Kabanata Apat

1961 Words
I’m ashamed. The thoughts I had for that Aneesa kept coming back in my head clearly like it was supposed to stay there. Ngunit hindi dapat ganoon, I’m taking back all the words I’ve said! Demure? Pretty? There was no one prettier than me. Isa pa, she didn’t deserve the compliment I gave her. Although, hindi ko naman sinabi sa kaniya iyon at nasa isip ko lang. It was so embarrassing for me! If I had known that she was Seatiel’s new girlfriend, I wouldn’t be this polite to her. Well, maybe, I sounded very biased right now. Yes, call me bitter, a b***h who still couldn’t move on from the past even though I already told myself and my friends that I had forgotten everything. Ngunit kung sasabihin sa akin ni Seatiel na mag-move on na ako at kalimutan na ang pangako niya sa akin noon, then he should explain to me first. Hinding-hindi ko siya mapapatawad. He didn't deserve my forgiveness. “Aneesa Vidal? You met her?!” Inori’s voice was deafening that I needed to take my phone away from my ear. Pauwi na ako ngayon sa apartment ko pagkatapos kong tumambay pa ng ilang oras sa coffee shop. It was traffic when Inori called me in the middle of driving at ngayon, nag-uusap na kaming dalawa tungkol doon sa nangyari sa akin kanina sa coffee shop. “You’re too loud,” saway ko sa kaniya. “And yes, I met her in a coffee shop.” I rolled my eyes. Binaggit ko iyong pagkikita naming dalawa noong Aneesa ngunit hindi ko sinabi na sinundo siya ni Seatiel. Saka ko lang naalala, kaya pala pamilyar ang pangalang Aneesa dahil nasabi iyon ni Inori noong nalaman ko sa kaniya na may bago ng girlfriend ang ex ko na hindi man lang sinabi ang dahilan sa akin kung bakit hindi niya kayang tuparin ang pangako niya. “H-How? I-I mean, parang ang imposible naman no’n mangyari!" I sighed. “I know right. Iyon din ang akala ko, I even thought that I wouldn’t see your brother-in-law anymore! Ang laki ng Manila, so bakit siya pa ang Architect ko?” Bumuntong-hininga ako ngunit tumawa lang ang kausap ko sa kabilang linya. “I don’t know about that, Marg. But it’s your choice in the first place. Puwede ka namang tumanggi sa una pa lang.” “I wouldn’t do that!” reaksyon ko kaagad sa sinabi ni Inori. “Baka sabihin niya, hindi pa rin ako nakaka-move on sa nangyari sa amin noon.” “Naka-move on ka na nga ba talaga?” Naramdaman ko ang lungkot sa boses ni Inori nang tanungin niya ito. “O-Of course!” sagot ko agad ngunit alam kong may pag-aalinlangan na ako sa sagot kong iyon. I rolled my eyes. Well, that was a lie. I didn’t really move on yet. Noong nasa Paris pa ako, nakalimutan ko na siya. Ngunit noong dumating na ako rito at siya kaagad ang unang nakita ko, everything came back in my memory like flashbacks. It was as if I just forced myself to forget him back in Paris. At ang totoo ay hindi ko naman talaga siya nakalimutan. Or maybe, I just couldn’t get over the fact that he never explained to me what happened. I wished that was just it. “Anyway, I’m going to hang up now. I’m driving,” sambit ko bago ibinaba ang tawag sa pagitan naming dalawa ni Inori. I sighed for the nth time. Sunday, a lazy day for me. When I saw a church on my way, I stopped over first to pray for myself and for the things I couldn’t control. Kahit na pakiramdam ko ay hindi ako welcome sa loob ng simbahan dahil sa mga iniisip ko tungkol sa ex ko at sa girlfriend niya, pumasok pa rin ako roon upang makapagdasal. Paglabas ko ng simbahan ay isang text naman ang natanggap ko galing kay Linda. Linda, Archit Legacy: Good afternoon, Ms. Marga! I just want to remind you that you have a scheduled meeting with Mr. Mendrez tomorrow at 10 in the morning. Thank you. Kumunot ang noo ko. I almost forgot about it. Kung hindi pa nag-text si Linda ay siguradong hindi ako pupunta bukas sa firm dahil wala talaga iyon sa isip ko. Saka ko naalala iyong ibinigay sa akin ni Linda na schedule ni Seatiel. Hindi ko rin tinignan iyon. Kinabukasan, I arrived 10 minutes late in the firm. It was my habit since then. Hindi dahil sa sinasadya ko iyon kung hindi dahil sa traffic o kaya naman ay late akong nagigising. I couldn’t estimate the time I should come, kahit pa mag-set ako ng alarm. Noong nasa Paris pa ako, si Asia ang palaging gumigising sa akin nang maaga para hindi ma-late sa trabaho. But now that Asia was not here with me, I’m back on my old habit again. But I wouldn't say sorry about me being late right now. “Old habits die hard, hm?” nakangiting sabi ni Seatiel nang pumasok ako sa loob ng kaniyang opisina. He was sitting on his swivel chair. Nakapatong ang kaniyang magkabilang siko sa magkabila ring armrest habang magkasalikop ang kanyang mga daliri. I almost told myself that he looked so cool doing that. Naglakad ako palapit sa kulay gray niyang sofa at naupo roon. “Don’t talk to me like we’re friends. I’m here as your client.” I said and rolled my eyes. Mula sa bag ko ay ibinigay ko sa kaniya ang papel kung saan isinulat ko ang mga importanteng detalye ng store. Ready na iyon noong nasa Paris pa lamang ako dahil matagal ko na talaga itong pinagplaplanuhan. Well, I knew how capable Seatiel was so it was an advantage rin na siya ang architect ko. “I’ll give you the draft once I finished it,” sambit ni Seatiel pagkatapos niyang tignan ang papel na ibinigay ko sa kaniya. Inipit niya iyon sa isang libro bago muling tumingin sa akin at saka nagsalita. “Have you eaten breakfast yet?” Kumunot ang noo ko ngunit sumagot pa rin sa tanong niya. “Yes. Are we finished here? I’m going now.” Tumayo na ako para makaalis na. As much as possible, I really didn't want to stay for too long with him. Ngunit bago pa man ako makahakbang ay nasa likuran ko na si Seatiel at hawak na ang palapulsuhan ko. “What?!” Iwinakli ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Agad niya namang itinaas ang kamay niya na para bang sumusuko na siya sa kung ano man. Mas lalo lamang kumunot ang noo ko at pakiramdam ko ay umuusok na ang ilong ko dahil sa inis. Kasabay pa noon ay ang mukha ko na sobrang init. “I’m sorry, I didn’t mean to hold you…” Napaatras ako nang humakbang siya nang isang beses palapit sa akin. Hindi niya raw ginustong hawakan ang palapulsuhan ko ngunit heto siya ngayon at humahakbang papalapit sa akin? Was he crazy?! Mabuti na lang at may kumatok sa pinto ng opisina niya kaya naman natigil siya sa paghakbang at natigil din ako sa pag-atras. Umayos ako nang pagkatatayo nang papasukin ni Seatiel ang kumakatok. It was Linda. She was holding a tray full of sweet snacks, a coffee, and juice. I smiled a little when I remembered that Seatiel liked sweets back then. Hanggang ngayon pa rin pala… Ibinalik ko ang seryoso kong ekspresyon nang ma-realize kung ano'ng ginagawa ko. “Here’s your coffee, Sir Seatiel,” sambit ni Linda bago ipinatong iyong mga dala niya sa center table. Lumingon naman siya sa akin pagkatapos. “I also prepared mango juice for you, Ms. Marga.” Nagpasalamat ako kay Linda bago siya lumabas ng opisina. Nagkaroon pa ako ng pagkakataon na libutin ang mga mata ko sa loob ng office. It was pure white, black, and gray. Sa gilid ay ang malaking glass window na makikita ang mga tao sa labas. I bet it was a one-way glass. Sa kabilang sulok naman ng kuwarto ay ang bookshelf niya na kulay itim. Iba’t-ibang mga libro ang nakalagay doon. The office was very plain and simple. Bumalik ang tingin ko sa kaniyang table. There wasn’t really a picture frame. I mean, wala man lang ba silang picture ng girlfriend niya? “Marg?” Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Seatiel sa aking gilid. When I looked at him, he was holding the juice on his right hand while the snacks were on the left. “You should eat first,” sambit niya at inabot ang juice sa akin. I cleared my throat. Tatanggihan ko sana iyon ngunit ipinilit niyang ibigay sa akin iyong juice. He held my hand so that I would surely get it. His fingers were brushing on my skin and I couldn’t do anything about it since the juice would fall if I try to dodge his hand. Okay. Just this time. I would accept it. Tahimik kaming dalawa ni Seatiel at parehas na nakaupo sa sofa. We were facing each other and I felt very awkward. Halos hindi ko gustong tumingin sa kaniya ngunit tinatagan ko ang sarili ko at hindi nagpaapekto sa kung ano mang nararamdaman ko. He kept looking at me but when I looked at him, iniiwas niya ang mga mata niya. I didn’t know why but I thought that he had something to tell me. Isa pa, hindi ko rin makalimutan ang nangyari kahapon doon sa coffee shop. He clearly saw me before he got inside his car yesterday, o sa tingin niya ba ay namamalikmata lang siya? What if I asked him right now? Umiling ako. No, I would look like I’m still hung upon him. At hindi na dapat pinag-uusapan pa iyon. We were clearly in an architect-client relationship right now. We were not even friends at this hour. “Marga…” Dahan-dahang umangat ang tingin ko kay Seatiel nang tawagin niya ang pangalan ko. Tumaas ang isang kilay ko at naghintay ng kaniyang sasabihin. “I want to say sorry about what happened in the past… What I did wasn’t a good thing,” nag-iwas siya ng tingin at bumuntong-hininga. “A-And you already met her, right? Yesterday…” So, he knew it was me. Mabuti naman dahil hindi niya puwedeng makalimutan ang itsura ko. There were times when I wished that he would be hunted by my face and our memories. Iyong tipong hindi niya ako makalilimutan. But right now, I just wanted to get out of here. Hindi ko na alam kung ano pa ang kasunod ng pag-uusap na ito... At ayaw ko nang marinig ang kahit anong sasabihin niya. “I don’t know if I can forgive you.” Umiling ako sa kaniya. “And yes, I already met your new girlfriend. Was she the girl you met after you told me that you couldn’t fulfill your promise anymore?" Tumango si Seatiel. I scoffed. I couldn’t believe that they were still with each other. It had been almost 4 years, huh? Dalawang taon nga lang ang itinagal ng relasyon namin. Tumayo na ako sa aking kinauupuan. “Your sorry is invalid until you can give me an explanation,” sambit ko at sarkastiko siyang nginitian. Sana ay naintindihan niya iyon. “I’m sorry,” ang tanging sagot niya. So, he didn’t have the intention to explain it to me. “I’m disappointed. Your new girlfriend didn’t even surpass my beauty.” I flipped my hair before walking quickly out of his office. Bago ko pa maisara ang pinto ng opisina ay narinig ko pa ang sinagot niya. “Of course, there’s no one like you.” Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi makatakas ang mga hikbi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD