ZEELINA'S POV:
Habang naghihintay kaming tumila ang ulan ay hindi ko naiwasang magbalik tanaw noong college pa ako.
*Flashback*
"Grabe, nabasa ako! Sobrang lakas ng ulan sa labas!" Bulalas ko sa aking kaklase na si Nika.
"Malas mo!" Natatawa niyang sabi, habang sumusunod sa akin paakyat ng third floor, kung saan naroon ang aming classroom. "Ako kasi nang dumating dito ay okay pa ang panahon, kaya naman swerte ako!" Pagyayabang niya na inismiran ko lang.
"Tse! Yabang ng palhak na 'to! Madapaka sana!" Biro ko, habang nauunang nagmiddle finger sa kanya sabay tawa.
"Gagu talaga 'to!" Natatawa nitong sabi sa akin. "Hmp, kung 'di lang ikaw ang glc namin, baka kanina pa kita nasabunutan!" Nakapameywang niyang sabi na inirapan ko, sabay dila.
Glc or Grandlady councilor, refers to a highly respected and influential woman who holds a significant leadership position within the sorority’s council.
"Sige, may parusa ka sa'kin mamaya!" Kunwaring pinasingkit ko pa ng aking mga mata, habang seryosong nakatitig sa kanya.
"Sorry po!" Sabay peace sign niya sa akin at pagkatapos ay humagikgik.
Natigil ito sa paghagikgik nang tila may nakita siyang kakilala, kaya naman mabilis kong sinundan ang kaynyang tinitingnan.
"Ay... saglit, sis!" Kinikilig niyang sabi nang makita ang isang player ng basketball ng aming University na palapit sa amin, sabay yakap sa braso ko.
"Hala! Ang landi!" Biro ko na natatawa.
"Sabi ni Nolan, sumilip ka daw sa baba." Sabay kindat nito na ikinatawa namin.
Walang pag-aatubili kong sinilip si Nolan mula sa bato ng railings sa ikatlong palapag na aming kinaroroonan.
Kasabay nang pagsilip ko ay tumugtog ang kantang 'nice and slow' ni Usher. Sa gitna ng open field ay naroon si Nolan na tanging nakapantalon lamang at nakaluhod sa semento.
Nang makita niya ako ay nagsimula siyang magsayaw, habang ang ulan ay pumapatak sa kaniyang matipunong katawan.
The raindrops glistened like crystals on his skin as his gaze remained intently fixed on me, na ikinakilig ko ng todo.
Gosh! Nag-iinit ang aking mga pisngi sa mga titig niya. Kung malapit lang siguro ako sa kanya ay inasar niya na siguro ako.
Muntik na akong mabingi sa lakas ng sigawan ng mga kapwa estudyante habang pinapanood ang pagsasayaw ni Nolan.
He dances so well; his movements were mesmerizing, making it impossible to look away. Kaya halos mapanganga ako habang pinanonood ang swabe niyang galawan, tumalsik-talsik pa ang tubig sa tuwing pumapadyak siya, na nakadaragdag excitement sa aming nanunuod.
The crowd’s cheers grew louder with every impressive move he made, and I couldn’t help but feel a rush of excitement while staring at him.
"Gosh, ang pogi at ang galing sumayaw!" Rinig kong sabi ng isang nanunuod na ikinatawa ko.
Indeed, he possesses a Western appearance that he may have inherited from his father. His striking features, such as his tall stature, fair complexion, and sharp jawline, na malimit mapansin ng mga babae.
Hiwalay ang nanay at tatay niya simula nang maliit pa siya. Sabi niya na may kapatid din daw siya na bunso, pero simula nang umalis ang mga ito ay hindi niya na ulit nakita at hindi niya na rin tanda ang mukha ng kapatid niya.
Pagkatapos niyang sumayaw, isang taong may dala-dalang payong ang lumapit sa kanya at iniabot ang isang malaki at mahabang banner, na kanilang sabay-sabay na itinaas para ipakita sa akin.
"I LOVE YOU, ZEE! Mabura man ng ulan ang mga katagang isinulat kong ito, asahan mo na kailaman ay hindi ka mabubura sa aking puso."
Sa nabasa ay may namuong luha sa aking mga mata. Mabilis akong patakbong umalis roon upang babain sana siya, ngunit may isang nerd na lalaki ang sa akin ay bumangga.
We ended up on the ground after accidentally colliding. Taranta niyang kinuha ang aking kamay at marahan niya akong inalalayang makatayo.
Wow, he smells really good. His style is a bit strange, at ang mukha niya ay maraming pimples. Ang payat niya rin na kapansin-pansin, pero hindi roon ang nakapagpapukaw sa akin sa kanya, kundi ang mabango niyang pabango na para bang naakit ako noon.
"Sakit!" Mahina kong daing.
"Oops! Sorry, Miss Zee." Paumanhin nito, habang hinahawakan ang salamin niyang nawala sa ayos.
Kilala niya ako? Oh, well. Sino nga bang hindi makakakilala sa akin?
"Gusto mo dalhin kita sa clinic?" Nakangiti niyang tanong.
"Ah... hindi na, kaya ko na ito." Sambit ko at nagsimula nang maglakad, ngunit hinabol niya ako at hinawakan sa siko.
"Kahit ihatid na lang kita sa pupuntahan mo?" Malambing niyang suhestyon, na agaran kong tinanggihan.
"Salamat, pero kaya ko na," Pagkasabi ko no'n ay tila may nasilip akong lungkot sa kaniyang mga mata. Pero bakit naman siya malulungkot? Dahil ba sa concern lang talaga siya?
Nasa ganoong pag-iisip ako nang tapikin ako ni Castiel.
"Are you with me? Kanina ka pa tulala?" Takang tanong niya na ikinapilig ng aking ulo.
Tss! Para akong nanaginip ng gising. Dahil sa alaalang iyon ay muli kong naalala ang nerd na lalaking iyon. Simula kasi noon ay parang nawala na din siya na parang bula.
Saan na kaya nagpunta ang lalaking iyon? Hindi ko alam, ngunit parang may kumurot sa aking puso nang makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata, na nag-udyok sa akin na nais siyang makitang muli.
"Huh? May naalala lang kasi ako," wika ko.
"Ano naman?" Kunot-noong tanong ni Castiel.
"Ikaw talaga, napaka-chismoso mong tao!" I spat.
"Sus! Na-curious lang kasi ako sa expresion ng mga mata mo kanina," titig na titig niyang sabi.
What? At talaga pa lang hindi niya tinantanan ang pagmumukha ko, hindi ba siya nagsasawa? Diyos ko, mahabagin na Panginoon! Paki-gabayan ang landas ng lalaking ito! Nahihibang pa ata.
Inilapit ko ang aking ulo sa kaniya at tinitigan siya sa mata.
Castiel’s eyes bore into mine, curiosity clashing with vulnerability. He didn’t look away, na para bang may gusto siyang sabihin sa paraan ng pagtingin niya.
The rain continued to fall, na para bang tahimik itong pinapanood ang palitang tinginan namin ni Castiel.
Malalim akong lumunok at dahan-dahang inalis ang tingin ko sa kanya. Talagang hindi nagpapatalo ang lalaking ito sa larangan ng pagtitig. Kung mayroong paligsahan para dito, sigurado akong siya na ang magwawagi.
“Je perds la tête à votre sujet (I’m losing my mind over you).” Mahina niyang sambit.
Ano raw? French ba 'yon? Shocks! Akala ko sa english lang dudugo ang ilong ko... kay Castiel din pala.