[LOUISE'S POV]
"Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong sa 'kin ni Fredison.
"Okay na ako. Hindi na ako nakakaramdam ng kirot sa katawan ko." sagot ko kay Fredison.
"Hindi na ako makakapayag pa na saktan ka nila ulit Louise. Simula ngayon ay bodyguard mo na ako. Poprotektahan kita sa nang-aapi sa'yo. Hinding-hindi kita hahayaan pang maapi ka nila muli." seryosong sabi sa 'kin ni Fredison. Na-touch naman ako sa sinabi niya. Ang bait mo talaga Fredison. Mukhang nagkaka-crush na ako sa kanya. Huy! Crush lang ha. Amo ko pa rin naman siya eh.
"Ang bait mo talaga Fredison. Unlike kay Billy na ubod ng sungit. Kailangan pang putulin ang sugay niya." sabi ko kay Fredison.
"Hahaha! Pagpasensiyahan mo na siya. Kahit masungit yan mabait pa rin yan. Siya nga ang sumagip sa 'yo sa pang-aapi ng mga babae sa'yo kanina." sabi sa 'kin ni Fredison na ikinatigil ko.
Siya ang sumagip sa akin?
Parang gusto kong maglundag-lundag sa tuwa. Waaaaaa! Bakit parang ang saya kong nalaman kong niligtas ako ni Billy kanina?
[FREDISON'S POV]
"Are you okay?" tanong ko kay Louise. Kanina pa kasi siya tulala.
"Okay lang ako." nakangiting sagot niya sa 'kin. Ang cute naman niyang ngumiti kahit may konting sugat siya sa kanyang bibig. Hindi ko mapigilang ma-in love sa kanya. Oo, na-i-in love na ako kay Louise. Hindi siya mahirap mahalin dahil mabait siya, natural ang ganda niya, at higit sa lahat ay naiiba siya sa mga babaeng nakilala ko. I saw something special to her that really captured my heart na wala sa iba.
Nandito na kami ngayon sa school.
"OMG! Girls look. Kasama ng dukhang Louise na yan ang Prince Fredison natin."
"Oo nga. How dare her na kasama niya ang Prince Fredison natin."
"Dukha na nga, malandi pa."
"Truth. Siguro ginayuma niya ang Prince Fredison natin."
Nakakainis talaga ang mga babae rito. Grabe sila makapaghusga kay Louise. Kami naman ang lumapit kay Louise and she is a good friend. I find her interesting unlike them na puro kaartehan lang ang alam.
Inakbayan ko si Louise.
"OMG! Inakbayan ni Prince Fredison ang dukhang Louise na yan."
"Noooooooooooo! Katapusan na ba ng mundo?"
"Humanda sa atin yang dukhang yan."
Subukan lang nilang galawin si Louise. Ako ang makakalaban nila kapag mangyari yun. Hindi deserve ni Louise ang malait nang ganito.
[LOUISE'S POV]
Waaaaaaa! Ang sama naman ng tingin sa 'kin ng mga babae. Porket may kasama akong artista ay nanghuhusga na agad sila sa 'kin nang masama. Kainis!
"Don't mind them. They are just jealous." bulong ni Fredison na nakaakbay pa rin sa 'kin. Waaaaaa! Kinikilig na ako rito nang bonggang-bongga.
Bigla namang nag-bell. It's means start na ng flag ceremony.
Pagkatapos ng flag ceremony ay pumunta na kami sa room. Oo nga pala, classmate namin si Princess Sy. Yung ka-loveteam ni Billy. To be honest, I hate her. Parang ang arte niya kasi. Tama nga si Kate sa hinala niya kay Princess.
Biglang dumating ang Instructor namin. Nagkaroon kami ng long quiz at nakakuha ako ng 46 out of 50 na score. Ako ang highest samantala ang lowest naman ay si Princess Sy na nakakuha lamang ng 3 out of 50. Mukhang hindi siya nag-aaral eh.
Pagkatapos ng klase ay pumunta kami ni Kate sa cafeteria. Hindi na ako sumabay pa sa tatlong hunks sa lunch dahil kasama nila si Princess Sy. Ayoko siyang makasabay no. Baka tarayan lang niya ako.
Kitang-kita ko kung paano landiin ni Princess ang tatlong hunks. Nakakainis!
Biglang tumayo si Fredison at kinuha ang lunch niya tapos lumipat siya sa seat namin.
"Dito muna ako ha. Hindi ako makakakain ng maayos dahil kay Princess." naiinis na sabi ni Fredison. Tinignan ko naman si Princess. At ayun, sinusubuan niya si James. Ang landi talaga.
Si James naman ay nagpasubo. Sa bagay, playboy yun eh.
"f**k!" biglang napatayo si Billy. Nagbulung-bulungan naman yung mga tao.
"Where are you going babe?" tanong ni Princess with her sexy voice. s**t!
"COULD YOU f*****g PLEASE DON'T CALL ME BABE?" biglang sigaw ni Billy at nagmadaling lumabas ng cafeteria.
[BILLY'S POV]
Shit! Nakakainis talaga si Princess. Hindi na niya kami tinatantanan. Dikit siya ng dikit sa 'ming tatlo at halos hubaran na niya kami sa isip niya.
Pumunta ako sa isang bar na exclusive lamang for celebrities para mawala ang init ng ulo ko. Dahil sa bar na 'to ay nagkakaroon ako ng freedom mula sa showbiz, and also other celebs.
"Are you okay brad?" tanong sa 'kin ng kaibigan kong artista rin na si Kent.
"Yah brad. Kumusta na pala kayo ng asawa mo?" tanong ko kay Kent. Ang tinutukoy ko ay yung asawa niyang si Phoebe.
"Ayun, hindi kami okay ngayon dahil sa nagiging leading lady ko sa teleserye at pelikula. Nagseselos." sagot sa 'kin ni Kent sabay inom ng wine na hawak niya. Sa bagay, selosa kasi ang asawa niya.
"Hiwalayan mo na kasi." pagbibiro ko.
"f**k you bro! Mahal na mahal ko ang asawa ko." sabi sa 'kin ni Kent.
"Kung mahal mo talaga siya. Fight for her. Show the world that you love her." advice ko sa kanya.
"I can't, ayoko siyang masaktan dahil sa mga fans namin ni Elisa." - Kent
"Pahamak talaga minsan ang showbiz. Well pinili natin 'to eh kaya panindigan na lang natin." I said. "Cheers?" sabay angat ang shot glass.
"Cheers." - Kent
At nag-toast kaming dalawa.