Kabanata 3

1168 Words
Kabanata 3: SÉBASTIEN NIGHT Malayo pa lang kami sa malapad na gate ng mansion ay bumukas na iyon para sa aming sasakyan. I saw Meghan's face lightened up when she saw that, as if someone did a magic trick in front of her. She's completely shook, when in fact she's living here for six months. Mula sa bintana ay nilingon niya ako. Pareho kaming nasa backseat. Sinundo lang kami ng driver namin sa airport. Noong una ay akala ko hindi ko kaagad siya makukumbinsi na sumama na sa akin sa Manila. Para bang ayaw niyang malayo kay Mina, good thing ay sumama rin siya. It's like her parents is the magic word. Nang banggitin ko sa kaniya ang mga magulang niyang naghihintay sa kaniya ay hindi na siya nakaimik. Maybe she's just having a hard time at me because being married is a huge responsibility. "Bahay mo ito? Ang laki, parang may instant park, at resort," aniya saka ibinalik ang tingin sa bintana. Tuluyan nang nakapasok ang sasakyan sa mansion. Nang dungawin ko ang tinitingnan niya ay roon ko nakitang nadaanan na ng sasakyan ang view ng pool at ng fountains sa garden. "It's actually ours, our home." Natigilan siya at muling napabaling sa akin. Kumurap-kurap siya na para bang nagulat sa sinabi ko. Makaraan ay umayos siya ng upo at tumikhim. Pinanood kong magbago ang emosyon sa kaniyang mukha. She looks confused and sad, for I don't know reason. Maybe because she doesn’t remember that she once lived here. Kinuha ko ang kamay niya kaya muli siyang napabalik ng tingin sa akin. "Don't worry, this home can surely help you to remember your past." Tiningnan niya lang ako. Nanlalamig ang kamay niya, I'm starting to get worry for her. Nang huminto ang sasakyan ay binawi niya kaagad ang kamay niya sa akin. I took a deep breath. Hinayaan ko na iyon. Alam kong hindi pa siya komportable sa akin. "Meg, your parents are here," sabi ko pagkalabas ng driver namin. Alam kong pagbubuksan kami nito ng pinto kaya ito naunang lumabas. Binalingan niya ako. "Parents ko?" Halata ang gulat sa mukha at boses niya. I nodded at her. Nasabi ko na kina Papa ang tungkol sa kondisyon ni Meghan. Alam din nilang ngayon kami makakauwi kaya nagpunta sila rito upang salubungin ang kanilang anak. Of course, they're worried too. It's been a month, at kahit si Mama Amara na step-mother lang ni Meghan ay napalapit na sa kaniya, kaya kung nag-aalala ako para sa asawa ko, alam kong doble ang kanila bilang magulang. Bumukas na ang pinto sa gilid ko, matyaga namang naghintay ang driver sa paglabas ko. "They knew about your amnesia, so, you don't have to be worry about how you should act in front of them." Bahagya lang siyang tumungo. Alanganin pa rin ang nakikita kong emosyon sa mukha niya. "Halika na, they're waiting for us." Nauna na akong bumaba at nilahad sa kaniya ang kamay ko. Tumitig muna siya roon ng ilang segundo bago iyon tinanggap at sumama sa akin palabas ng sasakyan. Nilibot niya kaagad ang paningin niya, as if she's searching for something. Inilapad ko ang kamay ko sa likod ng kaniyang baywang at iginaya na siya patungo sa loob ng aming bahay. Tumungo ang nakasalubong naming maid bilang pagbati. Nakita ko pa ang pamimilog na mga mata niya nang makita si Meghan. Of course, after a month ay finally nakabalik na siya. Mabilis ang lakad niyang nauna na sa amin upang pagbuksan kami ng pinto papasok sa aming bahay. Meghan thanked her with a nod na mukhang ikinagulat pa ng aming maid. Can't blame her, because it was strange to see her humble to our maid. Pinalaki si Meghan ng kaniyang stepmom na si Mama Amara bilang isang prinsesa, sanay na pinagsisilbihan at may boundaries sa mga empleyado at sa mga mas mababa sa kaniya. Nang pumasok kami sa bahay ay sinalubong kami ng iba pang kasambahay. Humilera sila sa isang gilid at tumungo sa amin. Ang pinaka nasa harap ay ang aming punong kasambahay na si Manang Sela. Nakita ko ang pag-iling ni Meghan na para bang hindi sigurado sa kaniyang magiging reaksyon. Ako ay sanay na sa ganito nilang akto sa tuwing sasalubungin nila ako o kami mula sa mahaba at malayong byahe. Sa gitna ng magkabilaang hilera ng mga kasambahay ay dumaan si Mama, ang stepmother ni Meghan, kasama si Papa, Marco Gutierrez, ang ama ni Meghan. "Oh my God, sweetheart!" Binitiwan ko si Meghan nang tinungo siya ni Papa upang yakapin. Mukhang nabibigla na napayakap din si Meghan sa ama niya. Nang bahagyang humiwalay si Papa para makita ang mukha ni Meghan ay malungkot itong tumitig. "Is it true? You don't remember us, me?" Napaiwas ng tingin si Meghan. "I-I'm sorry po." "It's okay, Hija, we can have a lot of therapies for you," singit naman ni Mama Amara at lumapit na rin para yakapin siya. Bumaling sa akin si Papa. "Thank you for bringing her back home, son." *** Pagkababa ko ng phone call ay hinanap kaagad ng paningin ko si Meghan. Nakaalis na ang kaniyang magulang, gabi na kaya dinala ko siya sa aming silid. Iniwan ko lang siya saglit para ipaayos at alamin ang schedule ko bukas kay Sanya. Alam kong marami akong trabaho na kailangan asikasuhin dahil sa pag-alis ko papuntang Bohol. Nagpunta lang ako sa balkunahe ng aming silid para sa tahimik na espasyo, at pagtapos ko ay naabutan ko siyang nakaupo sa kama, hawak ang isang picture frame. Hindi ko man kita iyon mula sa kinatatayuan ko ay alam ko namang wedding picture namin ang pinagmamasdan niya, dahil iyon lang naman ang letrato na naka-display sa ibabaw ng bedside table. Nilapitan ko siya, habang hindi inaalis ang mga mata ko sa kaniya. I don't know, she's been missing only for a month, but something changed. Dati ay isang tingin pa lang sa kaniya ay kita na kaagad ang pagiging sopistikada at elegante niya, but now, she looks like an angel, in her side view, I can see her soft stare, sadness, but beautiful face. Her pointed nose and her almond eyes, she looks like an angel in every painting and statue. Very beautiful. Nagtaas siya ng tingin sa akin nang makalapit ako sa kaniya. Nagpamulsa lang ako habang nakatingin sa kaniya pababa. "Puwede ba akong magtanong?" Huminga na muna ako ng malalim. Even her voice is too soft. She totally changed. Is it because she's lost? "Anything." Muli siyang tumungo para tingnan ang aming wedding picture. "Do you love me?" Nagulat ako sa tanong niya. She never asked me that before, maybe because she's aware that I marry her only for our families, and maybe because she was scared to be asked the same question from me. But should I tell her the truth? That we never loved each other before? Or should I lie to her and tell her that we love each other? Should I fake her memories so she's able to live as my wife without them?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD