Kabanata 7:

1960 Words
Chapter 7 MARGARET MANUEL Pagkaalis ni Seb patungong trabaho ay nagmamadali akong bumalik sa kuwarto. Kanina ko pa sinusubukan na pakalmahin ang sarili ko, pero hindi talaga mawala ang kaba ko. Sana ay nagtagumpay akong itago iyon sa buong oras sa hapag na kasama si Seb. Ang alam ko ay bago namin gawin ang plano ay nag-withdraw na si Meg ng sapat na pera na kakailanganin niya para sa planong pagpapalabas ng aksidente, para hindi niya na kailangan na buksan pa ulit ang bank account niya, nang sa ganoon ay hindi siya ma-trace ng asawa niya. Kaya laking gulat ko nang sinabi ni Seb ang tungkol sa bank account. Bukod sa kinakabahan akong baka mahuli kami dahil doon ay nag-aalala rin ako kung bakit kinailangan ni Meg ng pera. Sa tagal na pananatili niya sa Bohol kasama namin ay natiis niya namang hindi gumagamit ng malaking halaga, o 'di kaya ay walang luho. Kaya nag-aalala akong baka may emergency sa bahay o kung ano man. Sana naman ay wala. Hindi ako mapakali habang hinihintay na sagutin ni Meghan ang tawag ko. Pabalik-balik ang lakad ko sa gilid ng kama habang hagod ang buhok ko paitaas at ang isang kamay ko ay ang may hawak ng cellphone sa tapat ng tainga ko. "Meghan, sagutin mo!" bulong ko sa sarili ko. Tumigil ako sa kakalakad nang tumigil ang pag-ring at sinagot niya na ang tawag ko. "Maj? Ang aga mong tumawag?" Rinig ko ang antok sa boses niya, sumunod ay ang paggalaw ng kama. Napapikit ako at napahinga ng malalim at maluwag. Mukhang nagising ko lang siya. The fact na nagawa niyang makatulog nang mahimbing ngayon at mukhang wala siyang clue sa pagtawag ko ay senyales na walang nangyaring hindi maganda. Sana... "Meg! Ginalaw mo ba yung bank account mo?" pagdiretso ko na. "Bakit? Napansin ba?" sa boses niya ay tila nawala ang antok niya dahil sa tanong ko. Tumango ako. "Oo. Hindi tumitigil ang private investigator ng asawa mo sa paghahanap sa cause ng aksidente, kaya madaling na-track ng private investigator niya yung sa bank," paliwanag ko matapos ng isang malalim na paghinga. "Sorry, Maj. Gusto ko lang sanang ibili ng mga bagong damit si Mama, saka bagong appliances na rin sa kitchen niya. Akala ko magiging kampante na si Seb kapag nasa tabi ka na niya, kaya naging kampante na rin akong kumilos. I'm sorry." Nanghihinang umupo ako sa kama. Dinig ko ang sinseridad sa boses niya. Naiintindihan ko siya, maski naman ako ay laging sabik na bilhan ng mga bagong gamit si Mama. Lalo na siya, never pa niyang nabilhan si Mama ng regalo dahil iningatan namin ang gumastos galing sa pera niya dahil nga sa takot kaming ma-track siya. Kaya siguro kaagad niyang binili ng regalo si Mama nang makampante siya. Dahil doon ay kahit papaano nakampante ako na malamang inaalagaan niya nang maayos si Mama, kaya kahit wala ako roon ay hindi ko na kailangang mag-alala. Pero delikado pa rin, at hindi pa rin madali para sa akin ang ginagawa namin. "Hindi madaling lokohin ang asawa mo, Meghan. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman ang totoo." "So, what do you want us to do?" Umiling ako at tumingala na tila umaasang mahuhulog mula sa langit ang kasagutan sa tanong niyang iyon. "Hindi ko alam, Meg, pero ang hirap kasi." "Maj, alam naman natin na hindi madaling lokohin si Seb nang umoo ka sa akin. Alam mo rin na hindi madaling magpanggap na ako, but still you agreed. Why are you having this second thoughts now? May nangyari bang hindi maganda?" aniya, tila basang-basa niya ako. Bumagsak ang balikat ko dahil sa tanong niyang iyon. Muling umimahe sa isipan ko ang nangyari kagabi. Alam kong mali, at maaring magalit sa akin si Meghan kapag nalaman niya iyon. Pero kailangan kong sabihin sa kaniya ang totoo. Hindi ko kayang magsikreto sa kaniya lalo na't kung tungkol sa asawa niya. "Hinalikan ako ni Seb," nakapikit kong sabi, na para bang nasa harap ko lang si Meghan at natatakot akong makita ang magiging reaksyon niya. "He also did that the first time he saw you, right?" aniya nang halos natatawa, ngunit natigilan nang mukhang may ma-realised siya. "It's not just a kiss, isn't?" Kinagat ko ang labi ko. Lalo akong nakonsensya nang siya na ang nagsatinig niyon. Tama siya, hindi iyon simpleng halik kagaya nang nauna. At alam ko sa sarili ko na tanging ang kaalaman na mali iyon ang nag-iisang dahilan kung bakit ko hindi hinayaan na mangyari ang muntik nang mangyari. Na sa loob ko ay gusto ko ang nangyari. s**t! Napadilat ako nang tumawa siya nang malakas. Nagtataka na muli kong ibinaling sa kaniya ang atensyon ko. Anong nakakatawa? "Oh my God! You can't resist my husband's charm, don't you?" "Seryoso ka ba, Meg? Muntik nang may mangyari sa amin ng asawa mo!" frustrated kong sabi, halos magulo ko pa ang buhok ko. So, habang nakokonsensya ako, siya ay pinagtatawanan lang ako? Narinig ko siyang tumikhim. "Sorry, nagulat lang ako. Hindi ko alam kung na-missed ba ako masyado ni Seb, o mas malakas lang ang s*x appeal mo kaysa sa akin?" Halos malaglag ang panga ko. Wala talaga sa boses niya ang ma-bother dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung kampante lang ba siya sa akin na hindi ko siya aagawan, o wala lang talaga siyang pakialam sa asawa niya? Parang hindi manlang siya kinilig sa thought na na-missed siya nito. "Anyway, Margaret, kilala ko si Seb. He's the most gentleman guy I know, alam kong hindi ka niya gagalawin kung hindi ka pa handa. That's what he did to me for all those months, he's patient with me. Isa pa, kapatid kita, at hindi ako makikipagpalit ng buhay sa 'yo kung alam kong mapupunta ka sa puder ng masamang tao. That's why I know that I don't have to be worry if Seb would be force you to do something that you don't want to, unless..." Nanlaki ang mga mata ko. Kahit hindi niya sabihin ay naintindihan ko kaagad ang ibig niyang sabihin. Na hindi ako gagalawin ng asawa niya unless ako ang magpapakita ng motibo. "Meg, i-imposibleng mangyari 'yan!" "See!" sabi niya sa halos may tilis na boses. "Basta na-clear mo sa kaniya na hindi ka pa handa, hindi na mauulit ang nangyari kagabi. I promise." Tumagilid ang ulo ko. Buo ng kumpyansa ang boses at tono niya, basang-basa ang laki ng tiwala niya sa pagiging mabuting tao ng asawa niya. Lalo tuloy akong nagtataka kung bakit hindi siya na-in love kay Seb, kung aware naman siya sa kabutihan ng asawa niya. Gusto ko sanang tanungin siya pero natatakot ako sa maaring maging dating niyon sa kaniya. Ayokong isipin niya na na-attach na ako sa asawa niya. "By the way, nadalian ka ba sa pagpapanggap bilang ako?" Gusto kong sabihing oo, nang sa ganoon ay makampante siya tungkol sa kalagayan ko, pero gusto kong maging honest. Pakiramdam ko rin ay kapag hindi ko ito sinabi ay sasabog na lang ako bigla. "Ang totoo, ang hirap. Alam mo yung feeling na pati yung pagngiti o pagsasalita, kinatatakot ko. Natatakot kasi akong mahalata niyang hindi ako ikaw. Ang hirap kumilos sa mundong ikaw ang kilala at hindi ako." Binagsak ko ang katawan ko sa kama pahiga nang hindi inaalis ang cellphone sa tapat ng tainga ko. Bumuntonghininga ako at pumikit, pinakikiramdaman ang pagod ng pagpapanggap bilang siya. "Sist, bakit ka natatakot? Kaya nga natin pinalabas na may amnesia ka ay para hindi mo kailanganin na maging ako. I'll be honest, I am happy here, and I want you to be happy there as well, with our father and as you. So, be you, let them see who you are." Muli kong iminulat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang malinis na puting ceiling. Muli kong naalala ang araw na sinabi niya sa akin ang naisip niyang plano tungkol sa pagpapalit namin ng katauhan, na tila kasing linaw iyon ng ceiling sa harapan ko. Tama siya. Kaya nga namin pinalabas na may amnesia siya ay para hindi ako mahirapan... Iyon ang akala namin. Mahirap pa rin pala talaga. "Sist, enjoy your life as Meghan. I don't want to be unfair to you, so do everything you want. Live a life that you never had here in Bohol, so do I." Bumangon na ako at tumango. Hindi naman naging perpekto ang buhay ko sa Bohol. Kahit pa para kay Meghan ay mas maganda ang buhay na tinamasa ko kaysa sa kaniya dahil sa freedom na meron ako, hindi naman talaga ganoon. Kahit kailan ay hindi ko naranasan ang marangyarng buhay magmula nang maghiwalay sina Mama at Papa. Never akong nakapagsuot ng luxury brands, pati ang pagtatapos ko ng HRM ay ginapang pa namin ni Mama. Hindi ko na nga matandaan kung kailan ako huling nakakain sa restaurant. Sa katunayan, kaya ko nga pinangarap na magkaroon ng sarili kong restaurant ay dahil gusto kong mapatikim si Mama at ang iba pang taga Villa Fuego ng mga mamahaling pagkain. Pero syempre kailangan ko munang mag-ipon bago mangyari iyon. Kaso ang hirap mag-apply ng trabaho kung tila mangmang ako patungkol sa magagarang pagkain, kaya nasa simpleng fast food restaurant pa lang ako nagtatrabaho bilang cook. Sa katunayan, nang nalaman ko kung gaano karangya ang buhay ni Meghan, naisip ko na sana ganoon na lang din naging kadali ang buhay namin ni Mama. Naisip ko na karapatan ko rin naman iyon bilang anak ni Papa. Iyon nga lang ay kahit nakaramdam ako niyon, naging kuntento pa rin naman ako sa naging buhay ko. At hindi ko masisisi si Meghan kung hindi kami pareho ng pananaw sa buhay. Hindi lahat ng madali sa akin ay madali rin para sa kaniya, hindi lahat ng kaya ko ay kaya rin niya. Hindi ko maaring kuhestyonin ang kagustuhan niyang maging masaya at maging malaya mula sa buhay na meron siya. "Bahala ka, basta 'wag kang magagalit kapag nawili na ako sa buhay mo, ha," biro ko, alam kong mabobosesan niya rin ang ngiti ko. Sabay kaming natawa. Alam kong ipinapayo niya sa akin ito hindi lang para sa akin, pero para din sa sarili niya. Ayaw niyang maging masaya sa setup na meron kami, samantalang ako ay hindi. Naiintindihan ko iyon, kaya hangga't maari ay ayaw ko nang isipin niya ako. "Nga pala, nagkita na ba kayo ni Papa? How is he? Pati si Mama Amara?" Naging malumanay ang ngiti ko. Dinig ko ang lungkot sa boses niya, marahil nami-miss niya na si Papa at ang kinalakihan niyang ina. "Nagkita kami kahapon, pero hindi rin sila nagtagal dahil nahalata yata nilang hindi ako komportable." Muli kong naalala ang mga nangyari kahapon. Sa tagal nang huli naming pagkikita ni Papa, hindi ko na alam kung anong iaakto ko sa harapan niya. Kaya kahit gaano ako kasabik na makita at mayakap siya ay kinain pa rin ako ng kaba ko. "Pero mamaya raw darating ulit sila, sasamahan nila ako sa therapy. Sana mamaya ay-" Naputol ang sinasabi ko nang marinig ko siyang suminghap. "Therapy?" Tumango ako kahit alam kong hindi niya ako makikita. "Gusto ni Seb na magpa-therapy ako para sa amnesia ko." "No! 'Wag kang papayag! Pineke ko lang ang lahat ng ibinigay nating test result na nagpapatunay na galing kang aksidente, iyon lang din ang tiningnan ng doctor na nakausap ni Seb. Kapag tiningnan ka ng eksperto ay mabubuking tayo." Nasapo ko ang noo ko. Ang kaninang kalmado niyang boses ay hindi na ngayon mapakali. Nagpa-panic siya, ganoon din ako. "Anong gagawin ko?" "I don't know! Just do something-" suminghap siya. "Kay Papa o 'di kaya ay kay Mama Amara, sila ang kumbinsihin mong 'wag kang dalhin sa doctor, makikinig sila sa 'yo, trust me." Napahawak ako sa batok ko. Now, it's getting more complicated. s**t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD