CHAPTER 2

1118 Words
Zeelina's POV: As soon as we end up preparing food ay kaagad na kaming nagtungo sa lokasyon na gaganaping feeding program. Hindi pa nangangalahati ang oras nang pamimigay ng pagkain ay natanaw ko na agad ang lalaking tumulong sa akin sa palengke. He was occupied with the delivery of some hollow blocks. "Sister Zeelina?" Untag sa akin ng dalagita sa aking harap. "Huh? Ano nga ulit 'yung tanong mo, dear?" Malumanay kong tanong. "Wala po bang nanligaw sa inyo?" Usisa niya sa akin. "Huh? Bakit mo naman natanong 'yan?" "Ang ganda-ganda niyo po kasi, baka kasi walang nanligaw sa inyo, kaya nagmadre po kayo?" Inosente niyang tanong na ikinatawa ko. "Oo nga, walang nanligaw sa akin," biro ko sa kaniya. "Gano'n po ba? Paano po kung manligaw po sa inyo ang lalaking iyon?" Sabay turo niya kay Castiel. "Aalis po ba kayo sa kumbento, kung sakali?" Tanong niya na ikinalaglag ng panga ko. "Ang ganda-ganda niyo po, para kayong manika, lalo na ang mga mata ninyo ma tila nangunusap. Ang haba rin ng pilikmata ninyo, gusto ko rin ng ganyan," saad pa nito, habang titig na titig sa mukha ko. Umiling ako sabay tawa sa kaniyang tanong. Sa dami ba naman ng ituturo niya ay sa lalaking aroganteng nakilala ko pa kanina. "Hindi na," sagot ko sa kaniya. "Mas gusto ko na ang ganito," sabi ko pa. "Sayang, ang pogi pa naman ni Kuya. Sa katunayan nga panay tingin niya sa gawi mo," aniya na ikinatikom ng aking bibig, sabay lingon sa kinaroroonan ni Castiel na ngayon ay nakatitig din pala, kaya mabilis akong umiwas ng tingin. Oh, my! Anong tinitingin-tingin niya sa gawi ko? Nakakaloka naman siya makatingin, bigla tuloy ang pag-init ng aking pisngi kaya umiwas na lang ako ng tingin. Baka mamaya ay mapansin niya pa ako, at baka isipin ng iba na malandi akong madre, na sumisilay sa lalaki. Nang matapos ang aming programa ay agad na kaming dumeretso sa chapel, upang magdasal at magpasalamat sa Diyos, dahil naging matagumpay kami sa isang mission namin. Nang matapos kami sa pagdarasal ay dumeretso ako sa napakagandang hardin. Marahan akong naglakad sa kuwadradong bato, habang pinagmamasdan ang mga napakagandang bulaklak. Dati ay hindi ako mahilig sa bulaklak, ngunit nang simulan akong bigyan ni Nolan nang iba't-ibang klase ng bulaklak ay nahilig na ako do'n. He said his mom has a lot of flowers, palagi niyang naamoy ang iba't-ibang bulaklak lalo na sa umaga. Kaya naisipan niyang gumawa ng pabango mula roon. Iyon ang simula ng aking pagkahilig sa bulaklak. Seeing the flowers reminds me of him, and in an instant, a smile form in my face. "Ah... Miss Zee?" Isang baraitonong boses ang nagpawala sa aking ngiti. At bakit naririto naman ang lalaking ito? "Pasensya na po sa pag-istorbo sa iyong pagmuni-muni. Bago lang kasi ako sa pagdedeliver ng tubig. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang mga dala kong tubig." Sabay turo niya sa kaniyang lumang multicab. Ganoon na ba kalalim ang aking iniisip? Ni hindi ko man lang namalayan na may humintong sasakyan na malapit sa akin. "Ah, sige sundan mo na lang ako," sambit ko. Grabe naman itong lalaking ito, sobrang dami naman ng trabaho niya. Hindi ba siya napapagod? "Malapit na ba? Gusto mong sumakay na lang?" Aya nito na agad kong tinanggihan. Bakit naman ako sasakay sa sasakyan niya? E, ang lapit lang naman ng kusina rito. "Hindi na, medyo malapit naman na," agad kong sabi. "O, sige!" Sabay kamot niya sa kaniyang ulo. Ngayon ko lang siya natitigan nang maigi. He has wavy brown hair and deep-set eyes—a western look. Siguro, babaero ang isang ito. Napakaguwapo at sobrang lakas ng karisma. I saw the veins in his bicep bulge as he opened the door of his multicab. Bigla akong napalunok nang 'di oras, kaya inilihis ko na lamang ang aking mga mata at tumalikod. Nagsimula akong maglakad sa gilid nang marinig ang tunog ng makina ng kaniyang sasakyan. Hindi na ako nagtaka sa mabagal niyang pagpapatakbo ng sasakyan at tila sinasabayan lamang ako sa aking paglalakad. Nang makarating sa bulwagan ng aming kusina ay huminto ako para hinatyin siya. "Dito mo na lang ilagay." Turo ko sa espasyo na lagayan talaga ng mga gallon ng tubig. Hinintay ko siya hanggang sa matapos siya sa paglalagay ng gallon. "Ah... p'wede rin bang makisuyo? Paki lagyan na rin ang dispenser ng gallon," pakiusap ko na agad niya rin naman sinunod nang nakatingin. "Napapansin ko, palagi kang nakangiti." Hindi ko na napigilang tanungin siya. "Bakit?" "Kasi... kamukha mo ang girlfriend ko," sambit niya na ikinalaglag ng panga ko. "Huh? Talaga?" Sabay kagat ko sa aking labi. "Asan na siya?" Tanong ko. "Basta," aniya na ikinakunot ng aking noo. Tss... nakakahiya! Bakit nga ba nagtatanong pa ako, nagmumukha tuloy akong tsismosa. Humarap ako sa kan'ya at ngumiti nang matamis. Tila balewala naman sa kaniya ang aking pagtatanong kaya nang magpaalam siya ay kaagad akong tumango Nang makaalis na siya ay agaran ang aking pagngiwi, sabay batok sa aking noo. "Oh, sister Zeelina? Masakit ba ang ulo mo?" Tanong sa akin ni Sister Alyana. Bakit naman ito pasulpot-sulpot, mabuti na lamang ay nakaalis na si Castiel. Hindi niya naabutan ang pag-uusisa ko. "Oo, kaunti. Mauna na muna ako sa aking silid," paalam ko sa kaniya, bago tuluyang umalis. Nang makarating sa aking silid ay napagpasyahan kong mag-shower. Pagkatapos maligo ay umupo ako sa aking kama, habang nagsusuklay. Nang mapansin ang librong tungkol sa mahiwagang nakaraan sa coffee table ay inabot ko iyon at binasa. Bata pa lamang ako ay mahilig na ako sa fairy tales, mga tungkol sa mga bagay na may mahika. O 'di kaya naman ay mga elemento. Noong teenager ako ay madalas kaming magpunta ng mga kaibigan ko sa mga lugar na abandonado na. Hindi ko alam, pero nakakaramdam ako ng kasiyahan sa tuwing magpupunta ako sa ganoong lugar. Pakiramdam ko ay nabuhay na ako noong unang panahon. Going to an abandoned places evokes my curiosity, excitement and nostalgia. It reminds me of an old eras, lost dreams or past lives. Sa aking pagbabasa ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Paggising ko ay madilim na ang paligid. Nang mapadako ang aking mga mata sa coffee table ay mayroon na roon na isang pulang rosas, na wala naman kanina. Sino naman maglalagay ng rosas sa aking lamesita?! Nang kuhanin kp iyon ay may napansin akong papel na nakapaikot sa tangkay ng rosas, kaya naman tinanggal ko iyon at agad na binasa. 'Ride, bene tibi convenit.' Anong ibig sabihin nito? Itiniklop ko ang papel at, kasama ng rosas ay itinago ko ang mga iyon sa cabinet ng aking lamesita, saka muling nahiga at ipinikit ang aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD