Kunot ang noo ko na naglakad paalis sa kinaroroonan ko at hindi na muling nilingon pa ang loob ng gymnasium. The last thing I wanted to do was to talk with Aneesa again. Hindi ko inaasahan na narito siya ngayong araw o kahit sa ibang araw pa dahil alam kong hindi naman siya rito sa Elysian nakatira. Maybe, she knew Peter and they were friends. Siguro nga ay ayon ‘yon. “I need to get ready for work now,” I whispered to myself at mas binilisan pa ang paglalakad papasok ng condominium building. Iwinakli ko sa isip ko ang tungkol sa nakita ko roon sa loob ng gymnasium. Wala namang problema kung magkaibigan man silang dalawa ni Aneesa, kaya hindi ko na dapat isipin iyon. Tinignan ko ang suot kong wristwatch at nakitang 7:20 na ng umaga. Kaya naman pala marami na ang mga residente ng Elysian

