Kabanata 4

1534 Words
Kabanata 4: MARGARET MANUEL "Do you love me?" Hindi ko alam kung ano ang sense at tinatanong ko ito sa kaniya, kay Sébastien Night na ngayon ay asawa ang tingin sa akin. Siguro kasi umaasa ako na magkakaroon ako ng dahilan para itigil na ang kalokohang ito, kalokohan na magpanggap bilang si Meghan Gutierrez- Night, ang aking kakambal. Ilang buwan na ang nakalipas magmula nang magpakita si Meg sa amin ni Mama. Mahigit isang dekada na nang huling beses kaming magkita, at ang pananabik ko sa kaniya ay hindi nagbago. Ganoon din si Mama sa kaniya. Sampung taong gulang kami nang magpasya si Papa na hiwalayan si Mama. Mahal siya ni Mama pero hindi rin kasi madaling mabuhay bilang asawa ni Papa. Nagmula lang sa simpleng pamilya si Mama, at si Papa naman ay nagmula sa tanyag na pamilya, at kitang-kita ko kung paano siya matahin ni Lola noong nasa puder pa niya kami ni Mama. Masasabi kong dahil doon kaya unti-unting nagkalabuan si Mama at Papa, hanggang sa nauwi sila sa hiwalayan. Iyon lang ang tanging alam ko sa relasyon nila, ang sabi lang sa akin ni Mama noon ay iniwan siya ni Papa, at sa pang-iiwan ni Papa ay sinama niya si Meghan, which is napagkasunduan din naman talaga nilang mag-asawa. Kahit na pumayag si Mama sa desisyon na iyon ay hindi pa rin naging madali sa kaniya ang pagkakawalay sa amin ni Meghan. Bihira ko na lang siyang makitang masaya magmula noon, at walang gabi na hindi ko siya nakikitang pinagmamasdan ang letrato namin ni Meg at hinahaplos at hinahalikan siya roon. Minsan nga Meg pa ang natatawag niya sa akin, which is nagkukunwari na lang akong hindi ko iyon napapansin. Alam ko kung gaano ka-miss ni Mama si Meg, at minsan nga ay naiisip ko kung bakit ako ang pinili ni Mama na maiwan sa kaniya kung pakiramdam ko ay mas mahal niya si Meg kaysa sa akin. Pero kahit ganoon ay kahit kailan hindi ako nagdamdam kay Mama, nagseselos ako pero naiintindihan ko pa rin naman. Kahit ako ay sabik na makita ulit at makasama ang kakambal ko, pati si Papa. Umaasa pa nga ako noon na magbabago pa ang isip nila at magkakabalikan sila, pero nawala lahat ng pag-asang natitira sa akin nang dalhin ako ni Mama sa Bohol at doon na nanirahan. Doon ko lang tinanggap na hindi na talaga sila magkakabalikan pa, at hindi ko na makakasama pa si Meg. Pakiramdam ko ay malaking parte ng pagkatao ko ang nawala sa akin magmula nang mahiwalay sa akin ang kakambal ko, hindi ko alam kung pareho kami ng nararamdaman, pero ako ay hindi nawala ang importantansya niya sa akin, walang nagbago. Kaya naman ang laking tuwa ko nang muli kaming magkita. Ang sabi niya ay ipinahanap daw kami ng asawa niya bilang regalo sa kaniya, kaya natunton niya kami sa Bohol. Nagulat pa nga ako pero at the same time ay masaya nang malaman kong kasal na pala siya. Pero nabawi iyon nang ipagtapat niya sa akin ang totoo. "Hindi ko naman mahal si Seb, pinakasalan ko lang siya dahil gusto ng stepmother ko, nina Lola. Sinubukan ko naman, kasi mabait naman siya, e, pero hindi ko talaga makita ang sarili ko sa future na kasama siya." Naawa ako sa kaniya nang sabihin niya iyon. Buong buhay niya pala ay hindi siya nagkaroon ng freedom kagaya ko, wala siyang ibang ginawa kundi ang patunayan ang sarili niya kay Lola para matanggap siya nito kahit na galing lang sa mahirap na pamilya ang ina niya. Hindi siya lumaking kagaya ko, na kahit nangungulila sa kanila ni Papa, lumaki sa simpleng buhay, malaya at naging masaya ang childhood ko. Mahal ako ng buong taga Villa Fuego, ang lupang kinalakihan ko. Ang mga hasyendero sa Villa Fuego ang mga naging pamilya ko, na kahit minsan pakiramdam ko ay malaking pagmamahal ni Mama para sa akin ang nagkulang dahil sa ibinuhos niya iyon sa malayo kong kapatid, ang mga tao sa Villa Fuego ang pumuno niyon. Hindi mansion ang Villa Fuego, pero dati raw iyong Villa hanggang sa naging simpleng hasyenda nang namatay ang may-ari niyon at walang kahit na sinong nag-claim niyon. Magmula niyon ay ang mga tauhan sa Villa Fuego na ang namuhay doon at nagpalago niyon. At iyon na ang kinalakihan kong tahanan. Kaya naawa ako kay Meghan, dahil kahit na gaano karangya ang buhay na kinalakihan niya baligtad sa akin, hindi pala niya naranasanag maging masaya. At ang awa na iyon ay rito ako dinala, sa pagpapanggap na maging siya. Umaasang sa pamamagitan ng peke kong amnesia ay madali kong maloloko ang asawa niya. Pero posible ba? Paano kung mahal niya si Meghan? Posible bang hindi niya maramdaman sa puso niya na hindi ako ang babaeng mahal niya? Pinagmasdan niya lang ako, at kung tama ang pagkakaintindi ko ay maski siya hindi alam kung anong isasagot sa tanong ko. Suminghap ako at umiling habang nagtatangkang tumayo. "Pasensya na, hindi ko na dapat-" Natigilan ako nang pigilan niya ako sa braso ko. Muli akong napatingin sa kaniya, ngunit imbes na sa mata ay dumiretso sa labi niya ang mga tingin ko. Nakaramdam ako ng init sa pisngi ko. Muling bumalik sa isipan ko ang araw na unang beses kaming magkita, at hinalikan niya ako sa labi ko. That was my first kiss, at alam kong mali pero hindi ako pinatulog ng halik na iyon. Hindi mawala sa isip ko ang pakiramdam ng malambot at mainit niyang labi sa akin. At kahit pilit kong itanggi sa sarilli ko, gusto ko talagang madama ulit ang halik niya. Napatingin ako sa kamay niyang nasa braso ko nang madama ko iyon na gumapang nang magaan paakyat sa balikat ko. Para akong nakikiliti pero hindi ko siya magawang pigilan. Nang lumipat ang kamay niya sa pisngi ko ay napabalik sa mukha niya ang tingin ko. He's caressing my cheek with his thumbs, at parang gusto kong pumikit dahil sa sarap niyon. Kung hindi ko lang gustong suklian ang titig niya sa mga mata ko, pumikit na ako para damahin iyon. In his pale brown eyes, I can feel the intensity that he's feeling, same as mine, it's like our eyes has their magnets and they're pulling each other. Isang halik ang nagpapikit sa akin. Nang una ay hindi ako nakakilos dala ng pagkabigla at emosyon sa loob ko, ngunit nang lumipat na ang kamay niya sa batok ko, trying to control my head movements, hindi ko na napigilan ang sarili ko na suklian ang halik niya. I can feel his tongue to my lips, knocking, so I parted my lips and he immediately enter my mouth. I gasped for air, and he breathe through my mouth, it was as if he's giving me an idea of how to breathe without me pulling out from our kisses. Napahawak na ako sa balikat at buhok niya, I brushed his hair with my fingertips, it was soft and I can't help myself but to pull him more. Ang kamay niya sa batok ko ay lumipat na sa balikat ko, naramdaman ko ang paghawi niya sa lace ng damit ko at napadaing ako roon, pero hindi niya iyon pinansin. Ang isang kamay niya ay nasa baywang ko, inaalalayan ako pahiga nang hindi bumibitiw sa halikan namin. One more sweet kiss and he left my lips. Napahinga ako ng malalim nang gumapang ang labi niya papunta sa panga ko, pababa sa leeg at balikat ko. Mali itong ginagawa ko. Hindi ito ang usapan namin ni Meghan. Ang usapan namin ay bibigyan ko lang siya ng ilan pang buwan para makasama si Mama, pero ibabalik ko rin sa kaniya ang buhay niya, kasama na roon ang asawa niya. Napasinghap ako nang ang isa niyang kamay ay gumagapang na sa hita ko paakyat, habang ang isa ay nasa kabilang dibdib ko. He's now kissing my chest. I can feel his hard and soft kisses there, at para akong nababaliw dahil doon. Mali ito. I have to stop him. "Seb, tama na...hmm." Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil imbes na awatin ay napaungol pa ako, dahil kasabay niyon ay ang pagpasok nya ng kamay niya sa short ko. Narinig ko siyang natawa bago muling binalikan ang labi ko. At muli ay para na naman ako niyon dinala sa ibang mundo, nawawala na naman ako sa katinuan ko. Tuluyan na siyang pumaibabaw sa akin. Wala sa sariling inilagay ko ang kamay ko sa may laman niyang pang-upo. He just smirk at me and continue kissing me. "I missed you, Meghan... Hmm... So much," he said between his breath to my mouth. Ang sinabi niya ay tila isang tubig na bumuhos sa akin at gumising sa akin sa pagkakahimbing ko. Margaret, nababaliw ka na! Hindi mo asawa iyan, hindi ikaw ang mahal niya! I felt the pain in my chest, and I tried to stopped him. He ignored my plead, thinking that it was just from my desire, but with all my strength I pushed him away. Shock is all over his face. "Meghan..." He's speechless, hindi niya alam ang sasabihin. Mariin akong umiling. "I'm sorry." Pagkasabi ko niyon ay tumayo na ako at pigil ang iyak na tumakbo papasok ng banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD