[LOUISE'S POV] May biglang umawat sa akin sa pagsasabunot ko kay Princess. Si Fredison yung umawat sa akin. Nagulat ako nang bigla niya akong tinulak. "Paano mo nagawa sa akin 'to Louise? Paanoooo!" galit na sabi sa 'kin ni Fredison. May biglang tumulong luha sa mga mata niya. "Minahal kita Louise. Minahal kita at ito lang ang igaganti mo sa akin? Ang lokohin ako?" dagdag pa niya. Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko dahil sa sinabi niya. "Hindi 'yan totoo Prinsipe ko." naiiyak kong sabi sa kanya. "Ano ba ang nangyayari dito?" tanong ng isang pamilyar na boses. Si Billy. "Hayup ka!" - Fredison Biglang lumapit si Fredison kay Billy at sinuntok niya ito. "Naging mabuting kaibigan ako sa 'yo Billy. Pero ano ang ginawa mo? Niloko mo ako! May tinatago pala kayong relasy

