TARAH’S POV
“SIGURADO ka bang ito talaga yong tamang address?” nakanguso kong tanong kay Andrea. Papunta kami ngayon sa Shaman na sinasabi nito. Hindi ko sukat akalaing sa liblib na lugar naman pala ito nakatira. Parang itong pinuntahan namin sa labas ng siyudad na. Paisa-isa na lang kasi ang bahay dito tapos bulubundukin pa. Sa totoo lang nakakatakot. Kapag may nagtangkang mangsalvage sa amin dito wala kaming mahihingian ng tulong. Papatayin na lang kami nang walang kalaban-laban kapag ganun.
Akala ko nga hindi ako papayagan ni Tita, e. Ipinaalam nga ako ni Andrea sa kanya pero hindi nito sinabi na pupunta kami dito. Iba ang ipinaalam nito kay Tita. Gumawa na lang ito nang kuwento at naniwala naman si Tita sa kanya. Buti hindi na pinasama pa yong mga bodyguards ko. Kasi I’m sure hindi ito papayag kapag sa ganitong lugar kami pupunta.
Bale tatlo lang kami ngayon. Yong driver, si Andrea at ako. iniwan na namin ang sasakyan dahil hindi na makakapasok pa yon dito. Naglakad na lang kami. Siyempre isinama namin yong driver at siya lang naman nakakaalam dito. Saka mas makakampante kami ni Andream kapag kasama namin siya.
“Ou Maam. Ito talaga yon.” Yong driver ang sumagot.”Nakapunta na po ako dito kaya kabisado ko po. Dito po talaga nakatira si Tatang.”
Napabuntong-hininga ako.
Para naman kasing walang nakatira sa ganitong lugar. Kung wala lang akong kailangan sa matandang shaman, hindi naman ako pupunta dito, e. Nakakatakot kasi sa totoo lang.
“Malayo pa ba, Kuya?” mayamaya’y tanong ni Andrea. Mukhang pagod na kasi ito. Mahirap kasi yong daan tapos paahon pa. Tingin ko parang 15 minutes na din kaming naglalakad.
“Ma’am malapit na po. Yon na o yong bahay ni Tatang,”anito sabay turo sa malaking bahay na may mataas na gate.
Huh? Seryoso?
Napanganga ako nang makalapit kami at matitigan ng maayos ang malaking bahay. Napakaganda nun. Mukhang mas malaki pa nga ito sa bahay namin. Hindi ko akalaing may nakatayo pa lang ganito kagandang bahay sa gitna nang bundok.
Sino kaya itong shaman na sinasabi nila? Parang milyonaryo naman yata.
Hinihingal pa rin ako. Sa totoo lang ay napagod talaga ako sa paglalakad. Hindi lang ako makareklamo at nagpapasama lang ako sa kanila. Siyempre nakakahiya din naman. Hindi rin kasi ako sanay sa ganitong lakaran. Mahina talaga ako.
Agad na nagdoor bell ang driver sa gate. Pero wala nakailang pindot na ito wala namang sumasagot. Wala naman yatang tao.
“Wrong timing yata tayo. Parang walang tao, e,” nailing na sabi ni Andrea.
“Hindi ko din alam, Ma’am. Halos mapudpod na nga po itong daliri kakapindot dito sa doorbell,” reklamo nang driver.
‘Kamalas naman’ inis kong sabi sa sarili ko.
Sayang naman yong biyahe naming pagkatagal-tagal kung wala din lang pala kaming dadatnan. Sayang yong pagod namin sa pagpunta dito.
Mayamaya’y biglang humangin ng malakas. Tapos may matandang lalaki na bigla na lang sumulpot sa harap namin. Lahat kami nagulat dahil hindi namin alam kung saan nanggaling. Wala naman ito kanina. S
“Y-yan si Tatang,” medyo nauutal na sabi ni Kuya driver na parang takot na takot.
“Anong kailangan niyo?” walang kangiti-ngiting tanong nito.
Napakapit tuloy si Andrea sa braso ko. Tila natatakot. Parang walang gustong sumagot sa kanya kaya ako na lang ang naglakas ng loob.
“Sabi po kasi may ibenebenta kayong mga pangontra sa mga bad spirits. Bibili po sana kami kaya po kami pumunta dito.” Pinilit kong ngumiti sa matanda kahit naalangan ako sa kanya. Sa totoo lang kumakabog na din yong dibdib ko sa kaba pero nagtatapang-tapangan lang ako.
Napunta tuloy sa akin ang atensyon niya. Matagal niya akong tinitigan saka kumunot ang noo nito.
“Ikaw ba ang may kailangan nun?” mayamaya’y tanong nito. Parang biglang itong bumait na ipinagtaka ko.
Tumango ako saka magalang na sumagot.” Opo. Meron po ba kayong benebenta?”
“Pasok tayo sa loob at hahanapan kita,”anito saka binuksan ang gate. Sumunod na din kami sa kanya.
“Sabihin mo sa mga kasama mo maghintay na lang dito,”narinig kong sabi nito pagkapasok namin sa gate.
Nagkatinginan tuloy kami
“Sige ako na lang. Hintayin niyo na lang ako dito ,”sabi ko kina Andrea.
“Are you sure?” nag-aalalang tanong n Andrea.
“Yeah. Mukhang mabait naman siya.”
“Huh? Mabait ba yon sa tingin mo? Nakakatakot nga siya, e,”nakangusong sabi nito.
“Hindi naman. OA mo. Sige na basta hintayin niyo ako dito.” Iniwan ko na sila at pumasok na sa loob ng bahay.
Lalo akong namangha pagkapasok sa loob. Kompleto kasi sa gamit. Marunong akong kumilatis kaya alam kong mamahalin lahat ng nasa loob. Yong ibang mga paintings at ibang gamit, kung hindi ako nagkakamali milyones ang halaga nang mga yon. Napapaisip tuloy ako kung shaman ba talaga ang nakatira dito? Parang kaduda-duda kasi.
Narinig kong tinawag ako nang matanda. Nakita ko siyang nakaupo sa maluwang na sala.
Lumapit ako sa kanya.
“Maupo ka,” utos nito.
Agad akong naupo sa upuang kaharap niya.
Tinanggal nito ang suot na shades. Bigla kong napansin yong isang mata niya. Puti lang kasi ang kulay nun. Walang itim. Kung nakakakita ba yon o hindi, yon ang hindi ko alam.
“Ano po bang puwedeng gawin? Nitong nakararaang araw po kasi may kakaibang nilalang na nanggugulo sa akin. Baka po may pangontra sa kanya,” lakas loob kong sabi sa kanya. Hindi ko alam kung matutulungan ba niya ako o hindi. Pero sana naman oo para matapos na yong problem ako.
Seryosong tumitig siya sa akin bago nagsalita. “Walang pangontra sa kanya.
Kumunot bigla ang noo ko.”Ano pong ibig niyong sabihin?”
“Mamatay ka dapat ng araw na yon. Pero iniligtas ka niya na dapat sana hindi niya ginawa. Dahil sa pakikialam niya, nasira na naman ang balanse nang mundo,”nailing nitong sabi.
Biglang nanlamig ang mga kamay ko. Paano niya alam yong bagay na yon. Wala naman akong sinasabi sa kanya. Bigla tuloy akong natakot lalo sa mga sinabi niya. Hini ko tuloy alam kung papaniwalaan ko ba.
“Paano niyo po alam ang bagay na yon?” lakas loob kong tanong sa kanya.
“Sa matang ito, nakikita ko lahat,”turo niya sa kakaibang mata. “Tanggapin mo na lang kung anong kapalaran mo.”
“Na ibibigay ko na lang ang kaluluwa ko sa kanya ganun po ba?” medyo inis kong sabi. Hindi din lang pala niya ako matutulungan tapos kung ano-ano pang sinasabi niya para takutin ako
Hindi ito sumagot. Nanatiling nakatingin lang ito sa akin ng mga oras na yon habang nakakunot ang noo.
So does it mean na talagang mamamatay din lang pala ako? Parang hindi ko kaya yata kayang tanggapin yong bagay na yon. Hindi ko pa nabibigyang hustisya ang pagkamatay ng pamilya ko. Ano pang silbing nabuhay ako kung ganun din lang pala ang magiging kapalaran ko? Sana naman total binigyan din lang naman ako nang pangalawang pagkakataon para mabuhay, bakit hindi naman hinabaan. I really want to live my life to the fullest. At alam kong yon din ang gustong mangyari nang pamilya ko.
“Sorry pero hindi po ako papayag na maging ganun lang ang kapalaran ko. Marami pa akong gustong gawin sa buhay. Hindi ang kapalaran ang magdidikta kung anong mangyayari sa buhay ko,”determinado kong sabi.
Tumayo na ako. Wala nang rason para magtagal pa ako dito. Wala din lang naman akong mapapala. Sayang lang ang ipinunta namin dito. Alam kong kaya niya akong tulungan pero halatang wala itong balak. Bahala na kung anong mangyari sa akin. Alam ko di naman ako pababayaan ng Diyos.
“Kung gusto mo pang mabuhay, hanapin mo ang lalaking konektado sa nakaraan,” narinig kong sabi nito nang patalikod na ako. Napatigil tuloy ako bigla saka naguguluhang nilingon siya. Anong ibig niyang sabihin doon? Konektado sa nakaraan? Ano yon?
Pero paglingon ko wala na ito sa kinauupuan nito kanina. Tila naglaho na lang itong parang bula. Sinubukan ko siyang tawagin pero walang sumasagot. Hinanap ko rin siya sa bawat sulok ng bahay pero hindi ko siya nakita. Ewan kung bakit bigla na lang siyang nawala.
Nanlulumo tuloy akong lumabas sa loob ng bahay. Gulong-gulo talaga yong isip ko. Pero kung hindi rin ako nagpunta dito, hindi rin sana ako makakahanap ng sagot sa problema ko. Kaso parang napakaimposible naman yata nang sinasabi niya. Saan ko hahanapin ang lalaking yon? Ang lawak kaya nang mundo at bilyon ang papulasyon. Baka patay na to ako hindi ko pa nahahanap ang sinasabi nitong lalaki.
“Ano kamusta? May nabili ka bang pangontra,”salubong na tanong ni Andrea.
Umiling ako. “Wala, e. Hindi naman yata siya nagtitinda nang mga ganun.”
“Nagtitinda yon. May mga ibenenta nga siya kay Mama.”
“Wala naman siyang ibinigay,” sabi ko na lang. Sabi nga nung matanda walang puwedeng pangontra sa kanya. Kaya kung may tinda man ito, waladin yong kuwenta.
“Hayaan mo na. Hanap na lang tayo nang ibang shaman. Maraming kakilala si Mama.”Ngumiti ito saka kumindat sa akin.
Napabuntong-hininga na lang ako.
“Tara na nga,”sabi ko saka naunang nang naglakad.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Para kasing nadagdagan lang yong problema ko sa mga nalaman ko. Lalo na sa sinabi niyang mamamatay talaga daw dapat ako 10 years ago. Kung totoo man yon, hindi ko alam.
Pero natatakot ako. Sobra!