Kabanata 8

3423 Words
Kabanata 8 MARGARET MANUEL Pababa pa lang ako ng grand staircase ay tanaw ko na sa open patio ng mansion sina Papa at ang Mama Amara ni Meghan. Magkaharap sila sa isang mesa na yari sa salamin habang nagtsa-tsaa at mukhang matimtimang nag-uusap. May parte sa akin ang nananabik na lapitan sila upang muli kong mayakap si Papa, pero may parte rin sa akin ang hanggang ngayon ay kinakabahan at hindi pa rin mapakali dahil sa huling napag-usapan namin ni Meghan. Gusto niyang gumawa ako ng paraan para hindi na ako ipasuri pa sa doctor nina Seb, ngunit ang pagdating nina Papa rito ngayon ang senyales na talagang desidido na silang ipagamot ako, pero hindi puwede. Ang sabi ni Meghan ay sina Papa raw ang kumbinsihin ko, mas sigurado siyang kaya ko silang mapapayag, pero hindi ko naman alam kung anong gagawin kong alibi. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Pakiramdam ko ay anytime susuko na lang ako at magsasabi ng totoo, nang sa ganoon ay matapos na itong kalokohan na 'to. Binagalan ko talaga ang hakbang ko upang bigyan ang sarili ko ng kaunti pang oras upang mag-isip, ngunit nakita kong tumaas ang tingin sa akin ni Ma'am Amara mula sa kaniyang tsaa. Nakita kong gumuhit ang ngiti niya, may sinabi siya kay Papa habang binababa ang kanyang tsaa sa mesa, hindi ko dinig mula sa kinatatayuan ko ang kaniyang boses, pero mukhang ina-aware niya ito sa pagdating ko kaya nilingon ako ni Papa. Sa isang ngiti niya ay bahagyang napawi ang kaba ko. Tumayo sila pareho at inabangan ang paglapit ko, kaya binilisan ko na ang lakad at sinalubong ng yakap si Papa. Alam kong ang weird nitong tingnan, pero hindi ko maitago ang excitement kong makita ulit siya. Mas tumanda ang hitsura ni Papa kaysa sa huling pagkakatanda ko sa kaniya, pero mukha pa siyang palusog, itim pa ang kaniyang buhok at may maayos na pangangatawan. Isang hagod pa sa likod ko bago niya ako bahagyang pinakawalan para tingnan ako sa mukha ko. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. "How are you, sweetheart? Inagahan talaga namin ang pagpunta ngayong araw, hindi ka kasi namin na-solo kahapon. Kung puwede lang kitang hiramin sa asawa mo at iuwi kagabi ay ginawa ko na," sabi niya nang natatawa. Kitang-kita ko pa rin ang kagalakan sa mga mata niya. Tama nga ang sinasabi nila, na ang pagkabilog ng mga mata namin ni Meghan ay kay Mama namin nakuha, may pagkasingkit kasi si Papa, kaya naman lumiliit ang mga mata niya ngayong masaya siyang nakatingin sa akin. Ramdam ko ang kaniyang pananabik at ang saya, na para bang kung maari niya lang akong pagmasdan buong maghapon ay talagang gagawin niya. Sa mga tingin niya pa lang ay dama ko na ang pagmamahal niya at pangungulila sa loob ng ilang buwan. Magkahalong konsensya at lungkot ang nararamdaman ko dahil doon, konsensya na hindi namin inisip ang mararamdaman ni Papa sa ginawa namin, at ang lungkot na ang nararamdaman kong pagmamahal ngayon, yakap at pagtanggap ay hindi talaga para sa akin. Alam kong mali, pero hindi ko mapigilang mainggit kay Meghan, dahil naramdaman niya ang buong pagmamahal ni Papa buong buhay niya, ni hindi ko alam kung may iniwan pa ba siya para sa aking espasyo sa puso niya, at alam kong si Mama kay Meghan ay oo, at minsan iniisip ko na mas malaki pa ang espasyo na nilaan ni Mama para kay Meghan sa kaniyang puso kaysa sa akin na nakasama niya. "But of course we can't, last night should be your first night in your room with your husband, we can't take that away from the both of you," singit ni Ma'am Amara. Napabaling na ako sa kaniya. Lumapit siya sa akin para yakapin din ako. Kaagad naman siyang binigyan ni Papa ng pagkakataon at binitiwan ako. Noong una ay hindi ko alam ang ire-react ko. Alam ko namang itinuring din siyang ina ni Meghan, pero alam ko rin na siya ang dahilan kung bakit hindi magawang tanggapin ng Lola namin noon si Mama, dahil mas gusto niya si Ma'am Amara na anak ng amiga nito. At ngayong siya nga ang asawa ngayon ni Papa, nakakaramdam ako ng pait. Kasi si Mama dapat ang nasa posisyon niya ngayon, kung hindi dahil sa kaniya ay sana lumaki sana kaming buo at magkakasama. Hindi pa sana ako gagalaw, pero nang makita kong nakatingin sa akin si Papa at naghihintay ng gagawin ko ay doon ko pa lang sinuklian ang yakap ni Ma'am Amara at pinilit na iguhit ang aking mga labi pangiti. Ngayon napapaisip ako, kung pinakasalan kaya siya ni Papa dahil kay lola, o minahal niya rin talaga si Ma'am Amara. Maganda siya at mas mukhang bata kaysa sa edad nito. Hindi maitatanggi iyon pati sa pangangatawan niya. Ayos na ayos ang kulot at may kulay na buhok, nakasuot ng makeup at disenteng damit. Malayong-malayo siya kay Mama, mula sa kilos at pananalita, hanggang sa pananamit. Simple lang si Mama, natural na diretso ang buhok at lagi lang nakasimpleng damit. Hindi nagsusuot ng makeup, pero masasabi kong maganda pa rin si Mama, mas bubbly ang mukha niya kaysa kay Ma'am Amara na mas mukhang sopistikada. Pareho silang maganda, at hindi nakakapagtaka na nahulog sa, kanila si Papa. Nakahinga lang ako ng maluwag nang bitiwan niya na ako. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, kaya napatingin din ako sa sarili ko at nailang. "Bakit hindi ka pa nakaayos, hindi ba nasabi sa 'yo ni Seb na aalis tayo? And is that your night clothes? Did you wear your husband's shirt?" Hinawakan niya ang sleeve ng shirt ko at saka umiling. "Definitely not, it's looks cheap." Halos mapangiwi ako. Naka-lose shirt lang ako at cotton short, ito lang kasi ang kinasanayan kong pantulog, minsan nga naka-pajama pa ako. Kung mainit ay naka underwear lang ako at lose shirt. "Dala ko po itong damit galing pang Bohol, Ma'am." Nanliit ang mahaba niyang mga mata. "Call me mom or mommy and Papa to him," aniya at nagpalit bigla ng ekspresyon nang hindi hinihintay ang sagot ko. "Bakit hindi mo sinuot ang mga nasa closet mo? Hindi na ba kasya sa 'yo?" Muli niyang pinasadahan ng tingin ang katawan ko at umiling. "Yeah, pumayat ka nga. No worries, I'll buy you new clothes later. Go get ready, we're going to be late to our appointment with your doctor..." Napabuntonghininga ako na siyang nakapagpatigil sa kaniya at nagtataka akong tiningnan sa mukha. "Is there any problem?" Napahawak ako sa may batok ko. "Ma-" umiling ako. "Mom, puwede po bang 'wag na po tayong tumuloy?" Nagkatinginan silang dalawa saka mas lumapit sa akin si Papa kaya muli ko siyang binalingan. "Why? Seb told us what his private investigator told him, and why he is so convince that you have to see your doctor and take therapy." Marahan akong napapikit. Of course, he would tell them. Pagkamulat ng mga mata ko ay pinagsalinan ko sila ng tingin. Kailangan ko silang makumbinsi. Tama si Meghan, kung susuriin ako nang maigi ay makikita ng doctor na hindi ako galing sa aksidente. Pumungay ang mga mata ko. "Iyon na nga po ang kinatatakot ko, na baka hindi aksidente lang ang nangyari. At kung talagang trauma lang po ang rason ng amnesia ko, baka po may mas malala pang nangyari sa akin, at hindi pa po ako handang maalala ang mga iyon." Kinagat ko ang ibabang labi ko. Ngayon pa lang ay gusto ko nang parusahan ang sarili ko dahil sa kasinungalingan ko. At hindi ako nagsisinungaling lang sa kung kanino, nagsisinungaling ako sa sarili kong ama. Tumungo ako habang pinagkikiskis ang mga daliri ko. Hindi ko sila kayang tingnan sa mga mata. Naramdaman ko ang kamay ni Ma'am Amara sa balikat ko kaya napatingin ako roon bago sa mukha niya. Basa ko ang pag-aalala sa mga mata niya, worried and concern. "I'm sorry that you feel terrified. This whole situation must be very hard for you." Hinaplos niya ang mukha ko. Basang-basa ko ang sinseridad sa kaniyang mga mata. Alam kong talagang nag-aalala siya at nasa akin ang simpatya niya. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit sinabi ni Meg na siya o si Papa ang kausapin ko. "But Seb is right, hija, we need to find who did these to you," marahang sinabi ni Papa. Pareho kaming bumaling sa kaniya ni Ma'am Amara, saka siya umiling kay Papa at inakbayan ako. "Let me talk to Seb, in fact we'll just delay it, kapag ready na siya ay saka na natin siya dadalhin sa therapist. Besides, Seb already hired a private investigator, and finding what really happened is his job, not hers." Muli sa akin bumaling si Ma'am Amara at ngumiti nang marahan. Hindi ko mapigilan ang mahawa at mapangiti rin. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag, iisip na lang ako ng ibang alibi sa susunod para ma-delay ulit ang therapy na gusto ni Seb. Pero mas maganda kung bago pa dumating ang araw na iyon ay maisip na ni Meghan na makipagpalit ng buhay sa akin. Hindi na nga nagpumilit pa si Papa. Hindi ko alam kung dahil nag-aalala rin siya sa akin, kung nakikita niya ang punto ni Ma'am Amara, o baka talagang sinusunod lang niya ang idea ng asawa niya. Naaalala ko noong mga bata pa lang kami, si Papa lagi lang din sinusunod si Mama. Ang deja vu lang na sa ibang babae ko ngayon nakikitang ganito si Papa. "Okay ka lang, anak?" Nabalik ang wisyo ko mula sa malalim na pag-iisip. Nagtataka at nag-aalala si Papa na nakatingin sa akin, sinisilip ang mukha ko. Tumikhim ako at umayos ng upo. Hindi ko namalayan na malalim na ang iniisip ko at iniwan muna kami ni Ma'am Amara. Sumama siya sa isang maid na sa tingin ko ay kukuha ng makakain. Nandito pa rin kami sa open patio, magkaharap kami ni Papa at sa tabi niya kanina nakaupo si Ma'am Amara. Ikinukuwento nila sa akin ang tungkol kay Meghan, at pinakuwento na rin nila sa akin ang kung anong nangyari sa akin sa Bohol, which is praktisado ko nang detalye. "May kakambal po ako, 'di ba? Hindi rin po si Ma'am Amara ang tunay kong ina?" Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay kusa na lang bumuka ang bibig ko. Nagulat siya sa itinanong kong iyon. Mula kanina ay panay na ang kuwento nila tungkol kay Meghan, kung gaano karami ang kaibigan niya, kung gaano kataas ang grades niya, kung anong hilig at iba pa, pero hindi nila nabanggit ang tungkol doon. Ni hindi nila nabanggit kung anong klaseng bata si Meghan bago magsampung taon. Puro teenage life na ni Meghan ang meron sa mga kuwento nila. Huminga ako ng malalim. Hindi niya maaring mahalata ang bigat sa dibdib ko. "May nagsabi lang po sa akin na isa sa kasambahay." Sana ay hindi nila maisipang magtanong, pero duda naman ako dahil mukhang hindi nila ugaling makipagkuwentuhan sa mga kasambahay, kagaya ni Seb. Napa 'ah' siya at tango. Pinagsalikop niya ang palad niya sa ibabaw ng mesa at diretso akong tiningnan. "Meron, pero matagal na kayong hindi nagkakasama o nagkikita. Wala akong idea kung nasaan na sila ng mama mo. You grew up with your Mommy Amara, and as you can see, she loves you and care for you just like her own child," aniya. "Pero hindi mo manlang po ba siya sila hinanap?" "We didn't had to. We are complete family now, and as respect for my wife, I can't see your real mother again." "Kahit po yung kapatid ko lang?" Hindi ko mapigilan ang pagkukuhestyon sa tono ko. Nasasaktan akong marinig ito mula sa kaniya. Hindi siya nakasagot. Pinagmasdan niya lang ako sa may mapupungay na mga mata. Halatang hindi niya alam ang isasagot niya. Pinilit kong ngumiti para hindi niya mabasa ang sakit na nararamdaman ko. Hindi na dapat ako nagtanong pa, hindi dapat ako umasa na hindi ako masasaktan sa makukuha kong sagot mula sa kaniya. Sana puwede kong sabihin at ipakita sa kaniya na nasasaktan ako ngayon, pero hindi. Hindi puwede, dahil sa paningin niya hindi ako ang anak na pinabayaan niya, sa paningin niya ay ako ang anak na mahal niya. "Ang swerte ko po pala na hinanap ninyo ako." Idinaan ko sa tawa ang pait na nararamdaman ko. Sinubukan niyang hawakan ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa, ngunit kaagad ko iyon iniwas. Kinuha ko ang baso ng tubig sa tapat ko at uminom bilang dahilan. "Maj?" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Ma'am Amara. May kasunod siyang kasambahay na may dalang tray. Nagulat ako na tinawag niya ako sa pangalan ko. Hindi ako sigurado kung tama bang lumingon ako. Isang himala na naging masaya ako sa pagdating niya, dahil at least ay may iba akong mababalingan ng atensyon ko at maiiba na rin ang usapan, mas madadalian na akong itago ang kirot sa puso ko at ang tampo na unti-unting lumalamon sa akin. Ngumiti siya sa akin at muling umupo sa tabi ni Papa, si Papa ay nakatingin sa kaniya nang may pagtatanong. Isa-isang nilapag ng kasambahay ang tatlong platito na may lamang slice ng cake palipat sa mesa. Nginitian ko siya at tumayo para tulungan siya. Ako na ang naglipat ng juice sa mesa. Natigilan lang ako nang muling magsalita si Ma'am Amara. "Manang told me that you asked them to call you Maj?" Muli ko siyang binalingan. Ang kasambahay na ang nagtuloy ng ginagawa ko. Napasulyap ako kay Papa. Nagtatanong ang mga mata niya nang ilipat niya ang tingin sa akin. Inisip ko pa kung kailan nagsimula ang palayaw kong iyon, pero sa pagkakatanda ko ay mga taga Villa Fuego na ang nagpangalan sa akin niyon kaya ang alam ko ay hindi ako kilala ni Papa bilang Maj. "Maj po kasi ang tawag sa akin ng mga kumupkop sa akin." "But I thought they saw your name indicated on your wedding ring?" nagtatakang tanong ni Papa. Napataas naman ang kilay ni Ma'am Amara at mukhang ngayon lang iyon na-realised. "Naku Madame, ganoon po talaga sa probinsya, mahilig magbigay ng ibang pangalan, lalo na kung masyadong maganda yung pangalan," singit ng kasambhay na kaagad din nagtikom ng bibig nang balingan siya ni Ma'am Amara, tila hindi natuwa sa pagsali niya sa usapan. Tumungo ito at nagpaalam na para umalis dala ang tray matapos magpaumanhin. Nang makaalis na ang kasambahay ay saka pa lang niya muling ibinalik sa akin ang atensyon niya at nagsalita. "Is that so? So, do you want us to call you Maj?" Marahan akong tumango. "Kung ayos lang po sa inyo." "If you're comfortable with that, then sure." Saka niya ako binigyan ng matamis na ngiti. Dahil sa mga sinabi ni Papa ay nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon, pero sa ipinapakita sa aking kabutihan ngayon ni Ma'am Amara ay parang naiintindihan ko na kung bakit nakuntento na lang si Papa sa kanilang tatlo. Sana sapat na ang dahilan na ito para matanggap ko at hindi na masaktan na hindi na ako kailan man naisip ni Papa. Ang pagkasabik kong makasama si Papa ay tila nawala. Napalitan iyon ng tampo at kirot. Sinubukan kong itago iyon at makisama nang maayos sa kanilang dalawa maghapon, pero hindi yata ako magaling kaya napansin nila ang pagkawala ko sa mood at inisip na pagod na ako. Kaya naman nagpasya na silang umalis bandang hapon at sinabing dadaan sila sa opisina ni Seb para kausapin tungkol sa therapy ko. Hinayaan ko na sila dahil alam kong sila lang ang kayang kumumbinsi kay Seb, at gusto ko na rin mapag-isa upang hayaan na ilabas ang nararamdaman ko. Kaya naman pagkaalis nila ay umakyat kaagad ako sa kuwarto. Sa oras nang madama ko ang katahimikan ay hindi ko na napigilan ang pag-iinit ng mga mata ko. Inalala ko ang mga panahon na lagi kong hinihintay si Papa na bumalik o hanapin kami, mga panahon at okasyon na hinihiling kong sana ay kumpleto kami, na kasama ko pa sila ng kakambal ko. Mga panahon na lagi kong tinatanong sa langit kung nami-miss niya ba ako, kung iniisip niya pa ba ako, o kung mahal niya pa ba ako, ung kinalimutan niya na ba ako? Kasi ako hindi. At ang swerte-swerte nila na hindi na sila nangungulila sa amin, kasi kami ni Mama ang malas namin, kasi kahit kailan hindi namin sila nakalimutan. Kung alam ko lang na ganito kasakit ang maidudulot sa akin nito, sana hindi ko na lang hiniling na masagot ang mga katanungan kong iyon. Tahimik lang akong nagmukmok sa kuwarto, hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang may kamay na humawak sa braso ko. Pagmulat ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang mukha ni Seb na pinapanood ako. Madilim na ang buong silid at tanging ang lampshade lang sa nightstand ang nagsisilbi naming liwanag. Iniangat ko ang ulo ko habang kinukusot ang mata ko. Nilingon ko ang bintana at halos mawala ang antok ko nang makitang madilim na ang kalangitan. Tumikhim si Seb at inialis na ang kamay niya sa akin. Muli ko siyang binalingan. "Gabi na pala," nasabi ko nang wala sa sarili. Tumango siya. "Hindi ka raw bumaba para sa dinner, sinilip ka raw ni Manang at nang makita ka niyang natutulog ay hindi ka na niya ginising." Napatango ako. Tuluyan na akong umupo. Inayos ko saglit ang buhok ko bago siya muling balingan. Maluwag na ang necktie niya at bukas ang unang butones ng kaniyang damit. Kung damit lang ang titingnan ay halatang galing na siyang trabaho, pero ang amoy niya at mukha ay parang fresh pa rin. Pero mapungay na ang mga mata niya. He looks tired. Nagulat ako nang hinaplos ng likod ng daliri niya ang ilalim ng mga mata ko habang pinagmamasdan akong mabuti. "Umiyak ka ba? Are you alright?" Nag-aalala ang tono at mukha niya. Mabilis akong tumango. Alibi! Kailangan ko ng alibi. "Napuwing lang ako kanina, kaya ako nakatulog dahil ipinikit ko ang mga mata ko." Gusto kong mapamura. Iyan na yata ang pinaka pangit na alibi na puwede kong maisip, bukod sa ilan beses nang nagamit ay parang hindi naman totoo. Nagsalubong lang ang mga kilay niya, tinatansya ang sinabi ko kung maniniwala ba siya o hindi. Iniba ko na lang ang usapan at binalewala iyon. "Kumain ka na ba? Sorry, hindi ako nakapaghanda ng hapunan." Umiling siya at tumayo na. Inabot niya ang kamay ko para isama ako sa pagtayo niya. "No worries, our maids are responsible enough to do things without us telling them. Let's go downstairs and eat." Nang ayain niya akong kumain ay doon ko lang naramdaman ang kalam ng tiyan ko, kaya naman sumama na rin ako sa kaniya. Hindi niya binitiwan ang kamay ko habang bumababa kami sa grand staircase. Ewan ko, pero pagtapos ng pag-uusap namin ni Papa, I feel so unloved. Pakiramdam ko lahat ng tao ay si Meghan lang ang mahal, si Meghan lang ang gusto. Pero sa simpleng paghawak lang niya sa kamay ko ay pakiramdam ko kahit papaano ay napunan ang pagmamahal na hindi ko maramdaman mula kahit kanino. Pagdating namin sa dining area ay wala nang mga maids pero alam kong sila ang naghanda ng mga pagkain na hindi ko mapangalanan na nakahanda na sa mahabang dining table. May karne, gulay at soup, iba't ibang putahe ang nakahanda. Binalingan ko siya nang bitiwan niya ang kamay ko at humila ng isang upuan at doon ako pinaupo. Tahimik akong nagpasalamat at sinunod siya. Siya ay umupo sa center at nasa gilid niya ako. Habang tinitingnan ko ang mga pagkain ay napapaisip ako kung ano nga ba ang mga pagkain na kinakain ng mga kagaya niya, o sabihin na nating mga gusto niya? Kailangan malaman ko iyon para alam ko kung paano ko siya ipagluluto. "Babe? Ayaw mo ba ng mga hinanda nila?" Muli akong napabaling kay Seb. Nakatingin siya sa akin at tila kinakalkula at binabasa ako, pero mukhang nahihirapan siya kaya umiling ako kaagad. "Hindi, naisip ko lang na dapat ako ang nagluto." "You don't have to." "Pero kung asawa mo ako, ako dapat ang gumagawa nito." Nagulat ako nang natawa siya at umiling, tila pinigilan niya rin ang sarili niya pero kumawala pa rin ang ngiti sa mapupula niyang mga labi. "You're a horrible cook." Napangiti na lang din ako. Ito ang unang beses na nakita ko siyang ngumiti at tumawa. Lagi siyang seryoso at tahimik, pero ang sarap pala sa tainga ng tawa niya. And I want to see and hear them more often.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD