KABANATA 5: Ang Panget Ko. Nakakabadtrip!

2583 Words
Mukha akong zombie.   Wala akong tulog ni isang Segundo man lang! Taena kasi yung Mr. G na yun. Kung anu-anong pinagsasabi. Ako Queen? Eh kung hambalusin ko kaya yung mukha niya ng malaman niya!? Tsss. Ayoko sa lahat yung pinagtritripan ako. Nakakagago kasi.   Kahapon, nung sinabi niya na kanya ako, (nangingilabot ako pagsinasabi ko. Try niya mandiri no?) inirapan ko lang siya at umalis nalang. Tapos ayun, tumakbo ako ng tumakbo ng tumakbo. Hindi ko tuloy alam kung okay na ba yung pagdecline ko tungkol sa Field Trip, pero bahala na. Di talaga ako sasama! >..,<   Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala doon sa loob ng mukhang hotel na kwarto ng mapagdesisyunan ko ng lumabas.   "Is it her?"   "Confirmed, nakita natin siya sa galing sa loob."   "Bawal kaya pumasok dun."   "Pero, iba siya. Siya ang Queen."   "I cant believe it, bakit ang pangit na tulad niya?! Oh my Leo.."   "Shh. Wag ka maingay. We're dead kapag may nakarinig satin."   Wag kayong mag-alala, hindi ko kayo naririnig kaya nga alam ko na dapat hindi ko kayo marinig kasi hindi ko kayo naririnig. Hayup talaga! Ayan na naman ang mga bulung-bulongan ng mga taong nadadaanan ko. Potek! Kahit pala mga taga 4-SC ay mga chismosa din pala! Leche! Anong queen? Atyaka anong bawal pumasok? Pasok kaya kayo. Hindi naman nakalock ung pintuan e. Dami arte!   Bumalik ako sa Building namin na feeling ko pagod na pagod. Damn it!   "AYAN NA SI UGLY AMAZONA!" sigaw ng lalaki.   "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" nagtawanan naman ang lahat ng tao sa cafeteria.   At dahil wala ngayong scene dito sa Cafeteria, hindi tulad nung nagdaang linggo. Ngayon, napapansin nanaman nila ang kapangitan kong presensya. Pero tulad ng dati. Wala akong pake!   Natawa nalang ako sa aking naisip. Parang mas gugustuhin ko pang asarin at awayin ako ng lahat dito sa building na ito kaysa pagusapan ng mga taga 4-SC dahil atleast dito alam ko, sanay na ako kaysa sa Special Class, wala akong ideya kung bakit ako pinaguusapan.   Tss. Kung isa nga akong queen, bakit ganto ang napapala ko sa Building A? Gustuhin ko mang may magpaliwanag sakin, alam kong isa lang ang makakagawa nun at alam kong ayaw ko na talaga siyang makita. Ang sinasabi nilang "King". Si Rafael Leo Gil.     ASA PA SIYANG MAGPAPAKITA AKO SA KANYA SA FIELD TRIP! MAG-ANTAY SIYA MAGDAMAG SA WALA!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD