“Pasensya na daw sabi ni Ma’am Lannie kung late na niya pinapasabi na Day-off mo ngayon.” Sabi ni Leyra sa kabilang linya.
“Ganon ba? Eh kaso sabado ngayon? Diba maraming tao kapag sabado? Bakit naman biglaan kung makapagbigay ng day-off si Ma’am Lannie?” Tanong ko naman. Napakaweird naman na binigyan ako ng Day-off ni Ma’am Lannie ngayong Sabado pa! Napakadami pa namang customer kapag gantong araw.
“Tch. Ang daya mo nga. Napakadami talagang customer ngayon kung alam mo lang. Nako! Pero anong magagawa ko? Yun ang sabi ni Ma’am Lannie e.” Halatang ang pagkairitable ni Leyra. Naiinggit nanaman siguro to kasi ako nakaday-off ngayong araw na saktong maraming trabaho sa MG Restaurant.
“Ah kung ganon, sige! Paki sabi kay Ma’am Lannie, maraming salamat.” Yun lang ang sinabi ako at binaba ang linya.
Binalingan ko naman si Aling Marga, na kasalukuyang naghahain. “Pasensya na Aling Marga kung pumunta ka pa dito ng ganitong alas-kuatro oras ng madaling araw.” At binigay sakanya ang Cellphone niya. Ang gamit ko kasing numero na binibigay ko sa mga trabaho ay ang kay Aling Marga. Kasi nga wala naman akong cellphone na gagamitin kung sakali.
“Wala iyon Jonna. Halika na at buti nalang nakabili na ako ng Pandesal, pansit at kape. Mag-almusal na tayo.” Yaya niya sa akin.
Umupo naman ako sa upuan at kumuha ng pandesal. Hindi kami sa iisang bahay nakatira ni Aling Marga. Tulad nga ng sinabi ko dati. Kapit-bahay ko siya na walang anak at parang yun na nga ang turing niya saakin. Mabait siya at ang edad niya ay nasa 50 plus na.
“Masyadong maliit ang apartment mo na ito, Jonna. Ayaw mo bang lumipat saakin?” Tanong naman ni Aling Marga. Gusto niya kasi na dun na ako sa bahay niya tumira dahil natatakot daw siya na ako lang daw dito mag-isa at isa pa daw akong dalaga. Baka kung ano daw ang mangyari. Sa panget kong to? Imposible.
Mas malaki ang bahay ni Aling Marga kaysa sa akin pero gayunpaman, hindi pa rin ako makakapayag na maging isang pabigat at umasa na ng tuluyan kay Aling Marga kahit alam ko naman na wala lang sa kanya yun at mabait lang talaga siya.
“Aling Marga naman e, Alam niyo naman na ako lang mag-isa sa bahay na to kaya naman okay na okay lang na ganto lang kaliit ang bahay na tinutuluyan ko.” Sabi ko habang hinihigop ang kapeng itinimpla ni Aling Marga para sakin.
Nagkibit balikat nalang sakin si Aling Marga at sinaluhan ako sa pag-aalmusal.
“Day-off mo ngayon, may balak ka bang gawin?” Tanong ni Aling Marga sa akin.
“Hmm. Siguro po, matutulog buong araw?” Yun naman talaga ang ginagawa ko kapag Day-Off ko. Tyaka mamayang gabi e night shift ko sa 7- eleven.
“Nako kang bata ka. Tinatapon mo ang kabataan mo! Dapat tumulad ka sa mga batang namamasyal at nagsasaya ng kanilang kabataan.” Sabay ligpit ng mga kinainan namin.
“Ako na nyan, Aling Marga! Hindi ako tulad nila na walang pinoproblema, kaya naman aling Marga, hayaan niyo na po ako. Masaya naman ako. Sige po! Maaga pa po, matutulog muna ako.” Binigyan ako ng malungkot na ngiti ni Aling Marga kaya naman tumalikod na ako at pumunta sa kwarto ko.
“NAKO! Pasensya ka na iho, pero sa tingin ko ay wala akong magagawa dahil tulog mantika talaga ang batang iyon. Sigurado ka bang alam niya na may lakad kayo? Ang sabi niya kasi saakin kanina e, matutulog siya buong araw dahil day off naman daw niya.” Tch. Napakaingay naman ni Aling Marga. Sino ba yung kausap niya?
“”Kung ganon po, hayaan niyo po ako ang gumising sakanya.” Rinig ko naman sabi ng kausap niya.
Narinig ko ang pagbukas ng aking pintuang gawa sa kahoy na ini-ipis na. Pikit pa rin ang mata ko at antok na antok parin kahit na naririnig ko sila. Hay nako, alam kong maaga pa kaya matutulog ako dahil day-off ko, minsan lang ang araw na ito.
“Gigising kaba o gigising ka?” rinig kong sabi ng isang baritonong boses.
Ako ba kausap niya?
Ano bang sinasabi niya? Tch.
“You’re still not waking up huh?” di ko maabsorb yung sinasabi niya.
Nanatiling nakapikit parin ang mata ko ng maramdaman kong may humila ng kamay ko at inangat ako.
Ang bango naman nun, siniksik ko ang mukha ko dun sa sobrang bangong naaamoy ko. Niyakap ko ito ng mahigpit. Kailan pa ko nagkaron ng unan na ganto kabango? Siguro nilabhan to ni Aling Marga. Mainit pa e. Galing siguro sa sampay.
Naramdaman ko na para akong lumulutang. Nananaginip nanaman ako.
“Ayaw mo talagang magising huh. If that’s what you want, then papaliguan na kita para mas mabilis.” Sabi ng isang boses.
“Nako iho, bakit ganyan ang pwesto niyo? Hay Nako naman talaga si Jonna oh, nananaginip yan. Ibaba mo na lang.” Rinig ko ang boses ni Aling Marga.
“Wag po kayong mag-alala. Ako na po magpapaligo sa kanya, nagmamadali na po kasi kami mahuhuli kami sa lakad namin.” Ayun nanaman yung baritonong boses.
“Sta. Barbara! Ano ba yang pinagsasabi mo iho! Ikaw ang magpapaligo kamo? Ano ka ba bata ka.”
“Okay lang po yun. Boyfriend niya po ako at ilang beses ko na po nakita yan kaya wala na dapat kayong alalahanin.”
Nangangalay na ako ng mapagdesisyunan ko ng imulat ang mga mata ko.
Pagkamulat ko, dalawang brown na pares na mga mata ang sumalubong saakin.
Bigla akong napatalon ng natauhan akong buhat ng lalaking iyon ang mga binti kong nakakapit sa bewang niya at nakayakap naman ako ng mahigpit sa leeg niya at nakasiksik pa ang mukha ko sa leeg niya.
Biglang hablot ko ng arnis na talagang tinatago ko in case na may magnanakaw na dumating sa bahay ay ready ako.
“I-i-ikaw? Bakit ka nandito ha??” sigaw ko.
Nakatitig lang siya saakin, habang nakatutok parin ang arnis ko sakanya. Para akong nakaninja posing.
“Nako ka Jonna, naglilihim ka na saakin. Nobyo mo na pala ang gwapong binata na ito.” Putol ni Aling Marga sa bangis na titigan naming ng magandang nilalang na ito.
Binigyan ko ng nagtatakang tingin si Aling Marga. Tae, kakagising ko lang at di ko pa naaabsorb yung mga pinagsasabi niya.
“Pero kahit na mag-nobyo kayo Jonna, dapat ay hindi niyo pa ginagawa ang mga bagay na dapat ang mag-asawa lang ang gagawa. Bata pa kayo. Nako dyusme! Kabataan nga naman oh. Sige mauna na ako. Tsk Tsk Tsk” sabay alis ni Aling Marga.
Dahan dahan kong binaba ang arnis na hawak ko. At nanghihinang napaupo sa kama kong akala mo ay walang foam dahil sa sobrang nipis.
“Anong sinabi mo kay Aling Marga?” mahinahon at nanghihinang tanong ko habang nakatulala.
“I just said the truth.” Walang maang niyang sabi.
“Mamatay kana.” Mahinahon kong sabi sakanya.
Hindi siya sumagot. Naramdaman niya na siguro yung tensyon sakin. Oo galit ako at ganto ako pag sobrang galit. Mahinahon at matalim.
Wala akong marinig at feeling ko nagstop ang mundo ko. Grr. Sobrang inis ang nararamdaman ko sa lalaking hayup kung makapagsabing boyfriend ko siya at pinahiwatig pa na may nangyari na saamin. Hutaena!
Mamaya naramdaman ko nalang na parang may tumabi saakin sa kama. Syempre sino pa ba? Edi ung walang hiyang magandang nilalang na ito. Kunwari hindi ko naramdaman ang pagupo niya. Sobrang lapit niya saakin na kahit lamok mahihiya sa kanya. Nanatili nalang akong tahimik dahil kapag nagsalita ako at pinansin ko pa siya, hindi ko alam kung ano ang maaring masabi ko.
“*sigh* I told you that I’m going to pick you up at 6:30 sharp.” Mahinahon niyang sabi.
Um-oo ba ko sayo? Tss. Di nalang ako nagsalita. Sabi ko nga sainyo. Mas gugustuhin ko pa na tumahimik kaysa mabulalas ko lahat ng saloobin ko, alam kong hindi maganda ang mangyayari kapag nangyari yun.
“But when I got here, you’re still sleeping.” Sabi niya.
Hindi ko alam kung ano ang itsura niya. Dahil nga hindi ako lumilingon at nakatulala lang. Nageexplain ba tong baliw na to?
Hindi pa din ako nagsalita.
“Hey I’m talking here. Wala ka man lang bang sasabihin?” sabi niya. Bakas sa boses niya ang pagkairita at pangamba.
Dahil talagang naiirita ako sakanya, eh hindi ko pa din siya pinansin at nanatiling tahimik.
Inaasahan kong magsasalita pa ulit siya pero nanatiling tahimik. Nakakaramdam ako ng kuriosidad kung ano na ang reaksyon niya sa mga oras na ito, subalit pinigilan ko ang aking sarili dahil baka kung ano pa ang magawa ko dahil naaalala ko nanaman ang kasalanan niya. Day off ko pa man din at minsan lang to. Yung makapagpahinga ako. Dami ko ngang taghiyawat dahil sa stress at pagod.
Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hinarap at niyakap ng mahigpit.
“Hoy anong ginagawa mo? Leche ka din e no! Manyak mo talaga! Pagkatapos mong sabihin kay Aling Marga na nobyo kitang damuhong ka at sinabi mo pang nakita mo na ang kahubadan ko tapos ngayon, dadagdagan mo nanaman ang kasalanan mo! Siraulo kaba? Hindi porket mayaman, gwapo at matalino ka, akala mo hindi kita papatulan? Imbis na magpapahinga ako. Anong oras palang! Dyusmiyooo..Kakaliwanag pa nga lang ng kalangitan tas gagambalain mo ang tulog ko? Di mo ba alam na ito nalang pag-asa ko para mawala tong mga burol ko sa mukha!!? Tas binuhat-buhat mo pa ko kanina. Nakakainis ka! Nakakagago ka talaga no? Pwede ba bitawan mo na nga ako, dinudurog mo na buto ko e. Arrggh!” tuloy-tuloy kong sabi sakanya.Sabi ko sainyo di ko mapipigilan once na nasabi ko na, tuloy- tuloy na.
Sabi ko na nga ba e, kapag ginalaw niya ang pagiging tulala ko e hindi ko talaga mapipigilan pa ang pagbubulalas ko ng galit at inis.
Nanatili siyang nakayakap sakin at sinubsob pa ang mukha sa leeg ko. Tae, dyan ang pinakamalakas na kiliti ko kaya tinulak ko siya ng malakas pero hindi parin siya natinag. Anak ng tinapa!
“Mas gugustuhin ko pang lagi mo kong sinisigawan kaysa sa tahimik ka.” Bulong niya.
Pakingshet. May nakakatuwa ba don sa sinabi niya? Bat parang natutuwa ako? Wala naman nakakatuwa sa sinabi niya ah?
Tinulak ko ulit siya at sa pagkakataong ito, kumalawa na siya at nandun nanaman ang mga mata niyang nakatitig talaga sayo na akala mo e, nababasa niya ang iniisip mo.
Takot talaga ako sa lalaking ito dahil siya ang taong di ko kayang salubungin ang mga titig. Wala akong kinatatakutan sa buong buhay ko. Madami na akong nadanasan sa buhay ko na sinisiguro kong nagpalakas at nagpatibay saakin..
Pero heto ako, umaamin na siya ang katangi-tanging kinatatakutan ko. At ang masaklap? Presensya niya palang e takot na ko. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot.
“Where are you going? Look, I know I did something wrong pero we really need to go sa field trip.” Balisa niyang sabi.
“Wag kang oa, maliligo na ko. Huhulug-hulugan ko nalang ung P5,000.00 na fee.” Sabi ko at kinuha na ang tulwayang nakasabit sa cabinet ko.
“I have lots of money, I can handle yours.” Aba! Ang yabang netong gung-gong na to.
“Sayo na nanggaling na pera mo iyon kaya mananatiling pera mo iyon, ibabalik ko un.” Sabi ko.
“No. Are you insulting me? Pera ko nga kaya ako ang masusunod.” Batas na sabi niya. Tumayo pa ang mokong.
“Okay fine. Enjoy your fieldtrip. Pakilock nalang ung pinto pagka-alis mo.” Sabay higa ko sa kama.
“Ms. Mulindigma!!!” Tae ka. Wag mong isigaw ang apelyido ko.
Nanatili akong nakataklob ng kumot.
“Arrrrggg!!! Fine, fine! You’re my boss. Tss”
Napatingin ako sakanya. Iritable ang ekspresyon niya at halatang inis na inis siya.
“Labag ata sa kalooban mo ang pagpayag. Wag na.” at takip uli.
“Okay. I said, ikaw ang masusunod, mahal na prinsesa.” May pabow pa siyang parang prinsipe kuno.
“Edi ayos. Maliligo na ko. Labas kana, dun ka maghintay.” Sabi ko.
Lumabas na siya at halatang tinatago ang inis. HAHAHAHA! Nakakatawa siya. Student Council President? Wala siyang magagawa ngayon dahil nasa teritoryo ko siya. Makaligo na nga lang.
“MY GOD! Francie, Im glad you came!!” Bungad yan sakin ni Erika.
“Di ko din akalain na makakarating ako.” Alam kong hindi friendly ang pakikipagusap ko sa ibang tao. Hindi niyo ko maaaring sisihin sapagkat hindi ako kalianman pakisamahan ng mga taong kaedaran ko.
“Haha. I know naman na makakarating ka. I know Leo will do anything. Whatever it takes. Hihihi.” Napakaganda talaga ni Erika. Siguro magjowa sila ni mokong.
“Hoy! Ge na punta na ako sa pila ng mga ka-building ko, mamaya maiwan pa ako.” Magkahiwalay kasi ang buiding namin sa building ng Special Class. Alam niyo na? Safety purposes daw kuno ng mga Special Child. Tss. Hihilahin ko na dapat ang maletang dala ko ng bigla itong kunin ng isang magandang nilalang na nanggising sa mahimbing kong tulog kanina.
“Bat ka pupunta don? Dito ka kasama ko.” Sabi niya. Napanganga nalang ako sa sinabi niya.
“Sira ulo kaba? Wag ka ngang timang! Hindi ako taga 4-SC.” Sabi ko sabay hila ulit ng maleta ko.
“But you are mine. So be with me, queen. Don’t argue anymore, its final!” Wala na akong nasabi pagkatapos nun, kahit na wala talaga akong naintindihan sa mga pinagsasabi niya. Tss. Nakakatakot kasi ung titig niya. Nakakabadtrip talaga, putek!
Nadadaanan namin ang mga estudyanteng taga 4-Special Class. Nasa isang hotel ata kami? Wala akong alam sa mga ganto kaya hindi ko alam. Sorry kung first timer ang isang panget na amazonang tulad ko.
Nakakotse kami papunta dito. Dun ako nakasakay sa high-tech na kotse ng mokong na to. San na ba kami? Hindi ko kasi alam kung san ba ang destinasyon ng field trip kuno na to. Dami alam ng school na to.
Maya-maya e may lumapit saming lalaking gwapo. Isang magandang nilalang. Siguro ang mga edad neto ay nasa 40 plus na pero mukha lang siyang nasa edad na 25-30 yrs. Old.
“Wow. You’re here, my son.” ANO DAW? SON? As in anak? Anak niya etong Leo?
“Don’t play dumb. Alam mong pupunta ako dito.” Sabi ni Leo at nagroll-eyes pa. Aba kung di naman din sira ulo para gawin yun sa harap ng magulang.
Ngumiti lang bahagya at in a professional way ang tatay niya. At bigla nalang itong napatingin saakin. Kumunot pa ang noo nito. Napangitan siguro. Nako. Eto kasi sinama pa ko.
“Hi. You are…?” tanong nito at inofferan pa ko ng shake hands.
Eto ang ayaw ko. Yung sinasabi ang buong pangalan ko sa introduce yourself portion.
“Francheska Jonna….” Tinanggap ko ang kamay nito.
“Francheska Jonna Mulindigma po.” At nakipagshake hands.
Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Ganun ba talaga katawa-tawa kaya nagugulat lahat sila pagbinabanggit ang pangalan ko?
Maya-maya ay napalitan na ang pagkagulat ng isang ngiti.
“Nice to finally meet you, Ms. Mulindigma” Sabi niya at tumango nalang ako..
Alam kong lahat ng estudyante ay nakatuon ang atensyon samin dahil tahimik sila. Malamang isang respetadong tao ang nandito.
Bumaling siya kay Leo.
“Finally, son.” At tinap nito ang balikat ni Leo at tumalikod na para umalis.
Naguguluhan ako sa nangyayari, nakatingin lang ako sa likod ni Mr. Gil na lumalakad palayo at nagtataka.
Maya-maya naramdaman kong hinawakan ng isang magandang nilalang na katabi ko ang kamay ko. At nakatitig sa akin na parang may pinapahiwatig.
“Yeah, finally.” At masuyo niyang hinalikan ang likod ng kamay ko habang nakatitig sa mata ko.
POTEKKK!!!!! m******s KA TALAGAAA RAFAEL LEO GIL!!!