KABANATA 3: Highest Society.

3604 Words
Bullshit. Yan ang masasabi kong nararamdaman ko ngayong araw na ito. Second day ngayon ng klase at ayaw kong pumasok pero kailangan. Chinecheck na ang attendance ngayon. Sana pala di nalang ako pumasok kahapon. Sobrang feeling ko pagod ako. Bakit naman? Parang di naman ako nasanay. Tapos leche pa, akala ko naman pagkadating ko sa bahay kahapon ay babagsak agad ako at makakatulog. Pero hindi! Hindi ako makatulog dahil sa lecheng sinabi ng gwapong nilalang na yun. Grabeng coincidence kasi ang nangyari kahapon e. Nakakabadtrip diba. Pagdating ko sa school. Nasa gate palang ako ay nabadtrip na ako dahil may nambato sakin ng piso. Pucha! Wag nila akong susubukan ngayong badtrip ako kundi makakatikim talaga sila saakin. Putragis! Konting tiis nalang Francheska at makakaalis ka na sa malaimpyernong school na ito. Hayuuuuuuup! Ayan nanaman ang mga nagkikintabang mga kotse na naghatid sa mga Royal Prince and Princesses. Ge ako na ang muchacha, okay lang. Tanggap ko. Pota! Napahikab naman ako habang naglalakad dahil na rin sa wala akong tulog. Kung tinatanong niyo kung may eyebags ako, pwes hindi ko alam dahil hindi ko tinitignan ang sarili ko sa salamin. Bakit pa? Para mapatunayan talaga na tama sila na pangit ako? Tss!! Wag na uy! Dadaan na nga muna ako sa Student Council Room. Hindi naman ako officer, atyaka common sense, sino naman boboto sakin aber? More like, kaylangan ko lang tumulong ng kahit konti dun dahil nga isa yun sa kondisyon na ibinigay saakin para sa iskolar pero depende sa utos na ibibigay nila. Sa totoo lang ayoko talaga ang magpakautusan sa mga taong yun, sobra kasi sila. Hindi ko na nga sila pinapansin  e, basta wag lang nila akong aagrabyaduhin at hindi ko sila papatulan. “Oh, buti naman at nandito ka na. Oh eto..” bigay saakin ni Angela. Siya ang secretary dito. Eto ang lagi kong nakikita at naabutan. Siya din ang nagbibigay ng utos saakin. Minsan si Mike na Auditor. Parehong masama ugali. Psh! “Kanino ko ibibigay to?” Tanong ko sakanya. Binigay niya saakin yung parang folder. Hindi ko naman bubuksan to e. “Kay Sir Lucas.” Nagulat naman ako sa sinabi niya. Fvck! Bakit yun pa? Nahalata niya siguro ang pagkagulat ko kaya naman napataas ang kilay niya saakin na parang nagtatanong na ‘Bakit?’. Leche. Si Sir Lucas kasi ang adviser ng 4-SC!!! ://  Teacher nila yon kasi nasa 4-SC lahat ng Officers ng Supreme Student Council Paniguradong nandun siya sa room na yun. Anong oras na ba? 8:45 AM! Paniguradong nagsisimula na ang klase. Excuse naman ako sa klase dahil nga responsibilidad ko na ito, simula First year Highschool ko palang dito sa Matias Gil University. Anak ng teteng. Bakit sa 4-SC pa? Ayaw ko dun of all the places! Bakit? Ang 4-SC kasi ang pinakamataas na section. Ganto kasi ang mga seksyon. 4-D ang last section, sunod naman ang 4-C which is yung section ko, 4-B then, 4-A  dito ang mga taong matataas ang grades at mayayaman. PERO ang pinakamataas na section ay  4-SC or so called 4- Special Class. Kung mayayaman na lahat ng tao dito. Pwes, sa section at sa building na ito, SOBRANG yaman talaga. As in lahat ng tao dun e puro mga sigurado na ang future at may nakaatang agad na responsibilidad sa kanila kahit na highschool palang sila. At kung bakit ayaw ko dito? Eh kasi naman, sa 4-C nga sobra na silang mapagmataas at mapanghusga, dun pa kaya sa elite section na yun? Nako! Napamura nalang ako ng malutong sa isip ko, dahil naiimagine ko na ang pwedeng mangyari. “Hey you! Will you do it or not?” taas-kilay na sabi ni Angela. Hinead to foot pa ako. Tch! Yabang yabang kala mo Presidente, hindi ko nga nakikita yung Presidente e. Pero wala rin naman akong pake. NVM. “Oo pupunta na ako. May papasabi ka ba?” tanong ko naman. “Just tell him that it was the proposal for the upcoming activity from the Supreme Student Council.” Sabi niya habang hindi nakatingin saakin at chinecheck ang daliri/kuko niya. Arte. “Okay.” Lumabas na ako at napabuntong hininga. Bahala na. Wala naman akong pake sa kanila. Naglakad na ako sa corridors. Walang tao dahil na rin sa klase na. May attendance na din naman ako e. Nadaanan ko na ang dulo  ng building na to. Sa kabilang building pa kasi ang klase nila. “Bat ka nandito?” Tanong agad sakin ng guard na nagbabantay sa kabilang building na yun. Another guard. Bakit? Masyadong mahahalaga ang tao dito para irisk nila. Tch. “Ibibigay lang po kay Sir Lucas galing Supreme Student Council” sabi ko naman. Tinignan naman niya ang folder pero hindi niya binuksan. Tapos tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Anak ng teteng! :/ “Osige, iwan mo ID mo.” Tss. Okay lang naman iwan e. Masyado talaga silang protective sa mga taga dito. Special daw kasi nasa Special Class. Special nga kasi mga Special Child. Nako. HAHAHAHA XD Nagsimula na kong hanapin ang room nila. Tss. Ang laki naman dito. Parang hindi school parang isang kompanya o kaya naman building. Nasan na kaya yun? “Miss, ano hanap mo?” -? Napatingin naman ako sa likod ko. Dahil dun nang-gagaling yung boses. Nakita ko ang isang magandang babae. Mukhang anghel. Wow. Pero hindi ko yun ipapakita sa kanya. Poker face at emotionless pa din ako. “Hinahanap ko kasi ang 4-SC room. Ibibigay ko to kay Sir Lucas.” Sabay pakita ko ng folder. “Ah. I got It. There’s no class in the room. Nasa studio kaming lahat.” Sabay smile niya sakin. Hindi niya man lang ako lalaitin? Kung ganon mabait pala siya. “Ganon? Sige. Hanapin ko nalang ang studio.” Akmang aalis na ako. “I can accompany you, Im on my way din dun e. Tara? By the way, I am Erika. Erika Montaverde.” Sabay lahad ng kamay niya. Mabait naman siya at mukhang sincere ang mata niya. “Francheska.” At abot ng kamay. “Francheska ano?” tanong niya saakin. Kaya ayoko magpakilala e. Naiinis kasi ako sa apelido ko. Hays. Pero bahala na. Wala naman akong pakialam sa sasabihin niya e. “Mulindigma. Francheska Jonna Mulindigma.” Sabi ko habang naglalakad na kami ngayon. Napatigil siya sa paglalakad at humarap saakin na mayroong ekspresyon na gulat na gulat. Napataas naman ang dalawang kilay ko. “Alam kong nakakatawa ang apelido ko. Kaya tawa ka na” sabi ko naman at nauna ng maglakad. Humabol naman siya saakin dahil di pa ako nakakalayo. “No. That’s not it. M-m-may naalala lang ako.” At nilagay niya ang kanyang kamay sa baba niya na parang may malalim na iniisip. Ano naman problema nito? Yun na ang huling paguusap namin. At nakarating na kami sa Studio daw kuno nila. Unfair talaga. “Dito na tayo Francie. Tara pasok na tayo.” Nagulat naman ako dahil hinila niya ako at dahil na rin sa Francie na nickname na yun. Madilim sa totoo lang. Para siyang sine. May malaking screen sa gitna. PARANG SINE TALAGA! Ang lamig lamig. Wala nga akong Makita e. Bulag ako sa dilim. Ang nakikita ko lang e, nagdidiscuss si Sir Lucas sa harapan kasi may ilaw sa stage kaya kita ko. “Aww.” Natalisod kasi ako pero hindi naman tuluyang nadapa. “OMG.  Are you okay? Wala ka bang Makita sa dilim?” “Oo e. Bulag ako pagmadilim.” Sabi ko e totoo naman talaga. “Ah. Weird, kasi nakikita ko pa naman lahat kahit madilim ng konti. Tara, I’ll help you” mabait talaga si Erika dahil hindi niya ako hinahayaan na madapa o matalisod. “Sit here.” Narinig kong sabi niya. Kinapa-kapa ko naman ang upuan. At yun meron naman, naparanoid akong baka pagtripan ako ni Erika, di niyo ko masisisi dahil ba naman sa madami kong karanasan sa pangbubully ng ibang tao. Hays. Sa wakas nakaupo na rin. “Ge. I got to go. Hintayin mo nalang matapos si Sir ha? Aalis na ko, baka kasi maabsent ako at wala ako sa upuan ko.” Di ko man siya nakikita. Nagthank you nalang ako at nagbye bye na lang gamit ang kamay. Kita ko ang malaking screen dahil sa liwanag na taglay nito. Para siyang projector pero touchscreen. Takte! Anong lesson yan? Nilelecture ba yan samin? Ang tagal naman matapos nitong Sir Lucas. Tsaka may nakikinig ba sakanya? Wala kasi akong marinig e. Hindi kaya walang estudyante dito at ako lang mag-isa!? Tsk! Sira talaga ako. Syempre magdidiscuss bay an si Sir kung alam niyang walang tao? Tss. Edi nagmukha siyang engot? Medyo nakikinig din ako sa lesson ni Sir Lucas, nakiki-feeling taga-SC ako. Interesting kasi ang lesson. Parang practical, about sa business. “What will you do if a client decline your proposal?” tanong ni Sir Lucas sa harapan. “Edi wag! Tss. Dami arte ng kliyente na yun ah!” kausap ko sa sarili ko. Para akong tangang sinasagot ang tanong ni Sir Lucas sa harapan. “But that client is the only way to solve your problems regarding to your company’s investment issues?” tanong ulit ni Sir Lucas. “Hmm..” Napaisip naman ako. Mukhang mahirap ah. Pero bakit ba ako namomoblema? Wala naman akong kumpanyang hahawakan. Tsss. “Any answer? Volunteer?” tanong ni Sir Lucas. So may tao talaga dito. “Oh here’s Mr. G” sabi naman ni Sir Lucas. Hmm? Sino naman yun, matalino siguro yun. Nakita ko naman na parang may umakyat sa istage. Nakauniporme ng SPECIAL CLASS. Yes, iba ang uniporme nila. May kakaibang patch sa shoulders at may kulay gold sa collar at long sleeve. Hindi ko Makita ang mukha kasi malayo ako. Pero matangkad siya at maganda ang built ng katawan. Makisig. Parang hindi high-school. Parang matured ang aura at dating. Maputi din pero di ko alam kung gwapo dahil malayo nga ako. “If the client declines my proposal but I badly need him for the assurance of my company’s stability, I’ll make sure to have some background check to that investor, I will be needing all the information I can get, even if its personal. If I cant get the ‘yes’ of that client by doing my job properly and with manners. Then I’ll blackmail that person or anything just to make a deal. If your going to propose a project, you must have a second option. That’s all.” Ang lahat naman ay nagpalakpakan sa sinabi niya. Ang boses naman nun masyadong manly. Pang-gwapo ang boses.  “That’s definitely right. As expected to Mr. G” sabi naman ni Sir Lucas pagkababa ng lalaking si G. Gara naman ng surname nun. Tss. Tama ba yong sinabi niyang mangblackmail para sa sariling kapakanan? Private life ng tao hahalukayin? Tss. Para sa pera gagawin ang lahat. Tss. Hindi diyos ang pera. Ang tagal naman matapos nito. Maya-maya bumukas na ang ilaw at sa wakas nakakita na rin. Nagsitayuan naman ang mga taong nasa harap ko. What the fvck! Nasa harap ko lang sila. AT TAKE NOTE! Konti lang sila tingin ko mga nasa 20-25 persons lang pala ang estudyante. Bat pa nila kailangan magstudio! Dyusmiyo. Pagtayo nila, napansin naman nila ako. Nakita ko ang mga babaeng magagandang may poise pa habang patayo at may poise din kahit sa pagtataray nila nung hinead to foot nila ako. Yung mga lalaki naman, hinead to foot din ako at nagsmirk. Tapos tuluyan na silang lumabas. Ang natitira nalang ay ang isang grupong kumpol kumpol. Pero hindi ko na aabalahin ang sarili kong alamin kung anong ikinumpol kumpol nila. Pupunta na ako kay Sir Lucas na kasalukuyang may kinakalikot sa iPad Mini niya. “Sir pinabibigay po ng SSC yan daw po ung proposal para sa Upcoming Activity.” Sabi ko naman kay Sir Lucas at binigay ang folder sa kanya. “Oh. Kanina ka pa dito? Sino ka?” tas nakita niya ang patch na may nakalagay na section ko  “ Youre not allowed in here. Paano ka nakapasok.” Tas parang may priness siya sa phone niya at parang nagtatawag pa ng Security. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nainsulto ako sa ginagawa niya. “Excuse me Sir, but I would like to tell you this, before you call the security. I am here because I was one of the fortunate scholar who would do some task for your students in the Supreme Student Council. If I can have my own decision, I will not do some errands given by your students because they are so demanding. I’m here because I was sent to deliver this to you. I cannot disturb your discussion so I decided to sit in. I respect elders, but sorry to tell you, I cant do that to you. You insulted me without asking first why I am here.” Sabi ko. Napatulala lang siya at maya maya biglang nagbago ang timpla ng mukha niya. “And do you think you have a right to say something like that to me? Who the hell are you?” sabi niya na nanlilisik ang mata. “Oh me? A student? An ordinary student to be specific. I didn’t say something bad. I just stated the facts. But you…you said something bad to me. And I feel like crying. HAHAHAHA!” sinabi ko yun at tumalikod na sakanya. Pero bago ako umalis eto muna.. “Kung tinanggap mo nalang sana yung folder sa simula pa lang, edi sana okay lahat at kanina pa ako nakaalis. Simula pa lang naman sinabi ko na yung rason kung bakit ako nandito. But I guess kailangan pa kitang englishin para maintindihan mo. What a waste? Mukha ka pa namang tunay na ita sa itsura mong Pilipinong Pilipino pero spokening dollar ka pala. Ikaw siguro ung tinutukoy ni Rizal na malansang isda.” At inismiran ko siya. Priceless ang mukha. Papaalis na ako ng.. “Fraaaaaaancccccccccciiiiiiiiiieeeeeeeee!!!” Sigaw ni…Erika? Syempre siya lang tumatawag saakin ng ganon. “BAAAHBYEEEEE!!!” Sigaw niya at malaki ang ngiti niya. Oh No! Ibig sabihin ung grupo kanina na naiwan nanunuod saaming away ni Sir Lucas? Nagtaka akong tumingin sa kanya at nagbuhbye na din. Mabait naman si Erika e. Nakita ko namang ngumiti siya at tumingin sa bandang kanan niya. Tumingin siya sa lalaking matangkad at parang nagmamayabang si Erika-ng tumingin dito na para bang sinasabing ‘Oh, Naniniwala ka na?’ parang ganon yung sinasabi ng posture at ng mata niya. Fvckk. Kilala ko tong unggoy na to. Siya si gwapong nilalang na ilang beses ko nacoincidence, at nagpakilalang boyfriend ko kuno kay Leyra. Mataman siyang nakatingin saakin. Yan nanaman tayo sa tingin e. Sarap sugudin neto at batukan ng isang milyon e, dahil sa kanya napuyat ako at balak nanaman niya akong puyatin mamaya dahil mapapanaginipan ko nanaman ang tingin niyang parang may ewan na kung ano. “Mr. G, go to my office after this, I have something to tell you about this proposal. You are the president so you have to meet me.” Nakatingin siya kay gwapong nilalang at tumango naman ito. Grabe di maabsorb ng utak ko ang mga nalalaman ko ngayon. Siya si Mr. G? Siya din ang president ng SSC? Di nga? Nakita ko namang nagpaalam na siya sa mga nandun. Pati na din kay Erika na parang may ipinagmamayabang sa kanya. Narinig ko pa nga ang sabi niya dito.. “Oo na, naniniwala na ako.” at tumalikod na pero naiinis talaga ako sa sarili ko dahil sa hindi ko napigilan ang bulalas ko bago pa sya makaalis. “May second option ka dapat na dala para sa proposal. Sabi mo kanina kaya mong blackmailin ang sinoman mapapayag lang siya sa gusto mo. So gagawin mo yun kay Sir Lucas?” sarcastic na sabi ko. Di kasi ako payag sa sagot niya. Para sa pera? Ganun? Tsss. Lumingon naman siya saakin na may makapanindig balahibong ngiti at tingin. “Of course, I have. Because I will do everything to get what I want. Because what I want is Mine. Mine alone. I’ll do anything whatever it takes. Bear that in your mind.” At tuluyan na siyang umalis. Ako si Francheska Jonna Mulindigma, isang Ugly Amazona ay for the first time, natakot sa isang lalaki. First time ding magiba ang ekspresyon ng mukha dahil sa takot. Anong bear that in mind? Tss. Hindi ko na tatandaan yun dahil sisiguraduhin kong di na kami magkikita ng Mr. G na yun, dahil masama ito kung makikita ko pa siya, dahil aminin ko man o hindi. Takot ako sa kanya. Ng mahimasmasan ako ay nakita ko ang mga kasama niya kanina na nakatingin saakin. Meron sa mga mata nila na parang may pinapahiwatig pero di ko malaman iyon.. Kaya naman lumabas na ako. SA WAKAS! Nasa building na ako na medyo normal ang tao. Okay napala ako dito sa building namin na ‘to kahit madaming nambubully saakin na pangit ako. Okay na yun kaysa sa SC na akala mo e, pagmamayari ang mundo. Mas masaklap pa lang hindi ka asarin ng pasalita pero kung makatingin sayo e alam mo ng may tumatakbong napakadaming panghuhusga sa isip nila. Hirap talagang maging pangit at dukha. Pumunta naman agad akong Cafeteria dahil breaktime na. Narinig ko naman ang mga bulung-bulungan ng mga estudyante. Pero himala ata at hindi yun tungkol sa pangit kong presensya ang pinaguusapan nila. “Grabe, bat ganun? Umalis daw si Sir Lucas kanina.” “Oo nga e, bakit kaya? Sabi daw, dumating na daw ung kapalit nyang magiging teacher sa 4-SC” “Tingin mo, si Ano ang nagpatanggal sa kanya?” “Siguro. Makapangyarihan talaga siya. Sobra.” SI SIR LUCAS? NAPAALIS? Seryoso? Pero papaano? Hindi pa naman ako nagpapasa ng complaint ha? Papano? Dyusme. Sumasakit na talaga ang ulo ko sa mga nangyayari. Pero pasalamat na rin ako at sa tingin ko makakain ako ng maayos dahil walang nakakapansin saakin. Naupo ako sa aking table kung saan lagi kong inuupuan. Sa dulo to kaya kitang kita ko ang mga tao na nasa cafeteria, pero ako mahirap nilang Makita. “OMG! Nandito daw ang mga taga 4-SC!” Sigaw ng isang lalaking semi-kalbo. Nakita ko naman na paparating sila. Tama, sila. 5 sila. 2 babae, 3 lalaki. Isa na dun sa Erika at si Mr. G, sila ang nasa pinakalikod. Mukhang hindi sila yung sama-sama kanina. Hindi sila ung grupo na kasama ni G at Erika. “Sh*t ang gwapo talaga ni Leo.” “Grabe, ang gwapo niya. Ang sabi may girlfriend na  daw siya. Sayang.”-girl “Oo nga pero kahit na ganun, di pa din sumusuko ang girls sa kanya dahil hindi parin nila nakikita ang girlfriend niya.” -boy “Siguro sobrang ganda at yaman nun.”-girl Wala akong pakielam sa usapan nila dahil hindi ko naman kilala yun. Nilabas ko nalang ang pinabaon sa akin ni Aling Marga. Wow! Bacon, ang saraaaaaap! Sosyal si Aling Marga ha. Paalala niyo sakin na pasalamatan siya mamaya. Yipeee. Kainan na! Hindi pa rin natigil ang bulungan  tungkol sa 4-SC na kumakain din sa table nila hanggang sa matapos akong kumain.  Niligpit ko ang pinagkainan ko. At balak ng umalis ng nabangga ko ang pagkain ng kung sinong poncio pilato. Shit. Mamahalin pa man din ang pagkain na binili niya. At pagkakita ko sa nabangga ko, isa siyang taga 4-SC. At Lalaki. “Sorry.” Yun ang sinabi ko. Dahil alam kong ako naman ang may kasalanan. Marunong ako niyan. “ANONG SORRY?! MAIBABALIK MO BA ANG PAGKAIN KONG YAN HA! PANGET??” sabi niya at kwinelyuhan ako. “S-s-s-sabi k-k-ko n-ngang s-s-s-orry diba?” Nahihirapan akong huminga dahil nasasakal ako, dahil nakaangat ako sa ere. Naagaw naman agad namin ang atensyon ng mga tao sa cafeteria. Dyusko. Hindi na ko makahinga, ito na ba ang kamatayan ko? Ni hindi ko pa nga kilala kung sino mga magulang ko. Dyusme. “HUH! SINO KA BA PARA SUNDIN KO?” sabi niya.. “A-a-ako s-s-si F-F-F-FRANCHESKA  JONNA  MULINDIGMA” At buong lakas ko siyang sinipa. Hinahabol ko ang hininga ko habang nakaupo sa sahig. Grabe, akala ko mamatay na ko. Napatingin naman ako sa lalaking taga 4-SC na nakaupo din sa sahig. Namumutla ang kanyang mukha at parang takot na takot. Nakaawang pa ang kanyang bibig sa pagkagulat. “I-i-ikaw si F-francheska Jonna M-m-mulindigma?” Nauutal niya pang sabi, na parang di makapaniwala sa nalaman. Ano naman ngayon kung ako nga? Bakit tatawanan ba niya ang apelyido ko? Hinintay ko ang tawa niya pero wala. Namutla lang siya at hindi makatayo dahil sa panginginig ng tuhod. Hala. Anong nangyari sa kanya. Maya-maya lumapit sakanya si Angela. Siya ung secretary ng SSC na nagutos saakin kay Sir Lucas. “Mr. Fuentes. Pinapatawag ka niya. Alam mo na siguro kung bakit.” At umalis si Angela pagkatapos niyang sabihin yun sa lalaking nakabangga ko. Mas lalong natakot ang ekspresyon ng mukha niya. Lumapit ako sakanya at.. “Sorry. Hindi ko talaga sinasadya.”  Yun ang sabi ko dahil ako naman talaga ang may kasalanan, at mahal yun. Di ko kayang palitan. At malay mo gutom na gutom lang talaga siya. “No. Ako ang patawarin mo. Im sorry Queen.” Pagkatapos nun umalis na siyang tumatakbo. Queen? Kakasabi ko lang na ako si Francheska! Hindi queen ang name ko. Baliw? Bahala na nga!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD