Kabanata 6:

2147 Words
Kabanata 6: SÉBASTIEN NIGHT "So, you spent your whole month looking for your missing wife, and now that you found her, you are here instead of cuddling with her on the bed." Matt said, choking his laugh back and drink. I'm here at the bar, our usual bar. Ever since Meg's disappearance, ngayon na lang ulit ako nakapunta rito at sumama sa kanilang mga kaibigan ko. Masyado akong nag-focus sa paghahanap kay Meg habang sinisikap kong hindi mapabayaan ang kompanya. But Matt is right, instead of spending my whole night with my wife, I'm here drinking with them. But what else can I do? After what 'almost' happen to me and Meg in our bedroom, it's feels like leaving her alone is the best idea. Hindi ko na rin alam kung anong pumasok sa isipan ko. Mula nang ikasal kami ay hindi ko pa siya ginagalaw, dahil naging vocal naman siya na hindi pa siya handa. That's one of the reason why I wanted to win her heart and that leads me to find her mom and sister for her. Nagbabaka sakali ako na kapag nagtagumpay ako ay mabigyan niya na ako ng anak at magiging takapagmana ko. I do always respecting her, sa kabila ng pangangailangan ko. Kaya ngayon ay pati ako nagulat nang hindi ko napigilan ang sarili ko, I want her. Maybe I just do really missed her, that's why I feel something for her that I never felt before. "Shut up, Matt, he just doesn't have any choice because his wife kick him out, he doesn't actually want to be with us," Martin said, mocking me. Inikutan ko lang sila ng mga mata ko at ipinagpatuloy ko ang pag-inom. Inisang tungga ko ang isang shot ng whisky. Ngayon ay parang gusto kong pagsisihan na tinawagan ko sila para kitain ako ngayong gabi. Buti na lang ay sanay na ako sa kanilang dalawa. Matt, my friend and my cousin Martin is good at mocking me, as always. And here's Anthony, ang nag-iisang matino sa kanilang tatlo. Tahimik lang siya at nakikinig habang nagkukuwento ako ng nangyari kanina bago ako umalis ng mansion. Sa circle namin ay siya ang pinakamalapit sa ugali ko, iyon nga lang ay hindi siya kasing sungit ko. Yes, masungit daw ako, iyan ang palagi kong naririnig mula sa mga nasa paligid ko, and I don't mind because I don't really want to talk to them, so forgive me if I can't be friendly. Suminghap si Anthony habang nilalaro ang baso niyang may laman na alak. "Seb, hindi sa pinag-o-overthink kita, but do you think your marriage is gonna work? Kung dati ngang alam niya kung bakit ka niya pinakasalan ay hindi na nagwo-work ang marriage ninyo, ngayon pa na marahil nakalimutan niya na ang sense of responsibility bilang anak ng Gutierrez?" "Thanks for your opening line, Bro. Because your question is really gonna make him overthink," Matt said. "Pero may punto siya, tingnan mo ngang tinaboy ka lang niya kanina," komento naman ni Martin, may halong pang-aasar. Umiling ako. "Unang gabi niya ito sa mansion, wala siyang naaalala sa ngayon, let's just give her more time to adjust." Sa katunayan ay maaring tama si Anthony. Hindi madali ang relasyon namin ni Meghan umpisa pa lang, lalo na ngayong may amnesia siya. Pero kahit ganoon ay hindi ko pa rin naman puwedeng basta na lang hiwalayan si Meghan. This marriage is for the sake of our families' companies. Divorcing her after months of marriage isn't really a good idea for the both of us. "Sabagay, alaala lang naman ang nawala sa kaniya, eventually naman siguro ay babalik ang kilala nating Meghan, with or without her memories, right?" Napatingin ako kay Anthony dahil sa sinabi niya. Sinang-ayunan siya nina Matt at Martin habang ako ay bahagyang magkasalubong lang ang kilay habang inaalala ko ang buong araw kong kasama si Meghan kanina. "What's wrong?" Umiling ako. "Pansin ko lang kasi na ang laki ng pinagbago ni Meghan, the way she talks, her mannerisms, everything seems changed, but you're right. Alaala lang niya ang nawala, pero hindi naman siguro siya magbabago nang ganoon kalayo sa dati?" "Are you saying that she's not your wife?" hindi makapaniwalang sabi ni Martin, na para bang may sinabi akong isang malaking kalokohan. Umiling ako. "No, it's just weird, but I know she's my wife." "Baka naman dahil iba ang kinamulatan niya pagtapos ng aksidente? Sa probinsya siya namuhay ng isang buwan, malayo sa buhay niya rito," ani Matt at nagkibit-balikat. "He's right, isa pa ay ikaw na rin ang nagsabi na unang araw niya lang dito, give her more time to adjust," Anthony said. "But to be honest, I'm a little bit shocked that you're sure that you know your wife very well, kahit na anim na buwan pa lang kayong kasal at hindi masyadong nagkakasama dahil mas abala kayo pareho sa trabaho." Kunot-noong tiningnan ko si Matt. "Of course, she's my wife." Sa halip na sumagot ay nagkatinginan lang silang tatlo. Saka nagsalita si Martin. "Kami ba ang kinukumbinsi mo, o ang sarili mo?" Hindi ako sumagot at uminom lang sa baso ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil maski ako ay nabasa sa sariling tono ko iyon, na para bang kahit ako ay hindi sigurado kung kilala ko nga ba ang asawa ko. I should, right? "Enough, stop over thinking. Ang mahalaga ay nahanap mo na ang asawa mo, sa ngayon ay pagtulungan ninyo na lang na mabalik ang buhay niya sa dati kahit wala pa siyang naaalala," ani Anthony. "Or use her condition to make new impression to your marriage," Matt suggested. "No, don't listen to him, don't use her condition as if you're grateful that this is happening to her," protesta kaagad ni Anthony. "But seriously, this might be a blessing in disguise," iling ni Matt. Tumikhim si Martin. "Maganda nga kung dahil sa amnesia ni Meghan ay mas magiging madali sa kaniya ang mapamahal kay Seb, but the question is, does Seb can love her back? We all know here that Seb isn't in love with her," aniya at bumaling sa akin. "Aren't you?" My finger stop at the top of my glass. "I just need my heir, my successor," I just said coldly and drink. *** Almost 12AM when I got home. Wala nang gising at tanging ang guard na lang ang nagpapasok sa akin. Naparami na rin ang inom ko pero kinaya ko pa ang magmaneho. Sinadya ko talagang gabihin ang uwi, kahit nga gusto nang umuwi nina Martin ay hindi ako pumayag dahil masyado pang maaga. I want to make sure that my wife is asleep when I get home. I'm not sure, pero sa tingin ko kasi ay hindi siya babalik sa silid namin hangga't nandito ako, kaya nagpasya na akong umalis na muna. I took a deep breath when I saw her sleeping at our bed. Nakahiga siya sa gilid na tila nagtira talaga siya ng space para sa akin. Nakatalikod siya sa espasyo na iyon, naglagay rin siya ng isang unan na marahil bilang paggitan naming dalawa. Akala ko malamig na ang pagsasama namin noon, pero mukhang mas malamig ito ngayon. Kahit hindi pa siya handang makipagtalik sa akin, kahit kailan ay hindi niya ako binawal na halikan o yakapin siya, makatabi sa kama. Pero mukhang iba na ngayon. Maingat akong naupo sa gilid niya habang binubuksan ang mga unang butones ng shirt ko. Hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa akin ang mga sinabi nina Matt sa akin. Balak kong ipa- schedule bukas si Meg sa magiging therapy niya, makakatulong iyon para mapabilis ang paggaling ng amnesia niya. Pero paano kung tama sina Matt, na magagamit ko ang kondisyon niyang ito para mapadali ang marriage namin? Pero hindi ba pagiging makasarili iyon? Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ko. Tinatamad na kinuha ko iyon at tiningnan, nagulat ako nang makitang si Calbio ang tumatawag. Tumayo na ako at naglakad patungo sa terrace. Bago ako tuluyang lumabas doon ay nilingon ko pa si Meghan. Mahimbing ang pagkakatulog niya. Kahit hindi ko pa nasasagot ay nakasisiguro na akong importante ang pakay ni Calbio, dahil kung hindi ay sana ipinagpabukas niya na ito. Umaasa akong tungkol ito sa pinapaimbestigahan ko sa kaniya. "Calbio," bungad ko pagkalabas ko sa terrace. "This should be a good news." "Mr. Night, I'm sorry for calling you this late hour, nandito pa rin po ako sa Bohol, at gusto ko lang pong kumpirmahin kung nakaalis na po kayo ni Mrs. Night sa Bohol?" "Kanina pang umaga. Bakit?" I heard him took a deep breath. "Mr. Night, somebody's using your wife's bank account, here in Bohol." Nagsalubong ang kilay ko. "What?" "Na-track ko po, at maari ninyo rin pong i-check sa finance ninyo. Bukas ay pupuntahan ko mismo kung saan ito nag-withdraw para makita sa CCTV kung sino iyon. Maari din po kasing konektado ito sa aksidente." Nilingon ko ang salaming pinto papasok sa loob. Mula rito ay tanaw ko si Meghan. She's still sleeping. "Baka 'yong kumupkop kay Meg pagtapos ng aksidente? I will ask her tomorrow about that." "Negative, Sir. Kung sakaling nakuha nga nila iyon kay Mrs. Night, hindi naman maibibigay sa kanila ng asawa ninyo ang mga kailangang impormasyon. Imposible naman po na hindi niya kilala ang sarili niya pero alam niyang buksan ang bank account niya." Katahimikan lang ang isinagot ko sa kaniya. May punto siya, pero kung ganoon nga ay sino naman ang magbubukas ng account niya? Ibig sabihin ba nito ay hindi lang talaga aksidente ang nangyari, at maaring may nagtangka sa kaniya para sa pera niya? "Payo ko na lang po na ipasara ninyo na ang bank account tutal naman po ay hindi ninyo na kailangang i-trace ang asawa ninyo, ako na pong bahala sa paghahanap kung sino iyon." "Sige, balitaan mo na lang ako kapag nahanap mo na kung sino iyon." "I will, Sir, lalo na't kung talagang may nagkainteres sa pera ng asawa ninyo, maaring ito rin ang sanhi ng aksidente at ng trauma niya." "I know," I said in one breathe. Pagtapos naming mag-usap ni Calbio ay halos hindi ako nakatulog sa kakaisip. At kahit puyat at nakainom ay maaga pa rin akong bumangon para makapasok sa trabaho. Siguradong tambak na naman ang mga papeles na kailangan kong harapin, dahil bukod sa dalawang araw kong pag-absent ay may mga iniwanan din akong trabaho. Kakausapin ko pa rin si Sanya para utusan sa pagpapasara ng bank account ni Meghan. "Darating mamaya sina Mama Amara, Manang Sela, so prepare their favorite meals for lunch, ask them if they will be at home for dinner after their schedule for therapy," bilin ko kay Manang Sela habang binubuklat ang newspaper na binili para sa akin ng driver ko. "Therapy?" Napatingin ako sa bandang gilid ko papasok sa dining area nang marinig ko ang boses ng asawa ko. Her bare face making her more looks beautiful, especially in the morning. Hindi rin siya masyadong nag-abala sa buhok niya. She looks great in this look, but I force myself not to stare at her beautiful face, so she won't feel uncomfortable. Isinarado ko ang newspaper at ipinatong sa gilid ng mesa. Pinanood ko siya hanggang sa makalapit siya sa mesa na naglalaman na ng apat na klase ng pagkain pang almusal. "Good morning," bati ko, kunwaring walang nangyari kahapon. Tumikhim siya. "G-good morning." "Sit down." I pointed my chin at the chair beside me. Imbes na umupo ay ipinatong niya lang ang kamay niya sa ibabaw ng backrest niyon habang nakatingin sa akin. "Anong therapy 'yong binanggit mo kanina?" Bago ako makasagot ay nag-excuse na ang ilang katulong kasama na si Manang Sela para iwanan kami. "For you, for your amnesia." Itinulak niya ang buhok sa likod ng magkabila niyang tainga saka naupo sa silya. Pinagmasdan niya akong maigi. "Seb, hindi na kailangan ng therapy." Nagtaas ako ng kilay. "Bakit, nakakaalala ka na ba?" I asked sarcastically. Mabilis siyang umiling. "Hindi!" she said, almost in panic and I don't know what for. Huminga siya ng malalim at muling nagsalita. "Ayoko lang ng therapy kasi okay naman ako." Pinagmasdan ko siyang maigi. "Okay? You don't remember your habits, what's making you happy before, your fondness to your mom, you can't even share a bed with your own husband, and you're telling me that you're okay?" Hindi siya nakasagot, tumungo lang siya paiwas ng tingin sa akin. I took a deep sigh. "You're going to a therapist for your condition, kailangan din natin ito dahil mukhang hindi aksidente lang ang nangyari sa 'yo." Nakita ko ang gulat sa mukha niya at muling napatingin sa akin. "A-anong ibig mong sabihin?" "My private investigator found out that somebody is using your bank account, kung sino man ito, siguradong siya ang mananagot sa kalagayan mo ngayon." Nakita ko ang kakaibang emosyon sa mga mata niya. Takot? Kaba? Pero para saan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD