[LOUISE'S POV]
"KYAAAAAAAA!" narinig kong tilian ng mga babae. Alam niyo na kung bakit sila nagtitilian. Nakakita lang naman sila ng gwapo. Hay naku! Bakit maraming marurupok sa school na 'to? Hindi man lang sila nahihiya at mag-ala-Maria Clara.
"OMG! Kasama ni Prince Billy si Princess." sabi ng isang babae. Huh? Princess? Tama ba ang narinig ko?
Napatingin ako sa may gate at nakita ko ang tatlong amo ko which is The Hunks kuno na kasama si Princess Sy. Isa ring artista si Princess Sy. Ka-loveteam ni Billy. Ang pagkakaalala ko ay may boyfriend yang Princess na yan. Hindi ko nga lang alam ang name. Hindi kasi ako laging updated sa showbiz. You know, study and work first. Wala kasi ako time para maki-chismis. Haha!
"That bitch."
Napatingin ako sa nagsalita. Si Kate pala. Ang sama ng tingin niya kay Princess. Bakit kaya?
"Ba't ang sama ng tingin mo kay Princess?" tanong ko kay Kate.
"Nothing. Hindi ko lang siya gusto. Mukhang maarte at malandi siya." sagot sa 'kin ni Kate.
"OMG! Bagay talaga sina Prince Billy at Princess." narinig kong sabi ni Girl No. 1.
"Oo nga at may chemistry sila." nakinig ko namang sabi ni Girl No. 2.
"Right and she's beautiful unlike yung babaeng kasama nila. Louise yata ang name." pagsang-ayon ni Girl No. 3.
Wait! Ako ba ang tinutukoy ni Girl No. 3?
"Right. It's Louise. Yung dukha." sabi ni Girl No. 2 kay Girl No. 3.
What the... Anong sinabi nila? Ako? Dukha?
Susugurin ko na sana yung tatlong babae kaya lang ay naunahan na ako ni Kate.
*slap*
*slap*
*slap*
O____O
Nagulat ako sa nakita ko. Sinampal kasi ni Kate isa-isa ang tatlong babae. Kitang-kita ko ang galit na mukha ni Kate.
Napanganga naman ako sa ginawa niya.
"You don't have rights to talk my bestfriend like that." matigas na sabi ni Kate sa tatlong babae. Maraming tao ang nakatingin sa eksena. Pati na rin yung tatlong hunks at si Princess.
"You bitch." galit na sabi ni Girl No. 1 at sinabunutan si Kate.
Sumugod din ako para tulungan si Kate. Pero biglang may humila sa buhok ko. Pinagtutulungan ako ng dalawang babae.
"Hey stop that! Wala kayong karapatang saktan si Louise!" narinig ko bigla ang boses ni Billy.
Nakaramdam ako bigla ng hilo.
ALL WENT BLANK
***
Nagising ako na puro puti ang paligid. Tatayo na sana ako pero nakaramdam ako ng kirot sa katawan ko.
"Bes, magpahinga ka muna." napatingin ako sa nagsalita at nakita ko sina Kate, Fredison at James.
"Tama si Kate. Pahinga ka lang muna." sabi sa 'kin ni Fredison. Teka, asan si Billy?
"Teka, nagugutom ka ba? Binilhan ka namin ng sandwich at juice." sabi ni James sabay abot sa akin ang pagkain.
"Salamat." tugon ko naman at tinanggap ko ito. Medyo nagugutom na rin ako.
[BILLY'S POV]
"Wait babe." malanding sabi ni Princess pero hindi ko yun pinansin. Papunta ako ngayon sa gymnasium para puntahan ang mga babaeng nanakit kay Louise. Hindi ko papalampasin ang ginawa nila sa kanya.
"Sandali lang babe." hingal na sabi ni Princess. Isa sa kinaiinisan ko pang babae. Isa siyang spoiled brat na patay na patay sa'kin. Pasalamat siya at ka-partner ko siya sa showbiz. Kung hindi, matagal ko na 'tong sinigawan na tantanan na niya ako.
Nang makarating ako sa gymnasium ay hinanap ko yung mga babae kanina at hindi nga ako nagkamali. Nandun sila.
"KYAAAAAAAA! SI PRINCE BILLY. KASAMA NI PRINCESS. TARA MAGPA-PICTURE TAYO." sigaw ng isang babae. Biglang nagsitakbuhan ang mga tao palapit sa'min.
Not again. Ito talaga ang ayaw ko sa showbiz eh.