LAURA POV BANDANG alas—dos ng tanghali nang makabalik sila Ninong Garvin sa bahay at nakita namin ang dalawang sako bag na may kalakihan ang nilapag nila sa sala namin. “A—anon pong laman ang mga iyan?” takang tanong ko habang tinuro ang dalawang sako bag. “Ang dami nilang pinamili, Nanay!” sabi ni tito Anthony. “Halos malibot namin ang buong Marinduque dahil panay ang bili nila. Binili na nga nila lahat ng product sa may Hotel, maging ang damit. Ang laki talaga ng pamilya ninyo, Garvin and Gavin!” dagdag na sabi niya at naupo sa sofa namin. “Sorry po, kuya Anthony.” “Wala iyon. At least, kumita ang mga kababayan namin. Pinakyaw niyo lahat! Nagulat ang mga negosyante. Nakita ninyo ba ang mukha nila, gulat na gulat ngani. Sinabihan pa akong bodyguard ninyo. Naknamputcha! Alam ko nama

