Chapter 7

1603 Words
TARAH’S POV HINDI ko alam kung anong oras na. Kanina pa kasi ako hindi makatulog. Baliktad lang ako ang baliktad sa kama ko pero hindi naman ako dalawin ng antok. Ang dami kasing gumugulo sa isip ko ngayon. Yong trickster na bigla na lang sumulpot at naniningil sa pagligtas niya sa akin noon. Tapos yong killer na muling nagbalik at any time puwede akong patayin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa totoo lang. Kung anong mangyayari sa akin sa mga susunod na araw, ipinagpapasa-Diyos ko na lang talaga. Sabi nung matanda, I was really destined to die that day. Pero iniligtas ako nung trickster na dapat sana ay hindi nito ginawa. Dahil daw sa pakikialam nito, nasira yong balanse nang mundo. Ngayon may mga kapalarang nagbago dahil doon. So yong mga nangyaring yon kasalanan ko ganun? How sad? Ganito na nga ang nangyayaris sa buhay ko tapos yong mga pasanin ng mundo ako pa ba ng kailangang magbuhat? Yon ba yong kabayaran dahil lang sa kagustuhan kong mabuhay? I just wish na sana may mapagsabihan ako nang mga ganitong klase nang problema. Pero alam ko walang makikinig sa akin. Gusto ko pa talagang mabuhay. Kaya lang paano ko hahanapin sa mundong ito ang ‘lalaking konektado sa nakaraan’ na siyang makakatulong sa akin ayon sa matanda. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako doon pero ano pa bang choice ko kundi yon na lang talaga. Ngayon pa ba ako hindi maniniwala. Ang dami nang hindi maipaliwanag na bagay ang nasaksihan ko. Bigla akong naabalikwas ng bangon ng tila may mahagip ang aking mga mata sa may terrace. Tila may nakita akong anino doon. Pero nung sumilip ako ay wala naman akong nakita. Marahil ay guni-guni ko lang yon. Nasa bandang second floor ang kuwarto ko at may sarili itong terrace. Kadalasan doon ako tumatambay at nagpapahangin. Minsan ibinubukas ko din sa gabi. Para diretso ang hangin sa kuwarto ko. Mas masarap pa sa pakiramdam ang hangin sa labas kaysa sa aircon. Bumaba ako saglit para uminom ng tubig. Nagulat pa ako nang makita kong bukas pa yong ilaw sa library. So gising pa si Tita. Marahil may mga inuwi na naman itong trabaho galing sa company. Minsan naaawa na din ako sa kanya. Nawalan na siya nang time sa sarili niya mula nung alagaan niya ako at magsimulang mamahala sa mga business na naiwan ng mga magulang ko. Isinantabi niya yong sarili niyang kasiyahan para sa akin. Mas naging priority niya ako. Lahat ginawa niya para sa akin. Kaya sobrang laki nang respeto ko sa kanya. Tatanawin kong utang na loob yong mga sacrifices niya sa akin hanggang mamatay ako. Kaya hangga’t maari ayaw kong sabihin talaga sa kanya yong problema ko ngayon. Hindi rin naman siya maniniwala. Pero ayaw kong dagdagan pa yong mga iniisip niya. Ayaw kong lalong maging pabigat. Dahil sa totoo lang kawawa din siya. Agad din akong umakyat ng kuwarto ko pagkatapos uminom. Muli akong nahiga sa kama. Haays! Sana naman makatulog na din ako. Tumagilid ako saka sinulyapan ang oras sa wall clock. Alas dose na pala nang gabi. Kinusot ko ang mga mata ko saka tumingin sa sofang nasa loob ng kuwarto ko. Para kasing may nasulyapan akong anino kanina doon. May taong nakaupo doon! Napabalikwas ako nang bangon saka sumigaw. Pero walang boses na lumabas sa bibig ko. Tiningnan ko yong taong nasa loob ng kuwarto ko. “Ikaw na naman!” gulat kong sabi nang mapagsino yon.” Paano mo nalaman na kung saan ako nakatira?” Akala ko di na siya magpapakita. Pero akala ko lang pala yon. Talagang wala itong balak tigilan ako. Kahit may kapangyarihan ito, hindi nama ako gaanong takot sa kanya. Mas takot pa nga ako sa killer, e. “Told you. Kahit saan ka pang lupalop ng mundo nakatira, mahahanapan kita,”seryosong sabi nito. “Puwede ba tigilan mo na ako. Ang dami ko nang problema, e. Hindi na ako makapag-isip ng maayos,”nanlulumong sabi ko. “Wala akong pakialam kung anong problema mo or pinagdadaanan mo. Basta maniningil ako sayo,”anitong tumayo saka nagsimulang lumapit sa akin. Tumakbo ako papunta sa pinto saka sinubukang buksan yon. Pero nakailang pihit na ako sa door knob ay ayaw pa ring bumukas nun. Halos mapasigaw ako sa takot nang bigla siyang sumulpot sa aking harapan. Napaatras ako sa likod ng pintuan hanggang sa macorner na niya ako. “Wala akong alam na pambabayad sayo,”nahihintakutan kong sabi. Halos magsumiksik na ako sa pintuan ng mga oras na yon. Nanlilisik ang mg mata nito sag alit nang mga oras na yon. Tumawa ito nang nakakainsulto. “Marami kang puwedeng pambayad sa akin. Pero dahil mabigat yong wish mo, yong soul mo lang ang puwede mong pambayad.” “Huwag naman, please. Gusto ko pa talagang mabuhay.”Lumuhod ako sa harap niya. Nagbabakasaling maawa ito sa akin. Pero hindi niya ako pinansin. “Hindi mo ako makukuha sa mga paganyan-ganya mo. Kung tingin mo maaawa ako sayo, nagkakamaili ka. Hindi ako marunong maawa dahil wala akong ganoong emosyon na nararamdam.” Mariin niya akong tinitigan ng mga oras na yon. Parang anytime lalamunin niya ako nang buhay. Nakaluhod pa rin ako. “Pera? Gusto mo ba nang pera? Yon na lang pambayad ko. Marami ako nun.” Alam ko namang hindi nito yon tatanggapin pero sinubukan ko pa rin. Sa mga oras na yon, natatakot ako para sa sarili ko. Kung gusto niya akong patayin at kunin ang hinihiling nito sa akin ay madali lang yon para sa kanya. Anong magagawa nang isang ordinaryong tao na kagaya ko sa isang katulad nito? “Iniinsulto mo ba ako?” gigil nitong sabi. “H-hindi. Hindi po.”Lalo akong natakot. “Bibigyan lang kita nang isang linggo. Pagkatapos nun kukunin ko na ang kaluluwa mo sa ayaw at sa gusto mo.”Tumalikod na ito pero tumayo ako at hinabol siya. Hinawan ko ang kamay niya para pigilan siya. Tila nagalit ito lalo sa ginawa ko. Parang didring-diri nitong tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa kanya saka hinawakan ako nang mahigpit sa leeg. Hindi ako makahinga sa ginawa niya. Pinipilit kong tanggalin ang kamay niya sa leeg ko pero walang-wala ang lakas ko kompara sa kanya. “Damn you human!” sigaw nito sa akin. “I-I’m sorr…”hirap na hirap na akong huminga. Papatayin na siguro niya ako. Mayamay’y bigla niya akong binitawan. Habol-habol ko ang paghinga ko nang mga oras na yon. Akala ko talaga tutuluyan na niya a'ko. Napahawak ako sa leeg ko. Madiin ang pagkahawak niya doon kaya naman mahapdi ito. “Walang karapatan ang mga kagaya mong hawak-hawakan lang ako. Hindi mo ako kapantay kaya umayos ka kung ayaw mong mapaaga ang pamamaalam mo sa mundo,”mariin nitong sabi. “S-sorry po. Hindi na po mauulit,”hingi ko nang paumanhin na nanginginig na sa takot. “Gusto ko pang mabuhay. Kaya sana naman bigyan mo naman ako nang konsiderasyon. Wala akong pambayad sayo pero kung gusto mo gawin mo na lang akong alipin mo. Puwede mong gawin ang gusto mo sa akin. Puwede mo akong utusan. Or kung may mga ipapagawa ka, tawagin mo ako. Gawin mo akong alipin hanggang makabayad ako sa utang ko sayo.” Naigilan ito at saglit na nag-isip. Kapagkuwan ay tiningnan niya ako. “Okay. Deal?” Ngumisi ito. Natuwa ako at nabuhayan ng loob sa narinig ko “Deal. Ano ang kailangan kong gawin?” Lumapit ito sa akin at kinuha ang kamay ko. Pinadaan niya ang palad niya sa palad ko. Mayamaya’y may nakita akong liwanag. Mula doon ay lumabas ang isang puting papel at feather pen. Kinuha nang trickster ang mga yon at iniabot sa akin. “Pinapauna ko na, habang buhay kitang magiging alipin. Lahat ng iutos ko sayo gagawin mo. Kung hindi mo ako susundin alam mo na kung anong mangyayari sayo,”may pagbabanta sa tinig na sabi nito. “Pirmahan muna.” Tumango ako saka mabilisang binasa ang nakalagay sa kontrata. Kapalit ng pagliligtas niya sa akin, habang buhay niya akong magiging alipin. Yon ang nasa kontrata. Huminga ako nang malalim saka pikit matang pinirmahan ang kontrata. Alam ko pagkatapos nito, maraming magbabago sa buhay ko. Pero mas okay na ito kaysa naman mamatay ako agad di ba? Bahala na. Hindi ito magiging madali pero kailangan kong magtiis. Pagkatapos kong pirmahan ang kontrata, kusa na lang din itong nawala sa ere. “Okay. We’re done. Simula ngayon alipin na kita at pagsisilbihan mo ako. Tuwing may kailangan ako gawin mo agad. Ayaw ko nang babagal-bagal,”seryosong sabi nito. Tumango ako. “Paano ko malalaman kung may kailangan ka?” “I’ll call you. Andito na nakasave ang number mo.”Ang cellphone na hawak nito nang mga oras na yon ang tinutukoy niya. “Okay po. Sabi ko na lang.” Wala na talaga akong magagawa. Pinasok ko ito kaya kailangan kong tapusin. Bahala na kung anong mangyayari sa akin. Ang mahalaga ngayon buhay ako at maipagpapatuloy ko ang paghahanap ng hustisya sa pamilya ko. Tumalikod na ito. “Make sure na kapag kinailangan kita, susulpot ka.” Naglaho na itong parang bulla. May pagbabanta sa boses nito. Nanghihinang naupo ako sa kama ko. Akala ko talaga mamatay na ako kanina. Kung tutuusin kayang-kaya naman talaga niya akong patayin. Pero buti na lang hindi niya ako tinuluyan. Kung naawa siya sa akin, hindi ko alam. Hindi ko alam kung tama ba itong naging desisyon ko. Wala naman kasi akong ibang choice. Kaysa mamatay ako nang maaga, mas mabuting sumugal na lang. Bahala na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD