryoso ang mukha niya. Inalalayan niya ako sa paglabas ng kotse at saka ko siya hinarap. Masayahin ang lolo ko pero sa pagkakataong iyon, malungkot ang mga mata niya na para bang galing sa pag-iyak kaya lalo akong nagtaka. Habang tinititigan ko ang namumula niyang mga mata, hindi ko napigilan ang mapalunok, pagkuwa’y kusang tumahip nang malakas ang dibdib ko sa hindi ko maintindihang dahilan.
“L-Let’s go, hija,” namamaos na yaya niya sa akin saka niya ako hinawakan sa kamay. Malamig ang kamay niya at para bang nanginginig. Napapitlag pa ako nang marahan niyang pinisil ang kamay ko saka ako hinila papasok sa loob ng gate.
I was so confused. Pinilit kong alisin ang lahat ng agam-agam sa dibdib ko. I’m at my parent’s home. At kahit pa nga lumaki ako sa pangangalaga ng lolo’t lola ko, lagi rin naman akong pumupunta rito kapag bakasyon ko sa school o kaya ay may okasyon.
“Are they back, Lolo?” usisa ko sa kaniya tungkol sa family ko habang kaagapay ko siya papasok sa bahay. I tried my best to sound happy and excited. Dapat naman na iyon talaga ang maramdaman ko. Mahigit isang buwan ko ring hindi nakita ang family ko mula nang pumalaot sila gamit ang private yacht namin.
Lolo cleared his throat but didn’t utter any response to my question.
Lalo pang lumalim ang mga gitla sa noo ko nang pagpasok namin sa may garden ay may mangilan-ngilang mga tao ang naroon na pawang nakatingin sa gawi namin. Looking at us as if someone died.
Para akong itinulos sa kinatatayuan ko sa naisip ko. Hindi ako makagalaw at nahirapan akong huminga. Come to think of it. This is quite unusual na hindi si mommy ang sumalubong sa akin sa pagdating ko sa bahay nila. Tapos, isang beses lang din niya ako tinawagan simula nang mag-sail to their last destination gamit ang yacht ni daddy. Well, minsan naman ay pumapalya talaga siya sa pagtawag sa ‘kin ng more than one-week lalo kapag dire-diretso ang paglalayag nila from one destination to another. Hindi… hindi ako dapat mag-isip ng kung ano pa man!
Pero, mas lalong bumigat ang nararamdaman ko habang papasok ako ng bahay dahil hindi ko maiwasan ang mag-isip. I stopped walking in front of the door, right before my lolo opened it, then I stared at him.
“Where’s mommy, lolo?” tanong ko ulit sa kaniya. I was serious.
Humugot ng hininga si lolo at saka marahas iyong pinakawalan bago mataman akong tinitigan.
“Kahel… let’s get inside first,” pilit niya sa akin. Binuksan niya ang pinto at saka ako hinawakan sa balikat bago iginiya papasok sa loob.
I wanted to ask him tons of question but my tongue went numb and my throat went dry.
My lolo sighed deeply when I turned to him again. He avoided my eyes and instead, guided me towards the sofa where my lola was sitting.
“L-Lola!” I called then ran towards her. “W-What happened? Where’s mom and dad? Where’s ate?” sunod-sunod kong tanong sa kaniya nang magsimula na siyang humagulgol at yakapin ako nang mahigpit. Pakiramdam ko ay unti-unti akong nanghihina sa uri ng pag-iyak ng lola ko at sa higpit ng yakap niya sa akin.
“Kahel…” tawag niya sa pangalan ko saka mas lalo pang hinigpitan ang pagyakap sa akin.
I started to have an idea of what’s really going on. But I chose to ignore my thoughts and started caressing my grandmother’s back.
“W-Why are you crying, lola?” mahina ang boses na tanong ko sa kaniya. I was a bit scared but I tried so hard to hold back my emotions.
Bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin habang si lolo naman ay tumabi rin sa pagkakaupo ko sa sofa saka nila parehong hinawakan ang kamay ko.
“Apo… y-your mom… y-your dad… y-your ate…” My lola’s voice was trembling and before she could continue, she started crying again.
“They’re missing, hija.” Si lolo na ang tumapos ng sinasabi ni lola. He also started sobbing.
Napakunot ang noo ko. Hindi ko kaagad nakuha ang sinabi ng lolo ko. Hindi kaagad rumehistro sa utak ko ang ibig niyang sabihin.
“W-What are you saying, lolo?” tila ba nagugulumihanang tanong ko sa kaniya.
My lolo inhaled deeply and sharply released it with a ton of emotins written in his face.
“Nawawala sila, hija,” ulit ni lolo sa sinabi niya kanina.
Marahas akong umiling habang mas lalong nanlalalim ang gitla sa noo ko. “N-no! How come? Imposible. T-They went s-sailing…” nanginginig ang boses na sabi ko. I bit my lower lip to suppress my cry, pero kusang dumaloy ang mga luha sa pisngi ko. Takot, pagkalito at maraming tanong ang bumabagabag sa puso ko sa mga sandaling iyon.
Hinawakan ni lola nang mahigpit ang kamay ko na tila ba binibigyan niya ako ng lakas.
“T-They found the yacht a week ago pero wala ang parents at ate mo sa loob… they tried searching the area pero hanggang ngayon, hindi pa rin sila natatagpuan,” patuloy na paliwanag ng lolo ko, trying his best to be as calm as possible, for her and for her grandmother.
“No! No! No!” humahagulgol kong sambit habang marahas akong umiiling.
Pakiramdam ko ay pinipilas ang bawat hibla ng puso ko habang inaalala ko ang huling pag-uusap namin ni mommy. She said that she has a surprise for me. I even thought that they are coming back this week dahil ang sabi niya ay huling sail na raw nila iyon this year.
I stood up and tried to run upstairs para magbakasakali na makita ko roon ang family ko, pero bumigay na ang tuhod ko sa panlalambot. Napaluhod ako sa sahig. Mabilis akong inalalayan ng lolo ko na sumunod pala sa akin. Mabilis niya akong niyakap at saka hinagod ang likod ko. Doon na ako nagsimulang magpalahaw ng iyak. Ayokong paniwalaan ang mga sinasabi nila. Ayokong paniwalaan ang lahat kahit pa nga kinakain na ng pag-aalala at takot ang dibdib ko.
“K-Kahel…” salo ni lola sa akin nang tuluyan na akong mapalugmok sa lapag habang panay ang pag-iling ko… hoping that none of this is real.
“Daddy ko!!!” sigaw ko sa pag-asang magigising ako ng sarili kong sigaw. “Mommy ko!!!” sigaw ko ulit, hoping na mabawasan kahit kaunti ang sakit na nararamdaman ko. “Ate ko!!!” humahagulgol kong hiyaw pa ulit, wishing na babalik ako sa reyalidad at magigising sa isang masamang panaginip.
Ngunit kahit ilang beses akong sumigaw, kahit ilang beses kong ipikit-dilat ang mga mata ko, kahit ilang beses kong saktan ang sarili ko, iyon at iyon pa rin ang nakikita ko. An empty staircase. Wala ang mommy ko, ang daddy ko at ang ang ate ko para tingnan kung bakit ako umiiyak at sumisigaw. Now, this house that used to be so lively is just an empty shell and in my mind, it’s starting to crumble down.
Tiningala ko ang Lola ko. Sumasamo ako na sana ay gisingin niya ako sa bangungot na ito. Ngunit kapareho ko’y umiiyak din siya. Wala na ring pagsidlan ang pagluha niya pagdaka'y muli niya akong ikinulong sa mahigpit niyang yakap.
“Lola... b-bakit? M-Mom said… she said that she has a surprise for me… she said…” sambit ko sa pagitan ng paghikbi. Naroon ang munting hiling na sasabihin sa akin ng lola ko na biro lang ang lahat ng ito. Na prank lang ito. I’ll accept it, kahit ba masamang biro ito. Tatanggapin ko makita ko lang ulit ang family ko.
Ngunit bigo pa rin ako. Ang lahat ng pag-asa ko ay gumuho nang mas lalong lumakas ang pag-iyak ng lola ko sabay yakap sa akin nang mas mahigpit pa. Hindi ko alam kung saan ako kinakapos ng hininga. Kung sa higpit ba ng yakap ng lola ko o dahil sa paninikip ng dibdib ko dahil sa mga nangyayar?. Si lolo naman ay umiiyak na rin dahil bagsak na ang balikat niya sa kawalan ng magagawa at masasabi.
“I should have been with them. D-Dapat sumama ako p-para—” pagsamo ko na agad na pinutol ng isang saway ni lolo.
“Kahel Colline!” tawag niya sa ‘kin sag alit na paraan. And when I lifted my head, I saw the pain and anger in his face.
Mas ibinaba pa niya ang tingin sa ‘kin at saka ikinulong ang mukha ko sa dalawang palad niya bago niya akong pinakatitigan. Iyong titig na puno ng pagmamahal. Iyon titig na nangangako na kahit na anong mangyari ay hindi niya ako bibitiwan at pababayaan. Kami ni lola.
“I’m here. Your lola’s here. We are still here. Your parents, your ate… they are just missing. They’re not dead. We still have hope. Let’s pray that they will be found…” pagpapalakas-loob at paliwanag pa ni lolo sa akin kahit pa nga nasa mga mata niya pa rin ang lungkot at panlalata.
Tumango ako at sa pagitan ng paghikbi ay determinadong tumayo. Tama so lolo. Hangga’t hindi sila natatagpuan, buhay pa sila. Hangga’t walang bangkay nila ang nakikita, may pag-asa pa. I will be hopeful. I will remain hopeful hangga’t hindi sila nahahanap.
They are alive. I know it.
They will come back for me. I’m sure of it.
They will. They definitely will.