Sa wakas at uwian na din. Nakakastress talaga ang bawat araw na nasa school ako. Tinali ko ang buhok ko at lumabas na ng school.
Nakita ko naman agad ang mga nag-gagandahang makikintab na kotse na nagaantay para sa mga susunduin nilang mga prinsesa’t prinsipe. Napamura nalang ako ng maisip ko ang bagay na yon.
Nakita ko naman na nagkukumpulan ang mga babae doon banda sa isang kotseng itim.
Ano nanaman eksena yan? Nandyan ba si Lee Min Ho para pagkaguluhan nila. Lul!
Nagsimula na akong maglakad. Sayang kasi ang pera kung ipapamasahe ko pa. Kaya ko namang lakarin ang MG Restaurant dito. Isa sa mga trabaho ko. Malaki ang sweldo ko rito. Ito nga ang pinambabayad ko sa renta, tubig at kuryente, kaya ingat na ingat ako dito at ayoko masisante.
“Hi FJ!” sigaw ng kaibigan kong si Leyra pagkadating ko palang sa Restaurant. Hmm. Mabait siya pero may pagkainggitera din to e kaya di ko siya feel minsan.
Tango lang ang sinagot ko sa kanya.
Nagbihis naman ako agad dahil nga magstastart na ang shift ko.
“Pst! FJ dalian mo dyan, may customer sa Table 4, kunin mo ang order okay?” sigaw naman ni Ma’am Lannie. Supervisor dito. Maldita to pero minsan okay naman.
Agad kong kinuha ang notebook na maliit at ballpen na pagsusulatan ko ng order. Dinala ko na din ang menu.
FJ ang tawag sakin dito sa trabaho ko. Francheska Jonna. Fj for short. Panlalaki diba pero okay naman!
Agad naman akong nakapunta sa Table 4. Hmm. Magsyota ata to e.
“May I take your order sir? Ma’am” bati ko sakanila.
At ayun nakapagorder nanaman sila. Pagkaalis ko narinig ko pa ang pangungutya ng babae saakin. Tss! Maganda nga. Masama naman ugali. Nung pabalik na ko upang ibigay ang order nila naramdaman ko naman na parang may mga matang nakamanman sa akin.
“Here’s your order sir/maam. Enjoy the food!” Masaya kong bati kahit na gusto ko na patayin ang babaeng pinilit na hindi matawa. Tss. Pektusan ko kaya to?
At ayan nanaman ang weird feeling na may nakatingin sayo. Kaya naman nilibot ko ang paningin ko sa restaurant. Masyadong malaki kasi at andaming tao.
Pero nagulantang ako na mapagtanto kong may nakatingin nga talaga.
Mataman niya akong tinitignan habang siya’y umiinom. Alam ko ang mga matang yon. Ang mga matang akala mo ay sinusuri maging ang kaluluwa mo. Yung mga titig na nagpapakaba saakin.
Shit! Bat andito siya?
Agad naman akong pumasok dun sa Staff/Faculty Room.
Napahawak ako sa aking dibdib. Sht. Anong nangyayari sakin? Bat ako kinakabahan?
Bat andito ung lalaking nasa cafeteria kanina?
Bwisit! Pano ako makakapagtrabaho ngayon? Lechugas Barabas!
“FJ! Anong ginagawa mo dito sa Faculty Room? Abat magtrabaho ka nga, shift mo ngayon! Nakuu.” Silip ni Ma’am Lannie sa may kurtina. Ayt!
Nandun lang ako sa cashier at tinitignan ang mga kumakain. Naiinis ako dahil ramdam ko parin na may nakamasid saakin. Pero ano bang pake ko? Tulad ng dati, dapat wala akong pakialam sa paligid ko. At! Kahit natetempt na akong tignan ay pipilitin kong hindi tumingin.
“s**t! Ang gwapo ng nasa Table 9! Grabe. Sakin ata nakatingin.” Bulong saakin ni Leyra.
Hinanap naman ng mata ko ang Table 9. Ano ba yan! Kakasabi ko lang na hindi ako titingin dun! Hmm..Bat ba ako nagaasumme na ako ang tinitignan ng gwapong nilalang na yun? Baka naman si Leyra talaga. Di hamak na maganda si Leyra kaysa sa pangit na katulad ko. Kaya bat ako tititigan nun?
Pota! Ang assumerang feeler ko. Natawa nalang ako habang kinakalikot ko ang cup na nasa tabi ko.
“Hoy? Bat natawa ka dyan? Table 9 ngayon din!!!” nagulat naman ako sa naging sigaw ni Ma’am Lannie. Anak ng Teteng! Masasapak ko na to e. Namumuro na to saakin. May topak nanaman, pasalamat siya at iniingatan ko ang trabaho ko dito sa MG Restaurant.
“Ano ulit Table Ma’am?” tanong ko sa kanya habang nireready ko ang notebook, ballpen at menu.
“Paulit-ulit? Table 9 nga ineng! Anak ng tinapa naman oh!” umiiling iling na sabi ni Ma’am.
Pucha! Kung minamalas ka nga naman oh! :
Bumaling naman ako sa babaeng nasa gilid ko na naghihimutok.
Tss! Sabi ko sainyo may pagkainggitera to kaya di ko feel e.
“Hmm..Leyra! Sagot mo na ang Table 9 pwede? Okay lang ba?” sabi ko kay Leyra.
Ang naiiritang ekspresyon niya ay naglaho at biglang umaliwalas.
“Sure. Anything for you FJ!” sabi niya at madaling pumunta sa Table 9.
Tss. May pagkaplastic talaga yun.
Hindi naman sa ayoko at nahihiya ako dun sa gwapong nilalang. Pero parang ganun na rin talaga.
Siguradong pagtatawanan ako ng mga taga University namin kung nalaman nilang nahihiya ang UGLY AMAZONA kuno nila. Pakshit parang di ako.
Habang inaasikaso ko ang paglilinis sa counter na hindi ko naman trabaho pero dahil nabobored ako e ginawa ko na, lumapit kaagad si Leyra na nakabusangot ang mukha.
“Oh? Problema mo?” tanong ko kay Leyra. Masama ang tingin sakin e. Ba!
“Hindi mo naman sinabi saakin FJ na boyfriend mo pala yun! Kaya ikaw ang gusto niyang magtake ng order niya” sabay alis ni Leyra at pumasok sa Faculty Room.
Nag-init naman ang ulo ko. Imbis na pisngi ang mag-init. Ulo ko ang nag-init! Abat! Anong boyfriend? Puta! Jinojoke ba ko neto! Gago to ah! Porket taga university, pagtritripan ako dito? Aba! Dumako ang tingin ko sa lalaking bruho pero gwapo at aba! Nakasmirk pa ha! Sinusubukan mo talaga ako? Huh!
Wala akong choice kundi puntahan ang Table 9. Mamaya ko nalang ieexplain kay Leyra na di totoo yun. Pero on the second thought? Wag nalang pala, kasi kabobohan niya yun, tingin niya ba talaga papatol saaking pangit tong sobrang gwapong mayaman na nilalang na to? Di ko nga alam maski pangalan. Tss! Siguradong mayaman to. Kasi sobrang mahal dito tas siya lang mag-isa. Yung ibang mga babae nga sa ibang table, naglalaway na e. Gusto na umupo sa bakanteng upuan sa harap niya.
Habang papalapit ako, hindi talaga niya tinatanggal ang makapanindig balahibo niyang tingin, pero dahil badtrip ako, sinalubong ko yun ng tingin kong walang emosyon. Trabaho lang to Francheska, chill ka lang!
“May I take your order sir?” fake smile ko pang kasama.
Tinukod niya ang kamay niya sa mesa at nagisip. Edi siya na pinagpala ng sobrang kagwapuhan. Di ako madaling magwapuhan ha! Pero siya, sobra sobra!
“You?” Nag-gasp naman lahat ng babaeng halatang kanina pa nakikinig dahil sa naging sagot nito.
“Im not a food sir!” sabi ko ng mariin sa kanya.
Natawa naman siya ng bahagya na lalong mas nakapag-gwapo sakanya. Yung mga babae naman sa paligid ay inipit ang tili. Tss!
“I mean, What dish can you offer?” Tss! Narinig ko naman ang tawanan ng mga babae. Pero ako di ako natawa. Sabihin niya kasi kung joke. At sanay na ako sa mga ganto. Tss!
“This is the menu sir.” Binigay ko ang menu. Naiirita ako! Ang tagal kasi magorder.
“This one would do.” Tinuro niya ang isang potahe sa menu. O_O YUNG PINAKAMAHAL TALAGA? YUNG 50K na isang dish lang? PURO GINTO BA YAN? ://
Nahalata niya siguro na nagulat ako kaya naman balik ang expression ko sa pagiging emotionless.
Inulit ko ang order niya at umalis. Sawakas nakahinga na din.
I mean hindi pa pala. Kasi, ako yung nagbigay ng order niya.
“Here’s your order sir. Enjoy the food.” At yun ang walang kagana-gana kong sabi sakanya. Gusto ko na umuwi kaso hindi pa pwede. Badtrip! Ano oras naba? Hmmm…
6:30 na pala at 30 minutes nalang uwian ko na dito. Tapos na ang shift ko dito.
Ayun nga tapos na ang shift ko sa MG Restaurant. Grabe, feeling ko pagod na pagod ako agad kahit na wala namang masyadong ginawa don! Tss. Leche kasi ung guy sa Table 9.
Diretso ako sa next work ko, ang pagiging cashier sa 7 eleven. Ayun nga. Paonti onti lang yung tao dahil gabi na. Half shift lang ang gagawin ko. Hanggang 11 PM lang ako. Kukurap-kurap na ang mata ko ng mapansin kong ang daming babaeng nagkukumpulan dun sa tapat ng 7 eleven. Parang nangyari na to. De javu? TSS!
May pumasok naman na customer. Di ko naman pinansin at binati naman na ng kaibigan kong si Jennifer. Kinilig pa nga e.
“Grabe ang gwapo! Tignan mo nagkakagulo yung mga babae sa labas. s**t!” bulong ni Jennifer sakin.
Busy naman ako sa kakatype ng kung anu-ano sa monitor dahil mamaya pauwi na ko. 10 pm na at isang oras nalang makakasama ko na ang aking kama. Tsk!
Hindi ko lang pinansin ang sinabi ni Jennifer. Hanggang sa nakita kong may naglapag ng pinamili niya sa counter. Walang gana kong iniiswipe ang pinamili niya. Ang dami naman nito.
Kinalabit naman ako ni Jennifer. NG PAULIT ULIT!
“Ano ba yun?” irita kong baling sa kanya tapos parang nakatulala lang si Jennifer sa customer kaya naman napatingin ako sa customer.
“IKAW?” Sigaw ko. Takte nandito nanaman siya?
“Uy ano ka ba naman FJ! Wag mong sigawan ang customer. “ daing sakin ni Jennifer. Tss.
Para akong nabuhusan ng tubig at nawala ang antok ko. Leche! Bat nandito tong gwapong nilalang na to. Kanina sa MG Restaurant tas ngayon sa 7 eleven. Kabadtrip! >,Para sakin ba yon?