Kabanata 2:
SEBASTIEN NIGHT
"Meghan!" Hahabulin ko na sana ang asawa ko ngunit may isang babaeng humarang sa akin.
"Mr. Night, ako po 'yong nag-alaga sa kaniya. Pagpasensyahan ninyo na po kung gano'n ang naging reaksyon niya. Hayaan ninyo pong ako ang kumausap sa kaniya."
"But I have to talk to her myself, she's my wife," iling ko sa babae.
"I-I know, Sir, but don't worry. I'm not going to stop her, I - I'm actually planning to convince her."
Napabuntonghininga ako. She seems not fluent at my language. "Look, Ma'am. Gusto ko lang pong makausap ang asawa ko, totoo bang may amnesia siya?" Ako na ang nag-adjust sa lengguwahe para magkaintindihan kami.
Napabaling ako kay Calbio nang tapikin niya ako sa may balikat ko. "Mr. Night, let Mina talk to your wife. Dr. Santiago is in his office, waiting for us. He'll explain your wife's condition."
Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko bago ko hinarap ang babaeng tinawag niya ng Mina.
"Pakiusap, kung makukumbinsi mo siya, ibalik mo siya rito, dahil hindi ako aalis ng Bohol na hindi siya kasama."
Tumango lang si Mina at tumuloy na paalis. Napabuntonghininga na lang ako at tahimik na sumama kay Calbio nang iminuwestra niya ang daan para sa sinasabi niyang opisina. Dinala niya ako sa opisina ni Dr. Santiago na nagpakilala bilang isang doctor na nag-check daw sa kondisyon ni Meghan nang dalhin ito sa hospital.
"Walang natamong malaki o malalim na sugat ang asawa mo, Mr. Night. What's she's experiencing is an extremely trauma, which is causing her an amnesia. Ang karanasan niya before or on the accident ay hindi kayang tanggapin ng utak at emosyon niya, at ang paglimot o pagkakabura nito sa alaala niya ang nagligtas sa kaniya from being unconscious."
Umiling-iling ako. "I don't understand. Kung aksidente lang ang nangyari, saan nanggaling ang ganiyan kalala niyang trauma?"
"Maybe while their car is out of control? Maraming rason ang trauma, Mr. Night. Base sa medical result niya naman ay wala na siyang ibang natamong kahit anong magli-lead na may nanakit sa kaniya bago ang aksidente. So, for sure it was just the result of that accident."
"Can she recover?"
"Based on the others experiences, may mga nakaalala na sa tulong ng therapies, some took just a few weeks, months, years, pero may mga cases din na hindi na nakabalik o hindi pa nakaka-recover hanggang ngayon. Let's just hope na maka-recover siya kaagad."
Naihilot ko ang sentido ko. Why is these happening? I can't help but questioning it.
Matapos namin makipag-usap kay Dr. Santiago ay bumalik na kami sa opisina ni Calbio. Napabuga ako ng hangin nang makitang wala pa rin sina Meghan doon.
"Let's wait for them, Mr. Night."
"I've had enough of waiting. I'll see her right now." Tinalikuran ko na siya pero tumigil ako bago makalabas at muli ko siyang hinarap. "Hindi pa tapos ang trabaho mo, Calbio."
"Ano pong ibig mong sabihin, Mr. Night?"
"I want you to investigate that accident thoroughly. Gusto kong malaman kung iyon lang ba talaga ang dahilan ng trauma niya."
Kaagad siyang tumango kaya lumabas na ako ng opisina. Hinanap ko si Meghan. Hindi ko maitindihan ang kabang nadarama ko ngayon, pakiramdam ko ay kapag hindi ko pa siya hinanap ngayon ay mawawala na naman siya. I never loved her, to be honest. But she's my wife, that's why I cared for her. Ipinagkatiwala siya sa akin ni Papa, her father, kaya hindi ko siya puwedeng pabayaan.
Nahanap ko siya sa hallway, masinsinan silang nag-uusap ni Mina. Bumigat ang dibdib ko nang makita ko ang lungkot sa mga mata niya. Namumula siya kaya naman alam kong galing lang siya sa pag-iyak. I know that she still need more space from me, that she's still processing everything. But a month is enough, I can't wait for another minute to talk to her.
Nilapitan ko na sila. Kaagad ko namang naagaw ang atensyon ni Mina kaya napatingin siya sa akin. Tinapik niya si Meghan at bumulong. Bumaling sa akin si Meghan kaya nahulaan ko kaagad na itinuro ako ni Mina sa kaniya. Nanatiling nakatingin lang siya sa akin, hindi umaalis sa kinauupuan niya. Tumayo na si Mina. She made a nod to me to excuse herself and left. Doon na ako umupo sa tabi niya.
"I'm sorry kung natakot kita kanina. I know your condition; I shouldn't do that."
Tumungo lang siya paiwas ng tingin sa akin. Mukhang hindi pa rin niya alam kung paano ako haharapin.
"So, what they called you? Your new name?"
Tumikhim siya. Nakapatong ang dalawa niyang siko sa hita niya habang pinaglalaruan ang mga daliri niya. This is new, it wasn't her mannerism.
"Meghan. M-may suot daw akong singsing nang matagpuan nila ako, sa singsing ay naka-indicate 'yong pangalan ko."
Napahawak ako sa palasingsingan ko kung nasaan ang wedding ring namin. "That's our wedding ring. Mine also have my name; you are the one who insisted that design."
Tinakpan niya ng dalawang palad niya ang mukha niya. Mabilis na binundol ng pag-aalala ang dibdib ko. Para bang gustong-gusto niyang humikbi pero pinipigilan niya iyon.
"I'm sorry, hindi kita maalala."
"Hey, Babe." Masuyo kong inalis ang kamay niya sa mukha niya upang matingnan siya sa kaniyang mukha. The tears are keeps on streaming down her face. This is the first time I saw her breaking down.
"It's okay, ang sabi naman ng doctor ay may chance na ma-recover mo 'yang alaala mo. Doctor pa lang iyon dito, paano pa kapag nadala na kita sa Manila. Mas maraming magagaling na doctors doon, at mahahanapan din kita panigurado ng magandang therapy na makatutulong sa 'yo. Everything will be alright, Meghan."
I held her at her cheeks and wiped her tears with my thumps. "Trust me, Meghan."
"Dadalhin mo ako sa Maynila?" she asked with hesitation and shock at her voice.
"Meg, you're just here for vacation, Manila is our home."
Iniwas niya ang mukha niya kaya napabitiw na ako sa kaniya. Tumayo na siya at halos magulo ang buhok niya. Pinanood ko lang siya hanggang sa harapin niya ako.
"Hindi ba masyadong mabilis? Kakikilala pa lang natin," she said with hand gesture as if she's pointing the moment we saw each other earlier.
Tumayo na ako para matingnan siyang direkta sa mga mata niya.
"Meg, you just don't remember me that's why you are saying that. But we have to go home. Hindi lang ako ang naghahanap sa 'yo, you have your Papa and Mama, they're worried. So please, come home with me."