Kabanata 9: Misteryo

1540 Words
“Lando, show him the way out.” Tinawag ni Leo ang isa sa mga Men-in-Black pero hindi pa rin inaalisan ng tingin iyong Lucas daw. May mas igwa-gwapo pa pala si Leo kapag nakakunot ang noo? Amazing!       “No need, I can manage. We’ll meet again, Rafael.” Tumalikod na saamin ang lalaking nag-ngangalang Lucas pero nakaka-isang hakbang palang siya ng bigla ulit siyang humarap at tumingin sa akin, tinaasan ko lang siya ng kilay. Gwapo ito at mukhang may lahi.   “Don’t stare at him.” Tss. Pasensya ha, galing ako sa ibang planeta na ngayon lang nakakita ng mga gwapo e, napapaligiran pa. Dapat maging illegal ang mga magagandang nilalang sa mundong ito ng hindi maapi ang mga pangit na tulad ko. Tss, pag ako naging presidente isasabatas ko yan. Psh, sarap paghahampasin ang mga mukha ng magkaroon ng galos e. Psh.       “Wala kang pake kung sino titigan ko. Kakain na nga ako, bigla akong nagutom.” Umalis ako at pumunta sa kitchen niyang puro ginto at umupo doon at binalingan ang pagkain na naiwan ko.   “I’m still talking bat mo ko tinalikuran?” Sinabi niya ng matalim ang tingin at umupo na. Tss, sumunod pala to sakin. Sira ulo talaga.   “Ano naman?” taas kilay kong tanong sakanya.   Bigla namang nawala ang pagka-kunot noo niya at umamo ang mukha. “W-w-wala naman.” Sabi niya at yumuko na. Tss, problema netong hayop na to? Pabebe ang dating ha. Kadiri lang, di bagay (Weh?)   “How are you feeling?” tanong naman niya habang kumakain ako, subo ako ng subo ng pagkain dahil gutom ako. Di tulad ng ibang mga babae na walang gana kumain, kapag nagkakaroon ako sobrang lakas ko kumain as in lamon kung lamon, kanina pakipot lang ako kunwari na walang gana, plano ko lang na pilitin ako para di masyado makapal. Eh ano? Di uso ang diet sa tulad ko lalo na kung once in a lifetime lang ang mga pagkaing ganito ang ihahain sa harap mo. Nyeta!   “Ayos naman, salamat sa napkin at panty.” Sabi ko ng punong-puno ng pagkain ang bunganga, nakita ko naman ang pag-ngiwi niya sa inasal ko.   “Don’t talk, may natalsik na kanin. Manners please, and you are very much welcome sa napkin at panty. You’re a very straight-forward woman.” Sabi niya ng nakahalukipkip, pero kahit medyo nakakabanas ang sinabi niya e iba naman ang pinapakita ng mukha niyang illegal sa kagwapuhan, he has this playful eyes and hidden smile on his fvcking kissable lips, putspa! Napapa-ingles ako ng wala sa oras kahawa ung mga kaklase kong patalbugan sa nosebleeding.   Sinamaan ko lang siya ng tingin at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain. Ang magandang nilalang tinititigan lang ako at hindi kumakain. Ano trip netong shokoy na to?   “You know what? You’re weird, hindi ka ba kinikilig  o kaya nacoconscious man lang kapag tinititigan kita? Kapag tinignan ko ang isang babae within 3 seconds, pinagkakalat na agad nila na tinitigan ko sila.”  Sabi niya na parang takang-taka. Tinignan ko siya at nilunok muna ang kinain ko dahil alam kong maarte to.   “Simple lang, wala kasi akong pake sayo.” Aba, ang cool ko diba? Umamin kayo. Well, dahil siya lang ang kinatatakutan ko maliban sa isa pa at SIKRETO yon, bawal malaman dahil nakakahiya para sa pangit na tulad ko.   Imbis na mainis siya sa sinabi e ang baliw na hayop e tumawa pa at tinungkod ang dalawang kamay sa mesa at tinitigan uli ako, aba! Aminado naman akong gwapo siya pero ngayon, ang cute niya lang sa pwesto niya. Siraulo! Illegal Monkey-Face!   “Hoy, may tanong ako.” Dahil medyo nako-conscious na ako sa pagtitig niya e naisip ko na makipagusap nalang sa kanya kahit na tinatamad ako magsalita dahil aksaya sa vocal chords at laway.   “Just don’t ask me why I’m handsome, because I don’t know too.” Sabi niya na nakapagpanganga saakin at di ko na napigilan na batukan siya. Medyo napalakas at nakita ko ang gulat sa mukha niya. Natakot ako sa magiging reaksyon niya, ready na sana akong makipagmarathon kaso ngumiti lang ulit siya ng pang Toothpaste commercial.   “What is it?” sabi niya at humalukipkip na naman.   “Sino si Lucas na ‘yon? Tsaka nawei-weirduhan na ako e, bat kilala niya ako? Tyaka, bakit pala kapag sinasabi ko ang pangalan ko sa mga taong konektado sayo, sa papa mo, sa ate mo at doon sa mga estudyante ng Special Class, ay iisa lang ang reaksyon. Magugulat tas later on, matutuwa.” Seryoso kong tanong sakanya.   Nakita ko ang pagbabago ng mood niya at hindi ko kinatuwa ang nakikita ko. Nakita kong humugot siya ng malalim na hininga, kumunot lalo ang noo niya at naging maputla siya. Uh-oh, nasira ko ba ang mood? Nagsisimula nanaman akong maintimidate at matakot sa aura niya. Ano bang klase akong Ugly Amazona? Kapag ganto ako ng ganto may aagaw na sa trono ko. Tss, parang gusto ko naman ung tronong yun? Pakinshet.   “Just…just stay away from Lucas.” Sabi niya ng may awtoridad at parang final na. Sa tono palang ay alam mo na agad na ayaw niya ang daloy ng usapan.   Pero dahil ako ay makapal na panget ay hindi ako mahihiya iungkat uli ‘yon.   “Dami kong tanong at ang haba haba ng statement ko tas yun lang sagot mo? At hoy baliw, hindi mo ba ang alam ang Reverse Psychology? Kapag sinabi mong layuan ko ung Lucas na ‘yon e syempre macucurious ako at aalamin ko kung bakit ayaw mo kong lumapit don sa paraan ng pakikipagkakilala sa kanya. Sira ka.” Sabi ko at uminom ng tubig.   Natanong ko lang naman yun dahil medyo napapansin ko na kapag binabanggit ko ang mabaho kong pangalan e, nagugulat sila tas ung Lucas kanina na magandang nilalang din ay nakita lang ako alam na pangalan ko. So weird. Leche mga pa-twist sa buhay yang mga yan. Wala naman talaga akong pake kung bakit sadyang curious lang ako. Di ba pwedeng macurious kapag panget na amazona? Sino nagsabi susuntukin ko.   “Just think that I don’t want you be with another guy.” Sabi niya yon na kinataas ng kilay ko.   “Nagbabasa ka ba ng w*****d? Alam mo, yang personality mo ang pinaka-ayaw kong character sa w*****d. Yung mga lecheng lalaki na pa-fall? Hayup lang ang dating. Leche! Dyan kana nga.” Sabi ko at tumakbo na paakyat sa hagdan. Leche kinakilabutan talaga ako kapag bumabanat ung lalaking un. Banatan ko siya e. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya. Hindi siya natakbo dahil ang gung-gong ay mahahaba ang binti at isang hakbang niya ay tatlo ang akin.   “Why? Are you falling to me? Don’t worry, I’ll catch you, baby.” Narinig kong sabi niya sa likod ko dahil patuloy parin ako sa takbo-lakad ko. Semi takbo, semi lakad. Alam niyo yun? Tae, may utak kayo iimagine niyo nalang. Saan ba dito ung kwarto kanina na pinasukan ko, nandun ung bag ko at gamit.   Pero dahil sa inis ko na rin sa Leo na ‘to hinarap ko siya at napatigil naman siya sa paglalakad. Hinead to foot ko siya, nakapamulsa siya sa pants niyang black at nakaV-neck na white t-shirt na may kwintas na dog tag. Feeling aso?! Psh.   “Malandi kang gung-gong ka. Di porket pangit ako, kakapit ako sayo na parang tuko.” Nakasmirk kong saad sa kanya at agad siyang tinalikuran.   Sa wakas at nakita ko na ang kwarto, dami naman kasing pintuan sa bahay niya este mansiyones niya. Pumasok na ko sa loob upang kunin ang gamit ko, nakita ko naman kung pano umilaw ang cellphone na hi-tech na binigay ni Leo sa akin ng pilit. Unknown number ang nakarehistro sa screen.   “Who’s that??” binalingan ko ng tingin si Leo na kasalukuyang nakatingin sa cellphone kong umiilaw parin.   “Seryoso bang top 1 ka sa Matias Gil Univ? Unknown number nga e, tas tatanungin mo sa kin kung sino?? Aba matinde ang tama mo.” Sabi ko sakanya, kinuha ko naman ang phone at sinagot ko ito.   “Hello? Sino to? Kapag eto Prank Call, hahanapin kita at ipapasunog ko ang bahay niyo, wala akong ititira kahit underwear mo!” sagot ko sa cellphone na nagbigay ng munting ngiti sa lalaking nasa tabi ko. Bat kaya ngiti ng ngiti to ngayon? Tas kanina tumawa pero sa school walang kinakausap at nakakatakot talaga.   “Hello, Cheska. Kamusta na?” pagkarinig ko sa boses ng nasa kabilang linya ay para akong binagsakan ng yelo sa ulo. Nanlamig ang katawan ko at namanhid ang buong kalamnan ko, narinig ko nalang ang pagbagsak ng cellphone mula sa kamay ko at bago magdilim ang aking paningin narinig ko pa ang pagsigaw ni Leo.   “Hey, Francheska, what happen? Please wake up..Don’t close----“ at binalot na ko ng kadiliman.   "Ipatapon mo nalang ang batang yan. Ayoko ng palamunin tyaka wala na din kwenta yan dahil wala na ang magulang niya. Basta siguraduhin mo na walang makakakita sayo."   Hindi...Hindi maari...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD