“Hi! Are you alone?” tumingala naman ako para Makita kung sino ang nagsalita. Isang magandang may mahabang itim na buhok na babae. Siya yung kasama ni Erika, Leo at ng 3 pang lalaki sa Student Council Room nung nagpaalam ako na hindi ako makakasama sa Field Trip.
Nandito ako ngayon sa labas. Nakasawsaw ang paa ko sa swimming pool. Tumango lang ako sa kanya at naramdaman ko nalang siyang umupo sa tabi ko at sinawsaw din ang paa sa pool.
“By the way, I’m Janica Anne Montaverde. Call me Nicanne.“ ngumiti siya sakin at tumingin sa pool.
“Montaverde? Kapatid mo si Erika?” tanong ko naman. May pagkakahawig sila pero hindi ganun talagang kamukha.
Tumawa lang siya ng bahagya, “Nope. But we’re related. She’s my cousin, actually.” At ngumiti lang uli siya.
Napa-“Ahh.” Nalang ako. Ibig sabihin magkapatid ang mga tatay nila. Tahimik lang kaming nakaupo doon. Hindi ko kasi balak talagang makipagusap kahit kanino. Kaya nga ako lumabas ay dahil sa gusto ko ng katahimikan. Sa loob kasi, puro masasamang tingin ang binibigay sakin ng mga taga 4-SC. Mas gusto ko talaga dun sa building ko, atleast doon, vocal sila sa gusto nilang sabihin pero dito nakakabanas dahil hindi mo alam ang tumatakbo sa utak nila. Pucha!
“Lemme guess.” Biglang salita ni Nicanne. Napatingin naman ako sakanya.
“Naiinis ka na sa mga binibigay nilang tingin sa’yo no?” may bahid ng ngiti ang kanyang labi ng sinabi niya iyon.
“Oo e. Nakakabanas na pwede naman nila akong diretsuhin, hindi yung ganyan-ganyan sila eh kung tusukin ko kaya mata nila?” di ko na napigilan pa.
Tumawa nanaman siya, “Believe me, nakikita ko sakanila na gustong-gusto din nilang magsalita ng tungkol sayo.”
“Hindi rin. Bakit naman hindi nila ginagawa kung gusto pala nila akong pagsalitaan.” Hamon ko naman.
Tumingin lang sakin si Nicanne na may di makapaniwalang tingin. “At tingin mo sino naman ang may lakas-loob na kumalaban kay King?”
“King? Yung mokong na Leo na yun?” Nagulat naman siya sa sinabi ko at naging maputla ang mukha. Luminga-linga siya sa paligid kaya naman napatingin na tuloy ako sa paligid ko.
“*sigh* Buti nalang at walang nakarinig sayo.” Napatanga nalang ako sa sinabi niya kasi hindi ko nakuha ang gusto niyang iparating.
May gusto pa akong tanungin kung bakit naman si Leo ang makakalaban nila kapag nagsalita sila tungkol sakin pero tumayo na si Nicanne at pinagpag ang pwetan. “Nice having a chit-chat with you Cheska. Take Care.” Nagbuh-bye na siya at tumango nalang ako.
Gara talaga. Nakakagago ang nangyayari sakin sa taon na ito. Parang dati normal lang ang buhay ko.
Ilang minuto din akong nagpalipas doon ng napagdesisyunan ko ng tumayo at pumasok na sa loob. Nga pala, ang Matias Gil University ay nireserved ang buong Elizabeth Fantasy Resort para dito sa Field Trip namin, ang mga taga Special Class lang ang nandito. Ang iba naman ay nandun sa katabing resort lang nito, nireserved din yun ng buo para sa mga tagabuilding ko. Oo, tama! Nandito kami sa Baguio. Akalain mo yun? First time nanaman to para saakin. 3 days daw dito at tumawag na rin ako sa mga trabaho ko at nagpaalam. Ang akala ko ay talagang papaalisin na ako sa trabaho ko lalo na ang MG Resto dahil mahigpit ito sa Rules and Regulations pero pumayag agad si Ma’am Lannie.
Pagkapasok ko, nandoon ang iba sa mga estudyante ng Special Class Building. Ngayon, hindi na nila ako tinitignan. Kanya-kanya sila ng mga ginagawa. Nakakapagtaka nanaman dahil parang kanina lang e, kung makatingin sila e parang gusto na nila akong palayasin tapos sa isang iglap, para silang mga takot na lapitan ko. Tss. Wala akong panahon sa mga weirdong to.
“Ehem, ehem!” isang boses ng lalaki ang narinig namin. Tss! Lahat tuloy ng mga estudyante na kasama ko dito ay hinanap kung san nagmula yung boses na yun.
Tss! Kuya, ikaw ba yan? Nasa Pinoy Big Brother House na ba ako? Mga pakulo talaga ng mga mayayaman, nakakabanas!
“This is Leo. The dinner is serve. Follow the tour guides who are in uniform, they will accompany you to the dinner place. Thank you..” Tss. Si baliw pala to. Arte pwede naman pumunta nalang dito. Ayun, nagsunuran naman yung mga estudyante at sumama don sa mga guides na nakauniporme at ID. Kaylangan talaga yun kasi bawal mapahamak ang mga tao dito. Remember? Mga may company na agad tong mga special na to. Mga Special Child. Tss!
“Francheska! Go to my room!” tss. Papansin nanaman tong baliw na to. Yung mga paalis tuloy na SC Students e napatingin sakin. Ano na naman ba?
Akala naman niya susunod ako sakanya? Asa siya bui! Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Pagnagalit siya sasabihin ko nalang na “Aba? Malay ko bang ako yung tinatawag mo? Malay ko baka madaming Francheska dito.” Ganong palusot nalang gagawin ko. Humakbang na ako papunta sa mga Tour Guides na magpapapunta sakin don sa Dining place. Taena, gutom na ko idagdag mo pa ung mga tingin nila na nakakapagpairita sakin. Tae! Sarap pumatay ng isang Rafael Leo Gil e.
“Sorry po, but you are in a wrong way.” Sabi ng mga lalaking nakablack suits. Shet! Men in Black. Namesmerized ako sa anim na nakashades na naka-all black na suits na mga lalaking sobrang tatangkad. WOW!!~~ O///O
Napakurap ako ng mata ng winagayway ng isang All-Black guy ang kamay niya sa tapat ko. Shet. Napatuntong ako sa realidad. Hinarangan na ako lahat lahat hindi pa din ako natakot. Kahinaan ko kasi ang mga gantong parang feeling ko e mga action star ang dating. ASTIIIIG!
Hindi ko na pinakita pa na namamangha ako sa aura nila. Back to pokerface ako. “Ano nanaman ba to? Wala akong pera.” Sabi ko at tumuloy lumakad papunta sa Dining Place pero di pa man nakakadalawang hakbang e hinarangan nanaman ako ng mga matatangkad na mga semi kalbo na to.
“Sorry Queen pero kaylangan mong sumama samin.” Pangakong magkakaroon ng isang Blockbuster Action Movie dito kapag di pa nila ako pinadaan. Tangna! Gutom na ko. Bwiset!
“Queen, Queen! Sino ba yon? Tae naman oh! Gutom na ko mga tsong! Layas sa tapat ko. Bangasan ko kayo dyan!” sabi ko na nagmamatapang. Hindi dapat binibiro ang isang taong patay gutom.
Talagang patakbo na akong pumunta sa Dining Place dahil desperada na ako at naaamoy ko na ang paborito kong Afritada sa loob na may kasama pang Fried Chicken.
“HAYOOOP KAYONG MGA KUTONG LUPA. BITAWAN NIYO KO!” pinagsisipa ko sila dahil buhat buhat nila ako ngayon na para akong isang baliw na nakawala sa mental. Huhuh. Ang gusto ko lang naman ay kumain. Ano bang klaseng Field Trip to. Parusa naman!
___
“Gago ka! Ang sakit ng katawan ko.” Sabi ko sa lalaking kumakain na nasa tapat ko habang naguunat ng braso kong mukhang nadehado sa tindi ng hawak ng mga idol kong Men-in-Black pero di ko na sila idol ngayon, mga walang hiya sila.
“Eh kung sumama ka nalang kasi ng maayos edi hindi ka nasaktan.” Sabi niya na parang wala lang sa kanya at uminom pa ng wine ang gago.
“Bat ba ako nandito? Leche. Tyaka ano ba kasing trip mo? Ano ka si Big Brother? Naiinis ako sayo. Lumayas ka nga sa tapat ko. Dun ka kumain sa office table mo.” Nasa kusina niya kasi kami. Ang laki lang ng room niya. ROOM? Bahay na ata to e. VIP leche.
“Aba! Bakit? Eh akin tong kwartong to.” Ah ganon?
“Edi ako na aalis. Nahiya naman ako sa may-ari ng kwartong to diba?” sabi ko at tumayo na pero hinawakan niya agad ang braso ko at pinaupo ako.
“Don’t you dare.” Sabi niya ng may nakakatakot na tingin kaya naman kunwari napatingin nalang ako sa pagkain kong nakahain. Gutom na pala ako. Nakalimutan ko.
“Dahan-dahan ha ? Masakit na nga braso ko e. Takte” sabi ko habang hinihimas ang braso kong dehado. Huhuh.
“Nandito ka para sabayan ako kumain, my queen.” Seryosong sabi niya at nakatitig saakin ng seryoso habang umiinom ng wine. Nakaramdam ako ng kung ano. Nainis ako sa nararamdaman ko.
“Hoy lalake. Umamin ka nga! Sineseduce mo ba ko?” sabi ko habang nakatutok ang tinidor ko sakanya.
Napangiti lang siya sakin at “Why? Are you affected by it?” sabi niya at sinadyang kagatin ang ibabang labi niya at nakaramdam nanaman ako ng kung ano. Tss. Kadiri ang kagwapuhan niya.
“Hoy manahimik ka at pwede bang tigilan mo yan? Hindi ako apekted at hindi ko ibibigay ang pagka-birhen ko sayo kahit na pangit ako ay pwede din akong mamili ng lalaking ikakama ako. Tss. Malandi ka!” sabi ko sakanya habang sunod-sunod ang subo ng pagkain. Sarap naman neto. Ano kaya to? Bahala na masarap naman e.
Hindi na siya kumibo pa kaya naman nag-angat ako ng tingin na pinagsisihan ko talagang ginawa ko pa. Natakot ako sa pinahiwatig ng mga mata niya. Nabitawan ko ang kutsarang isusubo ko sana. Nakatitig siya sakin na parang may isang malaking kasalanan akong nagawa o nasabi? NASABI??
“Tss. Pwede kang mamili ng lalaking ikakama ka? Huh!?” Nanigas ako sa posisyon ko. Taena. Bat ko ba kasi sinabi yun? Pero bakit naman hindi!? Eh totoo naman ah! Ano bang problema neto!
Nanatili akong nakatitig sa mga mata niya at naninigas sa aking posisyon.
“You never failed on rejecting me.” Patay, nagenglish na. Galit na talaga siya. Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumayo siya at naglakad papunta sa likod ko. Tae gusto kong tuamyo mula sa pagkakaupo pero nanatili akong naninigas dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko.
Ramdam ko na ang presensya nya sa likod ko at napatunayan ko iyon ng maramdaman ko ang pagpatong ng kanyang dalawang kamay sa aking mga balikat. Napabalikwas ako sa kuryenteng naramdaman ko. Putragis talaga Francheska, tumayo kana!!!
“I am the only guy who can touch you. No one can even lay a finger on you.” Bulong niya sa kaliwa kong tenga. Kinakabahan ako sa pwe-pwedeng mangyari. Nabalita na noon pa mang mga taon na hindi magandang ginagalit ang President ng Student Council dahil sa kakaibang aura neto. Mukhang mararanasan ko pa ngayon. Bat ba hindi ako makatayo. I feel helpless.
Tinanggal niya ang pagkakatali ng buhok ko at inalis niya ang nakalugay kong buhok sa kaliwang banda at inilagay ang buhok ko sa kanang parte . Ramdam ko na ang paghinga niya sa aking leeg at mas lalo akong manigas ng halikan niya ang leeg ko. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas sa bibig ko. Nahypnotize na ba ako?
Nawala ang pagkakapatong ng kanyang mga kamay sa aking balikat pero saglit lang itong nawala dahil naramdaman kong nasa bewang ko na ito nakayakap. Nananatili akong nakaupo sa upuan at siya naman ay nasa likod ko na patuloy na hinahalikan ang leeg ko habang siya ay nakayakap sa aking bewang
Nababaliw na ang panget na tulad ko dahil imbes na tumayo ay napapikit pa ako. Kadiri naman ang mga pinaggagawa niya at nandidiri na din ako sa reaksyon ko. Tanginang hormones to. Kahit pala pangit na tulad ko ay nakakaramdam nito. Hindi ako ininform ng Biology Teacher ko. :///
Maya-maya ay tumigil siya at naramdaman ko ang pag-ikot ng upuan. Nakaupo siya na parang isang prinsipe sa aking harap. Tama! Hinarap niya ako sa kanya.
Magkatitigan kaming dalawa at nakita ko ang bahid ng lungkot sa mga mata niya. Hindi ko alam pero bigla ko nalang hinawakan ang magkabilang pisngi niya. SHET! Wala yun sa utak ko para gawin pero bigla ko nalang ginawa.
Pumikit naman siya na parang winawaglit niya ang naiisip niya. Hinawakan niya ang aking kamay na nakahawak sa kanyang pisngi. Binuksan niya ang mga mata niya at ngumiti na saakin. Wala na ang lungkot na nakita ko kanina.
Hindi ko tuloy alam kung tatanggalin ko ba ang mga kamay kong nasa pisngi niya na, hindi ko alam kung bakit ko nagawa. Kasi parang nawala yung lungkot niya ng hawakan ko siya o assumera nanaman ang pangit na tulad ko?
Sa huli, hindi ko na tinanggal ang kamay ko at magkatitigan lang kami ng..
“What a sweet scenario.” Narinig namin ang isang boses sa hindi kalayuan. Pareho kaming napatingin ni Leo sa nagsalita at nakita namin ang isang babaeng ubod ng ganda ngunit nakataas ang kilay. Isang napakagandang pigura ng isang modelong nakita ko na sa isang magazine! Matangkad at maputi. Mayroon siyang brown na mahahabang kulot ang buhok.
“Hi Brother!!!” narinig kong sabi niya.
Shit. Bigla-bigla kong binaba ang kamay kong nakahawak sa pisngi ni gago at yumuko. Tumayo naman si Leo na parang wala lang ang nangyari.
“Cant you knock?” sabi naman ni Leo na nakapamulsa na ngayon.
“Well, I’ve already knocked for how many times pero walang nasagot so I decided to just enter my little brother’s room at nalaman ko kaagad ang reason kung bakit hindi mo ko pinagbubuksan. You have to locked the door Rafael kung may balak kang ganyanin si Jonna. Nako!” Nakita kong napaface-palm si Nina Gil. Isang sikat na modelo sa Paris. :( Ate pala siya ng Leo-ng ito kaya pala magandang nilalang din. Weh? Ang ganda naman niya pero teka? KILALA NIYA KO?
“Shut the fck up!” sigaw ni Leo sa ate niya. Tss. Walang manners at bigla itong lumingon at napatingin sakin.
“Continue eating.” Sabi niya. Aba! Makakakain pa ba ako pagkatapos niya akong iharass?
Konsensya: ABA! Harass ba ang tawag sa ginusto mo!?
Manahimik ka di ka kausap.
“Hi Jonna?” napanganga nalang ako ng batiin ako ng isang Nina Gil. O-O
“B-b-bat niyo po ako kilala?” sabi ko naman.
“Well, nakwekwento sa akin ng kapatid kong ito ang tungkol sa reyna niya.” Sabay napatingin naman siya kay Leo na siya namang nagiwas ng tingin.
Hindi ko kayang makipagtitigan sa isang Nina Gil dahil sa ang ganda niya at ang panget ko. Nakakahiya na naabutan niya ang kapatid niya na parang hinaharass ko. Kahit na ang totoo eh ako ang naharass. Syempre sino ang paniniwalaan? Isang sikat na napakagwapong nilalang at napakatalinong mayamang si Rafael Leo Gil, hinarass ang isang napakapangit na babaeng nagngangalang Francheska Jonna Mulindigma! Ekk. Sino kaya maniniwala?
“Nice to see you Jonna! Well, can I borrow your king for a second?” sabi niya sabay akbay kay Leo. Mas matangkad talaga si Leo kahit na model na ang dating ng ate niya.
“Ano nanaman ba yan, ate!? Busy ako.” Sabi ni Leo at napatingin pa sakin nung sinabi niyang busy sya. Tss. Sungalngalin ko tong sinungaling na to e.
“This is a serious matter, Rafael.” Biglang seryoso ng ate niya. Kahit na tumuloy ako sa pagkain ay nakikinig parin ako sa kanila dahil kahit panget ako ay pwede din maging curious na chismosa.
“What is it?” bakas naman sa tono ng pananalita ni Leo na seryoso na din siya.
“Bumalik na siya.” Sabi ng isang Nina Gil. Kung pwede lang makahingi ng autograph sana para kay Jennifer (co-worker sa 7-11) eh nagawa ko na kaso kahit panget e pwede din mahiya.
Pero sino daw ang bumalik?
“Stop. Let’s talk about this sa kabilang room.” Sabi ni Leo. Ayy, dito nalang para marinig ko. >.<
“Ahhm, Jonna! May pag-uusapan lang kami ni King mo ha? Sige..” napatango nalang ako kahit na medyo naaalibadbaran ako sa sinabi niyang “King ko?” King kong kamo! HAHA!
“…..by the way, nice hickey you have there on your neck.” Napasalubong ang kilay ko sa sinabi niya.
“Good job, brother!” sabay pat niya sa balikat nito. Tumingin naman si Leo sa leeg ko at pagkatapos tumingin sa mga mata ko. Bigla siyang ngumiti.
Narinig ko pa ang tawa ng ate ni Leo kahit nasa labas na sila. Nang maabsorb ko na ang sinabi niya ay dali dali akong tumakbo pumunta sa banyo para magsalamin. At…
O_O
O_O
O_O
O_O
O_O
“WALANG HIYA KANG LALAKI KAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!! MAPAPATAY KITAAAAAAAAAAA!!!”