First day ng school ang pinaka-nakakabadtrip sa lahat. Tatanungin niyo pa kung bakit? Aba, magisip kayo! Putek!
“Look, Channel Necklace.”sabi ng isang pasosyal na babae.
“Tss. Look at my bag, Louis Vuitton’s special edition. Hah!”sagot naman ng isang babae.
At marami pang scenario ang mga ganyan, tulad ng payabangan sa coat, sa bag, sa mga relos, sa mga accessories nilang nakakabadtrip kung iisahin pa natin diba?
Ayan, nasagot ko na ang tanong niyo kung bakit ayoko ng first day. Sa madaling salita, naaalibadbaran ako sa mga taong nasa school na to, at pati na rin sa school na ito.
School ko? “Matias Gil University” Sounds familiar? Hmm. Pangmayaman ang school na to. Hindi ako mayaman. Isa akong dukha. Wala akong magulang. Sarili kong tinataguyod ang sarili ko. Naka-apartment lang ako. Kaliwa’t kanan ang trabaho ko. Ang boring ng buhay ko no? Walang direksyon.
Agad ko naman nakita ang room ko. Ang 4-C.
Wag kayong masyadong manghusga porket 4-C lang ang section ko. Sadyang marami lang akong pinagtutuunan ng pansin kaysa pag-aaral. Hindi naman ganun kagulo ang section ko. Slight lang.
Pumasok kaagad ako.
Sa pagpasok ko, natahimik ang lahat, ayan nanaman! Napukaw ko nanaman ang mga atensyon nila. Kaya ayaw ko ng first day e.
“KAKLASE KA PA DIN NATIN SI UGLY AMAZONA!! YOHOOOOOOO!” sigaw ng lalaking di ko alam ang pangalan pero kilala ko sa mukha dahil kaklase ko to simula First Year ako hanggang ngayon. Gantong-gantong scenario din ang nangyari noong mga nakaraang taong ‘first day’ din.
Nagpalakpakan naman ang lahat ng mga estudyanteng mga nasisiraan ata ng ulo.
At tulad ng nangyari dati, winelcome nila ako sa paraan ng pagbabato ng nilukot na mga papel.
Pucha! First day na first day, iniinis nila ako.
Sinipa ko naman ang upuan at nagkaroon ito ng malakas na impact papunta sa kanila.
Natahimik ang lahat at nagsipagtigil naman sila sa pagbabato. Leche! Yun lang pala ang makakapagtahimik sa kanila. Wag kang mag-alala Francheska! Last Year mo na to. Wag kang mag-alala. Isang taon nalang. Puta, ang tagal ng isang taon ha! ://
Pinili ko ang pwestong malayo sa lahat. Sa likuran. Alanganan namang sa unahan ako? Baka ano pa ang gawin nila saakin. Kapag nakaharap nga ako, kung ano-ano ang mga pinag-gagawa nila saakin. Nakatalikod pa kaya? Leche namang buhay to oh!
As usual, walang tumatabi sa akin. Walang tao rin ang napiling umupo sa harapan ko. Sanay na naman ako sa ganto. Nakakagago kasi kinekwento ko pa sainyo kahit na alam ko namang ganto na ang nangyayari noon palang.
“WAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH~~~!!!”
Ang lahat naman ay natahimik ng dahil sa hiyaw ng mga babae sa corridors. Yung mga classmate ko tuloy nakiusyoso. Syempre tinitignan ko lang sila habang nagsisimadali silang magsipuntahan sa bintana at yung iba naman ay lumabas pa.
Tss. NAKAKAINIS talaga tong school na to. Leche! Kung alam ko lang na late pala ang start ng klase edi sana late na lang din ako pumasok. Nakakagago nanaman kasi nakalimutan ko na every year naman ganto lagi ang nangyayari. Makakalimutin talaga ako. Hays!
“Kyaaah~! Ang gwapo talaga niyaaa. He looks so refreshing. Grabe alam mo bang niyaya siyang magmodelling at mag-artista ng Star Magic. Pero tinanggihan niya iyon. Emeghessh! Sayang!” sabi ng isang babaeng halata mong kinikilig, classmate ko pero hindi ko alam ang pangalan.
“Okay nga yun eh! Atleast, makakasama parin natin siya at can be reach pa siya. Ahihihiih!” Tangina! Ang lalandi naman ng mga kababaihan ngayon. Babae ako per o hindi naman ako magpapakaganyan sa lalaki. At alam ko naman na, walang papatol sa akin ever. Yung manligaw? Asa pa! Eh kakasabi ko lang na hindi ako ganyang babae na humahabol, so it means, wala ng chance pa para lumablayp ang isang pangit na tulad ko.
Nanatili lang ako sa upuan habang ang mga kaklase ko namang mapababae o lalaki ay nagsibalikan sa mga upuan nila. Pero hindi pa rin natigil ang pag-uusap nila tungkol dun sa kung sinong Poncio Pilato na dumaan sa corridors.
“Grabe, ang yaman talaga niya no? Nakita mo ba ung relo niya pare? Latest Special Edition yun ng Rolex. Pinagnanasaan ko nga yun eh, kaso di kaya ng budget.” Sabi ng isang lalaking insecure.
“Grabe, ang hot niya. Super. Sana mapansin niya ako! Last year na natin to. At hindi ko alam kung saan siya magkacollege wala pa akong nababalitaan sa source ko. Pero for sure, hindi ko na siya makakasama kasi matalino siya e. Nasa 4-SC siya e. -_-“ sabi naman ng isang babaeng nababaliw na ata sa paghihysterical niya.
I can’t believe it. Mga babae talaga ngayon. Sayang may mga itsura pa naman sila tapos sila ang naghahabol sa lalaki e, samantalang ako na pangit, hindi kailanman at NEVER maghahabol sa lalaki.
Sino naman ang lalaking yon? At sobra naman kung makapagreact tong mga babaeng to. Popular ba siya? Base sa sinabi nila kanina, hindi to transferee. Bakit hindi ko kilala? Bobo mo talaga Francheska! Eh wala ka ngang pakialam dito sa school na to eh, sa mga tao pa kaya?
Nagbell na at hudyat ito na break time na. Tignan niyo? Naubos ang oras sa wala! WALA! WALANG DUMATING NA TEACHER MAN LANG! Wala talagang fairness ang mundo, sigurado akong sa mga higher section, may dumating na teacher. Umalis nalang ako at pumunta sa cafeteria.
Pagkadating ko sa Cafeteria, nakita ko agad ang mga kumpul-kumpulang mga estudyante. Ibat-ibang grupo, yan ang ayoko sa school na ito. Puro high-class ang mga nandito. Mga tagapagmana, mayayaman at kung anu-ano pa. Mga plastic na pagkakaibigan lang naman ang meron sila sa mga grupo nila. Puro mga business purposes. Tss! Naggagamitan at nagpapaangatan!
Agad nanaman nilang napansin ang presensya ko. Nakakainis, bakit ba laging napapansin ang presensya ko. Nakakabadtrip. Aish! Nakita ko naman ang mga reaksyon nila. Putris! Parang nandidiri ung iba, yung iba naman nagbubulungan, may mga tumatawa din. Pero dahil sanay nanaman ako. Dumiretso nalang ako sa bakanteng upuan na walang nakaupo. Kaya nga bakante diba? Bobo lang? Table for two talaga siya pero okay na yun, dahil wala namang sigurong table for 1 diba?
“Grabe? What’s with the skin? So ewwwy!”
“Grabe, so luwag ng uniform. Looks like jologs. Yuck!”
“OMG! Ang daming pimples! Eww so EWWWW!”
“Bakit ganon? Yung buhok niya grabe, napakafrizzy. Daming split-ends. Nagshashampoo ba yan?”
Yan ang mga naririnig kong bulungan, hindi pala. Sinisigaw pala kasi naririnig ko e. Takte! Ge. Ipagkalat niyo ang obvious. Laking problema ng mga to. Dapat di nalang ako pinapansin e.
“Takte! Taga 4-C yan pare diba?”
“Oo pre. Si Francheska Jonna Mulindigma yan dude!”
“Kilala yan e. Yung tinatawag nilang Ugly Amazona simula first year palang.”
“Grabe! Kay pangit pala talaga no? Pandigma talaga! Bwahahah!”
At nagtawanan naman sila. Mga baliw puta! Hindi ko naman pinansin ang mga walang pakundangan nilang panghuhusga. Sa totoo lang ay sanay na ako, at paulit-ulit ko yang sasabihin sainyo readers dahil unli ako.
Nilabas ko ang baunan kong niluto pa ni Aling Marga. Kapit bahay ko siya at walang anak, kaya naman finifeel niyang anak niya ako at pinababaunan pa ako ng lunch. Sa totoo lang masaya ako at hindi ko na kailangang gumastos at talaga namang napakabait ni Aling Marga.
Narinig ko naman na lumakas lalo ang tawanan at mga bulung-bulungan at syempre naririnig ko ang mga sinasabi nilang bulong. Na kesyo bakit daw ako nagbabaon. Lechugas! Baka pati pag-utot ko dapat ko din iexplain? Bahala sila.
Hindi ako mayaman tulad nila na bumibili ng halos tig-lilibong piso na mga pagkain. Parang catering style kasi dito. Munggago diba? Nakakabanas ang mga mayayaman. Mga gastador! Pano ako nakapasok sa “Matias Gil University” ? Dahil sa isang premyo. Premyong ewan ko. Gantimpala ata yon? Dahil niligtas ko ang isang matanda na tumatawid sa kalsada! Binigyan niya ako ng certificate of scholarship para sa school na to hanggang makapagtapos ako ng highschool. Akala ko nung una joke joke lang ng matanda pero syempre sinubukan ko kasi malay mo tsumamba! At ayun nga pwede. Kaya ayun tiis-tiis lang ako dito hanggang sa makagraduate.
Pero may mga bagay na talagang minsan pinagtataka ko. Tulad nito.
“Oopps. Sorry, I mean it!”
Nagtawanan ang lahat ng tao sa Cafeteria.
Napatingin naman ako sa uniform ko na nabasa sa pagtapon ng isang babae ng ewan ko kung anong klaseng juice pati ung pagkain na hinanda ni Aling Marga nalagyan din.
Aba Gago, I mean it ba kamo ha?
Kinuha ko naman ang isa pang juice na nasa tray niya at tinapon sa mukha niya. Nabigla naman siya sa ginawa ko. Napasinghap ang mga tao sa paligid.
“Sinasadya ko kaya hindi ako mag-sosorry.” Sabay tulak ko pa sa kanya.
Lintik lang ang walang ganti. Hindi ko naman talaga sila pinapatulan kapag inaasar nila ako pero kapag inaaggrabyado na nila ako, ibang usapan na iyon.
Ito ang minsang pinagtataka ko, kahit na ang dami ko ng nakasangkot na gulo e hindi naman ako nadrodrop sa school na to. Matatawag ba akong isang Amazona kung hindi ako gumagawa ng mga gulo? At kung hindi ako napatol sa mga nangaaway sakin kahit na lalaki? Pero okay na un. Di ko na inisip pa kung bakit basta ang maganda, Stayput padin ako dito at hindi pa din drop.
Iniwan ko siya doon sa sahig na nakaupo. Tss. Lalapit lapit, di pala kaya lumaban. Masyadong pasikat.
Niligpit ko ang baon ko at nilagay sa bag ko.
Paalis na ako ng cafeteria ng may napansin akong isang matangkad na rebulto ang nakatayo at nakasandal sa poste malapit sa labasan ng cafeteria.
Napatingin naman ako sakanya.
Nagulat ako ng nakita kong nakatingin siya saakin. Pero hindi ko pinahalata iyon. Para kaming tangang nagtititigan doon. Poker face pa kami parehas.
Iba ang titig niya, grabe para kang matutunaw. At ano ba tong nangyayari saakin? Bat ang bilis ata ng t***k ng puso ko? Kinakabahan ako? Bakit naman?
Inalis ko nalang ang tingin ko sakanya at tuluyan ng umalis. Pero bago pa ko makaalis narinig ko ang marahan niyang pagtawa. Takteng yan! Pati pagtawa panglalaki pa din at pang-gwapo!? Tss!
Tss! Siguro tinawanan nun ang itsura ko. Nakakabadtrip! Porket gwapong nilalang. TSS!