Chapter 11

480 Words
Sa paglipas ng ilang araw nang pananatili ko sa bahay nina Jay ay napakasaya ko. Bukod kasi sa napatawad na ako ni Jay ay ngayon lang ako nakaramdam ng pagiging Ate. Hindi ko kasi ito naranasan sa mga nakababata kong pinsan. Ako rin naman kasi ang bunso sa amin ni Ate Jeslie. Pero ang pinakamasaya kong naramdaman ay ang pagiging sweet na ni Jay sa akin. Hindi ko maintindihan ang feelings ko. Masaya ako 'pag nand'yan siya, at para bang lagi ko siyang inaabangang dumating sa tuwing umaalis siya! Hindi pa kasi ako nagkaka-boyfriend sa buong buhay ko. May nanliligaw, pero hindi pa ako handa. Hindi ko rin kasi nararamdaman sa kanila 'yung feeling na ... feeling na ... feeling na nararamdaman ko kay Jay. Para bang may feelings na ako sa kanya. Kaya lang, ayokong malaman niya, natatakot ako. At heto na nga—oras na nang paguwi. Nakakalungkot man pero kailangan. Kailangan na rin kasi ako sa opisina ni Mama. 'Yun nga lang, kailangan kong mag-commute kasi nasa talyer pa raw ang kotse namin at dala naman ni Ate ang kotse niya sa Manila. Nagpaalam ako kay Jay at sa mga kapatid niya. 'Lang 'ya, naiiyak ako habang nakikitang malungkot ang mukha nina Kyla, Bryan at Katkat. Nakangiti lang si Jay. Tapos, kinausap niya ang mga kapatid niya. Ihahatid lang daw niya ako. Sabi ko, 'wag na! Sumagot siya. "Maaari ba naman iyon? E Ate ka nila. Ngayon lang sila nagka-Ate lalo na si Kyla, tapos, pababayaan ko pa!" Wow! Ang sarap sa feelings nang may nag-aalala. Sa isip ko pa, buti na lang, lumayas si Ate Jeslie. Buti na lang, naghiwalay sila niyung walang modong Jay na 'yun! Buti na lang, naisipan kong gantihan siya! Kasi kung hindi nangyari iyon, malamang 'di ko makikilala ang isang Jay na ito. Hindi hamak na maayos ang pagkatao kumpara sa ex-boyfriend ng kapatid ko. Nang magpaalam sa mga kapatid ay kinuha ni Jay ang bag ko at inilagay sa balikat niya. "O, Tara na!" "Hindi mo ba ako pipigilan?" biro ko. "Hahaha! Nagpapatawa ka! Uuwi ka lang naman, 'di ba? E ba't naman kita pipigilan? Kung ikakasal ka, baka pigilan pa kita!" Natigilan ako! Ano kaya ang ibig niyang sabihin doon? Hindi ako nakapagsalita. Nagulat na lang ako nang bigla siyang may idinugtong. "Uy, patola! Haha.! O, galaw na! Naghihintay na ang tricycle." Ang lokong 'to, nagpabaon pa talaga ng kalokohan. Sumakay na nga ako sa tricycle, at gano'n din si Jay. Habang papalayo ako ay kumakaway ang tatlong bata, at gano'n din naman ako sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD