[LOUISE'S POV] Pagpasok ko pa lang sa school ay maraming estudyanteng nakatingin sa akin. Parang nandidiri sila nang makita nila ako. Yung iba nga nagbubulung-bulungan pa na rinig na rinig ko naman. "Yan ba ang Miss DGUP 2016 natin? Yuck! Ang landi naman niya." "Buti nga at hiniwalayan siya ni Prince Fredison." "Akala ko nga mabait siya pero may tinatago rin pala siyang baho." "Sana hindi madala si Prince Billy sa kalandian niya." "Baka akitin din niya si Prince James." Ano ba ang nangyayari? At bakit ganyan sila makapagsalita sa akin? Hindi ko maintindihan ang mga kinikilos nila. "Bes!" tawag ni Kate at lumapit siya sa akin. "O bes, may problema ba?" tanong ko kay Kate. "Bes, tignan mo. Ikaw ang latest topic ngayon sa social media." sabi ni Kate sabay bigay sa akin ang

