“Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, hmm..pang-ilan na nga ba? Tang-amang mga pimples to.” Hays. Nawala tuloy ako sa bilang ng mga taghiyawat ko. Hays. Parang gusto kong manapak ngayon. Hindi ko alam kung bakit tumingin ako sa salamin ngayon. Gusto ko lang Makita kung anong update sa mga pimples ko, ayun walang bawas, lalong dumami. Hays.
“Jonna, iha, wag ka ng pumasok ngayon, masama ang pakiramdam mo.” Napatingin ako sa nag-aalalang mukha ni Aling Marga. Tama! Nandito na ako sa tinutuluyan ko. Tapos na ang walang kakwenta-kwentang Field Trip na puro Seminars lang naman tungkol sa iba’t-ibang bagay at wag niyo na akong tanungin kung ano-ano iyon dahil hindi ako nakinig. Hayup!
“Hindi po. Papasok po ako, kaya ko naman po Aling Marga.” Sabi ko at sinuot na ang black shoes kong luma na pero kini-kiwi ko para kahit papano e magmukha pa ring sapatos.
“Naku, ikaw talagang bata ka. O siya, basta pagnaramdaman mong di mo na kaya ay magpaalam ka kaagad sa Teacher mo ha? O eto na ang baunan mo. Mag-iingat ka.” Inabot saakin ni Aling Marga ang Lunchbox na hinanda niya. Noon, binibigyan niya ako ng perang pambaon pero hindi ko iyon tinatanggap kaya naman Lunchbox nalang ang binibigay niya saakin.
“Salamat po. Sige po, alis na ko.” Sabi ko naman at umalis na ako. Para akong tamad na lasing maglakad. Tae, may tamad bang lasing? Hayup.
Kamalasan nga naman dahil wala pang nadaan na jeep. Maya-maya pa ay may dumating na pero dahil lahat ng mga kasabayan ko ay nagmamadali, nagunahan sila at wala ng bakante. Dati-rati, nakikipagsikuhan pa ako para lang makasakay ng jeep pero dahil masama ang pakiramdam ko, hinahayaan ko nalang. Tinignan ko ang wrist watch kong binigay lang ni Jennifer nung birthday ko noong nakaraang taon. 7: 46 na, 8 ang pasok ko. Walang hiya! May dumating jeep at kahit pa masama ang pakiramdam ko, nakipagsiksikan ako at ung isang babae ay sinisiko pa ako kaya naman tinapakan ko ang paa niya. At sawakas nakasakay na din kahit kalahati lang ng pwetan ko ang nakasakay.
Napalingon ako sa magkakabarkada na nakasakay sa jeep. Lahat sila lalaki at halos lahat sila ay mukhang kasing edad ko lang at nakauniporme. Lahat sila ay nakatingin sa uniform ko at maya-maya ay tumingin saakin.
Nagbulung-bulongan sila at kahit pa hindi ko naririnig, alam kong iniisip nila na.
“Pota pare, taga Matias Gil University. Pang mayaman, kaso bakit ganon mukha?” hindi nila yan sinabi pero alam kong yan ang sinasabi nila. Hindi ito ang una para doon, halos sa araw-araw na pagpasok ko ganon ang nakakasalamuha ko kaya alam ko na ang iniisip nila na Makita ang isang pangit na tulad kong suot ang uniporme ng tanyag na eskwelahang ‘Matias Gil University’.
Hindi ko nalang sila pinansin at ng makita ko na ang guardhouse papasok sa school ko ay pumara na ako.
Gusto ko talaga manapak ngayong araw pero medyo tinatamad ako. Ano ba itong nangyayari saakin? Hays. Tumingin naman sakin ang guard na para akong isang alien. Lagi namang ganyan yan. Pano ba naman kasi. Ako lang ang naglalakad sa hallway at puro nakasasakyan ang pumapasok. Ano magagawa ko? Alangan namang papasukin ko ang jeep na sinasakyan ko kanina. Hays.
Ng sawakas ay nakarating na ako sa classroom ko, parang feeling ko ang tagal kong hindi sila nakita. Well, matagal naman talaga dahil puro mga taga-Special Class ang kasama ko.
Umupo lang ako sa upuan ko at inaantay ang teacher namin habang ung mga kaklase ko ay tawa ng tawa sa akin. Well, di na nila ako masyadong sinasaktan dahil may Anti-Bullying Act na. Pinapatupad na ito ngayon sa school namin. Tss. Pero ganun pa man, panget pa rin ang tingin nila at nandidiri pa rin silang Makita ako.
Dumating na ang English teacher naming at tinuruan lang kami tungkol sa Autobiography at Biography. Dati pa itong lessons na ito ha? Bakit tinuturo pa rin hanggang 4th year highschool?
Habang nagte-take down ako ng notes ay biglang may kumalabit saakin, napatingin naman ako sa babaeng nasa kanan ko.
“A-a-ano, pwede bang makahiram ng ballpen?” napatingin ako sa nakahawak niyang kamay sa kanang balikat ko at parang napaso naman niya itong binitawan. “S-s-sorry.” Nauutal niyang sinabi. Nagtataka siya kung bakit nagkaroon siya ng katabi sa kanan nya. Noon ay wala ito. Walang natabi sakanya simula first year siya. Miski ang upuan na nasa harap niya ay walang nakaupo. Paano nangyari ito.
Hindi ko pinahalata kuriosidad at nanatiling nakapoker face kahit na sobra akong nagtataka. Kinuha ko ang extrang Panda ballpen ko sa bag at iniabot sakanya. Nakita ko naman kung paano magliwanag ang mukha niya dahil dito. Maganda siya at maputi, mayroon siyang brown na mata at brown na buhok na hanggang balikat lang. Ang kinis naman nito. Samantalang siya, tadtad ng pimples. “Thank you!” masiglang sabi ng babaeng iyon. Wala siyang sinagot at nagpatuloy lang sa pagsusulat. Di talaga siya marunong makipagsocialize.
Natapos ang English at nagulat siya ng biglang may naglahad ng kamay sa kanya.
“By the way, I’m Mariah Felicity Cuevas.” Ngiting sabi ng babaeng nanghiram ng ballpen sakanya.
Tinanggap niya ang kamay nito dahil mukha naman itong mabait. Mala-anghel ang mga babaeng nakikilala niya. Si Erika, Nicanne at syempre ang napakagandang kapatid ng mokong na si Ate Nina. Nakiki-ate? Syempre! Mas matanda un sa kanya at sign lang iyon ng respeto nito para dito.
“Fran—“
“You are Queen Francheska Jonna Mulindigma.” She exclaimed. Owwwkaaay. This is hilarious! Napapaenglish ako dahil sa kakatapos lang ng subject na iyon. Pano niya ako kilala at ano nanaman itong punyetang Queen na to?
“Tama. Ako iyon pero walang queen. Bat mo ko kilala?” Sinabi ko sa kanya na nakatingin sa pisara at hindi sa kanya. Ang tagal naman at ng susunod na teacher namin?
“You are really famous.” Sabi naman niya. Napataas ako ng kilay na tumingin sakanya at ngumiti lang siya. Hindi na ako nagtanong pa dahil baka ang ibig sabihin niya ay famous bilang ‘Ugly Amazona.’
Natapos ang subject na Science ng nag-bell na hudyat na breaktime na. Nagpasya akong kumain nalang sa loob ng room at wag ng pumunta sa Cafeteria. Hindi pa nga nangangalahati ang araw na iyon ay sobrang sama na ng pakiramdam niya. Pucha! Ano ba itong nangyayari sa kanya.
Nilabas niya ang baunan at nakita na Luncheon Meat ang ulam niya, kung sa ibang pagkakataon ay matatakam siya dito pero hindi ngayon na masama ang pakiramdam niya at wala siyang ganang kumain pero alam niyang kailangan niyang pilitin ang sarili kung gusto niyang tumagal siya.
*riiiiinggg… riiiiiinnnggg..*
Nakita niya kung sino ang tumatawag. Ng nakita niya ang pangalan nito ay walang pagdadalawang isip niya itong pinatayan. Leche! Masama na nga ang pakiramdam ng tao, bwibwisitin pa. Tama! May cellphone na nga ang isang pangit na katulad ko dahil pagkauwi namin sa Field Trip sa Baguio. Nalaman ng isang Rafael Leo Gil (kumpleto talaga?) na ako’y isang dukha na walang cellphone. Isang malutong na “THE F*CK!?” ang natanggap ko mula sa kanya at dumiretso kami sa mall para bumili ng cellphone. Nasa labas lang ako ng store ng mga cellphone at hinayaan ko nalang siya. Pagkalabas niya binigay niya sa akin ang Cellphone na Apple iPhone 5s at muntik na akong mapa-nganga.
Di ko iyon tinanggap at babatuhin niya na dapat pero kinuha ko na dahil sayang. Mahaba-habang paguusap at pakikipagtalo ang ginawa namin para lang sa cellphone na iyon. Ang nakakainis pa, nilagay niya ang numero niya doon at ang nakaphonebook ay “My Only King.” Pwedeng masuka? Tss. Hindi ko naman mapalitan dahil di ko alam kung pano. Nakakailang tawag na siya saakin at ni isa wala akong sinagot. Bat ayaw niyang itext nalang ang sasabihin niya? Napaka arte.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng biglang magring ang cellphone ko.
Ang buong akala ko ay ang mokong nanaman iyon pero si Jennifer pala iyon, ang katrabaho ko sa 7-11.
“Hello Jen?”
“Babae!! Sabi ni Boss, may trainee daw ngayon na magshishift dito mamaya sa oras mo kaya wag ka na daw magabalang pumunta. Grabe, napapansin kong napakaswerte mo nitong nagdaan araw ha? Hahaha!” nakakabinging sabi nito sa kabilang linya.
“Totoo? Oo nga at napapansin ko nga iyon. Swertihan lang siguro iyong Jennifer.” Natatawa niyang tugon kay Jennifer . “Pakisabi kay Bossing, salamat. Masama kasi ang pakiramdam ko ngayon e.”
“Sige, pagaling ka! Taray, may cellphone ka na ha? Anong brand?” sabi naman nito. Syempre hindi niya ito sasabihin sa kaibigan at baka magtanong pa ito kung paano siya nagkaroon ng ganon.
“Sira ulo ka talaga Jen, sige na! Bye.” At pinindot na nya ang end call. Hays.
“KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!” susubo palang ako ng nagulat naman ako sa sigaw na nanggagaling sa labas. Napatakip pa ako sa tenga ko dahil sa tindi ng intensity ng mga boses nila. Ano nanaman ba itong pinagkakaguluhan nila?
“Get out of my way.” At bigla nalang tumahimik ang lahat. Sht! Alam niya kung kaninong boses ito. Bigla akong kinabahan.
At yun nga naconfirm ko ang aking hinala ng biglang bumukas ang pintuan at niluwa non ang ang nakakunot-noong matangkad na lalaki.
Halata sa mukha nito ang galit kaya naman napanganga nalang ako sa takot. Pucha! Bat ba andito to?
Lahat ng tao sa corridor sa labas ay nakasilip na sa bintana ng room namin. Bakit hindi sila pumasok? Nako naman oh!
Bigla nalang ibinagsak ang kamay niya sa mesa ko at nagulat ang lahat doon maging ako. Nakayuko siya at kapantay na niya ang mukha ko. Nanatili akong nakaupo at ng tignan ko siya, nakikita ko ang galit sa mga mata niya. Hindi ko kayang magsalita dito. Hays, siya talaga ang kinatatakutan ko. Ano ba ito. Para akong pabebe. Potek.
“Are you fvcking cheating on me?” sinabi niya iyon at halos lahat ng tao ay napasinghap sa narinig. Kalmado ang pagkasabi niya nito at sa sobrang tahimik ay syempre kahit hindi ito ganon kalakas ay narinig nila ito.
Napapikit ako ng mariin dahil sa trip ng lalaking ito. Sa Special Class Building ay sanay ako sa mga walang hiya niyang paghaharass sa pangit na katulad ko. Pero ngayon sa building ko naman? Leche!
Dinilat ko ang aking mata at sinalubong ang mga mata niya ng galit din. Naiinis ako. Tang-*na! Makakasapak ako ngayon. Seryoso.
“Umalis ka na kung ayaw mong masapak kita.” Mariin ang pagkakasabi ko at narinig ko nanaman ang pagsinghap ng mga walang hiyang chismoso at chismosa. Kanina pa nagbell at ang papasok na teacher dapat namin sa oras na ito ay umatras ng nakita niya si Leo. At ang mga kaklase ko ay nanatili sa labas at nakikinig, walang nagbabalak guluhin ang masamang titigan namin.
“You’re making me crazy, Francheska.” Pagsuko nito at biglang bumuntong hininga. Siya naman ay nakahinga na ng maayos ng umalis ito kanyang harapan. Sobrang lapit ng mukha nila kanina. Naramdaman niya ang pag- upo nito sa tabi niya at ang lapit ng upuan nito sa kanya. Mahihiya na ang hangin na dumaan sa pagitan nila dahil sa sobrang dikit nila. Nakaharap ito sakanya at naka-akbay ito sa upuan niyo. Gusto niyang tanggalin ang kamay nito at palayuin sakanya pero di niya magawa dahil nga nanghihina siya.
Di niya nalang ito pinansin para matapos na ito. Tinakpan niya na ang baunan niya na di pa nangangalahati ang laman. Nako, siguradong magtatampo nito sa kanya si Aling Marga.
“Bat di mo sinasagot ang mga tawag ko?” tinignan niya ang lalaking nasa tabi niya at agad iniwas ang tingin dito ng makita niya ang grey na mata nito. Alam niyang pwede niya na itong makausap ng maayos dahil nagtatagalog na ito at hindi na ito galit.
“Busy ako.” Tumingin naman siya sa kanyang paligid at nakita parin ang mga nakikiusyosong mga tao doon. Napakarami nila at iisa lang ang nababasa ko sa mga mukha nila, HINDI SILA MAKAPANIWALA SA MGA NAKIKITA NILA!
Tss. Sarap sigawan ang mga ito ng “Pucha, mga bobo! Naniniwala kayo sa mokong na to na syota niya ako? Hoy mga gung-gong, uso mag-isip! Isa itong malaking trip! TRIP!!!” pero hindi niya yun sasabihin dahil nga nanghihina siya at ang gusto lang naman niya ay matapos na ang araw na ito.
Nawala ang pansin niya sa paligid ng maramdaman ang pag-igting ng panga ng lalaking nakatitig sa kanya. “Yeah, you’re fvcking busy, because you’re talking to someone else.” Patay na. Nagenglish nanaman.
Kung hindi masama ang pakiramdam niya ay itatapon niya ito sa Mars. Ay hindi, Pluto pala para sobrang layo sakanya.
“Pwede ba Leo, tigilan mo yan. Si Jennifer ang kausap ko kanina sa cellphone. Hindi ko sinasagot ang tawag mo dahil baka papuntahin mo nanaman ako sa building niyo. Pwede ba, masama ang pakiramdam ko.” Mahinahong sabi ko, pinakita ko pa ang Call Logs ko dahil alam kong di siya maniniwala at ng makitang nakumbinisi ko na siya, napahawak ako sa kumikirot kong ulo.
Hay buhay, never akong nagexplain sa tao. Mas nagmukha tuloy kaming magsyota ng gagong to. Nagets ko agad ang sinabi niya, baka kasi tumawag siya ng oras na kausap ko si Jennifer. Hindi ako marunong mag-hold ng tawag. Di ako ganun kahasa sa pag-gamit ng magarang cellphone na iyon.
Naramdaman kong may humawak sa kamay kong nasa ulo ko at hinarap ako sa kanya.
“Sorry, baby. I’m gonna take you home.” Sabi niya at hinalikan ang kamay ko, habang ginagawa niya yun ay nakatitig siya sa mga mata ko. Nangilabot ako sa paraan ng pagtitig niya. Takte.
“Ayoko.” Kaylangan kong umattend sa klase dahil malapit na ang First Preliminary Examination. Patay ako kapag hindi ako nagconcentrate.
“I’m not asking you if you want to or not. Because that’s a statement. I’m taking you to my home and that’s final.” Maya- maya ay inalalayan niya akong tumayo. At nakaramdam ako ng kakaiba. Bullshit. Wag ngayon dyusme. Maya-maya ay naramdaman ko nanaman iyon.
Napatingin sa akin si Leo ng may pagtataka ng tumigil ako sa paglalakad.
“May problema ba?” Tanong niya saakin. Napatingin ako sa kanya ng mangiyak-ngiyak.
“Leo..” sabi ko at nabigla siya.
Nag-iwas siya ng tingin at narinig kong bumulong siya sa hangin. “Sh*t. Fvck!” Tss. Sabi na nga ba, napapangitan talaga to sakin e. Dami ko kayang taghiyawat ngayon. Pero I need him.
“Leo..Please..” sabi ko at pilit kong hinarap siya saakin. Para na akong tangang nangingiyak dito. Tumingin naman siya at unti-unti niyang nilalapit ang mukha nya, narinig ko ang pag-singhap ng mga tao..
Ng konting inches na lang ang layo ng mukha niya ay nagsalita na ako ng pakay ko..
“Bili mo ko napkin.”
At doon, lumayo ang mukha niya at di makapaniwalang nakatitig saakin. Sinigurado kong hindi iyon maririnig ng ibang tao dahil binulong ko iyon sa kanya nung palapit ng palapit ang mukha niya saakin.
“PFFT….BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHA!” napatingin nalang ako kay Leo na parang baliw sa kakatawa. Hawak pa niya ang tiyan niya at pinunasan niya pa ang gilid ng mga mata nito. Takte, anyare dito.
Syempre natulala ang lahat ng mga chismoso at chismosa sa pagtawa ni Leo. Syempre lagi tong nakasimangot e, for sure, dadami nanaman ang susugod dito sa lalaking to dahil kitang kita niya kung pano mamangha ang mga nanunuod dahil sa sobrang kagwapuhan ni Leo dahil sa pagtawa. Pati nga ako e, mas lalo siyang gumwapo dahil sa pagtawa niya.
Ng matapos ito sa kakatawa ay inakbayan siya nito, “You are making me fall deeper, Francheska” Huh? Anuraw. Napkin ang hinihingi ko. Nararamdaman ko ang pagflow ng aking dugo. Huhuhuh. Penge panty please? Huhu.
Nakita kong kinuha niya ang cellphone niya at may dinial dito, naka-akbay parin ito saakin kahit may kausap na siya sa cellphone.
“Get the car. We’ll be there in 15 minutes. Bumili ka din ng Sanitary Napkins and Undies for women. Yeah, dalhin mo bahay.” At binaba niya na.
Mahina lang naman pagkausap niya dito kaya naman alam niyang hindi ito narinig ng mga tao dun, namula pa siya noong nagpabili din ito ng panty. Salamat talaga, Leo. Tatanawin ko itong malaking utang na loob.
“Let’s go. Dadalhin na kita sa bahay.” Sabi niya at binuhat ako bridal style. Pota! Ano nanaman to?
“Ibaba mo ako walang hiya kang hayop ka, biruin mo na ang lasing, at bagong gising, wag lang ang babaeng dinudugo kundi malilintikan kang hayop ka.” Imbis na ibaba siya ay tinawanan lang siya nito at nagsimula ng maglakad. Di na niya alam kung nakailang mura na siya kay Leo para lang ibaba siya nito, paniguradong diring-diri ang mga tao dahil ang isang pangit na tulad ko ay dikit ng dikit sa Leo-ng perpekto daw sabi nila. Psh.
Huminto siya sa paglalakad sa tapat ng isang napakagandang itim na kotse. Namangha pa siya lalo ng lumabas ang lalaking nakacoat and tie na suit. Wow. Men-in-black partnering the Black awesome car! Nagdadaydream pa siya ng pinasok na siya ni Leo sa loob at pumasok din ito.
Ng nasa byahe, di ako mapakali kasi p*cha baka matagusan ko ung upuan ng kotse. Laking pasasalamat ko ng huminto na ang kotse at nagmamadali akong bumaba. Hindi ko napansin na iba pala ang daan dahil sa sobrang taranta ko na baka matagusan ko ung upuan ng kotse.
“Nasan ako?” tanong ko sa gagong kumidnap sakin.
“Nasa bahay ko.” Sabi niya.
“Seryoso ka? Bahay ba to? Mansion na to e.” Sobrang laki ng bahay nila. Parang sa TV ko lang to napapanood. Totoo pala. Nakoooww.
Pumasok na kami sa loob at mas lalo akong namangha. Napakaelegante at alam mong lahat ng laman nun ay mahal. May mga maid na sumalubong saamin at pinapunta naman agad ako ni Leo sa banyo at binigay sa’kin ang isang box ng napkin, isang plastic na undies, maluwag na shirt at pants.
“Andame? Isa lang kaylangan ko.” Sabi ko naman ng iabot niya ito sakin. Nakakahiya pero wala akong magagawa. Bahala siya dyan.
“Arte.” Sabi niya at umalis na.
Nagpalit na ako at nilabhan ko narin ang panty ko. Kaylangan pati to ikwento ko sainyo? Leche. Isinuot ko na din ung shirt at pants. Medyo maluwag pero okay naman, komportable. Kaya pala masama ang pakiramdam ko, magkakaroon na pala ako. Kaya rin pala tadtad ako ng taghiyawat. Psh!
Lumabas ako at nakita ko agad ang pagmumukha niya, mukhang nag-aantay itong lumabas siya.
Hinila agad siya nito at bumaba sila sa isang napakalaking hagdan. Grabe, mansion talaga to. Seryoso.
Pinaupo niya ako at umupo siya sa tapat ko, nagserve naman ung mga katulong nila ng pagkain. Manghang-mangha ako. Ganito ang buhay na kinalakihan ng isang Rafael Leo Gil. Isang mayaman na tao, pinagsisilbihan ng lahat. Grabe!
Tinignan ko lang ang mga pagkain sa harap ko at alam kong masamang tanggihan ang grasya pero wala talaga akong gana.
“Eat.” Narinig kong sabi ni Leo pero wala talaga akong gana e.
“Wala akong gana.” Sabi ko.
“Kakain ka o pipilitin kong ipalunok yan sayo habang hinahalikan kita?” seryoso itong nakatingin saakin kaya naman namutla ako. Leche talaga tong mokong na to.
“Mukhang masarap to. Sabi ko nga kakain na e.” sarcastic kong sabi at inirapan siya.
Nasa kalagitnaang kami ng pagkain ng biglang dumating ang kaninang driver nito. Men-in-black. *drools*
“Excuse me po, sir. Nandyan po si Mr. Cuevas.” Sabi nito at nagulat ako ng biglang tumayo si Leo. “Fvck.” Narinig niyang sabi nito bago umalis at sumunod dun kay Driver na Men-in-black.
Ayaw niya ng kumain kaya naman sa sobrang kuriosidad ay sinundan niya si Leo at ang Driver nito.
Hmm..Sino kaya iyong Mr. Cuevas na iyon? Bakit parang biglang nagalit si Leo ng marinig niya ang pangalan nito?
Nakita niya na huminto na sila Leo at Driver. Sinenyasan niya pa itong umalis.
Ang natira ay si Leo at ang lalaking nakatalikod sa kanya. Nakablue ito na damit.
“Why are you here?” nabigla ako sa tono ng pananalita ni Leo. May bahid ng galit at kamandag.
Unti-unting humarap ang lalaki at tumingin sa kanya. Moreno ito at gwapo rin, may kakaunti itong balbas. Parang familiar ito.
“Nice to see you again, Raf.” Sabi nito at nagsmirk.
“Get out of my house.” May away kaya ang dalawang ito? Pinipilit kong marinig ang usapan nila pero wala na akong marinig dahil mahina nalang ito. Nagtatago ako dito sa vase, pinipilit kong marinig ang usapan nila, ay nako, sana nga lang hindi mabasag ang-----
*c***k*
Napatulala ako dahil nabasag ko ang vase. Kung minamalas ka nga naman oh! Paniguradong mahal yun. Pano na to. Pota, pano ko to mababayaran? Paniguradong hindi ito mura at sobra----
“Jonna?” napatingin naman siya sa tumawag sa kanya. Gulat ang mukha ng lalaking kaaway ni Leo na nakatingin sa kanya. Sht! Oo nga pala palihim siyang nakikinig pero wait, kilala niya ako? Paano?
“My god, It’s you.” Palapit na siya sa kinaroroonan ko ng biglang may likod na humarang sa harapan ko.
“Don’t you dare, Lucas or else, I’m gonna kill you.” Matalim na sabi ni Leo na nasa harapan ko. Napatigil ang sinasabi niyang Lucas sa paglapit saakin dahil sa pagharang ni Leo saakin at sa mga sinabi na rin nito.
Nakaramdam ako ng lamig ng Makita ko ang paraan ng pagtititigan ng dalawang lalaking nasa harap niya. Walang nagpapatalo. Anong nangyayari? Bakit parang galit na galit sila sa isa’t-isa?
Sino ba itong Lucas Cuevas? Bakit ako nito kilala? Bakit galit si Leo sa kanya?
AIIISSSSSH! PUTRAGISSS! ANG SAKIT NG PUSON KOOOOO :///