I didn’t accept dad’s offer when he told me that I could live with them for the mean time. Ngunit nag-promise ako na bibisita ako sa kanila kapag libre ang oras ko. Ang bigat na nararamdaman ko ay gumaan kahit papaano pagkatapos kong makausap sina mommy at daddy. Nothing beats family, huh? Somehow, I’m glad that he told them the truth. Dahil kung ako iyon, siguradong hindi ko masasabi sa kanila ang lahat ng nangyari. Wala akong lakas ng loob para gawin iyon. I just wanted it to be buried without anyone knowing. Kahit pa sa mga magulang ko. “You can spend the night here, Ma, Dad,” alok ko sa kanila nang sabihin nilang uuwi na sila. Umiling si mommy at hinaplos ang aking braso. “Marami pa kaming aayusin ng daddy mo. May problema sa isang branch natin. We’ll try to visit again, you should

