Chapter 12

534 Words
Sa kalayua'y dinig na dinig ko ang sigaw ng tatlong bata. "Ate Janine, mag-iingat ka sa pag-uwi!" "Bumalik ka, Ate Janine!" "Babay, Ate!" Habang papalayo ang tricycle sa lugar nila ay hindi ko mapigilang maluha. Napamahal na rin kasi ako sa tatlong batang iyon kahit kaunting panahon ko lang silang nakilala. Nang makarating kami sa terminal ng bus ay doon kami muli nagkausap ni Jay. "Paano ba 'yan? Magpapaalam na muna ako!" pauna kong wika. "Babalik ka para sa mga bata ha. 'Tsaka, para sa akin na rin." "S'yempre naman!" Niyakap ko si Jay at naramdaman kong inilagay niya rin ang mga kamay niya sa likod ko. "Hanggang sa muli, Janine." "Hanggang sa muli, Jay!" Tinalikuran ko na si Jay at lumapit na ako sa Bus. Sumakay na nga ako at umupo sa loob. Dumungaw ako sa bintana. Napansin kong nakatingin pa rin si Jay. Naalala kong bigla ang lahat nang nangyari sa loob ng ilang araw kong pananatili sa bahay nila. Maging ang halik ni Jay sa akin ay sadyang hindi mawala-wala sa isipan ko. Ilang segundo ko syang hindi tiningnan at sa pagdungaw kong muli, hayon, nag-uumpisa na siyang lumakad pabalik. Hindi pa umaalis ang bus dahil hindi pa ito napupuno. Napansin kong hindi pa rin nakaupo ang driver sa unahan. Wala pa rin ang konduktor. Hindi na ako nakatiis, bumaba muna ako sa bus, iniwan ko ang mga gamit ko sa loob. Tumakbo ako at hinabol si Jay. Hinagip ko ang kamay niya at nabigla siya. "O, Janine? Ba't bumaba ka pa?" Tulad ng ginawa niya ay hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at hinalikan siya ng ilang segundo. Mas matagal kaysa sa halik niya sa akin. "Bakit? Bakit mo ako hinalikan?" "Para tabla na tayo! One all!" Ngumiti si Jay. Bakas sa mga mata niya ang pinaghalong lungkot at saya. "Luka-luka! Bumalik ka na nga sa Bus!" wika niya. "Mamimiss kita!" "Mamimiss din kita, Janine!" "Sige, babye!" "Bye!" Tumakbo ako pabalik sa bus. Walang humpay sa pagkaway si Jay sa akin. Hanggang sa pumasok na nga ang bus driver at ang konduktor. Oras na na pala para bumiyahe. Hindi naman umaalis si Jay sa kinatatayuan niya hanggang hindi pa kami umaalis. At nang dahan-dahan nang umaalis ang bus ay muli kong nilingon si Jay. Ang luha ko ay tumulo nang hindi ko namamalayan. Kaway pa rin siya nang kaway hanggang makalayo na ang bus. Kahit naluluha ay napangiti ako. Sinabi ko na lang sa sarili ko— "Mami-miss kita nang sobra, Jay. Ipinapangako ko, babalik ako! Hindi lang para sa mga bata. Babalik ako para mahalin ka!" END OF BOOK 1...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD