ZEELINA'S POV:
"Zee! Wake up!" My mom desperately shook my shoulder to wake me up.
Nanginginig ako nang magising at mabilis na yumakap kay Mommy, habang humahagulgol ako. Ramdam ko ang init ng kanyang yakap na nagbigay sa akin ng kaunting ginhawa. Sa bawat hikbi, naramdaman ko ang kanyang kamay na marahang humahaplos sa aking likod, na para bang sinasabing ligtas ako sa kanyang mga bisig.
"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak at nanginginig?" Nag-aalala niyang tanong.
"Ang sama po ng panaginip ko," Nanginiginig kong sabi.
"Shhh... panaginip lang iyon, anak. H'wag ka nang mag-alala," sabi niya, ngunit ang puso ko ay napupuno pa rin ng kaba, hindi para sa kalagayan ko, kung 'di para sa dalagitang aking napanaginipan.
Sino kaya ang dalagitang iyon? Ang aking dibdib ay nag-aalab pa rin sa takot at kuryosidad.
"Heto, pinagtimpla kita ng chamomile tea," sabi ni Dad, sabay abot niya sa akin ng puting tasa.
"Mainit ha, careful." Paalala niya pa.
"Manatili ka muna kaya sa bahay? Mukha kasing pagod na pagod ka," ani ni Mommy na ikinailing ko.
"Alam niyo naman pong hindi iyon pu-p'wede sa amin," malungkot ko siyang tiningnan.
Napabuntong hininga siya, bago muling yumakap sa akin nang mahigpit.
"Ang drama niyong dalawa! Matutulog na nga lang ulit ako," sabi ni Dad na ikinanguso ko.
Nagpasya na rin kaming matulog ni Mommy.
Kinabukasan, maaga pa lamang, ay bumangon na ako. Kahit na wala namang gaanong aayusin sa mga gamit ko ay inayos ko lang ulit, tapos ay nagdasal, at iniwaglit ang aking napanaginipan kagabi.
Pagbaba ko sa lobby kasama sila Mommy ay naroon na rin si Castiel na napatayo nang makita ako.
Nang magkatapat kami ay saka siya nagsalita.
"Sabay na tayong umuwi? Susundan kita," aniya, na ikatango ko.
Hindi na ako tatanggi, kasi nung last na tumanggi ako ay ilan beses na tumirik ang kotse ko.
"Oh, ayan baby. May maghahatid na sa mahal mong anak." Turan ni Daddy na tila may bahid ng malisya.
"Ah... kasi malapit lang din kasi siya sa kumbento," paliwanag ko kay Dad para hindi sila mag-isip ng kung ano-ano.
"H-wag kang mag-alala, anak. Hindi kami nag-iisip ng kung ano-ano," sabi ni Mommy na tila may malisya sa salitang binitawan.
Oh, God! Ang kulit nila. Lalo tuloy ako nakadama ng hiya nang kunin ni Castiel ang bagahe ko kay Dad.
"Ako na pong magdadala ng mga gamit ni Zee," sabi ni Castiel na ikinapikit ko, sabay kagat sa aking labi.
"Ay, talaga pa lang napakabait mo, Iho!" Ani ni Dad. "Ang sabi sa akin ni Dad ay napakasipag mo raw at sa murang edad mo ay marami ka nang negosyo," namamangha pang saad ni Daddy.
Naku po, naloko na!
"Sa murang edad ko, tinuruan na ako ng aking abuelo na maging masipag lalo na sa pagtutok sa mga oportunidad at pagpapalago ng mga negosyo, kaya naman sa edad ko na ito ay marami na akong napalago sa aming negosyo. Nakapagpatayo na rin ako ng sariling negosyo," Sabi ni Castiel na ikinalaglag ng panga ko.
Ano siya nagpapa-impress kay Dad?
I chuckled and then grabbed Castiel's arms.
"Tara na, baka abutan tayo ng traffic jam," aya ko sa kaniya. "Bye Mom and Dad!" Sabay kaway ko sa kanila. Baka mamaya ay lalo pang humaba ang usapan nila., nakakahiya pa naman kay Castiel.
"Ingat kayo sa byahe!" Sabay nilang sabi.
Nagmamadali akong makasakay ng kotse, matapos maipasok ang aking gamit. Inayos ko ang aking upuan, sinuot ang seatbelt, at pinaandar ang makina ng aking kotse.
Habang kami’y magkasunod na nagmamaneho ni Castiel, bigla kaming naabala ng matinding trapiko. Nakita ko ang malalaking grupo ng mga tao sa harap, kaya’t agad kong ibinaba ang salamin ng aking kotse upang masilayan ang sitwasyon.
Sa gitna ng abala, naisip ko kung ano ang dahilan ng pagkakaroon ng traffic jam at kung gaano katagal ito magtatagal.
"Ano hong nangyari?" Usyoso ko nang tanong sa mamang dumaan sa gilid ng aking kotse.
"May dalagitang itinapon sa damuhan!" Balita niya na ikinakabog ng aking dibdib.
Napahawak ako sa manibela nang mahigpit at napapikit.
Hindi naman siya 'yun 'di ba? Ipinilig ko ang aking ulo, sabay subsob ng aking ulo sa manibela.
Kakaisip ko ay sa huli ay iginilid ko ang aking kotse at nagpark ng maayos. Matapos ay mabilis ang naging lakad ko at nakipagsiksikan sa mga nagkukumpulang mga tao.
"Excuse me, makikiraan po!" Sabi ko na binigyan din naman nila ako ng daan hanggang sa tuluyan kong marating ang at masilayan ang wala ng buhay ng isang dalagita.
May alambreng nakapulupot sa leeg niya at ang mga kamay niya ay nakatali mula sa kaniyang likod. Marami rin siyang mga pasa sa mukha at duguan ang ulo niya, senyales na sobra siyang pinahirapan.
Halos mapaluhod ako nang makita kung ano ang hitsura niyang kalunos-lunos, lalo na nang makilala ito. Nanayo ang aking mga balahibo nang makilala ang bikitima. Siya at ang dalagitang nasa aking panaginip ay iisa.
Halos hindi ko makayanan ang aking nakita, at kung hindi lang ako nasalo ni Castiel ay baka tumama na ang aking ulo sa damuhan. Nagkatinginan kaming dalawa nang ang kanyang mga bisig ay bumalot sa akin, at naramdaman ko ang mahigpit niyang hawak habang inaalalayan akong makatayo.
I instinctively hold Castiel's arm, seeking comfort and grounding. Castiel, on the other hand, maintains a stoic facade, but his clenched jaw and the subtle tension in his shoulders reveal his unease. His eyes dart around, assessing the situation and scanning the crowd.
"Are you okay? Do you know her?" May pag-aalala niyang tanong na marahan kong inilingan.
Inilibot ko ang aking mga mata at sa hindi sinasadya ay nahagip ng aking mga mata ang isang lalaki na kamukhang-kamukha na nasa aking panaginip.
Mula sa aming kinatatayuan, ay nakita ko ang kanyang pagngisi.
Nang akayin ako ni Castiel ay napahawak ako nang mahigpit sa kaniyang kamay, sabay titig ko na tila may pinahihiwatig.
"Do you trust me?" I inquired.
Walang pag-aalinlangan siyang tumango, kaya mabilis ko siyang hinila patungo sa isang lugar na walang tao at walang makakarinig sa amin. Nang makarating kami sa isang sulok ay huminga ako nang malalim at tiningnan siya sa mga mata.
“Hindi ka maniniwala, pero nakita ko ang pangyayari sa panaginip ko,” sabi ko, habang ang aking puso ay bumibilis ang t***k. Napahawak ako sa aking dibdib, ramdam ko ang bigat lalo na nang maalala ko kung paano siya hampasin sa ulo ng lalaking iyon.