CHAPTER 16.2

1861 Words

LAURA POV NAGLILIGPIT na ako ng aking gamit at damit ko para sa pag—alis namin sa Sunday. Ang bilis ng araw dahil bukas na ang pag—alis namin, maiiwan ko sina Loloʼt Lola rito sa bahay mismo. Nalulungkot pa rin ako dahil dalawa na lang sila rito kahit nasa kabilang bahay lang sina tito Anthony and tita Dina. “Huy, Laura, anong kinalulungkot mo dʼyan, ha? Bakit napahinto ka sa pagtupi ng damit mo?” Narinig ko ang tanong ni Diane sa akin, tinutulungan niya akong mag—ayos ng aking gamit. Hindi naman lahat ay dadalhin ko, iniwan ko ang ibang damit ko. Bukas din ay sasabay na si Diane sa amin sa pagluwas dahil sa first week ng May ay enrollment na pala sa Lazaro University, kailangan na rin mag—enroll ni Diane. “Mamimiss ko itong room ko,” sabi ko sa kanya at tinupi muli itong pambahay ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD