ZEELINA'S POV:
May nadaanan kaming tindahan ng karne, kaya pinahinto ko na siya doon imbes na maghanap pa ng iba. Sa tabi nito ay may maliit na grocery, kung saan kami nagdesisyong mamili.
Pauwi na sana kami, nang maramdaman ko ang unang patak ng ulan sa aking balat, at napansin kong tumitig si Castiel sa langit. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi, na ikanakunot ng aking noo.
"Hintayin muna nating tumila ang ulan," narinig kong bulong ni Castiel, na halos hindi ko marinig dahil sa lumalakas na patak ng ulan.
Saktong paglingon ko sa tapat ng aming sinisilungan ay may napansin ako na isang maliit na kainan. Alam kong nagugutom na rin siya dahil sa haba ng aming byahe kanina. Kaya naisip ko kumain na lang kami roon ni Castiel, magdadala na lang ako ng pagkain kay Sister Alyana, tutal maaga pa naman para sa hapunan. Kaya agad ko siyang hinila patungo roon.
Halos mapairit pa ako nang maramdaman ang malamig na patak na ulan sa aking mukha, habang mabilis akong tumakbo, at hila-hila ang braso niya.
Nasa loob na kami nang kainan nang lumingon at nakita siyang nakatitig sa pagkakahawak ko sa kanyang braso. Bigla ay nakaramdam ako ng hiya, kaya mabilis kong tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya.
Tumalikod ako sa kaniya at nagpatuloy sa paglakad.
Shocks! Bakit ko ba kasi hinawakan ang braso niya? Nakakahiya tuloy sa kanya.
Magkasabay kaming lumapit sa counter para mag-order, at pagkatapos ay pumili kami ng upuan sa pinakadulong bahagi ng kainan. Habang naghihintay ng order, hindi ko maiwasang mapansin ang mga titig ni Castiel.
Parang may gusto siyang sabihin, pero pinili niyang manahimik. Siguro ay nahihiya rin sa ginawa ko. Ako naman aypilit na pinapakalma ang sarili, kahit na ang puso ko’y tila nagwawala sa kaba.
"Anong ngini-ngiti mo d'yan?" natatawa kong tanong sa kanya, habang inaantay ang order naming porksilog.
"Wala," pigil ang ngiti niya habang sinasabi iyon sa akin. "Masaya lang ako kasi kakain tayong dalawa," aniya na ikinakunot ng noo ko.
Ang babaw niya naman, para kakain lang, e.
"Alam mo kasi masaya ang may kasalo," wika niya.
Bakit wala ba siyang kasalo sa kanila?
Pagdating ng aming pagkain, sandali kaming tumigil upang magdasal bago kami nagsimulang kumain.
Magsasalita sana ako, ngunit may biglang mukha ang sa akin ay bumulaga.
"Oh my God, sis Lizee! Is that really you?" Halos manlaki ang aking mga mata nang makita ko ang aking ka-sis sa sorority.
She referred to me as Lizee because that was my codename in our sorority when I was in college. Indeed, I was a member of a sorority and quite well-known during my college years.
Kaagad akong tumindig at nakipagkamay sa kanya, bago ko siya niyakap ng mahigpit. Talagang malapit kami ng babaeng ito; madalas kaming magkasama sa mga inuman dati. Oo, umiinom ako, kahit hard liquor pa man yan o beer.
"Sis Twinkie!" Wika ko. 1st year ako noong pumasok ako sa sorority namin, habang siya naman ay 2nd year na.
"What happened to you?" Sabay tingin niya sa suot ko
.
"Bakit ka nagmadre? Letse ka—ay, sorry!" sabi niya, agad na tinakpan ang kanyang bibig at lumingon sa paligid bago muling humarap sa akin. "Bakit ka ba kasi nagmadre, nakakaloka! Ikaw na pinakasikat at laging hinahabol ng mga lalaki sa campus natin, tapos bigla kang nagbago. Ano bang nangyari?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Mahabang kwento! Kamusta ka naman? Nakakain ka na ba? Sabay na tayo kumain," alok ko habang ipinapakita ang aming pagkain.
"Si Castiel, kaibigan ko! Siya naman si Teresa, ka-sis ko." Pakilala ko sa kanilang dalawa.
Umupo siya sa bakanteng upuan, tumingin kay Castiel, sabay bungisngis niya rito.
"Ang ganda sana ng date mo, 'no? Kaso madre!" Sabay tapik niya ulit sa bibig niyang madaldal.
"Sis Twinkie!" Pinandilatan ko siya ng aking mga mata, ngunit binara niya lamang ako.
"Masama 'yan, sister!" Pagbababala niya sa akin.
"Yeah, she's beautiful!" Tila ba hindi maalis ang tingin ni Castiel sa akin habang sinasabi niya iyon kay Sis Twinkie.
"Oo, maganda talaga 'yan, madami nabasted 'yan noon, e! Sandali, order lang ako." Wika ni Sis Twinkie, bago umalis sa aming table.
I couldn’t help but feel a whirlwind of emotions swirling inside me as Twinkie’s teasing words hung in the air. Halos mamula naman ako habang umiiwas ng tingin kay Castiel.
Yumuko ako nang mapansin na nakatitig pa rin sa akin si Castiel. Bakit ba siya ganyan makatitig sa akin? Awkwardness settled in, making me feel uncomfortable.
Kahit na palagi ko siyang nahuhuling nakatitig sa akin ay hindi pa rin ako masanay-sanay, nahihirapan tuloy akong tumingin pabalik kay Castiel.
Nang bumalik si Twinkie ay saka lang ako ulit nakahinga nang maluwag.
"So, what happened? Bakit ka nga nagmadre?" Takang tanong sa akin ni Twinkie.
"Teka, dahil ba 'yan sa pagkamatay ni Nolan? Sus! 'Di mo na lang kasi pinaltan 'yon, dami naman iba d'yan. 'Di ba 'no, Castiel?" Tuloy-tuloy niyang sabi, sabay kindat pa kay Castiel na ikinangiwi ko.
"Alam mo... masamang pag-usapan 'yung mga ganyang bagay sa harap ng pagkain, kain muna tayo!" Pag-iwas ko sa tanong niya.
Tumingin ako kay Castiel matapos isiping siya ang dahilan nang muli kong pag-alala kay Nolan.
Kasalanan niya 'to, simula ng dumating siya ay pakiramdam ko ay naging mahina na ulit ako.
"Masama tumingin ng ganyan, sis!" Sita sa akin ni Twinkie na nakita pala ang pag-irap ko.
"Alin?"Maang kong tanong, sabay tawa ko.
"Sus! Kilala kita, sis! Kahit nag madre ka na, alam kong tumatakbo d'yan sa utak mo!" Pang-bubuko niya sa akin.
“Grabe ka naman, Twinkie. Wala akong iniisip na masama,” sagot ko, pilit na pinipigilan ang pag-init ng mukha ko.
“Talaga? Eh bakit parang namumula ka?” tanong niya, sabay kindat kay Castiel.
"Hala, Hindi kaya!" Pagtanggi ko pa, sabay hawak sa magkabilaang pisngi ko na ngayo'y nag-iinit.
“Eh kasi naman, sis, ang obvious mo kaya! Parang high school lang, ha! Namumula!” Biro ni Twinkie, sabay tawa.
“Twinkie, tama na nga. Baka kung ano pa isipin ni Castiel,” bulong ko sa kanya, pilit na pinapakalma ang sarili.
Castiel, on the other hand, just kept smiling while continuing to eat.
Ano kayang iniisip nito? Hindi naman siguro ako ang iniisip niya 'no? Pero pwede bang itigil niya na 'yung kakatititig sa akin? Sa totoo lang, para tuloy nagkatotoo 'yung lumang kanta na sa tuwing tititigan ay talagang nakakatunaw nga. Shocks! Lord, hindi po ako kinikilig, kaunti lang naman po. Sorry na agad!