Chapter 5

2011 Words
TARAH’S POV SIYA yong mysterious guy na nakita ko sa cake shop. Yong nagpatigil ng oras at bigla na lang nawala. Sabi na nga ba. Hindi ko lang imahinasyon yong nangyari doon. Pero bakit andito siya ngayon? Anong kailangan niya sa akin? Naiiyak na talaga ako. I just wish na sana may makakita sa akin at saklolohan ako. Hindi ko alam kung anong binabalak gawin sa akin ng hayop na ito. Wala naman sa hitsura nito ang gagawa nang masama. Napakaguwapo nito para sa isang normal na tao. Yong hitsura nito parang out this world. Siya na ang pinakamagandang lalaki na nakita ko . Pero sabi nga “Don’t judge the book by its cover.” Baka nasa loob ang kulo nito. Hindi ko alam kung tao ba siya. May tao bang kayang gumamit ng mahika? “Nandito ako para maningil ng utang,”kibit balikat nitong sabi. “Utang? Ako may utang sayo? Ang kapal ng mukha mo. Wala akong matandaang umutang ako sayo. Ni hindi nga kita kilala,e,” malakas ang boses na sabi ko. Bakit ganun? Kung tatangkain kong sumigaw walang lumalabas na boses sa akin. “Yes, may utang ka sa akin. Of course hindi mo maalala yon kahit anong gawin mo,”nakataas ang kilay na sabi nito habang palakad-lakad sa harap ko. Nahihilo tuloy ako sa kanya. Sinusubukan kong gumalaw pero hindi pa rin ako makagalaw. Para akong itinulos sa kinatatayuan ko. Nilalakasan ko na lang talaga ang loob ko nang mga oras na yon. Kahit takot na takot ako sa kanya, pilit ko na lang kinakalma ang sarili ko. I know he can hurt me kung gugustuhin niya. Knowing na hindi siya ordinaryong tao, he can even kill me nang walang kahirap-hirap. “Anong ibig mong sabihin?” kunot noong tanong ko. “Basta mahirap ipaliwanag lalo na sa kagaya mong mahina ang utak,” nailing nitong sabi. Ako mahina ang utak? Iba din ang tabas ng dila nitong hayop na ito. Hindi akma yong gandang lalaki nito sa ugali nito. Sayang! “Excuse me? Mukhang nagkamali ka lang ata ng sinisingil? Sigurado ak bang ako talaga yon hinahanap mo?”lakas loob kong tanong sa kanya.” At saka ano bang ginawa mo sa akin? Bakit hindi ako makagalaw? Ano ba kasing sinasabi niyang utang ko sa kanya?Kelan ba ako nagkautang? Kasi sa pagkaka-alam ko hindi ko naman gawain yong ganung bagay. Saka bakit ako mangungutang di ba? Hindi ko naman kailangan ng pera dahil hindi naman ako naghihirap. Mabubuhay na nga ako kahit hindi ako magtrabaho,e. Hindi nito pinansin ang sinabi ko. “You’re probably thinking right now kung anong utang mo sa akin. Tama ba ako?”nakaismid nitong sabi. Nagulat ako nang nakakagalaw na ako. Tinangka kong tumakbo pero parang bumigat uli yong mga paa ako. Umiling ito.”Pinapahirapan mo lang sarili mo. You think you can run away from me? Kahit nakapikit ako mahahanap kita.” “Sino ka ba talaga? Bigla ka na lang kasing susulpot tapos maniningil ng utang na hindi ko naman alam,”nanghihina kong sabi. I can’t believe may mga nilalang pala talagang may mga kapangyarihan. At isang patunay ngayon ang misteryosong lalaking ito sa harap ko. “Ah, I forgot to introduce myself. How rude of me,”pasarkastiko nitong sabi saka mariing tumitig sa akin. “I’m Raven. Isa akong Trickster.” Napanganga ako. Trickster? Saan ko ba narinig yon? Ah, alam ko na. Sa Mama ko. Yon yong book na madalas niyang basahin sa akin dati nung bata pa ako. Yong story ay tungkol sa isang nine tailed fox na di ko na maremember ang pangalan. Hindi ko na din maalala masyado yong story. Pero ayon sa mga matatanda ang mga Trickster ay mga nilalang na tumutupad sa kahit anong hilingin ng mga tao pero may kapalit. Kailangan mong makipagdeal sa kanila kung gusto mong matupad yong hiling mo. Hindi ko alam kung maniniwala b a ako sa sinasabi niya. Pero since may kapangyarihan ito, puwedeng possible ang sinasabi niya. Akala ko isang myth lang at hindi totoo ang tungkol sa Trickster. I can’t believe totoo pa lang may nilalang na ganun. Puno talaga nang misteryo ang mundo. Hindi lang pala talaga tao ang nilikha nang nasa Taas. “T-trickster? Yong nilalang na nagga-grant ng mga wishes pero may kapalit?” medyo alanganin kong tanong. Ngumisi ito. “Yes. “ Kinabahan ako. Paano ako na-involve sa isang kagaya niya? Ngayon ka nga lang siya nakita,e. “But I don’t remember making a deal with you,”naguguluhan kong sabi sa kanya. “Ni hindi ko nga alam na may nilalang palang kagaya mo.” Tinitigan niya ako nang mariin bago nagsaita. “Actually walang deal na nangyari sa atin. I just grant your wish and promise to return one day para maningil. Ang tawag dun Debt.” Napabuntong-hininga ako. “Ang gulo mo. Paki-explain nga nang maayos kasi hindi ko maintindihan.” “Okay ganito na lang para hindi na ako mag-explain. Mahina ang kukote mon e,”inis nitong sabi saka hinawakan ako sa noo. Kasabay nun ay mga blurred images akong nakita na unti-unti naging malinaw. Parang bumalik ako sa nakaraan. This was 10 years ago-the night my family got murdered. Nakita ko yong sarili ko na nakahandusay sa sahig at nag-aagaw buhay. Duguan at maraming saksak sa katawan. Sa tabi ko naman ang ate kong wala nang buhay at tulad ko’y tadtad din ng saksak ang katawan at naliligo na sa sariling dugo. Pilit ko siyang inaabot habang tahimik na lumuluha. Parang madudurog ang puso ko nang mga oras na yon dahil wala man lang akong nagawa para sa kanya. Mayamaya’y may lalaking pumasok sa kuwarto. It was him! The Trickster! Nakatingin sa amin habang umiiling. “S-somebody h-help us…”nanghihina kong sabi at naubo. Lumabas ang maraming dugo sa bunganga ko. I know I’m dying pero umaasa pa rin akong may darating at tutulong sa amin. Narinig ako nang lalaki saka lumapit at bumulong sa tenga ko. “Do you want to live?” “Y-yes...” hindi ko alam kung narinig ba niya yong sinabi ko dahil parang hangin na lang yon. “As you wish.” Narinig kong sabi nito at sa nanlalabo kong paningin nakita kong hinawakan niya ako sa noo. Hindi ko alam kung anong ginawa niya. “We’ll meet again when the right time comes. Saka ako maniningil sayo,” bulong nito sa tenga ko bago tuluyang magdilim ang paningin ko. Napahagulgol ako sa iyak sa ipinakita nitong yon. Ang sakit sa dibdib lalo na nung g makita ko yong ate Zoey ko. Yon yong huling gabing nakita ko siya at nakasama. Nung burol nila wala ako. Nasa hospital pa at walang malay. Paggising ko nailibing na sila. Ni hindi ko man lang sila nakita sa huling sandali nila. “Ngayon alam mo na kung anong utang mo sa akin,”walang emosyong sabi nito. Umiiyak akong tumingin sa kanya. “Nandoon ka nung gabing yon pero bakit ako lang ang niligtas mo. Bakit di mo tinulungan yong pamilya ko? Di sana kasama ko pa sila ngayon.” Umiling ito.”Huwag mong isisi sa akin ang nangyari sa pamilya mo? Pasalamat ka na lang tinulungan pa kita. Ang problema sa inyong mga tao, hindi kayo makontento sa buhay.” Nakita ko ang pag-iiba nang ekspresyon ng mukha nito. Tila nagalit yata sa sinabi ko. Lumapit ito at bumulong sa tenga ko. “One of these days. Kukunin ko ang kaluluwa mo kaya ihanda mo ang sarili mo,”mariing sabi nito. Halos tumaas ang balahibo ko sa kamay sa sinabi niya. “H-Hindi puwede,” matigas kong sabi. “Gusto ko pang mabuhay.” Ou tama. Ayaw ko pa talagang mamatay. Bata ako at marami pa akong gustong gawin sa buhay. Saka hindi pa nakukulong ang pumatay sa pamilya ko kaya hindi puwedeng basta na lang akong papayag sa gusto niya. Kahit pa may utang ako sa kanya. Tumawa ito nang nakakainsulto. “Wala kang magagawa. Ako ang masusunod. Hindi ikaw.” “Lumayo ka sa akin! Kailanman hindi ko isusuko ang buhay ko sayo,” galit na sigaw ko sa kanya. Sinubukan kong maglakad at nagulat ako nang nakakagalaw na ako uli. Tumakbo ako palayo sa kanya. Kahit anong mangyari hindi ako papayag na kunin na lang niya nang. basta-basta ang buhay ko Nagtaka pa ako nung hindi na niya ako hinabol. Pero narinig ko pa yong boses niya. “Kahit anong gawin mo hindi ka makakatakas sa akin,”parang nagbabanta nitong sabi. Halos mangatog ang mga bini ko sa sobrang takot. Alam ko namang walang magagawa ang isang tulad ko sa kagaya niya. Pero kahit na. Alangan namang ibigay ko na lang ang gusto niya? No way. So utang ko pala talaga yong buhay ko sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya patay na sana ako ngayon. Pero bakit ako lang yong niligtas niya? May kapangyarihan siya pero bakit pinabayaan niya lang ang pamilya ko. Tapos ngayon sisingilin niya ako? Hindi ko naman hiniling na iligtas niya ako. Siya naman ang nagkusa. Kinuha ko ang panyo sa loob ng bag ko saka pinunas ang mga mata ko. Inayos ko ang mga gamit ko saka mabilis ng lumayo na doon Kahit saang sulok ako nang mundo magtago, alam ko namang mahahanap niya ako,e. ‘Pero bahala na diyan’ ISANG linggo na din ang nakakalipas mula nung magpakita sa akin yong Trickster. Pero mula noon di naman na uli nagpakita pa. Inaabangan ko nga lagi. Or puwedeng tumitiyempo siguro. Kaya dapat hindi ako makampante. Alam ko babalikan niya ako. Siya din naman ang maysabi. “May alam ka bang pangontra nang bad spirits ganun?” mayamaya’y tanong ko kay Andrea. Si Tita Kate kasi na Mama niya mahilig sa mga ganun. Kaya nagbakasakali akong baka may alam din si Andrea at matulungan niya ako sa problem ako. Katatapos lang naming maglunch ng mga oras na yon. Gusto ko sanang sabihin sa kanya yong tungkol sa problema ko pero baka mamaya pagtawanan lang niya ako. Alam ko din naman kasi sa sarili ko na talagang mahirap paniwalaan yon. Ilang gabi na din kaya akong hindi makatulog sa kakaisip doon. Ang dami ko nan ngang problema dumagdag pa yon. Para na akong mababaliw. “Bakit may mga nagpaparamdam ba sayo?” nanlalaki ang mga matang tanong nito. “Parang ganun,”sabi ko. Ewan ko lang kung tatalaban ba ng mga pangontra ang Trickster na yon. Tingin ko kasi parang hindi. Pero nagbabakasakali lang naman. Malay mo lang di ba? “Ang alam ko may nameet si Mama lately na magaling na shaman. Nagbebenta din yon ng mga pangontra, talisman ganyan. Gusto mo kunin ko address niya kay Mama at puntahin natin kapag free time natin,”suhestiyon nito. “Gusto ko sana kaso baka hindi ako payagan ni Tita Veronica. Alam mo naman,”sabi ko sa kanya. Hindi ko na kailangan i-explain pa yon dahil alam na niya yong sitwasyon ko. “Ako magpapaalam sayo,”prisinta nito.”Trust me. Papayag yon.” “Subukan mo. Kung papayag siya di maganda.” Kahit magjogging nga lang sa loob ng subdivision na tinitirhan namin, gusto niya may bodyguards pa rin ako. Safe na nga lang ako doon. Diyos ko naman! Walang-wala na akong privacy. Minsan naiinis na din ako pero wala akong magawa. Alam kong pinoprotektahan lang naman niya ako. Patong-patong na talaga ang problema ko. Yong killer pa na baka mamaya aali-aligid na pala sa akin. Tapos yong Trickster pa na yon. Na hindi ko alam kung kailan susulpot. Napailing na lang ako. Anyway bahala na kung anong mangyari. Totoo naman talagang utang ko yong buhay ko sa Trickster na yon. Kung gusto niya yong bawiin, wala akong magagawa. Pero sana huwag muna ngayon. Hayaan niya muna sanang makita kong nakakulong at nagdurusa yong pumatay sa pamilya ko. Kung nangyari na yon kahit anytime puwede na niya akong kunin. “Akong bahala,”nakangiting sabi nito. Naailing na lang ako. ‘Sana nga mapapayag niya si Tita.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD