CHAPTER 5

1209 Words
ZEELINA'S POV: Kanina, siya'y nakasuot lamang ng pormal na long sleeve at itim na slacks. Ngunit ngayon, nadagdagan ito ng itim na coat na lalong nagpatingkad sa kanyang matipunong katawan, na animo'y isang modelo. Gosh, I can see women drooling over him. Pati ako rin ata ay tumulo ang laway sa pagtitig sa kanya. Tila naramdaman niya na may nakatingin sa kanya at sa ilang sandali ay nagtama ang aming mata. Pinilit kong ibaling ang atensyon ko sa mga iba kong kamag-anak, ngunit ang aking makulit na mga mata ay bumabalik sa pagtitig sa kanya. His eyes are like magnets, pulling me into a stars, na para bang isang magandang tanawin na hindi ko mahindian sa pagtitig. Nahigit ko ang aking hininga nang makitang papalapit sila sa aking puwesto, kasama ng aking lolo. "Iha, I want you to meet the grandson of my business partner, Castiel Valiente. Iho, this is my granddaughter, Zeelina Le Desma." Pakilala ni Lolo sa amin. What?! Grandson? Akala ko simpleng kargador lang siya? Ang dami niyang trabaho bilang isang laborer, tapos anak pala siya ng isang businessman? Kung hindi lang siguro ako madre ay baka napamura na ako nang 'di oras. "Nice to meet you again, Zee," sambit niya, sabay lahad ng kanyang kamay sa akin. Awtomatiko ng bumaba ang mga mata ko sa kamay niyang nakalahad sa akin. His hands appear so clean and smooth, as if he has never engaged in labor before. Nang ako'y tumingin kina Lolo, ay napansin kong nakatingin din sila sa akin, tila hinihintay ang aking pag-abot ko ng kamay ni Castiel. Pumikit ako nang hawakan ko ang kanyang kamay, at nang aking idilat ang aking mga mata'y naramdaman ko ang tila kuryenteng dumaloy sa aking palad mula sa pag daupang palad namin ni Castiel. Napuna ko rin ang malalim at hindi maipaliwanag na pagtitig ni Castiel sa akin. Simula nang aming pagkikita ay ganyan na siya, na para bang kilala at matagal niya akong nakita. "As you can see, she is an apostolic sister. But... if you can tame her, she's yours!" Lolo said without blinking his eyes, na ikinasinghap ko. "Lola naman!" Reklamo ko. Bigla akong nahiya sa sinabi ni Lolo na napakabulgar, ni hindi man lang itinago sa akin ang sinabi. Tumawa lamang ito na para bang nakakatawa ang sinabi niya. "I'm sorry, Iha, but I still want to see you in a simple dress with a granddaughter beside you, instead of wearing that dress! I hope I'll see you next time wearing a white wedding dress like Nahara does." Sambit nito, sabay tapik kay Castiel bago umalis. Halos manlaki naman ang aking mga mata sa sinabi ni Lolo. At talagang sa harap pa ni Castiel. Oh my God, masisiraan na ata ako ng bait. Naptingin ako kay Castiel, na wala atang balak na umalis sa aking tabi. Nakailang buntong hininga ako, matapos tumalikod kay Castiel na hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis sa tabi ko. Nang maglakad ako patungo kila Kuya Ezra ay napansin kong palipat-lipat ang tingin nila sa akin at sa aking likuran. Nang tingnan ko kung ano o sino ang tinitingnan nila ay napahilamos ako ng aking mukha nang makitang nakasunod si Castiel sa akin. "Bagay kayo!" Sambit ni Kuya Ezra, na ikinangiwi ko. Isa rin ito, e. Bakit ba mga ganito ang mga kamag-anak ko sa akin? Wala ba ni isang susuporta sa akin? "Wala!" Sagot ni Kuya Ezra na wari mo'y alam ang iniisip ko. ''Right, nabasa ko ang ikakukunot ng noo mo, pinsan!" Nakakaloko niyang sabi, na inismiran ko lamang saka muling umalis at sa iba naman ako nagpunta. "Sorry, I may look like a stalker to you, but believe me, ikaw lang ang kakilala ko dito," bulong ni Castiel nang makalapit sa akin. Umikot ang aking mga mata sa sinabi niya. Sige na nga, hahayaan ko na siya manatili sa tabi ko. "Sige na nga," mahina kong sambit, na ikinangiti niya. "Yes!" Sambit niya na ikinalaki ng mga mata ko. Tila namula pa ang aking pisngi nang magtinginan ang mga bisita sa amin ni Castiel. Para naman siyang sinagot no'n, ang oa namang ng lalaking ito. Pinagtitinginan pa tuloy kami dahil sa damuhong ito. Nang maupo ako sa bandang gitna ay doon rin siya umupo sa tabi ko. Maya-maya lang ay kumanta na ang choir, pahiwatig na papasok na ang bride. Kaya nang lumingon ako ay nakita ko si Ate Nahara na napakaganda na animo'y dalaga pa rin sa suot niyang wedding gown. Ilang taong na rin silang kasal ni Kuya Sullivan, ngunit inalok pa rin siyang makasal dito sa Chapel ng Tagaytay highlands, na talaga namang napakaganda ng lugar. At talaga pa lang napakalamig dito. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin, na nanunuot sa aking balat. Napakagat ako nang labi nag hubarin niya ang suot na coat at ipatong ito sa aking balikat. "Sorry ulit, Zee. Mukhang nilalamig ka na kasi," masuyo niyang sambit, na ikinangiti ko. Bakit nga ba ako naiinis sa kaniya? Ang bait-bait niya nga sa akin, e. Imbes na ako ang itong maging mabait ay naging baliktad pa ata. "Thank you, and sorry din. Naging masungit ata ako sa'yo." Nahihiya kong sabi. Kasi naman, bakit ba kasi ang lakas ng dating niya sa akin? Parang bawat galaw niya kasi ay napapansin ko, na hindi naman dapat. Naiinis ako sa sarili ko tuloy. Imbes na maging mabuti ay ako pa tuloy ang parang kay pait-pait dito. Mukha akong naloko ng maraming beses. "Hindi naman, ayos lang naman sa akin." wika niya. "Bakit ka nga pala nagkakargador sa palengke, nagbubuhat ng hollow blocks at nagde-deliver ng tubig kung businessman naman ang lolo mo?" Kuryoso kong tanong. Dinilaan niya ang labing mapula, sabay ngumiti. "Sa ngayon, ako mismo ang nagpapagawa ng bahay doon. Mayroon din akong pwesto sa palengke at sariling water station. Walang ibang magde-deliver, kaya’t ako na rin ang gumagawa ng lahat. Sabi nga nila, mahalaga na maranasan natin ang mga pagsubok para malaman natin kung paano patatakbuhin nang maayos ang ating negosyo." "Ssshhh!" Saway sa kaniya ng isang bisita sa unahan namin na ikinangiwi ko. Tumango-tango ako sa mga sinabi niya, bago muling bumaling sa harapan. Shocks! Bakit parang ako pa ata ang bad influence? Ako pa talaga ang nakikipagdaldalan, sa halip na tumahimik at makinig na lang sa harapan. "Sa bagay, maganda nga naman maranasan ang mga bagay mula sa ibaba, para alam mo rin kung paano makitungo sa magiging empleyado mo," mahina kong bulong sa kaniya, hindi pa rin napigilan na kausapin siya. "Para rin makasama ka." Mahina niyang bulong, na ikinainit ng aking pisngi. "Huh?" tanong ko, mali ata 'yung pagkadinig ko. Bakit niya namang sasabihin na makasama ako? Para namang p'wede niya akong makasama. Tss! "Sabi ko, para masaya rin," pagtatama niya, kahit na mukhang hindi iyon ang kanyang sinabi. Hay, Zeelina, ano ba naman ito? Bakit kung anu-ano ang iniisip mo? Tandaan mo, ikaw ay isang madre! Hindi ka isang single na naghahanap ng kasintahan, magpakatatag ka! I shook my head before sitting up straight. Shocks! Ang bango-bango naman kasi ng coat niya, nakakawala sa katinuan. Akala ko tuloy single ako na naghahanap ng jowa. Sorry na po, Lord! Minsan lang naman mag-ilusyon si Sister. Pagbigyan muna, hindi naman alam ni Castiel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD