Its been a week since mangyari ang engkwentro sa Cafeteria. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam kung bakit naging usap-usapan sa building naming ang pagpapatalsik sa lalaking nakabunggo ko sa Cafeteria.
May pinagtataka lang ako, bakit ba sa tuwing sinasabi ko ang pangalan ko sa mga taga 4-SC ay nagugulat sila? Di kaya kilala din akong UGLY AMAZONA dun at natatakot silang saktan ko? Tss. Parang imposible naman, eh halos isang tawag lang nila sa mga tauhan nila, kayang-kaya nilang iutos na ipapatay ako kung gugustuhin nila. Kinilabutan naman ako sa aking naisip.
Ganon din naman ang nangyari sakin ngayong nagdaang linggo. Pasok, trabaho, pasok, trabaho. Ganun lang talaga ang life ng isang Francheska Jonna Mulindigma.
Ngunit, isang bagay ang gumimbala saakin.
“Class, we have a field trip! All of you must join and pay for the low fee of P5,000.00.” sabi ng aking gurong babae. LOW FEE? HUTAENA! :////
Putragis! Seryosohan yan? P5,000.00 para lang sa Field Trip? Tyaka bakit may field trip pa? Pambata lang yun e. TAKTE!
Hanggang uwian, namomoblema ako sa magiging pambayad ko sa Field Trip na sinasabi nilang Compolsary. Saan ako kukuha ng P5,000.00 ng biglaan? Eh yung sweldo ko, sapat na para sa babayarin ko sa Bahay, Kuryente at Tubig. TSSS. Pano na nyan. Takte kasi e.
Sa kadahilanang pigang piga na ang utak ko sa kakaisip kung saan ko pwede makakuha ng perang kakailanganin ko para sa Field Trip, lumapit na lang ako kay Mrs. Veluz at nagexpalin ng nobela para sabihing hindi nalang ako sasama dahil walang wala akong budget.
“So sad Ms. Digmaan..”
-.-
“Ma’am, Mulindigma po.” Ano bayan!
“I know, Ms. Malingdigmaan, but the decision will not come from me. Just go to the SSC, then tell them. Sila ang nagpasa ng proposal for this and this is their project so you better talk to them. Im busy, don’t come again.” Tumalikod nalang ako at nagmake face. Letse! Pinaexplain mo pako tapos yun pala hindi ikaw ang magdedesisyon. Nakngteteng naman talaga oh oh! Mali-mali pa ang apelido ko. Tss, teacher ba talaga yun? Napakasama ng ugali, kesyo busy! Busy sa kakafacebook.
So eto pala yung pinabigay ng SSC na proposal saakin. Litse, dapat pala di ko nalang pala pinasa yun.
Pumunta naman agad ako sa SSC para sabihin yun. Naabutan ko naman si Angela na nagtetext.
“Angela, pwede ba kita makausap?” sabi ko.
“You’re already talking to me.” Sabi niya lang at hindi inaalis ang tingin sa kanyang mamahaling cellphone.
“Ganto kasi yan, ang sabi ni Mrs. Veluz, dito daw ako magpaalam para sa decline ko para sa Field Trip. Alam kong compolsary yun at kailangan lahat sumama, pero kasi…hindi ako pwede sumama. Wala akong makukuhanan P5,000.00 agad-agad.” Explain ko.
Agad siyang napatingin saakin.
“NO! HINDI PWEDE!” biglang tayo at sigaw niya.
Nagulat naman ako sa inasal ni Angela. Namutla siya at parang takot na takot. Bakit naman hindi pwede? Eh sa ayaw ko e! AT HINDI KO KAYA!
“Huh? Bakit naman ganyan reaksyon mo? Di talaga ako makakasama. Di naman siguro mahahalata yan. Isang tao lang naman ang mawawala. At tyaka di naman ako importanteng taong sobrang kakaylanganing pumunta diba? Kaya sige na ha?” Pilit ko pa din.
Lalapit sana siya ng biglang bumukas ang pinto at nasilaw ako sa gintong collar at sleeve ng mga taga Special Class. s**t! Bat andito sila?
“FRAAAAAAAANCCCCCIEEEEEEEEEEE!!!” sigaw ni …Erika. Bigla nalang niya akong niyakap at nginitian ng malaking malaki.
“I heard na gusto mong idecline ang pagsama mo sa Field Trip?” tanong saakin ni Erika..
“T-t-teka? Pano mo nalaman?” tanong ko naman.
“Ah- Eh..” sabay ng pagkamot sa kanyang batok at tumingin-tingin sa kasama niyang isang babaeng magandang medyo mas matangkad sa kanya, straight ang buhok at maputi din ngunit mas maputi lang ng kaunti si Erika. Nandito din ang 2 lalaking natatawa sa inasal ni Erika. Sila yung lalaki sa Cafeteria.
“S-s-s-sorry K-k-king..” Nakayukong sabi ni Angela at tumingin sa isang sulok. Naglakbay ang aking paningin dun sa hiningian ng patawad ni Angela.
*Gasp*
Fvck! Sabing iiwasan ko na tong lalaking to e, masyado akong naiintimidate kapag nandyan siya. Nanliliit ako. Nakasandal siya sa pader at parang may malalim na iniisip.
“Get out.” Mariin niyang sabi kahit na hindi siya nakatingin kay Angela, obvious na para sakanya ang sinabi nito. Ano bang mali ang ginawa ni Angela?
Umalis si Angela at naupo ang apat na kasama ni Mr. G (Siya yung nakakatakot na Mongoloid na Presidente) sa mahabang mesa na parang pangmeeting.
Bat pa ko nandito? Palabas na ako ng biglang may humatak at humila sa kamay ko.
Napatingin ako sa lalaking hanggang ngayon hawak ang kamay ko, at nakatitig saakin na para bang pati kaluluwa ko binabasa.
“Bakit? May kailangan ka?” poker face kong sabi sakanya. Hindi ko papahalatang takot ako. Di pwede, hindi ako maganda para mag-maganda! At tyaka? Sino ba siya sa akala niya? Hindi nya ko kaya.
“Why is it that when it comes to you, my plans always didn’t turn out right?” sabi niya saakin. Ramdam ko naman na nakatingin ang apat na nakaupo saamin.
“Pinagsasabi mo? Bitawan mo na kamay ko.” Sabi ko sakanya. Awkward.
“Sasama ka sa Field Trip whether you like it or not.” Sabi niya.
“Wala ako pera.” Sabi ko.
“Don’t worry about it.”
“Bakit, naging libre na ba?”
“No, I’ll handle yours.”
“Ayoko, ayoko mangutang sayo.”
“That’s not a debt.”
“Di pa din ako sasama.” Trip ko lang siyang asarin. Pero kahit may pera kasi ako, ayoko talaga sumama.
“Don’t try my patience, Francheska!” tiim bagang niyang sabi saakin.
“Pano mo ko kilala?” nagulat ako kilala niya name ko. Di nga kami close e. Coincidence lagi. Yun nga ba talaga? “Alam mo ba lahat ng pangalan ng estudyante sa school na to? Talino mo dre! Hanep!”
“HAHAHAHAHAHA!” di naman napigilan ng apat na taga-SC ang tawa nila pero isang tingin lang ni Mr. G tumigil agad sila.
“Basta sasama ka, and its final!” maawtoridad niyang sagot.
Nainis naman ako sa inasal niya. Para siyang Hari at para siyang tanga! Hindi ako alipin niya. Hindi ako papayag.
“Bakit? Hawak mo ba desisyon ko? Hindi mo ko hawak kaya ako ang magdedesisiyon para sa sarili ko. Tyaka di kita kilala, kaya tantanan mo ko sa mga utos mo, pwede ba?” Nakipagtitigan din ako sakanya.
Napasinghap yung apat sa naging sagot ko, parang natakot sila. Bakit? Tingin nila matatakot ako dito sa Mr. G na to? Pwes, medyo Oo, medyo Hindi. Sa madaling salita, slight.
Humarap siya at lumapit saakin hanggang sa maduling ako dahil nakikipagtitigan ako sakanya. Ngumiti siya ng nakakapangilabot.
“You don’t know me, so let me introduce myself. I am Rafael Leo Gil. 17 years old. President of The Supreme Student Council, President of The Special Class Society, Rank no. 1 in the whole University. AND LET ME CLEAR THIS TO YOU, I HAVE THE RIGHT TO DECIDE BECAUSE I AM THE KING AND YOU ARE MY QUEEN, you are born to be mine, sweetie. Only Mine.” At binigyan ako ng ngiting alam kong di ako papatulugin.