CHAPTER 3

1520 Words
ZEELINA'S POV: I woke up in a strange large room, kaya mabilis akong napabangon at takang-taka na luminga sa paligid. Kahit na madilim ay tanaw na tanaw ko parin ang kabuoan ng silid na aking kinaroroonan. Mabilis akong tumayo at saktong may tsinelas sa gilid ng kama, kaya sinuot ko iyon. Halos mapaigtad ako nang marinig ang malakas na kulog. Tila may bagyo sa lakas ng ulan sa labas, gumuguhit din ang liwanag sa labas sanhi ng kidlat. Nagmamadali akong binuksan ang pintuan ng silid na aking kinaroroonan at tumambad sa akin ang napakaranyang pasilyo na tila gawa pa sa makalumang disenyo, ngunit napaka-eleganteng tingnan. Bawat kagamitan na aking makita ay nangingintab sa kakinisan ng mga ito. Marahan akong naglakad hanggang sa matanaw ko ang isang hagdan pababa, kaya mabilis kong tinungo iyon. Nang makarating sa dulo ng hagdan ay natanaw ko ang isang lalaking nagbubukas ng pintuan sa baba. Halos malaglag ang panga ko nang makita ang isang may edad na babae at bitbit ang isang dalagita na duguan at tila hinang-hina, parehas silang basa, sanhi ng ulan kaya ako'y lalong nahabag sa aking nakikita. "Doc, tulungan niyo po ang anak ko! Parang awa niyo na, gawin niyo ang lahat para mabuhay ang anak ko!" Malakas niyang pakiusap sa lalaki. "Anong nangyari sa kaniya?" Tanong nito. "Natagpuan ko na lamang siya sa labas ng aming bahay na duguan, ikaw ang pinakamalapit na doctor, kaya sa'yo ko dinala," sambit ng babae sa lalaki. Nakita ko kung paano kinuha ng lalaki ang dalagita at nagmamadali itong kinarga patungo sa isang silid na marahil ay isang klinika. Sa aking kuryosidad ay bumaba ako at sumunod ako sa kanila. Nasa bungad pa lamang ako ay narinig ko nang pumalahaw ng iyak ang ina ng dalagita. Napapikit na lamang ako sa aking nakikita, parang binibiyak ang aking puso nang makita na wala ng buhay ang dalagita, at kaniyang ina ay walamg tigil sa pagluha, habang niyuyugyog ang katawan ng dalagita. "Bumangon ka diyan! Hindi maaari, anak!" Palahaw niyang sabi. Kahit ako ay hindi napigilang mapaluha sa senaryong aking nakikita. Ilang segundo pa ay tila guni-guni ko lamang ang lahat and I found myself staring in an empty room here in our convent. "Sister Zeelina? Ayos ka lang ba?" Tanong ng aming infirmarian na si Sister Pina. "O-okay lang po ako, babalik na po ako sa aking silid," sagot ko bago tumalikod sa kaniya. Anong nangyayari sa akin? Naglalakad ba ako ng tulog? Parang totoong-totoo ang aking nakita kanina. Ang mag-ina at ang lalaking doctor. Naglakad ako habang tulirong nag-iisip. Ngayon ko lamang na-experience ang bagay na ito. Nakakagulat ang makita ang aking sarili na nakatayo sa isang kuwarto nang hindi namamalayan na nanaginip lang pala ako. Mabilis akong umakyat at nagtungo sa aking silid, saka naligo upang mahimasmasan ako kahit kaunti. Kailangan ko atang magdasal ng magdasal na para maiwasan ang ganitong pangyayari. Pakiramdam ko ay may masamang elemento ang sa akin ay naglalaro. Matapos kong maligo ay nakita kong umilaw ang aking cellphone, senyales na may nagtext. Yes, mayroon din akong cellphone. I am an apostolic sister, I professed a perpetual simple vow of poverty, chastity, and obedience. I work directly to the people, bringing the Gospel to others where they are. Ang aming ministriya ay tinututukan ang pangangailangan ng mga mahihirap at mga nasa laylayan, na nagpapakita ng aming pagkukusang maglingkod. Ibig sabihin ay pu-p'wede akong makalabas ng kumbento, ano mang oras ko gustuhin. Maari rin akong manirahan kung saan malapit sa mga taong aking tinutulungan. Pati ang paggamit ng cellphone at kotse ay maari ko ring gamitin o maski na ang computer. Lumapit ako sa aking cellphone at binasa kung sino ang taong nag-text. Nahara: Pinsan, nakakalabas ka naman 'di ba? I have a simple wedding bukas. Sana makapunta ka. Sorry, biglaan. Now ko lang naharap ang aking phone sa sobrang busy ko. Me: Tss! Bakit ngayon mo lang ako tinext? Nahara: Nalimutan ko rin, sorry ng marami. Me: Sige, pupunta ako. Saan ba 'yan? Nahara: Yes! Sa Tagaytay lang. After niyang maisend ang address ng pagdadausan ng kasal niya ay agad akong nag-empake ng ilang damit para may palitan ako kung sakali. Nang mapadako ang aking mga mata sa orasan ay pasado ala sais na ng umaga. Kaya naman nagmadali na akong tumayo upang makahingi ng permiso sa aking superior. Kahit naman nakakalabas ako ay kailangan ko paring magpaalam, lalo na at malayo ang aking pupuntahan. Medyo ilang oras din ang byahe mula rito sa Sta. Ana, patungo sa Tagaytay. "Naku, ang layo nu'n, Sister Zeelina," turan sa akin ni Sister Alyana matapos kong masabi sa kaniya na aalis ako. Hindi niya na kasi ako tinitigilan matapos niya akong makitang lumabas sa opisina ng aming superior. "Oo. sanay naman akong bumyahe," sabi ko. "E, paano? Aalis ka na ngayon?" Tanong niya na agad kong tinanguan. Bumuntong-hininga siya saka yumakap sa akin ng mahigpit. Ang senti ng babaeng ito. Kami lang daw kasi ang magka-vibes. Ang ibang mga kasama namin ang sobrang seryoso kung makipag-usap. Kaya naman nang makasakay ako ng aking kotse ay malungkot siyang kumaway sa akin. Nasa kalagitnaan ako ng aking byahe nang mapansin na tila mabigat ang pagtakbo ng aking sasakyan. Hindi ko alam, pero parang ang ganit-ganit. Hindi nga nagtagal ay biglang tumigil ang aking sasakyan. Mabuti na lang at sa gilid na ako ng kalsada, para kung sakali man na titirik ang aking kotse ay hindi ako mag-cause ng accident. At ito na nga, tumirik na nga ang kotse ko na ikinabuntong-hininga ko. Ano ba naman ito? Ngayon pa talaga nasira, kung kailan malayo ang aking pupuntahan? Mabilis akong lumabas ng aking sasakyan at binuksan ang hood ng aking kotse. Nang makitang umuusok iyon ay napangiwi ako. How could I forget this thing? Kakaisip ko ng kung ano-ano, kaya hindi ko na ito na asikaso. Mabilis akong naglakad patungo sa driver seat, at yumuko upang hilahin ang manual lever para mabuksan ang trunk ng kotse ko. Saktong pagtayo ko nang ayos ay naroon na si Castiel sa aking harapan, kaya agaran ang pagkunot ng aking noo. "May problema ba?" Aniya. Hindi ko napigilang mabistahan ang suot niyang pormal na pormal. Kung normal akong babae ay baka naghugis puso na ang aking mga mata. He seems like a Greek God, and his scent is so masculine that it fills my nose. As if the very essence of Mount Olympus clings to him, making a strong impression wherever he goes. Ipinilig ko ang aking ulo dahil sa kalaswaang aking naiisip. Hindi mo dapat siya iniisip, Zee. "Aah... kasi nag-overheat 'yung kotse ko. Hindi ko pala nalagyan ng tubig kanina," sagot ko sa kaniya. "Do you have a water?" Tanong niya sa baritonong boses na ikinahigit ko ng aking hininga. Bakit ba ganito kalakas ang presensya sa akin ng lalaling ito? "Oo, nasa trunk!" Sagot ko. Mabilis siyang tumalikod sa akin at agad nagtungo sa likuran ng aking kotse, na agad ko rin namang sinundan. "Ako na ang magsasalin, Zee!" Presinta niya na agad kong tinanguan. Ayan na naman siya sa tawag niyang Zee sa akin. Para namang hindi niya nakikita ang suot kong puting abito, para tawagin sa palayaw ko lamang. At isa pa, walamg tumatawag na Zee sa akin, kung 'di ang ex-boyfriend ko lang na si Nolan. Itinaas niya ang sleeve ng kaniyang polo sa kaniyang siko, bago binuhat ang isang gallon na tubig. Naku po, Lord! Bakit ba palagi ko na lang nakikita ang mga ugat sa braso niya. Baka maloka ako nito! Pinaypay ko ang aking kamay sa aking leeg na tila isa iyong pamaypay, habang nakasunod sa kaniya patungo sa unahan ng aking kotse. At nang isalin niya ang tubig ay mas lalo ata akong pinagpawisan ng malamig. Nataranta pa ako nang makitang nakatitig pala siya sa akin. Hala! Ano ba namang titig iyan?! "Mabuti na lang hindi butas ang radiator mo, kung hindi baka sa akin ka ngayon," sambit niya na ikakunot ng aking noo. "H-huh? Ah... mabuti nga," sabay tango ko. Ano daw sabi niya? Kinagat ko ang labi ko nang pamulahan ako ng pisngi sa sinabi niya. "Sabi ko, sa akin ka sasakay, kung tuluyang nabutas ang radiator mo." Aniya na lalong ikina-init ng pisngi ko. Oh, God! Sa kaniya sasakay? Kung ano-anong naiisip ko, Lord. Ilayo niyo nga po itong lalaking ito. Baka hindi pa ako nakakaabot sa kasal ng aking pinsan ay baka masiraan na ako ng bait. Matapos masiguradong ayos na ang kotse ko ay ibinaba niya na ang hood ng aking sasakyan. Mabilis naman akong nagpasalamat sa kaniya, sabay tungo sa driver seat. "Salamat ulit," sambit ko, pagkasarado ko ng pinto ng aking kotse. Tumungo naman siya at inilagay ang dalawang braso sa aking bintana at ngumiti nang pagkatamis-tamis. "No problem, basta ikaw, Zee! Nanginginig pa!" Sambit niya na ikinangiwi ko. Gayang-gaya niya kasi si Robin Padilla sa sinabi niyang iyon. Bago naman ako nagmadre ay halos napanuod ko na ang mga lumang pinoy movie, kaya alam na alam ko na 'yung mga ganyang linyahan. Tss! Ako talaga ang sinabihan niya nu'n?! He's out of his mind, and I think I am too. Tabang, Lord!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD