ALL OF ME CHAPTER THREE

1130 Words
Nanginginig sa galit ang Don nang makita ang hitsura ng kanyang apo na lasing. Galit siyang lumapit sa binata. "Ganun mo ba kamahal ang babaeng iyun para maglasing ka nang ganito!" nagngangalaiting sabi ng Don. Mapungay ang mga mata ni Erickson na tumitig sa kanyang lolo at napangisi. "Alam niyo ba ang salitang mahal, ha lolo?" Mapait ang kanyang tinig na nagtanong sa kanyang Grandpa. "Dammit it! Erickson wake up! That girl mask only in your front." Galit pa ring wika ng Don. "Come on Lolo! Don't makes me feel bad about her," malamig na sagot ng binata. "Hindi ko sukat akalaing susuwayin mo ako nang ganito!" Sigaw ni Don Facundo. "Then stop manipulating my life!" Ganting sigaw ni Erickson. Nanlaki ang mga mata ng Don at sinapo ang kayang dibdib. Habol-habol niya ang kanyang hininga dahil sa paninikip ng kanyang dibdib. Hindi makagalaw ang binata dahil nahihilo pa siya. Ang mga bodyguards ang lumapit dito kasunod ang nurse. Tuliro ang mukha ng nurse nang lumingon sa kanya. "Sir, masyadong mataas ang kanyang blood pressure, kailangang dalhin natin siya sa hospital!" Natatarantang sabi ng nurse sa kanya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at nahimasmasan. Agad binuhat ng isang bodyguard ang kanyang lolo at mabilis na isinakay sa kotse. Agad humarurot ang sasakyan at naiwan siyang tulala. Natauhan lang siya nang humahangos na dumating ang kanyang tita at mga pinsan. "What did you do to your Grandpa, Erickson?" Naiiyak na tanong ng kanyang tita. Hindi siya nakasagot. Pati ang dalawa niyang pinsan ay tiningnan siya nang tinging nagtatanong. Hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot. "You're always been his favorite, how could you do this to him?" Tanong ni Ram sa kanya na may hinanakit. Napapikit siya at hindi alam ang gagawin. Nagtatalo ang kanyang isip a t puso. Namalayan na lamang niya na nagdilim ang kanyang paningin. At hindi na niya alam kung ano ang mga nangyari. Kinabukasan. Mabigat ang ulo ni Erickson at tila ito mabibiyak. Napahawak siya sa kanyang ulo at napapalatak. Hinilot-hilot niya ang kanyang sentido at unti-untiniyang iminulat ang kanyang mga mata. Nagulat siya nang may isang babae ang nakayuko sa kanyang tabi sa gilid ng kama at natutulog. Sinipat niya kung sino iyun at nanlaki ang kanyang mga mata. Si Rhianna! Paano napunta ang dalaga sa loob ng kanyang kwarto. Kumilos siya at bumangon. Kumilos ang dalaga at agad nagmulat. Nagkatitigan sila pero nagbawi ng tingin si Erickson. "Anong ginagawa mo rito?" Malamig niyang tanong sa dalaga. "Tinawagan kasi ako ni Tita kagabi," Mahinang sagot ng dalaga. Hindi siya umimik. "Gusto mo ba ng soup?" Tanong sa kanya ni Rhianna. "Don't bother!" Malamig pa ring tugon niya. Napatungo ang dalaga. Tila naman nakonsensiya si Erickson sa kanyang inasal sa dalaga. "Salamat," mahinang sabi niya kapagkuwan. Ngumiti ang dalaga sa kanya. "Walang anuman, ayusin mo na ang sarili mo at dalawin mo na ang lolo mo sa hospital." Wika ng dalaga. Natigilan siya at unti-unting nagbalik sa kanyang ala-ala ang nangyari sa kanila ng kanyang lolo. Napapikit siya at bumuntong-hininga. Tumingin siya sa labas ng bintana. "Mauuna nga pala ako," narinig niyang sinabi ni Rhianna. Tumango lang siya at ni hindi nilingon ang dalaga. Nakagat naman ni Rhianna ang kanyang ibabang labi dahil nasasaktan siya sa malamig na pakikitungo sa kanya ng binata. Malungkot niyang iniwan ang binata at mabibigat ang kanyang hakbang na lumabas sa silid nito. Nagpahatid siya sa driver ng binata hanggang sa tinutuluyan nuyang condo. Samantalang nahulog sa malalim na pag-iisip si Erickson. Ano nga ba ang kanyang desisyon sa nais ng kanyang lolo. Ang kanyang kasayahan ang taya rito at handa niya bang kalimutan iyun alang-ala sa kanyang mahal na lolo? Nagulat siya sa pagtunog ng kanyang selpon. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag si Bianca! Hindi niya alam kung sasagutin niya ba ito o hindi. Napagpasyahan niyang huwag sagutin ang tawag ng kanyang nobya. Hindi pa niya kayang harapin ang dalaga. At hundi niya pa rin kayang ipagtapat ang kanyang problema. Tumigil din sa katatawag sa kanya ni Bianca. Hinayaan niya lamang ang mga tawag sa kanya. Nang mahimasmasan ay naligo siya at nagbihis. Tinawagan niya si ang kanyang kaibigang si Romeo. "When will you be here?" Agad na tanong ni Romeo sa kanya. Tulad nang kanyang inaasahan ay nasa hospital na nga ito. Apo kasi ng kanyang Lolo sa tuhod si Romeo na naging matalik niyang kaibigan. "I'm coming," maikli niyang sagot. "Had you decided now?" Tanong nito ulit sa kanya. Bumuntung-hininga ang binata. "How is he?" Pag-iiba niya sa usapan. "So far, he's okay but dapat hindi na daw sana mauulit ang pag-atake ng highblood niya or else he will totally become paralyzed." tugon ni Romeo. Hindi siya umimik at ibinababa na niya ang kanyang selpon. Lumabas na siya sa kanyang silid at dumiretso siya sa kanyang kotse. "Master, saan tayo?" Tanong sa kanya ng kanyang driver. "Hospital," maikling sagot niya rito. Agad namang binuhay ni Pablo ang makina ng sasakyan at pinasibad na ito. Ilang minuto lang at nasa St. Claire Hospital na sila. Isang private hospital iyun na pagmamay-ari ng kanyang Tita Gladys. Agad siyang bumaba at dire-diretsong pumasok sa loob. Tinanong niya sa information desk kung saang kwarto naroon ang kanyang lolo. Hinatid siya ng dalawang nurses sa pribadong silid at pinagbuksan siya. Bumuluga sa kanyang paningin ang kanyang Tita Gladys at dalawaniyang pinsan kasama si Romeo. Marahan siyang pumasok at tumingin sa kanyang lolo na noon ay gising na. Umiwas ng tingin ang kanyang lolo at tumingn ito sa kabilang direksyon. Umalis ang mga nandoon upang bigyan sila nang pagkakataong mag-usap. Ngayon ay naawa siya sa hitsura ng kanyang lolo. Tumikhim muna siya bago magsalita. "Grandpa, I'm sorry." Mahinang sabi niya rito. Hindi tumugon ang kanyang lolo. "I'm sorry last night," muli niyang sinabi. Ganun pa ring hindi tumugon ang Don. "I've decided, I'm willing to marry Rhianna." sabi niya kahit nahihirapan sana siyang bigkasin ang mga iyun. Tumingin sa kanya ang kanyang lolo at tila umaliwalas ang mukha nito. "Without any doubt?" Tanong ng Don kay Erickson. Tumango ang binata kahit labag sa kanyang kalooban. "But promise me something, Erickson." Ani ng kanyang lolo. Tumingin siya rito at hinihintay ang sasabihin ng Don. "Make Rhianna happy don't make her sad, she loves you." Sabi ng kanyang lolo. Hindi siya umimik. "Erickson?" Ani ni Don Facundp. "I promise!" pangako niya kahit gusto na niyang bawiin ang kanyang mga sinabi. Ngumiti ang kanyang lolo a niyakap siya. "Soon iho magpapasalamat ka sa akin, pagdating ng panahon." Masayang wika nito sa kanya habang sila ay magkayakap. Samantalang si Erickson ay nagtanim ng sama ng loob at poot sa kanyang puso. Tinanggap niya ang pagpapakasal sa babaeng hindi niya mahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD