Zeelina's POV:
"Oo, naniniwala ako," sambit niya na ikinapagtaka ko.
Bakit tila ang bilis niya namang magtiwala ata?
"Why?" takang tanong ko sa kaniya.
"Kasi, hindi ka naman magku-kwento at gagawa ng story lang, kaya naniniwala ako sa'yo." Sabay kibit-balikat niya, na para bang sinasabi na wala siyang duda sa mga sinasabi ko. "Alam ko naman na totoo lahat ng sinasabi mo, kaya kahit ano pa man ang mangyari, nandito lang ako para suportahan ka." Saad pa niya, na ikinatuwa ko.
"Nakita ko sa aking panaginip kung sinong pumatay, pero wala akong proweba at mapapakita sa awtoridad na totoo ang panaginip ko," sambit ko, habang ang mga mata ko'y malikot na nagmamasid sa paligid. "Alam kong mahirap paniwalaan, pero totoo ang sinasabi ko. Ilang beses nang nagkakatotoo ang aking panaginip kaya sigurado ako sa aking sinasabi," pag-amin ko sa kanya.
Hinawakan niya ang aking kamay at masuyo iyong hinaplos.
"H'wag kang kabahan, isipin mong mabuti kung anong ginamit ng salarin upang mahuli siya."
Umiling ako bago sumagot, "hindi ko matandaan, at hindi ako sumunod sa kaniya noong natungo siya sa abandonadong bahay, bitbit ang biktima."
Pinilit kong alalahanin ang mga detalye, ngunit tila naglaho na ang mga ito sa aking isipan. "Alam kong mahalaga ang impormasyong ito, pero wala akong magawa. Sana'y may ibang paraan para malaman natin ang katotohanan."
"It would be better if we just stay out of it and leave everything to the authorities. I don't want you to get into trouble because of the information you have, and it might even put you in danger," he said to me, staring intently.
Kahit ako ay may pag-aalaal sa aking mga nasabi. Alam kong kahit sabihin ko sa mga pulis ang aking napanaginipan ay baka pagtawanan lamang ako ng mga iyon o worst baka ako pa ang madiin sa kaso.
"I care about your safety more than anything, and getting involved in this could have serious consequences. Let's trust that the authorities will handle it properly and keep ourselves safe."
Hinilot-hilot ko ang bridge ng aking ilong, saka marahang tumango.
Nakita ko pang mas dumami ang mga taong nagkumpulan, saka bago nagpahila kay Castiel.
Inalalayan niya ako hanggang sa makapasok ako ng aking kotse.
"Kaya mo bang mag-drive?" Tanong niya, habang nasa pintuan ng aking kotse.
Tumingin ako sa kanya at masuyong tumango, sabay kuha ng kamay niya.
"Thank you, hindi ko ine-expect na paniniwalaan mo ako," sabi ko. "Nakakalungkot man na hindi ako makatulong ngayon, pero sa susunod ay pangako na sisiguraduhin ko na makakatulong ako." Sabi ko, bago tumingin sa aking unahan.
Matapos ang tagpong iyon ay magkasabay kaming dumeretso sa kumbento. Nang papasok na ako sa gate ay bumusina muna ng dalawang beses si Castiel, bago tuluyang umalis.
Dahil sa byahe ay agad akong nakatulog, at swerte naman na hindi ako nanaginip ng kababalaghan Ang pagod mula sa mahabang araw ay tila nagbigay sa akin ng bihirang pagkakataon na makatulog ng mahimbing.
As I opened my eyes, I felt a renewed strength and vitality. The worries of the dreams seemed to have vanished. Napatitig ako sa aking bintana habang nasisilayan ang sinag ng araw.
Katatapos ko lang magbihis nang may kumatok sa aking pinto. Pagbukas ko ay bumungad sa aking harapan si Sister Alyana.
"Kakausapin ka daw ni Sister Carmen," sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
"Hala, bakit daw?" kinakabahan kong tanong.
"May balak kasi siyang ilipat tayo sa Quezon, para turuan ang isang community doon. Ikaw naman, kinabahan ka agad!" Sabay hampas niya sa balikat ko na ikinangiwi ko.
Aray, masakit 'yun ha!
Mabilis kong inayos ang suot kong belo saka nagmadali nang bumaba.
Nasa b****a pa lang ako ng opisina ay nakita ko na agad si Sister Carmen na nakaupo, kaya mabilis akong pumasok ng silid-opisina niya
"Magandang umaga, Sister Carmen!" Bati ko.
"Maupo ka, Sister." Anyaya niya na may malapad na pagkakangiti, kaya naupo naman ako sa tapat niya.
Nasa isang maliit na silid kami, pinalilibutan ng mga lumang libro at mga larawan ng mga misyonarya sa dingding. Ang amoy ng lumang kahoy at papel ay nagbibigay ng kakaibang init sa lugar, na nagpaalala sa akin na muli na akong nasa kumbento.
"Masayang pagbabalik, pero ikalulungkot ko dahil muli kang aalis." Her voice was gentle, yet there was a hint of sadness in her eyes.
I wasn’t sure whether to smile, so I just nodded at her. Gusto ko pa sanang magsalita, ngunit nag sa walang kibo na lamang ako.
"Maraming bata ang naliligaw ng landas sa probinsya ng Quezon, nais ko sanang magtungo ka doon upang turuan at gabayan ang mga batang iyon. Pinili talaga kita dahil alam kong kayang-kaya mo sila mapasunod. Sasamahan ka naman ni Sister alyana, kaya wala lang po-problemahin. Nakahanda na rin ang apartment na tutuluyan ninyo." Mahaba niyang sabi.
"Naiintindihan ko po, Sister Carmen." Sabi ko, habang pinipilit kong itago ang lungkot sa aking boses. “Alam kong kailangan ko itong gawin, pero hindi ko maiwasang malungkot sa pag-alis ko. Napamahal na rin po ako sa lugar na ito at sa mga tao dito,” malungkot kong sabi.
"Sige na, mag-impake ka na ng mga kakailanganin mo para sa iyong misyon." Taboy niya sa akin.
Napangiwi ako sa bilis, ngayon din palang araw ay kailangan na namin umalis. Akala ko ay maghihintay pa ako ng ilang araw.
"Mag-iingat kayo doon ha." Sabi niya. “Huwag kang mag-atubiling tumawag, kahit anong oras,” dagdag pa niya, habang hinahawakan ang aking kamay nang mahigpit.
Nang lumabas ako nang silid ay napabungtong-hininga ako. Mabilis akong umakyat sa aking silid at nag-impake agad ng mga dadalhin kong gamit. Nagtext lang ako kay Mommy na sa Quezon na ako madedestino, bago bumaba.
Saktong paglabas ko ay namataan ko si Castiel na nagde-deliver ng tubig.
"Saan ang punta mo?" Tanong niya nang makalapit sa akin. "Ako na ang magbibitbit ng mga dalahin mo." Alok niya na agad ko namang pinaunlakan.
Medyo may kabigatan nga ang maleta kong dala, kaya nang mag-alok siya ay hindi na ako humindi.
Mabilis niyang kinuha sa akin ang maleta, ako naman ay pinatunog ko ang aking kotse para mabuksan ang trunk.
"Sandali lang, iinom lang ako ng tubig sa kusina." Paalam ko sa kanya, habang nilalagay niya ang mga maleta sa likod ng aking kotse.
Agad naman akong naglakad patungong kusina. Nang matapos makainom ay bumalik na ulit ako roon. Saktong pagdating ko ay naroon na rin si Sister Alyana.
"Tara na?" Aya ko kay Sister Alyana. "Salamat sa tulong!" Sabi ko kay Castiel bago sumakay ng aking kotse. Kumaway pa siya at ngumiti sa akin.
Hindi pa nakaka-kalahating metro ay ramdam ko na ang maganit na pagtakbo ng aking kotse kaya tumigil ako para tingnan ang problema. Paglabas ko, doon ko lang napansin na flat ang gulong ng aking kotse, na ikinapameywang ko.
Tss! Ngayon pa talaga na-flatan ang gulong ng aking kotse.
Sa 'di kalayuan ay tanaw ko ang paglapit ni Castiel sa akin, na kunot ang noo.
"May problema ba, Sister?" Nakakaloko tanong ni Castiel nang makalapit sa akin, na may bahid ng ngiti sa kanyang mga labi.
Nakakapagtaka na ngayon niya lang ako tinawag nang gano'n na hindi ko na lamang pinansin.
"Flat, e." Sabay tingin ko sa gulong ko na halos lumubog na sa semento.
"Saan ba ang punta niyo? Ihahatid ko na lang kayo dun. Matatagalan pa 'yan, oh. Nabutas na ata ang gulong mo," sabi niya, habang tinitingnan ang gulong na tila ba sinusuri kung gaano kalala ang pinsala.
"Nakakahiya naman at nakakaabala sa'yo," sagot ko sa kanya, ngunit sa totoo lang ay natuwa ako sa alok niya.
“Sus, wala 'yon. Mas mabuti na 'yong sigurado tayo na makarating ka ng ligtas, I mean kayo,” wika niya. “Halika na, Sister, huwag ka nang mahiya.” Tila nagmamadali niyang sabi.
Pumunta siya sa likod ng aking kotse at isa-isang binaba ang mga maleta namin ni Sister Alyana.
"Sandali, kukuhanin ko lang ang pick-up truck ko," paalam niya.
Hindi nga nagtagal ay nakapagpark na agad siya sa unahan lamang ng aking kotse. Mabilis niyang ipinasok sa backseat ang aming mga maleta, na para bang sanay na sanay na siya sa ganitong gawain. Nang matapos ay inaya niya si Sister Alyana na maupo sa backseat.
“Sister, dito na po kayo sa likod para mas komportable,” sabi niya habang maingat na iginigiya si Sister Alyana sa likod ng sasakyan.
Nang maisara niya ang pinto para kay Sister Alyana, ako naman ang inalok niya na sumakay sa unahan, katabi niya. “Sister, dito na po kayo sa harap para mas madali tayong makapag-usap,” sabi niya na may ngiti sa kanyang mga labi. Habang binubuksan niya ang pinto para sa akin, na ikinangiwi ko.
Huh? Ano daw? Para mas madali kaming makapag-usap?
"Iaayos ko lang ang pagpark ng kotse mo para hindi nakaharang sa daan." Paalam niya, bago magtungo sa aking kotse.
Napakagat ako sa aking labi, habang pinagmamasdan siyang sumakay sa aking kotse, nalimutan nang kasama ko nga pala si Sister Alyana.
"Napakabuti naman pala ng taong iyan, ano Sister Zeelina! Mabuti na lamang na andyan siya para mahatid tayo," sabi ni Sister Alyana na ikinagulat ko.
"Ay, t**i mong malaki!" Sa gulat ko ay kung ano-ano tuloy ang nasabi ko, sabay hampas ko sa aking bibig.
Kanina pa pala ako titig na titig kay Castiel, kung hindi siya nagsalita ay hindi pa ako matatauhan.
"Ay, naku! Masama 'yan, Sister!" Panay ang sign of the cross niya nang marinig ang aking sinabi na ikinangiwi ko.
"Sorry na, Sister! Hindi ko naman sinasadya." Natataranta kong sabi.
Nang dumating si Castiel ay kunot-noo itong palipat-lipat ang tingin sa amin.
"May nangyari ba?" Tanong niya na agad kong inilingan.