CHAPTER 9

1173 Words
ZEELINA'S POV: "Bakit parang gulat na gulat ka?" tanong sa akin ni Castiel, nang makasakay siya sa driver seat. Tikom ang aking bibig at agarang umiling sa tanong niya. Si Sister alyana naman ay tumagilid at tila nagkukunwaring inuubo. "Ah... nakagat ko kasi ang aking dila," pagsisinungaling ko. Agaran akong napapikit at humingi sa Diyos ng tawad sa aking nasabi. "Lord, sorry na... hindi na mauulit." Sambit ko sa aking sarili, sabay pikit ng aking mga mata nang mariin. “Talaga ba? Mukhang may tinatago ka, Zee,” tuya ni Castiel, habang pinipilit pigilan ang kanyang ngiti. Napabuntong-hininga ako at napailing. "Wala, 'no! Hindi ka rin makulit, ano?" Sabay irap ko. “Zee, you know, sometimes your eyes say more than your words,” Castiel teased, trying to suppress a smile, habang pinapagana ang makina ng sasakyan. “Pero sige na nga, hindi na kita kukulitin.” Aniya. What? Gano'n na ba kadaling mabasa ang iniisip ko? Oh, God... nagsisinungaling siya, hindi ba? Sumiksik ako sa kanang gilid ko, saka nagpikit-pikitan. Nakakahiya kung nababasa niya ako. At ayoko ngang sabihin 'no, baka mamaya isipin niyang iniisip ko kung malaki 'yung kargada sa pagitan ng hita niya. Neknek niya! Oh, God! Bakit naman iyon ang naisip ko? Nakakahiya! Sapagkukunwari ko sa pagpikit ay hindi ko na namalayang nakatulog ako. Sa pagkakamulat ko, napagtanto kong nasa Quezon na kami. Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras, at sa pagkakataong ito, naisip ko na sana’y nakapagkuwentuhan kami ni Castiel. Bigla ay naawa ako habang nakikita siyang seryosong nagmamaneho. “Castiel,” sabi ko, “pasensya na at hindi kita nachikahan habang binabaybay natin ang daan.” Ngunit ang kanyang sagot ay isang ngiti na lalo kong ikinakonsensya. Ilang sandali lang at narating na nga namin ang lugar na tutuluyan namin, salamat sa Kay Castiel at hindi kami naligaw. Ngunit sa unang sulyap pa lamang sa labas ng bahay, hindi ko maiwasang mapalunok. "Yaaay! Is this the place that Sister Carmen has given to us?" Halos tumayo ang mga balahibo ko sa aking balat nang makita kung gaano kaluma ang bahay. Tila itinayo pa ito noong panahong ng kastila. It was an old house standing on stone posts, with an overhanging wooden upper story adorned with balustrades, ventanillas, and capiz shell sliding windows. "Oo, ito nga." Wika ni Sister Alyana nang makababa kami ng pick-up ni Castiel. Apartment pa ba iyon sa lagay na ‘yan? Parang konting pukpok lang ay magigiba na iyon kaagad. Mahilig ako sa abandonadong lugar, pero 'di ko trip manirahan sa katulad ng isang 'to. Subalit ano pa nga ba ang magagawa ko? "Hindi kaya masira ito pag-akyat natin?" Biro ko. "Mauna ka na, Sister!" agad naman siyang tumalima pagkasabi ko no'n sa kaniya. Kapag hindi nasira ang hagdanan pag-akyat niya ay saka lang ako aakyat. Si Castiel naman ay maingat na binababa ang aming mga maleta’t tumigil sa tabi ko matapos makuha ang mga iyon. "Hindi mo pa ba siya susundan?" tanong sa akin ni Castiel, habang kinakarga ang dalawang maleta ko. Napansin ko na naman ang nakasulat sa kanyang palad. Ang laki-laki na, e nagsusulat pa sa palad. Umiling ako, "mamaya na! Pag-hindi siya sumigaw, ibig sabihin matibay ang bahay at walang multo sa loob." He chuckled as if he found humor in what I had said. "Tara! Akong bahala sa'yo!" yabang niya sa akin. As if naman na masasagip niya ako kapag bumagsak 'yung inaapakan ko. Sumunod ako sa kanya at marahang umakyat sa kahoy na hagdan. How could Sister Carmen give such an old house? Parang isang bagyo na lang ay baka tuluyan na itong magiba. "H'wag kang mag-alala, Zee. Pagbalik ko dito ay tutulong ako para maayos ang bahay na ito. Weh? Natawa ako sa sinabi niya. Ano siya karpintero naman ngayon? Pagpasok namin sa sala ay nababalot ng mga tela ang lahat ng kagamitan. Isang may edad na babae ang lumapit sa akin. "Magandang hapon, Sister!" Bati ng may edad na babae sa akin. "Ako po si Virgie, ako po ang caretaker ng bahay, iaabot ko lang po ang susi sa inyong dalawa," sambit nito na agad ko namang nilapitan. May tao naman pala, akala ko ay wala. "Maraming salamat po," sambit ko, habang inaabot ang susi. Napansin ko ang mga linya sa kanyang mukha, tanda siguro ng maraming taon ng pag-aalaga sa bahay na ito. "Matagal na po ba kayong nag-aalaga dito?" Tanong ko, na may halong pag-usisa. "Opo, Sister. Mahigit dalawampung taon na po," sagot niya, na may ngiti sa kanyang mga labi. "Marami na rin po akong nasaksihan dito, mula sa mga kasiyahan hanggang sa mga pagsubok." "Talaga po? Mukhang marami po kayong kwento," sabi ko, na may interes sa kanyang mga karanasan. "Siguro po ay marami rin kayong alam tungkol sa kasaysayan ng bahay na ito." Wika ko. "Opo, Sister. Kung gusto niyo po, maari ko kayong kwentuhan minsan," alok niya, na may kislap sa kanyang mga mata. "Salamat po, Aling Virgie. Siguradong magiging masaya po iyon," tugon ko, habang iniisip ang mga kwentong maaaring ibahagi niya sa amin. Baka rin may multo. Nang makaalis siya ay lumapit sa akin si Castiel. "Wala pa kayong stock ng pagkain, p'wede kitang samahan bago ako umuwi," suhestyon niya. "Ay, oo! Wala pa nga. Sige, Sister Zeelina! Tamang-tama ang suhestyon niya. Pasama ka na sa kanya, habang ako naman ay mag-aayos ng gamit ko." Pagtutulak niya sa akin, na tila minamadali kaming makaalis, na ikinangiwi ko. “S-sige, iaakyat ko lang muna ang mga gamit ko sa itaas,” paalam ko, na inunahan muli ni Castiel, at agad binuhat ang mga gamit ko. "Ang layo nito, salamat sa paghatid mo sa amin ha. Dito ka na rin matulog mamaya. Tiyak akong napagod ka sa pag-drive hanggang dito, at ngayon ay muli mo pa akong ipagmamaneho," nahihiya kong sabi, matapos kong makasakay sa sasakyan niya. "Ayos lang, Zee. Basta ikaw! Masaya akong nakakatulong ako sa'yo." Sabay kindat niya na ikinangiwi ko. Ayan na naman siya sa pagtawag niyang Zee sa akin. Parang kinuha niya lang loob ko kanina, tapos muling bumalik sa Zee, na para nang-aasar. At heto na naman ako, sa tuwing tinatawag niya ako sa gano'n pangalan ay hindi ko maiwasang maisip si Nolan. Sa tuwing sinasabi niya iyon ay naririnig ko rin si Nolan. Si Nolan, ang lalaking nag-iwan ng mga alaala at pait sa aking puso. Sa tuwing sinasabi niya iyon, naririnig ko rin ang mga tawa namin, ang mga outing namin, at ang mga masasayang araw na hindi kayang burahin ng panahon. Napatingin ako sa labas ng bintana, sumandal at pumikit saglit. Bakit ba tuwing narito itong lalaking ito sa tabi ko ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para bang masaya ako na malungkot. Kinagat ko ang aking labi at pasimpleng tumingin sa gawi niya, na seryosong nagmamaneho. Ngunit nang mapansing nakatingin ako sa kanya ay sumilay ang kanyang mga ngiti’t tumingin sa akin saglit, saka ibinalik ang tingin sa unahan. “Naga-gwapuhan ka na ba ngayon sa akin, Zee?” may pang–aasar niyang sabi, na ikinatawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD