ALL OF ME CHAPTER TWO

1186 Words
"What!" Malakas na bulalas ni Erickson nang marinig ang sinabi ng kanyang lolo. Dumagundong ang kanyang boses sa kabuuan ng library. Mataman siyang tinitigan ng kanyang lolo agad siyang nag-iwas ng kanyang tingin.Malalakas ang kanyang hiniga na tumingala sa kisame ng library room. "Matagal na kayong ipinagkasundo, Erickson." Matatag na sabi ni Don Facundo. "Lolo! That was long time ago, hindi naman puwedeng magsama ang dalawang taong hindi nagmamahalan." Tutol pa rin niyang wika. "Ang pag-ibig natututunan, napapag-aralan." Sagot ng kanyang lolo. Naihilamos niya ang kanyang palad sa mukha niya. "Lolo, baka naman puwedeng baguhin natin you know I have a girlfriend!" Tugoun niya rito. "I dont like her, Erickson." Nakaismid na wika ng Don. "I love her, you know that." Seryosong saad ng binata. "Break up with her," utos ng Don. "No!" tutol niya sa sinabi ng kanyang lolo. "Weather you like it or not, marry Rhianna." Mariing wika ng Don. "No!" Sigaw ni Erickson. Nagitla ang matanda sa naging reaksyon ng kanyang apo. "I'm sorry, grandpa." Mahinang sabi ng binata nang mapagtantong nasigawan niya ang kanyang lolo. Hindi umimik si Don Facundo. Tumingin sa labas ng bintana. "Reputasyon ng ating pamilya ang nakataya rito, Erickson. Pakatandaan mong may lahi kang chinese kaya hindi nakakapagtakang ganito ang set- up ng iyong pakikiisang dibdib." Paliwanag ng Don. "Hindi po ako isang laruan na de makina Lolo, kaya please let me be with my girlfriend." Matatag pa ring sabi ni Erickson. Galit na lumingon sa kanya ang matanda. Nanlilisik ang mga mata nito. Napalunok si Erickson dahil sa nakikitang hitsura ng kanyang lolo. Ngunit tinatagan niya ang kanyang loob, sinalubong niya ang mabagsik na titig ng Don. "Sinusuway mo ba ako, Erickson!" Bulyaw ng Don. Kumurap-kurap si Erickson. "Sinasagad mo ba ang aking pasensiya? Kailangan ko pa bang ipaliwanag sayo ang lahat-lahat bago ka pumayag!" Galit pa ring wika ng Don. Nagbaba siya ng tingin at lihim na nagngingitngit. Nag-alala siya ng hawakan ng kanyang lolo ang dibdib nito. Agad niya itong nilapitan "Grandpa! Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya rito. "Umalis ka sa harapan ko bago ako mamatay dahil sayo," nahihirapang sabi ng Don. "Pero-" naputol ang kanyang sasabihin. "Umalis ka, suwail!" Singhal nito sa kanya. Wala siyang nagawa kundi lumayo sa kanyang lolo. Narinig niyang tinawag nito ag kanyang private nurse. Dire-diretdo naman siya sa kanyang kotse. Susunod sana ang kanyang personal dtiver ngunit sineny asan niya itong huwag sumunod pati ang kanyang personal assistant. Agad niyang pinaharurot ang kanyang kotse. Samantalang pinatawag naman ang tatlong bodyguards sa loob ng mansiyon. "Sundan niyo si Erickson! Bring him back here at kung kailangan niyong gamitan siya ng dahas ay gagawin niyo." Bilin ng Don sa tatlo. "Masusunod po! Don Facundo," sagot ng tatlo at nagpaalam na sila. Habol hininga naman si Don Facundo dahil tumataas ang kanyang presyon sa dugo. Agad niyang ininom ang kanyang gamot na ibinigay ng private nurse. Kailangang pumayag si Erickson sa arrangement marriage nila ni Rhianna dahil parana rin ito sa ikakabuti niya. Mabilis ang pagpapatakbo ni Erickson sa kanyang kotse at hindi niya alam kung saan siya pupunta. Ayaw niyang pumunta sa kasintahan niyang si Bianca dahil tiyak masasaktan niya ang dalaga kapag ipinagtapat niya ang kanyang problema. Kailangang malihim na muna niya rito hanggat maaari. Nakita niya ang isang bar at pumarada siya roon. Inilabas niya ang kanyang selpon at idinayal iyun. "Hello?" Ani ng nasa kabilang linya. "Rom, let's drink." Diretsang sabi niya rito. "What? Nasaan ka ba?" Sagot ni Romeo. "I will text you the address," tugon niya. "Okay," sang-ayon ni Romeo at nawala na ito sa linya. Itineks nga niya ang address sa kaibigan at bumaba na siya ng kanyang sasakyan. Pumasok siya sa loob at nakita niyang maayos naman ang loob ng bar. Marami ang nagsasayaw at nag-iinuman. Umupo siya sa isang mesa at tinawag ang isang waiter.Agad namang lumapit ang waiter sa kanya. "Anong order nila, Sir?"'Tanong ng waiter sa kanya. "Give me five shots of scotch on the rocks! " sagot niya. Natigilan ang waiter sa sinabi niya. "Mukhang pasan mo ang mundo, Sir" nakangising wika ng waiter. Nginisihan din niya ito. "Gusto ko ring pasabugin ang mundo," aniya rito. Ngumiti ang waiter at umiling-iling saka siya iniwan. Napabuntong-hininga siya. Tumingin-tingin siya sa kanyang paligid. Maya-maya pa ay dumating na ang kanyang order. Nagpasalamat siya sa waiter at agad niyang ininom ang isang basong alak. Nalukot ang kanyang mukha dahil hindi pa siya sanay uminom talaga. Patikim-tikim lang siya kapag may okasyon. Pero wala na siyang pakialam basta gusto niyang mapakalunod sa alak sa mga sandaling iyun. Muli niyang nilagok ang isa pang baso. Naalala niya ang pag-uusap nila ng kanyang lolo kanina. Wala namang problema kay Rhianna pero ang mali hindi sila nagmamahalan. Dahil may mahal na siyang iba, muli niyang tinungga ang isa pang baso. Ang hindi niya pa matanggap, ay ang pagmamanipula sa kanyang buhay. Muli, itinugga niya ang alak. Halos mahilo- hilo na siya dahil sa kanyang nainom.Isa na lang ang nasa kanyang harapan. Ininom niyag muli iyun. Luminga-linga siya at tinawag ang waiter. Muli siyang umorder ng lima pang basong alak na gaya ng kanyang order kanina. Agad namang bumalik ang waiter at inilapag ang kanyang order. Agad niyang ininom ang isang baso ng alak. Siya namang pagdating ni Romeo. "Hey! Lasing ka na buddy,"pang-aawat niya sa binata at inagaw ang sana ay iinumin nito. "Hindi pa ahko lashing buddy," Nabubulol na niyang sagot. Ininom ni Romeo ang isang pang baso ng alak. "Tell me, ano bang problema?" Tanong binata sa kaibigan. Ngumisi si Erickson. "Akalain mo bang, naayosh na ang kashal ko nang hindi ko alam?" turan niya pero halata nang lasing ang binata. Akma na niya sana ulit inumin ang isa pa pero maagap si Romeo at siya ang uminom sa alak. "Doon pa sha hindi ko nobya, ang galing di ba Rom?" Pagpapatuloy ng binata. Nakikinig lang si Romeo dahil alam na niya iyun, itinawag kanina ni Don Facundo sa kanya. "Hindi naman iba si Rhianna ah!" sagot ni Romeo sa binata. "Anong hindi? Shino bang girlfriend ko ha, Rom?" Inis na tugon ni Erickson. Hindi umimik si Romeo. Paano ba niya sasabihin sa kaibigan na kahit siya ay ayaw niya sa Bianca na iyun. Nagbabalat-kayo lamang ang babaeng iyun. Hindi nga niya alam kung ano ang ipinakain niya kay Erickson. Marami pang sinasabi si Erickson ngunit hindi na naiintindihan ni Romeo dahil lasing na ang kanyang kaibigan. Nakita niya ang tatlong bodyguards ng binata at sinenyasan. Lumapit ang mga ito sa kanya. "Iuwi niyo na siya ako ng bahalang tumawag kay Don Facundo,"'bilin niya sa tatlo. Tumango ang mga ito at inakay na si Erickson palabas ng bar. Sumunod naman si Romeo sa kanila. Nahahabag an siya sa hitsura ng kanyang kaibigan ngunit mas tama ang desisyon ng kanyang lolo. Ang ilayo sa nobya nitong si Bianca, na nagbabalat-kayo sa maganda at pekeng ugali nito. Lumulan na rin siya sa kanyang kotse at nagpasya na rin siyang uuwi na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD