ZEELINA'S POV:
After the wedding ceremony, we proceeded to the reception located close to the chapel.
As usual, si Castiel ay panay ang dikit pa rin sa akin. Nahihiya na nga ako, dahil pinagtitinginan na kami ng mga kamag-anak ko, and even the guests. I'm not sure if what I'm seeing is disgusting. Alam naman natin ang takbo ng utak ng mga pinoy, iba pati sila makatingin. Tingin nila naglalandi na, kahit na hindi naman.
"Gusto mo ng cassava cake?" he asked.
Nahiya naman ako tumanggi, kaya tumango na lang ako at ngumiti. Pagbalik niya ay may bitbit na rin siyang maja de blanca at ube coconut macaroons. That's my favorite kaya halos manlaki ang aking mga mata nang makita ang mga iyon na dala niya.
"S-salamat!" nauutal kong sabi.
Nakakahiya talaga na dinalhan niya pa ako ng mga panghimagas. Lalo tuloy kaming pinagtinginan ng mga bisita.
Inilapag niya iyon sa tapat ko at muling umupo sa tabi ko.
"Ang sweet niya!" bulong ni CL sa akin nang makita ang ginawa ni Castiel. Sumulyap ako sa kanya at tinitigan, habang sarap na sarap siya sa pagsubo ng panghimagas.
Ewan ko, but he's really handsome, kahit na punong-puno ang bibig ay cute na cute pa rin siya.
Lumalabas ang dalawa niyang dimple, habang ngumunguya. His eyes twinkle with mischief as he catches me staring, and a playful grin spreads across his face, making my heart skip a beat.
Just watching him enjoy his food, makes me smile without even thinking kung may nakakakita ba sa akin o wala. Every little gesture, every expression, makes him even more charming, na pakiramdam ko ay gumagaan ang pakiramdam ko sa kakatingin sa kanya.
"Oy! Bagay na bagay talaga kayo! Bulong na tuya ulit sa akin ni CL, na ikinainit ng aking pisngi.
“Tigilan mo nga ako, Cl,” sagot ko, pilit na pinipigilan ang pag ngiti. Pero sa totoo lang, hindi ko maalis ang kilig na nararamdaman ko. Para namang kumikislap ang mga mata ni Cl sa kalokohan habang patuloy siyang nagbibiro, lalo na nang makitaan niyang namumula ang aking pisngi.
“Tingnan mo nga, namumula ka na!” dagdag pa niya, na lalo pang nagpainit sa aking pisngi. Pakiramdam ko ay para akong isang kamatis sa sobrang pula. “Seryoso, bagay na bagay talaga kayo,” sabi niya, ngayon ay may halong lambing sa kanyang boses. Hindi ko alam kung paano ko itatago ang aking ngiti, kaya’t napayuko na lang ako, umaasang hindi niya mapansin ang aking kilig.
Ano ba naman itong mga kamag-anak ko. Alam naman nilang madre na ako, anong bagay-bagay ang sinasabi nila? Baka parusahan kami ni Lord niyan, e. Sabi ko sa isip ko kahit na sobra talaga akong kinkilig sa mga titig ni Castiel, kahit mali ang kiligin.
‘Lord, patawarin mo po ako,’ bulong ko sa aking sarili, habang nararamdaman ko ang kilig na bumabalot sa akin.
‘Ano ba itong nararamdaman ko?’ tanong ko sa aking sarili, habang pilit kong iniisip ang aking mga panata. Ngunit sa bawat titig ni Castiel, parang nawawala ang lahat ng aking mga alalahanin, at ang tanging natitira ay ang kilig at saya na dulot ng kanyang presensya.
Matapos ang reception ay hinatid ako ni Castiel sa aking tutuluyang room, kahit na ilang beses kong sabihin na kasabay ko ang aking mga magulang ay nag-insist pa rin siya.
Habang naglalakad kami sa mahabang hallway, naramdaman ko ang kakaibang init ng kanyang presensya sa tabi ko. Ang bawat hakbang namin ay tila may sariling ritmo, at ang katahimikan sa pagitan namin ay puno ng hindi masabing damdamin.
"Okay ka lang?" tanong niya, na may halong pag-aalala sa kanyang boses.
"Oo, okay lang ako," Sagot ko, kahit na ang totoo ay kinakabahan ako sa bawat titig niya. Nang makarating kami sa pintuan ng aking kwarto, tumigil siya at ngumiti.
"Kung may kailangan ka, nandito lang ako," sabi niya, na nagdulot ng kakaibang kilig sa aking puso.
"Salamat, Castiel," sagot ko, habang matipid na ngumingiti.
Nang pumasok na ako sa loob, hindi ko mapigilang muling mapangiti at mag-isip tungkol sa kanya. Ang kanyang kabaitan at pag-aalala ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa akin, at hindi ko mapigilang magtanong sa aking sarili kung ano itong nararamdaman ko para sa kanya.
Nang gabing iyon ay sa room na nila Mommy ako natulog. They missed me immensely., kaya pinagbigyan ko na.
Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan kay Mommy at Daddy, pero mabilis na pumikit na ang aking mga mata. Siguro dahil na rin sa pagod ay mabilis akong nakatulog.
Sa isang iglap, I found myself walking in a dark alley. The smell of rain-soaked pavement fills my nostrils.
Ang simoy ng hangin ay napakalamig sa pakiramdam na naihaplos ko ang aking mga kamay sa aking magkabilaang braso.
Pakiramdam ko ay may mangyayaring masama, kaya napa-sign of the cross ako sa takot.
Bigla akong kinabahan nang may marinig na yabag, kaya mabilis akong nagkubli sa basurahang aking nakita. Nahigit ko ang aking hininga, kasabay nang paglaki ng aking mga mata, nang masaksihan ko ang malakas na paghampas sa ulo ng isang lalaki sa dalagita na sa tingin ko ay nasa edad labing walo lamang.
Ang kanyang mga mata ay nanlilisik sa galit habang ang dalagita ay bumagsak sa lupa, na walang malay.
Naramdaman ko ang malamig na pawis na dumaloy sa aking sentido, habang pinipilit kong hindi gumawa ng kahit anong ingay.
Ang bawat segundo ay tila isang oras habang nakatulalang nakatitig sa lalaking tila nakadroga sa hitsura niya pa lamang.
The situation was so terrifying that I had to cover my mouth to stifle a scream.
My heart pounded in my chest, na bawat t***k ay halos dumodoble ang tunog sa aking tainga. I could feel the cold sweat trickling down my back as I pressed myself against the wall, trying to make myself as small and invisible as possible.
Bawat makitang anino ay pakiramdam ko'y gumagalaw; every sound felt louder sa sobrang katahimikan ng paligid. Pinigilan ko ang aking paghinga, praying that I wouldn’t be discovered, habang ang takot at pangamba ay patuloy na dumadaloy sa aking isipan.
Sa sobrang takot ko ay natulala na lang ako, habang parang sako na binitbit ng lalaki ang babae na wala ng malay. Ang bawat galaw niya ay nagdudulot ng mas matinding kaba sa aking dibdib.
Nakita ko ang walang malay na katawan ng dalagita na parang basahan na nakalaylay sa mga bisig ng lalaki. Ang kanyang buhok ay sabog at duguan, at ang kanyang mga kamay ay tila walang buhay na nakalaylay.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kaya’t nanatili akong nakatago, umaasang hindi niya ako mapapansin.
Anong gagawin ko? Tuluyan na lang ba ako magtatago at hahayaan ang kaawa-awang dalagita? Kahit na takot ay hinigit ko ang aking hininga, upang magkaroon ng lakas ng loob.
Nang may makita akong kahoy ay mabilis ko iyong pinulot at mula sa aking pinagtataguan ay umahon ako.
Kahit na takot na takot ay mabilis kong sinugod ng hampas ang lalaking may bitbit sa babae. Ngunit sa aking pagkagulat, ay tumagos lamang ang kahoy na aking hawak, na parang wala siyang katawan, na para bang isang multo.
Ang aking mga kamay ay nanginginig habang hawak-hawak ang kahoy, habang ang aking puso ay walang tigil sa pagdagundong.
Ang lalaki ay tumingin sa akin nang may malamig na titig, at sa sandaling iyon, naramdaman ko ang tunay na takot. Ang babae ay nanatiling walang malay sa kanyang mga bisig, at ako’y napaatras, hindi makapaniwala sa aking nasaksihan.
Sa aking pagkabigla ay nabitawan ko ang hawak na kahoy at narinig ko pa ang pagkabagsak nito sa sahig. Nagtataka kung bakit lumagpas ang kahoy na aking hawak sa kanyang ulo?
Nanginginig ako sa takot at ang aking luha'y tumulo habang ako'y unti-unting napapaatras.
Nang muli kong tingnan ang lalaki ay tila wala itong pakialam sa akin at nagpatuloy lamang ito sa paglalakad, na tila ba hindi niya ako nakita.
Balak ko pa sanang sumunod upang subukan ulit pigilan ang lalaki, ngunit natulos na ang aking mga paa nang maalala ang una kong panaginip. Am I dreaming again? Ito ba ay isa na namang pangitain ko?
Ang takot at pagkalito ay bumalot sa akin, at hindi ko na alam kung alin ang totoo at alin ang ilusyon.
Nanaginip na naman ba ako? Ang tanong na ito ay paulit-ulit na umalingawngaw sa aking isipan, habang pinipilit kong iniisip kung susundan ko pa ba ang lalaki o hahayaan na lang siyang makalayo.
Ang aking katawan ay tila naubusan na ng lakas para kumilos. Ang aking mga paa ay tila natulos na sa lupa, hindi makagalaw sa hindi makapaniwalang tagpo.
Ang malamig na hangin ay patuloy na dumadampi sa aking balat, ngunit hindi nito kayang palamigin ang nag-aalab na takot sa aking puso.
Oh, Lord! H'wag naman po sanang maging totoo ang panaginip na ito!
Awang-awa ako nang makita ang maamong mukha ng dalagitang walang malay.
Unti-uting dumaloy ang luha sa aking mga mata, walang patid at nagsisi-unahang magsitulo ang mga iyon. Kahit na takot na takot ay sumunod ako sa lalaki.
Iilang hakbang pa lamang ay bumungad sa akin ang isang abandonadong bahay, at nakatitiyak ako na doon niya balak dalhin ang dalagita.
Nang lumiko ang lalaki patungo sa gate ay nahugot ko ang aking hininga at walang tigil ang aking puso sa mabilis na pagtibok. Ang kaba sa aking dibdib ay tila isang tambol na walang humpay sa pagdagundong. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay sa sobrang takot at kaba.
"No, please! h'wag mong ituloy iyan, parang awa mo na!" Nagmamakaawa kong sabi kahit na hindi niya naman ako naririnig.
Ang aking boses ay nanginginig sa takot at desperasyon, halos hindi ko na makilala ang sarili kong tinig sa kakahiyaw.
Ang aking mga luha ay nagsimulang dumaloy sa aking pisngi, at ang aking mga kamay ay nanginginig habang pilit kong inaabot ang lalaki.
Kahit na alam ko na hindi siya mapipigilan ay sinubukan ko pa rin.
“Maawa ka, h’wag mong saktan ang babae!” patuloy kong sigaw, umaasang kahit papaano ay maririnig niya ang aking pakiusap.
Ngunit sadyang hindi niya naririnig ang aking hinaing, at ang kanyang mga mata ay nanatiling malamig at walang pakiramdam.