[BILLY'S POV]
Shit! Naalala ko na naman yung nangyari kanina. Sinagip ko lang naman si Louise kanina sa holdaper.
Oo, sinagip ko siya at hindi ako makapaniwalang ginawa ko yun.
*flashback*
Habang pauwi na ako ay nakita ko si Louise at isang lalaking naka-itim. Hindi ko sana papansinin yun dahil wala naman akong pakialam sa maid na yun kaya lang biglang may inilabas na kutsilyo yung lalaki. Teka, mukhang nasa panganib ang maid na yun.
May nakita akong isang malaking kahoy sa lupa. Dinampot ko yun at inihampas sa lalaki.
Nawalan ng malay ang lalaki dahil sa paghampas ko ng kahoy sa kanya at saktong dumating yung mga pulis.
"Matagal na naming hinahanap 'tong holdaper na 'to." sabi ng pulis at ipinasok yung lalaki sa kotse.
Nakita ko naman si Louise na nakahiga sa lupa at wala ring malay. Dinala ko siya sa clinic sa school.
Pagkatapos ko siya dalhin sa clinic ay umalis agad. Ayokong ipaalam sa kanya na niligtas ko siya.
*end of flashback*
"Huy kinakausap kita."
Bumalik naman ako sa huwisyo nang magsalita si Fredison.
"Paki-ulit nga ang sinabi mo." sabi ko sa kanya.
"Ang dami ko nang sinabi pero hindi ka pala nakikinig. Ang sabi ko ay may photoshoot tayo bukas. Mamaya ko na lang sasabihin sa 'yo ang iba pang detalye dahil pagod na pagod na ako sa kasasalita." sabi sa 'kin ni Fredison.
"Sige, anong oras ang start ng photoshoot?" tanong ko kay Fredison.
"Mga 9 ng umaga raw." sagot niya.
Tumango naman ako.
[LOUISE'S POV]
- NEXT DAY -
Today is Saturday kaya walang pasok. Pero sasamahan ko pa ang tatlo kong amo sa Dyosa's Modeling Agency. Sila kasi ang mag-mo-model ng mga damit, pants, sapatos at pati na rin boxers and briefs from Dave's Menswear. New endorsement nilang tatlo.
- DYOSA'S MODELING AGENCY -
Grabe naman dito. Kahit may aircon ay ang init pa rin at *witwiw*, ang daming hot at gwapong lalaki dito. Waaaaa! My innocent eyes.
"HOY MAID! NAGLALAWAY KA NA. MAHIYA KA NAMAN." sigaw sa 'kin ni Billy The Monster. Ano ba yang si Billy the Monster! Sumisigaw na lang ng basta-basta!
Napatingin ako kay Billy The Monster.
=____=
o____o
0____0
O____O
O0O
Oh my ulam!
Billly is only wearing boxer. Wooooow! May anim na pandesal siya tapos well-toned ang chest niya. Ang yummy niya. Sarap hawakan ang katawan niya. Teka, ano ba yang pinagsasabi ko sa isip ko? Erase, Erase.
"Hey, stop drooling Maid. Mukhang kakainin mo na ako." sabi sa 'kin ni Billy at nakita ko siyang ngumisi.
"Che! Ano drooling ka diyan? Sa katawan mong patpatin? Pagnanasaan ko? In your face." sabi ko kay Billy sabay irap. Baka ma-r**e ko kasi siya kaya umiwas ako ng tingin.
"Don't deny it. Alam kong pinagnanasaan mo ako. Ang swerte mo nga eh. Sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa'kin at gustong makausap ako. Ikaw pa ang pinili ko." mayabang na sabi sa 'kin ni Billy.
"Ang yabang mo talaga." sabi ko na lang sa kanya.
"Hey bro. What is happening?"
Napatingin ako sa nagsalita.
O0O
Waaaaaaa! Dalawang ulam.
Sina Fredison at James na naka-boxer din. May tig-a-anim silang pandesal. Ang yummy nila. Pero si Billy pa rin ang umangat sa yummyness nila. Waaaaaa! Hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
"Ayos ka lang ba Louise? Ba't parang namumula yata ang mukha mo. Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong sa 'kin ni Fredison.
"Ah m-medyo." I lied. Ayokong ipahalata sa kanilang naglalaway ako sa pandesal nila.
Nagulat naman ako nang lumapit sa akin ni Billy at hinawakan ang noo ko. Gosh! Medyo malapit sa mukha ang abs niya at saka yung bagay na bumabakat sa boxer niya. Waaaaaaaaaaa!
"Wala ka namang lagnat ah." sabi sa 'kin ni Billy.
Umiwas naman ako ng tingin.
"Get ready models dahil magsisimula na ang photoshoot." sabi ng lalaking photographer.
"Sige Louise, pwesto na kaming tatlo. Ikaw na ang bahala sa mga gamit namin." sabi sa 'kin ni James.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang umalis na sila sa harapan ko. Buti naman at umalis na sila. Baka hindi ko na kayanin ang hotness nila.